In my busy life, I forget that my parents are growing old. They often get sick, often get headaches and easily get irritated. Pero heto ako, pakiramdam ko bata pa din ako. Halos lahat ng bagay sa kanila ko pa din iniaasa na dapat ay ako na ang gumagawa, na dapat sana ay ako na ang nag aalaga sa kanila. Nakakalimutan kong habang tumatanda sila, lumalaki din ang responsibilidad ko sa kanila, Pero hindi ko nagagampanan ng ayos dahil masyado akong focused sa masayang buhay na meron ako ngayon kasama ang mga kaibigan at mga luhong meron ako. Pero sana hindi pa huli ang lahat. Kahit hindi ako nag iilove you sa kanila, Mahal ko sila. Sobra.
Every time that I visited them I make sure they are taken care of by the private nurses I hired for them .. And even though they live with ate Shanaya and Edward with their two children, I still can't help but worry. Kasi busy rin ang mag asawa sa mga negosyo nila, mga yaya na nga lang nag aalaga sa dalawang anak nila. Pero ayos na rin yun at least may kasama sa bahay ang parents ko , at hindi puro katulong lang.
Habang nagda drive pauwi ng bahay ko, nadaanan kong isang fastfood. hmmm... maka try nga dito kumain para maiba naman. So, nag park agad ako at pumasok na sa loob ng isang fast-food restaurant na parang hindi naman ata ganun ka-fast, umupo muna ako saka nag observe saglit bago lumapit na sa counter para umorder.
“Good morning sir, Can I take your order please?”
“Kinuha na nga ang lahat sa’kin pati ba naman order ko. One mushroom swiss burger. ”Sabay kindat kay Miss Beauty.
“Sir, Hindi po siya available today.” Nakangiti! Uy, naakit agad eh kindat pa lang, Ay sandali Vane, to the highest level landi na daliii ...
“Ganun, Yun pa naman gusto ko.”
Kindat sabay ngiti para lumabas ang dimple hehe.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Vane ang pamumula ng pisngi ni Ateng cashier.
“Ganun talaga sadya sir, Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo.” Ouch Abah! double meaning yun ah. Teka, sandali ulit..
“Sige. isang double cheese burger na lang tsaka large fries.”
“Ilalarge na din po ba natin yung drinks?”
“Okay na ‘ko dun, Mahirap kapag sobra, minsan nasasayang lang.” Tuloy ang paglalandi.
“Bale 130 pesos po lahat.” Pero, seryoso na si Ateng cashier kaya stop munang landi.
So nag-abot ako ng 140 pesos. Isang buong 100 at dalawang 20 pesos.
“Sir, wala po kayong 10 pesos? Para po bibigyan ko na lang kayo ng buong 20 pesos ”
“Sobra na nga yung binigay ko kulang pa rin? Yan tayo eh. ”
“Sir. Wala pong tayo.”
“Narinig ko na yan.”
“Anything pa po sir?”
“Wala na.”
“Kaya lang po mga 5 minutes pa yung drinks. Rerefillan lang po saglit yung machine. Sanay naman ata kayong maghintay?”
“Nakakapagod lang namang maghintay kapag walang assurance na dadating talaga.”
So bumalik ako dun sa inupuan ko kanina. Pero pagbalik ko may iba ng nakaupo. And I was like,
'Tangna naman oh. Taken na nga, inaagaw pa rin.'
Pero kasalanan ko rin naman kasi di ko iniwan yung bag ko sa upuan. Hindi ko iningatan kaya naagaw ng iba. Kaya lumipat na lang ako ng ibang table. Pagod na din akong ipaglaban yung dapat sana pwesto ko talaga.
Maya-maya, nagblink na yung hawak kong number kaya bumalik ako ng cashier para kunin yung drinks.
“Sir. Hawakan niyo po ng mabuti ha. Baka mahulog….. yung drinks.”
“Kahit anong hold-on ang gawin mo kung gusto niyang mahulog sa iba, mahuhulog at mahuhulog pa rin yan.”
At bilang minamalas ka nga naman, nabubo nga yung drinks.
“Baka hindi lang talaga para sa inyo sir.” sabi ni ateng cashier.
Pero buti na lang naitayo ko agad kaya medyo may natira pang konti.
“Gusto niyo po bang palitan na lang natin sir?”
“Hindi ganun kadali.” pag eemote ko with pouting lips pa.
And si Lolang nasa likod be like,
"Sarap pagtatampalin ng dalawang ‘to pucha."
Hahaha ang harsh naman ni Lola, parang di nakaranas makipag landian nung kabataan nya.. Haayyy, ang saya ng araw ko ngayon. Ng may maalala ako..
"Kahit kelan money can’t buy hapiness"
Yan ang motto ng mga tambay sa kanto malapit sa Boyzone bar na pag aari ko. It’s not about the money, money, money…
But somehow,
Mas masarap pa ding umiyak sa loob ng BMW kaysa umiyak sa pampasaherong jeep na mausok. Mas masarap pa din ang crispy fried chicken kumpara sa sardinas.
Mas masarap pa ding matulog sa malambot na kama kumpara sa malamig na sahig. Mas masarap pa din ang unlimited surf kaysa sa free wi-fi ng SM. Mas masarap maglose control kapag may bote ng redhorse at emp lite. Mas masarap pa ding manuod ng movie sa Netflix kumpara sa mga pirated dvd. Mas masarap magshopping sa Hongkong kaysa mag window shopping sa divisoria.
Ito yung happiness na may monetary value. Pero ang totoong kaligayahan, PRICELESS.
Pumasok si Norma sa kwarto ni Dale para gisingin sana ito, Pero wala ng makulit nyang anak siguradong nasa hapag kainan na ito. Akmang lalabas na sana sya ng kwarto nito ng masulyapan nya ang nakatuping papel sa ibabaw ng unan. Nakakunot noong dinampot nya ito at binuklat.
"Inay, kong mahal," Napangiti si Norma sa kalokohan ng anak. Hindi nya mapigilan ang tawa ng umpisahan nya itong basahin.
Alam na alam mo kapag tamad na tamad ako. Magwawalis ka sa kwarto hanggang magising ako. Tapos sasabihin mo,
“ Kamahalan, luto na po ang hapunan. Gusto mo pa bang magdala pa ako ng ubas at ikaw ay subuan?"
Alam na alam mo kung sino ang kumain ng tirang cake sa ref. Kapag may naiwang kutsara sa loob, siguradong pagbibintangan mo ako.
Alam na alam mo kung kelan ako masaya. Maingay akong maligo sa banyo, may sounds pa. Tapos sasabihin mo..
"Pangit pangit naman ng boses mo, baka malate ka sa trabaho. Bilisan mo.”
Alam na alam mo kung kelan hindi ko gusto ang pang ulam. Hindi ko pinipicturan at hindi ko inuupload sa i********:. Tapos sasabihin mo...
“Lalo na siguro kung nakagwapo ka. Mag isda ka muna.”
Alam na alam mo kung kelan broken hearted ako. Wala kasi yung kutsilyo sa lababo. Tapos sasabihin mo...
“Hindi yan bagong hasa, Try mo yung nasa mesa.”
Alam na alam mo kapag nawawala yung medyas ko. Iisa lang palagi ang sinasabi mo...
“Kamahalan, Tumingin ka na ba sa sampayan?, O gusto mong isuot ko pa sa iyong harapan?, Footspa, gusto mo din ba?”
Isang utot mo lang, lumabas na agad ako. Dahil gusto ko na agad makita kung gaano kaganda ang mukha mo. Hindi na kita pinahirapang umiri. Inireserba ko talaga boses mo dahil alam kong mauubos yan kakasermon sa matigas ang ulong tulad ko. Pero kahit ganito ako. Para sakin, Ikaw ang pinakamahalagang babae sa buong mundo.
Salamat Inay.
