First meeting

1620 Words
"Siguradong maiiyak na naman si Nanay sa sulat ko, kasi mata touch na naman sya. Ang sweet ko talaga!, May reward na naman ako mamaya pag uwi ko nito hehe." Tinupi at pinatong na ni Dale ang sulat sa unan nya bago umalis na ng bahay.. At heto na nga si Norma, pumasok ng kwarto para kunin ang maruruming damit ni Dale, schedule ng pagpapa laundry nila ngayon. Napangiti na lang sya ng makita ang sulat ng anak. Binuksan nya ito at binasa.. Dear inay, Salamat po sa almusal na inihanda niyo sa akin. Ilang linggo na pong ham yung breakfast ko. Ang yaman natin. Pero inay. Alam kong medyo sensitibo ang tanong na ito at wag sana kayong mabibigla, Pero inay, Kelan ba talaga mauubos itong ham na ito? Tira pa ito nung bagong taon eh. Nakakahiya sa mga neighbors natin inay. Baka sabihin nila naghihirap tayo. Sabihin niyo naman sana sa akin para hindi ako nag eexpect na fried chicken na may breading yung ulam ko pagkakadating ko ng bahay inay. Umay na umay na ako at alam ko inaamag na ito sa ref at naka ilang painit na kayo dito inay. Ang itim na nga ng mantika natin inay. Huhu. Pero dahil naaapreciate ko yung effort niyo at dahil wala akong karapatang magreklamo kasi madaming bata sa lansangan ang hindi nakakatikim ng ham. Taos puso ko pa din itong kakainin inay. I love you Inay. Rock on! m/ Ang no choice dahil gutom, Me. Naluluha na sa kakatawa si Norma, 'Ang lintek na batang yun, wala ng ginawa kundi asarin ako, eh sya nga itong kasama ko kahapon mag grocery. kala nya hindi ko sya pipingutin mamaya kasi pinatawa nya ako. Huh!, kahit binata kana makakatikim ka pa rin sakin uyy..' Tatawa tawang tinupi na nya ang papel at isinilid sa bulsa ng duster. Saka kinuhang maruruming damit at naglakad palabas ng kwarto. Minsan, masarap din sa pakiramdam kapag mag-isa ka. Walang hassle, walang iniisip na kahit ano. Hawak mo ang oras mo. Yung hindi sa lahat ng pagkakataon palagi mong kasama ang mga kaibigan mo. Doon mo kasi mas lalong nakikilala kung sino at ano ka kapag wala sila. So, dito ako ngayun sa department store para balikan yung nakita kong sapatos nung isang linggo. Hindi ko agad yun binili dati dahil andami kong bitbit. Kaya sabi ko, sa isang araw na lang. Pagbalik ko, parang dinikdik yung damdamin ko nung narinig kong out of stock na daw. “Minsan lang ako makakita ng gusto ko nawala agad.” Habang inaayos ni ateng saleslady yung mga sapatos dun sa estante, sumagot siya. “Sir, Baka po hindi talaga para sa'yo.” Kainis no? Minsan ka na nga lang magkagusto pero bakit dun sa kokonting yun hirap na hirap pang ibigay. Tapos dudugtungan pa ni Ateng saleslady ng pampalubag loob na... “coz you deserve something better.” Letche, Parang binigyan ka pa ng trophy, Sarap sumigaw ng... 'Bakit? Sino ba yang something better na yan? Tiyahin ni ‘Someone Like You’? Apo sa singit ni 'Somebody that I used to Know’? Sinabi ko bang gusto ko ng better? Yun lang ang gusto ko. Walang labis. Walang sobra. Yun lang!' Kapag sinabi mo kasing you deserve something better, parang di mo inaako yung pagkakamali mo. Parang tinatakasan mo kung ano yung mga naging pagkukulang mo. Kapag di mo nakuha ang gusto mo, hindi yun nangangahulugan na hindi 'yon para sa'yo. At yung sapatos na hindi ko nabili sa department store, kasalanan ko yun. Dahil hindi ko agad binili nung una kong nakita. Kaya heto bigo akong naglakad lakad matapos magpasalamat kay ateng saleslady. Ikakain ko na lang ang pagka dismaya ko. Sa isang mamahaling restaurant ako napadpad, para maiba naman. Dito ko uubusin ang budget ko para sana sa dream shoes ko. Pumwesto ako sa pinakasulok na mesa, yung malayo sa karamihan at yung tanging katabi kong table ay lalaki rin ang nakaupo, Kaya ok nako dito safe at feeling comfortable ako. At lumapit ng waiter para kunin ang order ko, Oh diba sosyal may waiter. “Can i have one Over Roasted Chicken with Country Vegetables in a Reduced Honey Dijon Glaze over Long Grain White Rice?” Bakit kaya pahabaan na lang ng pamagat yung mga sosyal na dish ngayon na nababasa ko sa menu ng sosyal na restaurant na'to? Nakatatlong cr na ang katabi mong lalaki sa kabilang mesa, hindi ka pa din tapos sa pagbigkas ng order. Sarado na ang restaurant, umoorder ka pa din. Parang kailangan ka pang pahirapan ng lubos at dumaan sa matinding tongue twister makakain ka lang ng masarap. Tapos nagkataon pang bingi yung waiter kaya uulitin mo na naman, “One over roasted chicken with country vegetables in a reduced honey dijon glaze over long grain white rice. Thanks.” “Ano po ulit yon?” “Over roasted chicken with country vegetables in a reduced… honey dijon glaze