Wednesday na ngayon, nandito ako sa bahay para gumawa ng plates ko. Maaga kasing nagdismiss mga teachers kaya gagawin ko na lang yung mga sandamakmak na plates.
"Hoy, Izara! Tulungan mo 'ko dito! Yung math subject namin ang hirap!" sigaw ni kuya Ari mula sa baba.
"Kaya mo na 'yan, Kuya!" sigaw ko pabalik. "Ginagawa ko pa mga plates ko!"
"Mamaya sagutan mo 'tong one to five! Parang mas madali ka pang intindihin kesa dito, eh!" sigaw n'ya ulit.
"Ay, wow ha! Bahala ka magsagot mag-isa mo!"
"Joke lang 'yon, mamaya mo sagutan 'to ha!" Demanding.
Bumalik na 'ko sa pag-gawa ng plates. Lumipas ang isang oras tinamad agad ako, punyeta.
Balak kong pumunta ng mcdo para magmeryenda kahit malapit ng mag-hapunan kaya sinagutan ko muna yung pinapasagot ni Kuya bago ako umalis.
"Oh, kuya, tapos na yung pinapasagot mo, punta muna ako ng mcdo." paalam ko sa kanya.
"Take out, ha!"
Naligo muna 'ko tyaka nagsoot ng muscle shirt tyaka maong na high-waist shorts. Nag tsinelas na lang ako pang-baba kasi malapit lang naman yung mcdo dito sa subdivision.
Nag-lakad na 'ko papunta sa mcdo. Malapit na ako sa mcdo nang may bumatok sa 'kin. Oo, bumatok. Ang kapal ng mukhang batukan ako ng putanginang 'to.
"Aray! Ano ba! Masakit 'yon, ah!" sigaw ko habang humaharap ako sa 'kanya at nakita kong si Xael iyon. Hindi pa man kami close, aba may pabatok na!
"Akala ko ba immune ka na masaktan? Scammer!" pabalik n'yang sigaw.
"Mentally! Okay, mentally! Hindi phisically! Sana alam mo pagkakaiba non!" sigaw ko ulit."Atyaka kelan ko 'yon sinabi, aber? taas kilay kong tanong.
"Seacret walang clue!" sagot n'ya pagkatapos umakbay s'ya sa 'kin.
"Ano ba! Yung kamay mo! Ang bigat!" reklamo ko.
"Nahiya naman kamay mo." aniya, hindi pa rin tinatanggal ang pagka-akbay n'ya sa 'kin.
"Para akong nagbubuhat ng isang kilo ng bigas sa kamay mo, eh." sabi ko habang tinatanggal kamay n'ya, papasok na kasi kami sa mcdo.
"Kakain ka rin dito?" tanong ko kahit obious na.
"Parang hindi." Hu! Pagpasensyahan mo na 'yan, Izara! Sadyang nauntog lang 'yan kung saan at bumaligtad utak n'ya.
"Okay, bye." nagsarkastikong-ngiti ako.
Pipila na sana ako ngunit bigla s'yang nagsalita. "Libre na kita, ano oorderin mo?"
"True ba 'yan? Walang halong biro?" kunwaring hindi makapaniwalang saad ko.
"Oo nga. Anong oorderin mo?" tanong n'ya ulit.
"Uhm, one piece chicken with McSpaghetti, Quarter Pounder with cheese, Mcflurry with oreo coockies, and then fries!" nakangiti kong saad.
"Hindi naman halatang gutom ka. Hanap ka na lang ng upuan natin." umalis na s'ya para umorder.
Kahit labag sa loob ko tutal libre n'ya, naghanap na 'ko ng mauupuan namin.
Wala pang trenta minutos dumating na s'ya na may dala-dalang tray, may nakasunod rin sa kanyang isang crew na may bitbit rin na tray.
Tinulungan ko na silang maglapag ng mga pagkain sa mesa.
"Salamat po, kuya." nakangiting tugon ni Xael sa crew.
Tumango at ngumiti naman sa lanya si kuya tapos umalis na.
"Dami mong inorder, ah!" sabi sa kanya pagkaupo n'ya.
"Kung hindi ba naman andami mong inorder."
"Marami rin naman yung sayo, ah!" depensa ko.
"Gumaya lang naman ako sayo, ah." sagot n'ya.
"At least maram-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil sinubuan n'ya 'ko ng maraming fries.
"Kumain ka na lang, dami mong satsat." sabi n'ya habang nakapatong yung siko sa lamesa tapos yung baba n'ya nakapatong sa kanyang palad.
"Ang papansin neto! P'wede mo namang sabihin na lang, eh!" sabi ko habang ngumunguya.