Tinupi nyang papel at napapailing na lang habang nagpapahid ng luha si Norma, "Ito talagang si Dale ang daming alam na kalokohan." Tatawa tawang lumabas na sya ng kwarto at naglakad puntang kusina, siguradong nandun ng maloko nyang anak.
Pagkapasok pa lang nya ng kusina nakita agad nyang anak na nakaupo na sa mesa habang titig na titig sa isdang nakahain sa lamesa. Narinig pa nya ang pabulong nitong pagkausap sa isda.
'Fish sa umaga. Fish sa tanghali. Sunog na fish sa gabi.'
"Mom?! Wtf? Fish again? "
"Hoy Dale, wag kang mag english, Di tayo mayaman."
"Pardon?"
Binatukan nako ni Inay haha
"Inay naman eh!, Mahal nyu pa ba ako? Maawa naman kayo sa akin o kahit dun man lang sa fish. No mercy talaga sa fish? Porket Lenten season fish na lang palagi? Can’t you see. Wala ng kumikibong fish sa ating table pero lagi nyu na lang pinainit. Gutay gutay na oh! Punit punit na yung mga laman, sunog na sunog na yung tagiliran, lamog na lamog na ang katawan pero pinapainit nyu pa din ng paulit ulit. Unli ba kayo?. Yung tinik, natunaw na. Yung mata ng fish lumuluha na. Parang ako lang yung fish eh, pagod na pagod na ko. Pagod na pagod na. Wala bang shrimp? " Sabay yakap sa fish.
At si Inay nakatingin lang sakin nakaawang ang bibig, at nanlilisik ang mga mata. Highblood na naman kaya tumakbo nako bago nya pako masakal.
Ganyan ako kakulit minsan, masisisi nyu bako eh dipa kasi ako nakaka move on sa nangyari kahapon.
-Throwback-
“ First of all, I would like to thank… Actually, I have no one to thank. I deserve this!”
Yan sana yung sasabihin ko sa stage kapag nanalo ako sa poster making contest sa nursing company holiday namin kahapon. Kaya ayun, talo ako. hihi. Hindi naman sa talo, 3rd place lang ang nakuha ko. Alangan namang sabihin kong...
“Sumali po ako sa patimpalak na ito para maging 3rd place. Because my favorite number is 3 which means, i crush you. At dahil nasanay na ako na maging consolation prize na lang palagi. Option. Ang semi-tagumpay ko ay tagumpay niyo. Pero ang cash prize ko, neknek niyo!”
Siyempre gusto ko manalo dahil sa cash prize. Bibili ako ng tunay na pag-ibig eh. Pero feeling ko maganda naman yung gawa ko. Sabi kasi nung isang judge, sayang daw kasi hindi ko nilagyan ng kulay.
Ang sabi ko naman, “No sir, that’s monochrome.” Pero mas maganda daw kung may kulay.
At ang sabi ko naman, “Because having kulay on posters are too mainstreamm..” Bakit kasi marunong pa siya sakin? Siya na lang kaya magdoodle.
Pero siyempre, palusot ko lang yun kasi di talaga ako marunong magkulay at hindi ko matatapos ang doodle sa isang ¼ illustration board kapag kinulayan ko pa. Ang theme kasi na binigay ay tungkol sa safety awareness. Kaya ito yung mga nilagay ko sa padoodle na paraan.
Si Prince charming ni Cinderella, hindi glass slipper ang isinuot kundi safety shoes.
Si Superman, nakaharness at nakasafety hat. Baka mahulog kapag lumilipad.
Si little mermaid, naka scuba.
Si prince charming ni rapunzel, umaakyat sa tore ng nakaharness at hindi sa kanyang buhok.
Safety first kaya yun..
Okay naman ahhh. Kaso hindi nila nagets, Masyado kasi silang technical. Dapat pala nilagyan ko na lang ng kamay na nakabuka, gear, kalapati, dahon ng olibo, Inang bayan na nakablindfold at may hawak na weighing scale at watawat ng Pilipinas, Yun daw ang poster making contest eh. Haayy Ewan..
?MahikaNiAyana