over… long grain white rice. Thanks.” Halos 1000 minutes mong sinaulo sa isip yung menu, bukod pa yung paghihintay kung kelan dadating yung order. Tapos.. “Sir, di na po available yung order niyo.” Kaya ayaw kong kumain sa mga mamahaling restaurant eh. Habang haba ng mga pangalan ng pagkain pero kapag isinerve na sayo, kailangan mo pa ng microscope para makita kung yun na ba talaga ang inorder mo o ano. Hindi ka naman mabubusog sa isang gayat na karne na may gulay lang sa tabi. Masarap nga pero natakam ka lang. Pinapaasa mo lang ang small intestine mo na may maididigest na pagkain. Pero sa huli, pag uwi mo sa bahay siguradong lalantakan mo pa rin yung tutong na kanin at bahaw sa ref. Mas madami pa yung itinatakal sa mga preso, free soup pa. "Ok sige, thank you na lang, Magkukwek-kwek na lang ako." Sabay tayo ko ng biglang may nabangga ako, at napabalik ako agad sa pag kakaupo. Ng tingalain ko kung sino, 'Ay pusang gala napaka gwapo naman pala ng lalaki sa kabilang mesa ko, anlaki ng muscle nya at ang lapad ng dibdib. Nahiya naman ako bigla sa built ng payat kong body.' " Ah, sorry brod hindi kita agad nakita ng tumayo ako! Pasensya na." Tiningnan ni Vane ang lalaking humihingi ng despensa sa kanya. Sisigawan nya sana ito pero ng magtama ang mga mata nila at makita ang kislap ng paghanga sa mga mata nito, biglang nagbago ang mood nya. 'f**k!, anu ba'to bakla tsk.' Tinalikuran nya na lang ito at malalaki ang hakbang na lumabas ng restaurant. Mainit na ngang ulo nya dahil sa ka date nyang paasa, dumagdag pa yung lalaking bakla na bumungo sa kanya. "Great, what a f*****g day, and that b***h woman, I'll show you no mercy if I found you, so you better hide well f*****g whore." Nagpupuyos sa galit si Vane habang naglalakad papuntang basement ng mall, kailangang maabutan nya si xander dahil ito lang ang nakaka alam kung saan nagtatago ang babaeng yun. Actually, gusto nya talaga si Karen, Kaya lang ayaw nya ng commitment. Ayaw nyang maging sila. Pero gusto niya na sa kanya lang ito. Dahil sabi nga niya sa babae, hindi naman daw kailangan na maging sila kasi magkaibigan naman na daw sila. Friends with benefits, Yun lang ang ugnayan nila. Parausan nya lang ang babae kasi magaling talaga ito sa kama at talagang nag eenjoy sya. Hindi nya ito priority. Pampalipas oras nya lang. Pero nito lang umayaw na si Karen at nakikipagkalas na sa kanya, At yun ang hindi nya matanggap ang iwanan sya ng babaeng iyun. Kaya nga gusto nya itong makausap pero hindi naman sya sinipot, nagmukhang tanga lang sya sa kakahihintay. Mas lalong binilisan nyang pagmamaneho, habang tumatagal lalo lang syang nagagalit at naiinis kay Karen. Samantala sa mall naman kung saan naiwan si Dale na nakatanga pa rin sa lalakeng arogante na tumalikod sa kanya habang humihingi sya ng despensa. 'Amputsa, bastos na yun ah! Nag sorry na nga ako sa kanya nagalit pa rin. Ansama talaga ng ugali ng mayayaman antataas ng pride, mabuti na lang at mahirap ako marunong ako magpakumbaba at magpakatao. Makapag 7/11 na nga lang .' Pumasok ako ng 7/11 para bumili ng slurpee. Gustong gusto ko yung pakiramdam na habang hinihigop ko yung slurpee, kumukulay ang flavor sa dila ko. Kumuha ako ng papercup sa tabi ng vendo machine at yung plastic na takip nito. Yung kulay blue na flavor ang kinuha ko at nilamnan ko yung lalagyan na hawak ko. Habang nag-iisip kung anong flavor ng hotdog sandwich ang bibilhin ko, lumapit yung cashier sa'kin. “Sir, umaapaw na yung slurpee sa lalagyan niyo.” Actually, gusto ko talagang punuin ng slurpee yung lalagyan na hawak ko. Yung umaapaw hanggang takip tapos didilaan ko na lang yung tuktok para sulit yung bayad ko. Bigla akong kinalabit ng cashier, “Sir, lahat ng sobra nasasayang." Ako naman bilang may pinag dadaanan, dahil nga dipa ko nakaka move on dun sa shoes tapos sa arogante na lalake sa mall,.. "Tama ka ate, lahat ng sobra nasasayang. Bayad ko po salamat." Minsan kapag hindi natin nakukuha ang gusto natin, nagiging malapit tayo sa mga bagay na kahit hindi naman para sa atin ay pinagtitiyagaan na din nating angkinin. Sinasamantala natin ang pagkakataon para kuhanin ang isang bagay na hindi naman para sa atin sa takot na baka wala ng matira sa atin. Takot mawalan. Takot maubusan. Nakikipagkarerahan. Takot masaktan ulit. Yung tipong nakakalimutan mo ng mag isip ng maayos sa pangambang baka mabigo na naman tayo ulit. Kaya siguro may mga tao na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ang mga naging desisyon nila sa buhay. Pabigla bigla kasi. Hindi nag-iisip. Hindi pinagpaplanuhan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD