Monday ngayon, nagreready na 'ko para pumasok sa school. Susunduin daw kami nila Xael. Iisang school lang kasi pinapasukan namin. Sayang, si Frans nasa ibang school. Sabi n'ya lilipat s'ya next school year, I don't know kung totoo, kasi 'di ba si Jaxen doon rin.
"Kuya! Sila Xael kasabay ko ngayon! Pasok ka mag-isa mo!" sigaw ko habang nag-susuklay.
"Kasabay ko sila Shaun tyaka Gavriel! 'Di ako mag-isa!" Aba ayaw patalo.
"Okay, whatever you say!" sabi ko tyaka ko na sinoot yung sapatos ko.
Nagchat na si Kyan na malapit na sila sa labas ng subdivision namin kaya binilisan ko na ang pag-kilos.
Pag-katapos kong ayusin yung mukha atyaka gamit ko lumabas nako para pumunta sa labas ng subdivision. Nakita ko rin namang nag-aantay na rin si Vien doon kaya binilisan ko na ang paglalakad.
"Milagro at maaga ka?" tanong ko pero parang nagulat yata s'ya.
"Jusko ka, Cassleigh! Muntik na 'kong atakihin sa puso!" sigaw n'ya sa 'kin habang nakahawak sa dibdib n'ya.
"Kasalanan ko bang magugulatin ka?" taas-kilay kong tanong.
"Kasalanan ko bang para kang kabuting bigla-bigla ka na lang sumusulpot?" balik n'ya sa 'kin.
"Oh, bago kayo magsuntukan d'yan magsisakay na kayong dalawa! Pag tayo na late! Mag-aalmusal pa tayo, dali!" sigaw nang kakarating lang na si Xael.
Sumakay naman kaming dalawa sa may back-seat kasama namin si Kyan. Kaasya naman kaming tatlo.
"Hoy, Kyan! Anong full name mo? May nakikita kasi akong tumatawag sayo na Kyrous sa social media." tanong ni Vien kay Kyan.
"Kyrous Andreas Marquez, nakuha yung Ky sa Kyrous tapos An sa Andreas, kaya Kyan." paliwanag naman n'ya.
"Ang witty ha!" saad ko.
"Eh, kayo, Xael, Gio, ano full name n'yo?"
"Giovanni Elizier Ferrer."
"Xael Caden Figueroa."
"Susyal naman ng mga pangalan n'yo!" ani Vien.
"Yung sa inyo ano? Pati na rin yung kay Frans." tanong nila.
"Sinabi na ni Xian sa inyo yung akin, 'di ba?" takang tanong ko.
"Ulitin mo malamang." ani Gio.
"Cassleigh Izara Mylea Arcilla."
"Xavienna Louisse Arcilla, yung kay Frans, Francille Reazein Mendoza."
"Hirap naman n mga pagalan n'yo! Halatang mahal na mahal kayo ng mga magulang n'yo." reklamo ni Xael.
"Aba, parang mga sa inyo hindi, ah!" bawi ni Vien.
"May suggeston akoo!!" sigaw ni Gio na parang nanalo ng lotto. Tss.
"Oh, anong kabaliwan naman yan?"
"Since tayong lahat tig-dalawa ng pangalan maliban kay Cass kasi tatatlo pangalan n'y-" pinutol ko yung sasabihin nya.
"So, Op ako dito? Ganon, ha?!" taas-kilang kong tanong.
"Hindi! Lahat tayo may second name 'di ba? Why don't we call each other, ano, uhm, bakit ba 'ko nag-english! Tatawagin natin yung isa't-isa sa second name!" masigla n'yang saad.
"P'wede, para alam agad kung sino tumatawag, 'no?" si Vien.
"So, kay Gio, Eliezer, kay Kyan, Andreas, kay Xael, Caden, Kay Vien, Louisse, kay Frans, Reazein, sa 'kin, Izara?" tanong ko. Tumango naman sila. "Ang corny n'yo! Ano kayo special? Special child lang kayo!"
"Ideyang pang jejemon." saan ni Kyan.
"Makajejemon ka naman!" depensa ni Gio.
"Dadaanan pa natin si Frans, mga bobo!" sigaw ni Vien.
"Alam namin, tanga! Malapit na tayo sa subdivision nila!" sagot naman ni Xael.
Nakarating na kami sa subdivision nila Frans. Kasama n'yang nakatayo si Jaxen.
"Frans! Dito kami!" tawag ni Gio.
"Hi!" bati ni Frans.
Tinabig ni Xael yung balikat ko. "Boyfriend n'ya ba kasama n'ya?" tanong n'ya.
"Ah, hindi." sagot ko.
Huminga muna ako ng malalim. Kapalan ko na mukha ko. "Pst! Hoy! Pakilala ka nga! 'Di ka pa nila kilala." sigaw ko kay Jaxen.
"May pangalan ako." Sungit, boy.
"Pakilala ka na lang."
"Darious Jaxen Barcellon. Pinsan n'yan." sabay turo kay Frans.
"Ikaw na mag-pakilala sa 'min. Nahihiya kami." bulong sa 'kin ni Xael.
"Meron kayong hiya?" Inirapan lang nila ako.
"Xael Caden Figueroa, Giovanni Elizier Ferrer, Kyrous Andreas Marquez, mga alaga kong gurilya." pag-papakilala ko sa kanila.
"Wala kang k'wenta magpakilala." ani Kyan.
"Aba! Ang sabi n'yo ako na magpakilala sa inyo. Ngayong pinakilala ko kayo gaganyan kayo! Suntukan na lang, oh!"
"Mamaya na, malalate na tayo." saad ni Kyan.
"Oh, okay. Jaxen! You should go na! Bye!" Sumakay na kaming lahat sa kotse.
"Okay, Jollibee?" tanong ni Xael habang nagmamaneho. Tumango kaming lahat bilang sagot.
Nagmaneho na si Xael patungo sa pag-kakainan namin. Pina-usapan talaga naming maagang umalis para sabay-sabay kaming makapag-almusal.
Pumasok na kami sa fast-food chain na pakakainan namin. "Ako na oorder, family bucket na lang." ani Gio.
"Can you please add one aloha burer?" si Frans.
"'Yon na ba lahat?" Tumango naman ako.
Kumakain na kami ng bigla may sumiaw na babae, "You motherfucker! This is your kabit? Sana naman yung mas maganda sa 'kin!"
"Ay, pak! Teledrama lang ang peg!" bulong ni Vien.
"And you! Slutty girl! Alam mo bang may girlfriend yang nilalandi mo?!" sabay sabunot sa babae. Nakayuko lang yung babaeng sinabunutan 'tyaka umiiling.
"Stop them!" bulong ni Frans.
"Hayaan mo sila, live sabunutan magaganap dito!" si Xael.
Sinampal at binuhusan pa ng juice ng babae yung "kabit" daw. Bago n'ya pa masampal ulit tumayo na ako para pigilan s'ya.
Hinawakan ko yung kamay n'yang isasampal n'ya sana d'on sa babae. "And who are you?! Pakeelamera!" sigaw n'ya sa 'kin.
"Cassleigh." Binaba n'ya na yung kamay n'ya.
"Can you leave out of this mall?! My eyes! Urgh!" maarteng sabi n'ya.
"Bakit? Kilala mo ba kung sino may-ari ng mall na 'to?" Nakitaan ko naman ng takot ang kanyang mata kaya napaantras s'ya.
"W-who?" nauutal n'yang tanong.
"Hindi ko rin alam, eh. Mamaya ko na aalamin. Away muna tayo."
"What the hell?! Are you even serious?!" usal n'ya.
"Hay... ewan ko rin sayo! Ano bang pinuputok ng budhi mo't kailangan mong ipahiya sa public yung babae!"
"Why I wouldn't? She stole my boyfriend!"
"And she don't know that your boyfiend has a girlfriend already."
"She shoulde have known! Bago n'ya boyfriend-in 'to!" Sabay turo sa lalake.
"Eh? Why don't you confront that stupid-a*s boyfriend of yours instead of this girl?" nakangisi kong tanong.
"S-she's the mistress!"
"Oh, bakit ka nauutal, sister?"
"Because your so stupid! Didn't your parents raised you well? Mind your own bussiness!" My head heated when she mentioned my parents.
"Don't you ever include my parents here!" I said. "I know that your parents raised you well but you don't apply to your self what they are saying. So, grow up, Miss! Uso magbago!"
"And you're just pakelamera?! What are you talking about?" usal n'ya.
"Are you dumb?! Can't you see that your wrong?!" nabigla ko nang lumapit sa 'kin si Frans.
"Atyaka, p'wede ka ng magwalk-out, miss. 'Wag mong alalahanin ego mo." pati na rin si Vien.
"Alis ka na lang, huy!" si Gio.
"Just leave already, Euniara." Napatingin kaming lahat sa kanya.
"What?" iretado n'yang tanong.
"Kilala mo?" bulong ko. Tumango lang s'ya.
"Agree ako sa sanabi nila, wala na'kong maisip na sasabihin." ani Xael.
Napaantras yung babae kasama yung mga alipores n'ya. 'Di lang halata na na may kasama s'ya, 'di sila kumikibo, e.
"O-okay." 'Tyaka sila nagmamadaling umalis kasama yung lalaki.
"Nilapitan ni Frans yung babaeng nasa sahig. "Hey, are you okay?"
Tinanguan lang s'ya ng babae. "T-thank you po pala." nakayuko n'yang saad.
"Ano ba 'yan! Wala 'yon!" usal ko. "Ay teka, anong pangalan mo?"
"A-afreaisia." simple n'yang sagot.
"Frey, 'di mo ba talaga alam na boyfriend ni Euniara si Canello?" tanong sa kanya ni Kyan.
"Hindi, pinakita pa sa 'kin ni Canello na break na sila last last month..." nahihiyang saad n'ya.
"Ah, I see."
"Huy, malelate na tayo! Dalian n'yo!" sigaw sa amin ni Gio.
"Uhm, Afreaisia, okay ka na naman 'di ba? Is it okay kung aalis na kami? May klase pa kasi kawmi, e." Tanong ko.
"O-oo! Salamat ulit!" Nakangiti n'yang usal.
"Tara na! Terror yung first teacher namin! 'T'yaka si Frans, baka late na!" sabi ni Vien.
"No. No. No. 'Di pa 'ko late, wala kaming classes ng first period!" aniya habang umiiling.
"Buong university n'yo?" tanong ni Kyan.
"Yep."
"'Wag na rin tayo pumasok ng first class. Nakakatamad. Puro lecture lang n'yan." ani Xael.
"Ang bad influence mo naman pero sige." nakapamewang pa ako.
"Pa simple ka pa gusto mo rin naman magcutting." irap ni Vien.
"Ayala triangle na lang tayo tumambay, tol." aya ni Gio.
"Tara na!"
"Hoy, mga slapsoil! Pagtayo nareport! Naka uniform tayo tapos class hours pa! Tambay na lang tayo sa mga bahay bahay." sabi ko.
"Hindi tayo marereport! Ayos lang 'yan, pangatlong beses na namin 'to." sagot naman ni Xael.
"Okay? Bad influence talaga kayo."
Nandito na kami ngayon sa Ayala Triangle. Nawa-upo kami sa may grass, sinapinan namin ng mga tela.
"So, anong gagawin here?" Isa lang naman conyo dito, alam n'yo na siguro kung sino.
"Pagmasdan mo muna yung langit tas isipin mo bakit ang bobo mo sa math." ani Xael.
"Sorry ka, matalino 'yan sa math, best in math daw 'yan ng elem hanggang highschool. Ikaw lang talaga bobo sa math dito." sabi ko habang may tinigtignan sa celphone ko.
"Eh? Saan s'ya bobo?"
"Tanga, wala! Pasensya ka na, pero matalino s'ya. Ikaw bobo." ani Vien.
"Ah, okay. 'Di na tayo magkaibigan." umarte pa s'ya na parang nalugi.
"Were friends pala? I thought pet kita." umiiling na saad ni Frans.
"Boom panis!" sigaw mni Gio.
"Kung ako sayo Xael sumbong mo 'yan sa mama mo. Ayaw ka maging kaibigan." ani Kyan.
"Ang sama n'yo naman sa 'kin. Kaibigan ko ba talaga kayo?"
"Hindi nga, ang kulit mo naman." kunwaring inis na saad ko.
"Ge." sabay walkout pero nbumalik din naman.
"Hoy! Gio, sinong tinitignan mo d'yan, ha?" sita ni Xael kay Gio.
"Ayun, tol! Ang ganda n'ya." manghang sabi ni Gio sabay turo sa babaeng nakauniform kagaya nung kay Frans.
"I know her! Crush mo?" tanong ni Frans.
"Med'yo. Ano pangalan? Reto mo 'ko!"
"Kayla, Yskaela Camelei Mariano. We entered the same school nung I'm second year. I think may boyfriend s'ya ngayon. You're loss."
"Asawa nga naagaw, boyfriend pa kaya? Kaya ko 'yung agawin!"
"Aba, putangina mo naman. Talagang maninira ka ng relasyon kase nagandahan ka sa kanya? Nababaliw ka na ba?" baling ni Vien kay Gio.
"Hindi kaya! Mahal ko na ata s'ya, e!" depensa n'ya.
"Unang kita mo pa lang natutunan mo na agad mahalin, fast learner ka?!" ani ko.
"Oo. Pero sa kanya lang." sabay kindat n'ya.
"Ewan ko sa-"
"Uy! Pinsan ni Frans!" biglang sabi ni Xael habang nakaturo sa may kanan.
"Hoy! Pinsan ni Frans! Halika rito! Wala ka rin namang kasama kaya dito ka na!" sigaw ni Xael na naging dahilan para mapalingon sa gawi namin si Jaxen.
Pinapunta nila dito si Jaxen. Lumapit naman s'ya dito sa puwesto namin.
"Why you here?" tanong ni Frans.
"Uh. Pinapunta mo 'ko 'di ba? Nakalimutan mo nanaman?" med'yo naguguluhang usal ni Jaxen.
Pinang-lakihan naman s'ya ng mata ni Frans. " Ah! Yes, I just have to ask you something in person. For the mean time, here ka na muna. Wala ka namang studies or assignment na hindi ginagawa, right?"
"Yeah." maikling sagot ni Jaxen.
"Bili muna ako ng pagkain natin d'ya sa may convinient store." Tumango kami bilang sagot kay Kyan.
Nagk'wentuhan muna kami tungkol sa studies habang wala pa si Kyan, Nung dumating s'ya kumain muna kami.
"Ang daming pinapagawa ng mga teacher ngayon! Naiinis na'ko!" biglang sigaw ni Xael.
"Hayaan mo na. Patapos na rin naman school semester, last semester na lang n'yan natin tapos na 'tong school year na 'to." sagot ni Vien.
"Oo nga! Pero ang daming requirments! Sa inyo ba, Frans?" baling n'ya.
"I guess, It's the same. They're so maraming pinapagawa! Sometimes I just wanna talon in the tulay!"
"Ako rin! Mas mauuna pa yatang matapos buhay ko kesa sa mga plates na gagawin tas magrereview pa for quizzes ang stuffs!" sang-ayon ko.
"'Walang ganunan." ani Jaxen.
"Archi ka rin?" tanong ni Kyan.
"Medical."
"Ang dami mo sigurong binabasa 'no?"
"Marami nga. Nakakatamad magbasa. Nakakasabog ng utak."
"Aish! Ba't kayo nagpapastress! 'Di nga tayo pumasok ng first class para makapagrelax tapos nagpapakastress kayo dito, bakit 'di n'yo 'ko gahayin, pa-chill-chill lang." mahabang usal ni Gio.
Nagusap-usap pa kami tungkol sa ibang mga bagay, 'di ko na matandaan puro random lang pinaguusapan namin.
Magtatali na sana ako ng buhok kasi sagabal sa mukha ko yung mga hibla ng buhok ko pero napansin ko sa wala sa wrist ko yung panali ko na kulay black.
"Hoy, kita n'yo panali ko?" tanong ko sa kanila.
"Oo, nakita ko kanina kaso kinuha ni Jaxen." ani Gio.
"Eh? Bakit mi binigay?" inis kong sabi.
"Ewan ko rin. Kunin mo na lang sa kanya."
"Hoy! Akin na!" sigaw ko kay Jaen.
"Wala sa 'kin." tanggi n'ya.
"E, nasa 'yo daw, e!"
"Wala nga sa 'kin!"
"Kinuha mo nga daw kasi!"
"Wala nga! Tignan mo man bulsa ko!" sabay pakita n'ya sa mga bulsa n'ya.
"Edi wala." 'Tsaka ao humalukipkip.
Pagkatapos no'n nagkuwentuhan muna kami sa mga bagay-bagay tsaka pumasok sa school.
Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay. Gusto ko lang maglakad kasi trip ko lang. 'Tsaka 'di ako masusundo ni kuya, ewan ko kung anong ginagawa n'ya.
May kinukuha ako sa bag ko nang may sumabunot sa 'kin. Pagangat ko ng tingin nakita ko si Jaxen.
"Ay, papansin." sabi ko 'tsaka binilisan maglakad.
"Hintayin mo 'ko." ani n'ya.
"Ba't ka ba nandito?" inis kong saad.
"Papunta rin yung bahay namin dito." sagot n'ya.
"O, bakit ka naglalakad?"
"Trip ko lang."
Hinayaan ko na lang s'ya at nagpatuloy na sa paglalakad. Binilisan n'ya ang ksnyang paglalakad kaya makapantay kami.
Nagulat na lamang ako nung bigla n'yang hinawakan yung dalawa kong balikat 'tsaka ako nilipat sa isang bahagi ng kalsada.
Nakita ko sa wrist n'ya yung pangtali na hinahanap ko kanina.
"Hoy, akin 'yan panali! Ang sabi mo wala sa'yo! Sinungaling!" sigaw ko sabay hawak dun sa panali ko na nasa wrist n'ya.
"Akin na kaya 'to." aniya habang hinaharangan yung panali gamit yung kamay n'ya.
Buti na lang talaga at walang masyadong sasakyan na dumadaan 'tsaka konti lang mga naglalakad ngayon kung hindi kanina pa 'ko nahihiya.
"Aba! Kelan pa naging sayo 'yan, ha! Kita mo may pangalan kaya 'yan! Bigay sa 'kin 'yan ni a-ate 'tsaka k-kuya, e... Marami s-silang binigay na ganyan..."
"Cim! Come here! I have a gift for you!" sigaw ni ate Treena pagka-uwi ko galing school.
"Anong I?! Kasama kaya akong nagpagawa n'yan, hati rin tayo kaya sa bayad!" angal naman
Tinatawag n'ya 'kong Cim kase daw Pinagsama-sama yung unang letters ng pangalan ko. Cassleigh Izara Mylea. Silang tatlo nila Kuya Yuan 'tsaka kuya Ari lang tumatawag sa aking ganon... Izara ang tawag sa 'kin nila mama't papa.
"Ah, okay sige. Cim! We have a for you!!" ulit n'yang sigaw.
"What is it??!" excited kong sagot.
"CHARAN!" sabay nilang sigaw sabay open ng box na puno ng pangtali ng buhok.
"Nagpagawa kami ng costomize na panali ng buhok! That's 20 pieces. 'Di ba, lagi mong nawawala pang ipit mo? Kaya nagpagawa kami ng marami! And since you will be joining your first ever art contest!" masayang usal ni ate Treena. Very suportive sila ate sa akin kaya ganya s'ya kasaya tuwing may sinasalihan akong contest, Lagi silang may gifts sa 'kin.
"Thank you, ate. kuya!!" nakangiti kong usal 'tsaka ko tinignan yung hair tie.
Elastic hair tie s'ya na may pendant na may second name ko. Izara. Kulay black s'ya tas yung pendant silver.
"Sorry. 'Di ko alam na mahalaga 'yon sa 'yo. Akala ko normal hair ties lang 'yon. Oh." sabay bigay sa 'kin nung panali.
"Hindi okay lang. Sa 'yo na 'yan. Marami naman silang binigay sa 'kin. Marami pa yung natira. Okay lang." sabay ngiti ko sa 'kanya.
Ewan ko nga, e. Usually 'di ko pinamimigay 'yan. Si Vien na pinsan ko hindi ko man binigyan n'yan kahit ilang beses ng nanghingi. Pero ba't ko binigay kay Jaxen...
"Sure ka ba? Baka hindi mo na 'ko pansinin n'yan." pabirong saad n'ya. Naglalakad pa rin kami.
"Oo nga. Ano ba 'yan." I chuckled.
"Okay." sabin n'ya sabay balik n'ya dun sa hair tir sa wrist n'ya.
Tinignan ko iyon. "Bagay sa'yo. Mukha kang bakla hahaha!"
"Sus! Alam ko na 'yang style n'yo, sasabihan kaming bakla para halikan namin kayo. Sabihin mo lang kung gusto mo... ako." nakangisi n'yang usal.
"Duh, ikaw kaya may gusto sa 'kin! Hahaha! Ano kasi sabi mo no'n? 'Cass, I like you.' Hahahaha"
"Olats d'yan. Change topic."
Nagkuwebtuhan lang kami hanggang makarating sa bahay. Para ngang ang layo ng nilakad ko ngayon, e.