"'Di ka naman makikinig non eh." kalmado n'yang sabi.
Inirapan ko na lang s'ya.
"Ay, oo ng pala nasan yung mga kasama nating magarcade noon? Sila Kian tyaka Gino yata?" alanganin kong tanong.
"Kyan 'yon hindi Kian hahaha! Gio not Gino, hahaha!" Ang saya ng pangit na gurilya.
"Nasan nga?"
"Gusto mong malaman?" Tumango ako, "Kumain ka ng halaman." Cassleigh, okay lang 'yan. Tandaan mo nilibre ka n'yan, kumalma ka.
"Pasalamat ka't nilibre mo 'ko kung hindi kanina pa kita napatay." nanggigigil kong saad.
"Salamat." Putangina. Why naman ganyan.
"HOY, XAEL!!" may biglang sumigaw kaya napatingin kami, nagsitinginan rin yung mga tao sa loob.
Lord, bakit naman po ganyan, yung mga magkakaibigan na mga 'to parang naluwagan yung tornilyo sa utak!
"Gio! Kyan!" bati ni gurilya.
"Ang sabi mo kita-kita sa LABAS ng mcdo hindi sa LOOB!" sabi nung Gio yata 'yon. Hindi na rin nakatingin yung mga tao sa amin.
"Sorry, tol. May nakita kasi akong batang hamog sa daan kaya pinakain ko muna." sabi ni Xael sabay tingin sa 'kin.
"Alam mo, pangit na gurilya, putangina mo! Mas mukha ka pang batang hamog kesa sa 'kin!" inis kong sigaw.
"Elugs, lodi! Pangit na gurilya pa! Double kill!" pang-aasar ni Gio.
"Ikaw kamukha mo si shrek!"
"Bardagulan sa loob ng mcdo, interesting." sabi nung Kyan sabay kuha sa fries ko.
"Hoy, akin 'yan!" sigaw ko sa kanya.
"Sino? Ako o yung fries?" nakangisi n'yang saad.
"Tanga! Malamang yung fries sinabi ko bang 'akin ka'? Ang sabi ko 'akin 'yan.'" sabi ko.
"Ayan, kakasabi mo pa lang." Juice colored! Mababaliw ako sa mga 'to!
"Bahala na nga kayo d'yan kakain na lang ako dito. Please lang, 'wag na kayong magulo." sabay subo ko sa chicken.
"Penge ako." sabi ni Gio.
"'Yoko." irap ko.
"Isa lang, damot nito! Bilhan pa kitang isang milyong ganyan, eh."
"Edi bumili ka ng sayo, ba't ka nanghihingi sa 'kin? Kaya mo naman palang bumili! Tanga mo naman." umiiling-iling kong sabi.
"Harsh mo naman magsalita." singit ni Kyan.
"Ewan ko sa inyo." sabi ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Nagorder din sila Gio tyaka Kyan ng pagkain nila kaya nakakain kaming lahat.
"Una na 'ko. Salamat sa libre, gurilya." Pupuntahan ko kasi si Vien, titignan ko yung mga plates n'ya.
"Sama kami." sabi ni Xael.
"Oo nga, sama kami." si Gio.
"Sama kami." ulit ulit na.
"Hay! Oo na, sandali, tawagan ko lang pinsan ko, baka mabigla pag may kasama akong unggoy eh." tyaka ko dinial number ni Vien.
"Hoy, tanga." bati ko
[Oh? Tatawagan na rin dapat kita eh. Andito si Frans. Punta ka dito.] sabi n'ya.
"Oo, pupunta rin naman ako d'yan talaga dapat, may kasama pala akong pupunta d'yan tatlong unggoy, inform mo na lang din si Frans." sabi ko tyaka ko pinatay yung tawag.
"Oh tara na!" aya ko.
Naglakad lang kami kasi nga 'di ba malapit lang subdivision dito, duh.
Wala mang bente minutos ang paglalakad namin umabot agad kami sa subdivision namin.
Pinindot ko na yung doorbell at agad naman kaming pinagbuksan ng gate.
"Oh, apat na gurilya!" sabay tawa ni Vien naka sunod sa kanya si Frans.
Binalewala ko na lang si Vien tyaka binati ko si Frans, "Hi, Frans!" nginitian n'ya naman ako.
"Hoy, pasok na kayo!" sigaw ni Vien sa tatlo.
Pumasok na kaming lahat t'yaka dumeretso sa sala.
"Tingin ng plates mo Vien." sabi ko kay Vien.
"Architecture rin kayong tatlo?" tanong ni Xael.
"Yes," sagot ni Frans.
At dahil don nagulo ang tahimik naming buhay.