Chapter 9

1047 Words
NAKAILANG katok na si Aya sa pintuan ng bahay na iyon subalit wala pa ring nagbubukas ng pinto. Naiinip na rin siya. Akmang tatalikod na siya nang biglang bumukas ang dahon niyon. Halos pareho sila ng naging reaksiyon ng lalaking bumungad sa kanya. Awang ang labi at parehong natitigilan. Sa ilang sandali ay tila may dumaang anghel sa pagitan nila. Bakas na bakas ang matinding pagkagulat sa mukha ng nasa harap niya ngayon. Parang hindi pa nga ito makapaniwala sa una dahil tila kinilala pa siya pero marahil ay natanto nito kung sino siya kaya gayon nalang ang naging panlalaki ng mata nito. Ang totoo ay para itong nakakita ng multo sa itsura nito ngayon. Bukod sa pagkagulat ay namutla pa ito. Bago pumunta sa bahay na iyon ay ilang beses pa niyang hinamig ang sarili. Naghahalo ang galit, kaba at excitement sa kanyang katawan habang naghihintay na bumukas ang pinto. Excited siya hindi dahil makikita niya ulit ang taong minahal niya noon kundi dahil masisimulan na niya ang paghihiganti. At hindi na siya makapaghintay na mangyari ang mga balak. Sinigurado niyang maganda siya sa pagpunta niya roon. Naka-jeans lang siya na litaw na litaw ang magandang hubog ng kanyang balakang. Sleeveless blouse na kulay puti ang isinuot niya na medyo mababa ang neckline. Sinadya niya iyon dahil gusto niyang kunin ang atensiyon ng taong pakay. Nakalugay lamang ang buhok niya at simple lamang din ang make-up niya pero magandang-maganda pa rin siya. Oo. Naglagay siya ng kaunting make-up kahit hindi naman talaga siya mahilig maglagay niyon. Maging siya ay natigilan sa unang pagtatama ng kanilang mga mata. Nakilala kaagad niya ito. At kagaya nito ay hindi rin siya nakapagsalita ng ilang segundo. Pero sa huli ay siya ang unang nakabawi. Gusto pa nga niyang matawa sa naging reaksiyon nito. Bumuka ang bibig niya para pagsalita. “Kumusta ka na Christian?” suwabe, buo at mapang-akit pero may bahid ng panganib na bati niya rito. Hindi niya nilubayan ng tingin ang mga mata nito. “A-Aya?” nanulas lang sa bibig ni Christian. Ilang beses pa itong kumurap-kurap. “Mabuti naman at kilala mo pa ako. Akala ko ay hindi mo na ako matatandaan eh. At hindi ako isang aparisyon lamang Christian. Totoong nandito ako sa harap mo.” Isang pekeng ngiti ang nakaplaster ngayon sa kanyang labi. Gusto niya itong sampalin subalit matinding pagpipigil ang kanyang ginawa. Gusto niya itong saktan at pagsalitaan ng masasakit na salita. Gustong-gusto niyang basagin ang mukha nito sa oras na iyon. Kung gagawin niya iyon ay hindi pa nagsisimula ang kanyang plano ay purnada na. At ngayon niya mapapatunayan ang sinabi kay Janet, naubos na ang lahat ng pagmamahal na naramdaman niya para rito noon. “A-Aya... h-hindi ko alam na n-nakalabas ka na pala…” pautal-utal nitong wika. Hindi inaasahan ang biglang pagsulpot sa harapan ng bahay nito. "K-Kailan pa?" Ngumisi siya. “Oo nga eh, wala ka na kasing naging balita sa akin simula ng mangyari iyon. Pero huwag kang mag-aalala. Hindi ako nagpunta rito para awayin ka o ano pa man. Gusto ko lang magpakita sa iyo, makumusta ka. At kailan lang din ako nakalabas.” sinadya niyang magtunog malungkot ang tinig sa bandang dulo. "Akala ko nga naghihintay ka sa paglabas ko." Umawang nanaman ang bibig nito. Naging balisa rin ang itsura nito. Tila hindi pa rin nakakabawi ang lalaki sa kanyang pagdating. Patingin-tingin din ito sa loob ng bahay. Ibinalik niya ang sigla sa mukha at tinig. “Ganyan ba ang pagwe-welcome sa dating kakilala? Hindi mo ba ako aaluking pumasok sa loob?” tanong niya. “H-ha? K-kasi Aya…” rumehistro ang pag-aalangan sa mukha nito. Bago pa siya muling makapagsalita ay tuluyang lumuwang ang pagkakabukas ng pinto. Iniluwa niyon ang isang babae na sa tingin niya ay kasing-edaran lang din nila ni Christian. “Christian, sino siya?” Anang babae sabay tingin sa kanya. Hinagod siya nito ng tingin. Hindi siya nagpatalo. Hinagod din niya ito ng tingin. Naagaw ng kanyang pansin ang tiyan nitong malaki na. May itsura rin naman ang babae pero may kaliitan. Morena ito at medyo petite ang katawan. Pero cute ang mukha. “Precy, si A-Aya…k-kaibigan ko dati.” Nag-aalangan nitong pakilala sa kanya sa babae. “Aya, si Precy, misis ko.” Umawang ang kanyang labi at natahimik subalit sandali lamang iyon. Mabilis siyang nakabawi sa kabiglaan. Muli niyang pinadaanan ng tingin ang babae. Hindi niya akalaing may asawa na ito. Kung gayon ay tuluyan na pala siya nitong kinalimutan. Ang akala pa naman niya kahit masama ang loob niya rito ay mayroon pa rin itong oras para isipin siya habang nasa loob siya ng kulungan. Subalit ngayong nalaman niyang may sarili na itong buhay, pakiramdam niya ay daig pa niya ang tinarakan ng balaraw sa dibdib. Ang nag-iisang lalaking minahal niya noon ay may sarili ng pamilya ngayon. She was disappointed. Idagdag pang buntis ang babae. Ang lalaking naging dahilan ng kanyang pagkakakulong ay nagpapakasaya sa bago nitong pamilya habang siya ay nagdurusa sa loob ng piitan. Lalong lumalim ang galit niya para sa lalaki. Gusto niya itong murahin at sampalin subalit mariin nalang niyang ikinuyom ang kamao. Kaharap nila ngayon ang asawa nito at kahit galit siya sa ama ng bata ay ayaw niyang mayroong hindi maganda mangyari sa mag-ina nito. Ang lalaki lang ang may atraso sa kanya. “Aya? Parang ngayon mo lang siya nabanggit sa akin.” Takang-sabi ni Precy. Tila wala naman dito ang namamagitang tensiyon sa kanila. Wala rin siyang nararamdamang negative vibes sa babae sa totoo lang. “Matagal siyang nawala kaya hindi natin siya nakikita.” Mabilis na sagot ni Christian. Naging mailap ang mga mata. “Hello Precy. Kumusta ka?” muli niyang iplinaster ang pekeng ngiti para rito. Iniabot niya ang kamay sa babae na inabot din naman ito. Gumanti ito ng ngiti sa kanya. Ngiting walang bahid ni munti mang kaplastikan. Natanto kaagad niyang magugustuhan niya ang babae. “Mabuti naman. Halika, pasok ka.” Anyaya nito sa kanya. Nang tumango siya ay nagpatiuna na itong pumasok sa loob. Dinaanan niya lang si Christian na halatang hindi pa rin makapaniwala sa presensiya niya. Hindi niya ito sinulyapan. Seryosong-seryoso ang mukhang sumunod sa sa kanilang dalawa ng asawa nito. Lihim siyang napangiti. Nakakaamoy siya ng tagumpay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD