It's been three weeks before I last saw of Jaxen. And last week we didn't hangout, so i guess babawi sila ngayong week. Wala naman kasing gagawin ngayong week. Tapos na namin lahat ng plates for this semester.
"Do you have plans for christmas, Zara?" Tanong ni kuya.
Nandito kasi kami ngayon sa sala, nanonood. Pa-chill-chill na lang kami ngayon kasi nga patapos na yung semester tapos christmas break na.
"Katulad ng dati. Bibisitahin yung grave nila, Ate Treena, Kuya Yuan, 'tsaka Papa." Ani ko sabay baling ulit sa t.v.
"Nothing else?"
"Baka mag-aya sila Frans. 'Di ko pa sure. How 'bout you?" Sabi ko nang hindi tinatanggal ang tingin sa pinapanood.
"Samahan kita sa sementeryo. Baka din mag-aya sila Shaun 'tsaka Gavriel. Si aianna kasi paniguradong sa bahay nila. Uuwi mga relatives from other countries." Aniya.
"May kaibigan ka pala?" Pabiro kong usal.
"Aba. Ginaganyan mo na 'ko porke nagkaro'n ka ng kaibigan, ah?" Sabay baling n'ya sa 'kin.
"Hanap ka friends, brad. Hahaha!"
"Alis muna 'ko. May pupuntahan lang ako. Hintayin mo'ko o alis ka rin?" Tanong n'ya.
"Ewan. Wait, i-chat ko sila kung may free ba sila ngayon." Ani ko sabay kuha ng cellphone sa may lamesa.
Chinat ko sila kung free ba sila ngayon, ayain ko sila dito sa bahay. Tinext ko si Vien 'tsaka ko na lang cinopy yung text.
'Libre ba kayo ngayon? Bilhin ko sana kayo, e. Jk. Puntahan n'yo 'ko sa bahay aalis si kuya, wala akong kasama.'
Ayan yung text ko sa kanila.
Ilang sandali langang lumipas nagreply sila.
Xavienna Louisse
Otw.
Francille Reazein
I will come. Will take a bath first.
Kyrous Andreas
K, sabay-sabay na lang kami nila Xael 'tsaka Gio.
Giovanni Elizier
LIGO MUNA KO!!!
Xael Caden
Taehnha mo❤❤❤
Nagpaalam ng umalis si kuya kaya naligo na rin ako, naka pajama pa kasi ako. Pagkatapos kong maligo nagsoot lang ako ng white v-neck oversized tees 'tsaka ako kumuha ng jersey shorts sa kuwarto ni Kuya.
Tumawag si Frans sa'kin na nasa lakbas na daw s'ya ng village kaya kahit 'di pa 'ko nagsusuklay lumabas na'ko.
Nagmamadali akonag naglakad papunta sa nay gate, nakita ko s'ya na nakatauo kasama si Jaxen.
"Frans! Hello!" Sjgaw ko.
"'Di mo'ko babatiin?" Ani ni Jaxen. Nakalabas na rin s'ya ng kotse n'ya. Mukhang aalis, e. Nakabihis.
"Edi goodnight." Sarkastiko kong saad.
"Good morning rin." 'Tsaka s'ya ngumiti.
"Halika na, Frans!" Aya ko. "Ay, ikaw pala, 'di ka na ba papasok? Edi 'wag." Baling ko kay Jaxen.
"Sabi mo, e. Una na'ko, Frans, Cass. Sunduin ko pa si Chaile." Aniya habang sumasakay sa kotse.
Ah. So, may lakad pala sila nung Chaile? Sabi ko nga.
"Wala pa sila Vien. Ikaw pa lang una. 'Ta mo 'di pa 'ko nakakapagsuklay." Sabi ko kay Frans habang naglalakad.
"Vien said kanina na papunta na s'ya sa inyo?" Takang tanong n'ya.
"Sinungaling 'yun. 'Lika na!"
Pagkarating ko sa bahay jakita ko si Vien na nanonood ng t.v habang kumakain. Nakataas pa ang paa.
"Sarap ng buhay mo d'yan, ah?" sigaw ko nang makalapit kami sa kanya.
"Naman, bahay ko 'to, e." sagot n'ya ng hindi kami binabalingan.
"Wala pa sila Xael?" ngayon lang lumingon si Vien.
"Wala pa, ewan ko kung saan na napadpad yung nga hayop na 'yon." usal ko 'tsaka inayang umupo si Frans.
"HI FANS!" nagulat kami sa lakas ng sigaw 'tsaka horror pa naman pinapanood nitong si Vien.
"Ina n'yo. Bakit ang tagal n'yo?" baling sa kanila ni Vien.
"Eh kasi si Kyan ang tagal maligo. Isang oras nasa banyo."
"Ah. O sige. Gawin n'yo na ang gusto n'yong gawin d'yan may kukunin lang ako sa taas." Unakyat na'ko ng hagdan para kuninyung cellphone ko 'tsaka magsuklay na rin.
Pagbalik ko nanood ulit kami ng mga movie 'tsaka gumala.
It's now tuesday. May pasok kami kaya maaga akong nagising. May bibilhin pa kasi ako sa mall. Wala din atang class sa first period kaya p'wede naman magtagal.
Nandito na'ko ngayon sa national bookstore para bumili ng mga art materials ko pang-gawa ng mga plates 'tsaka na rin sa pag-wa-watercolor paint ko. Naging hobby ko na 'yon since namatay sila... ate Treena tsaka kuya Yuan...
Nagtingin ako sa mga watercolor na complete yung kulay para isahang pallet na lang gagamitin. Kaso yung pinaka malaki nasa pinaka taas, 'di ko abot. Don't get me wrong, ha? Matangkad ako. 6'0. Sadyang mataas lang talaga yung shelces nila dito. Kahit tumingkayad ako 'di ko pa rin s'ya abot. Nagulat na lang ako nung may kamay na umabot do'n sa kinukuha ko. Ang bango n'ya, girl. Pagkatalikod ko si Jaxen lang pala.
"Pst! Pa-abot ha!" Sabi ko. Baka kasi 'di para sa'kin 'yung inaabot n'ya nakakahiya naman.
"Inaabot ko na nga. 'Di mo kita? Wala kang mata?" Pilosopo n'yang sagot sabay bigay sa'kin ng watercolor pallet.
"'Kay. Thanks." Aalis na sana ako para bayaran yung mga kijuha ko pero pinigilan n'ya 'ko.
"Teka! Sabay mo na 'to! Wala akong aang pera!" Sabay abot n'ya du'n sa hawak n'yang libro.
"Pumunta ka dito tas wala kang dalang pera?" 'Di ko makapaniwalang sagot.
"Eh malay ko bang susundan kita dito." Bulong n'ya.
"Stalker ka rin pala ano?" Nakangising kong tanong sabay talikod sa kanya kaya sumunod s'ya sa'kin palunta sa counter.
"Rinig mo pa yung sinabi ko? Aso ka ba? Talas naman ng pandinig mo." Usal n'ya habang binabayaran ko yung mga binili namin.
"Tanga ka ba? Ang lakas kaya."
"Tara kain tayo. Libre ko." Aya n'ya ng makalabas kami ng NBS.
"Tangina mo akala ko ba wala kang pera tas manglilibre ka ngayon?" Inis kong saad.
"Uhm... basta halika ka na. Dami mong reklamo." Aniya sabay hila sa kamay ko.
Makahila naman 'to parang wala ng bukas. Tumingin ako sa kamay n'ya na naka hawak sa kamay ko. Suot n'ya yung hair tie ko...
Pumasok kami sa isang fastfood chain dito sa mall kahit sawang-sawa na'ko, go na lang!
Pagkarating ng pagkain naman qgad n'yang tinanong,
"Bakit namatay ate't kuya mo?"
Natigilan ako do'n kasi ayaw na ayaw kong naaalala 'yon. Masakit pa rin kahit ilang taon na ang lumipas. Pero napagdesisyonan ko naman na sabihin sa kanya.
"Ate Treena died because of the r****t. Yes. Nirape s'ya. Tangina. Si kuya naman pinatay din nung nangrape at pumatay kay ate. Kuya Yuan is trying to save ate kaya pati s'ya pinatay. Si kuya lang din kasi nakakita sa krimen kaya walang matinding ibedensya. 'Di napakulong yung tanginang lalaking 'yon."