Nagising si Vane sa hospital. Pilit nyang inaalala kung anong nangyari sa kanya kaya sya nakahiga ngayun at naka dextrose.
Mabilis ang patakbo nya patungo sa bahay nila Karen, dahil ang sabi ni Xander sa kanya umuwi lang daw ang dalaga para kumuha ng ilang gamit.. May hinahabol itong flight patungong Europe kasamang ka live in nito.
Dahil sa galit at pagkadismaya nya nawala sya sa konsentrasyun at nahagip nya ang isang sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan. Dahil sa malakas na pagkakabanga nya dito nagpa ikot ikot ang kotse nya bago sumalpok sa isang poste at dun na sya nawalan ng malay.
Dahan dahan syang gumalaw para makaupo. 'f**k! it hurts.' Nahigit nyang hininga nya ng sumigid ang sakit sa buo nyang katawan, lalo na ang bandang ilalim ng katawan nya.
"Anong nangyari, bakit hindi ko maigalaw ang mga binti ko?"
Hinila nya ang kumot na nakatakip sa bewang nya pababa sa mga paa nya, at dun nya nakita ang mga binti nyang naka semento.
Nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa mga binti nya. At yun ang tagpong napasukan ng ate Shanaya nya. Naglakad ito palapit sa katabi nyang mesa at ipinatong nito ang mga dalang prutas. Saka humarap sa kanya at inayos ang kumot na tinanggal nya.
"Mabuti at nagising kana, kala ko matatagalan pa." Ngumiti ito at umupo sa gilid ng kama ni Vane.
"Apat na araw kang walang malay, nag aalala na nga sila mama at papa sayo." Patuloy ni Shanaya.
"Anong nangyari sa mga binti ko Ate? Bakit wala akong maramdaman, malala ba ito, makakalakad pa ba ako?" Nag aalalang tanung ni Vane.
"Sabi ng doctor, makakalakad kapa naman matatagalan nga lang, May kinuha na pala akong therapy nurse para sayo."
Hindi umimik si Vane, ipinikit na lang nyang mga mata. Ng makita naman ni Shanaya ang nakapikit na kapatid lumabas na sya para kausapin ang doctor nito, Baka pwede ng sa bahay na lang magpagaling si Vane.
'There are things that even you want, you have to let go. There are people who even make you happy should be avoided. There are decisions to be made even when forced. and there are times when you do what is right, you will be in trouble because when things are forced, in the end, you too will be hurt.'
Pumatak ang mga luha ni Vane dahil sa naisip at sitwasyon nya ngayon. Siguradong malaki ang magbabago nito sa buhay nya.
'It was all my fault that I was like this. My fault...'
Nasa department store ako. Madaming tao. At kabilang ako sa mga taong yon. Yung iba busy sa pagshoshopping. Ako, tamang window shopping lang dahil ano bang gagawin ko sa women’s section bukod sa maging sunod sunuran ng nanay ko habang ilang oras ng naghahanap ng damit pero wala pa ding nabibiling kahit ano habang puro paltos na yung paa ko.
At dahil isa akong dakilang anak, hanggang moral support at mataimtim na panalangin na lang ako na bago matapos ang araw na ito, makikita din niya ang nakatadhanang blouse para sa kanya.
"Dale anak, tingnan mo, maganda ba?"
"Opo Nay, ganda! Bagay po sa inyo, lalo na yang kulay yellow hehe."
"Talaga Nak! Eh, yung brown kaya or red, bagay kaya sakin."
"Opo Nay, lahat naman po bagay sa inyo eh! Yan na lang po bilhin nyo Nay."
"Sandali Nak, tingin pa tayo dun banda!."
"Ok, sige po." Ganyan ako ka masunuring anak, kahit inip at hilo nako kakasunod kay Inay.
At ng hindi na nga ako nakatiis. Medyo napag isip isip kong lumayo ng konti para hanapin naman ang sarili ko dahil mukhang nakalimot ako pansamantala na may buhay din pala ako sa outside world. Hinanap ko ang Inay para magpaalam saglit. Tanaw siya ng mga mata ko mula sa di kalayuan. Nakatalikod at mukhang busy pa din sa paghahanap. At nagulat ako sa aking nasaksihan. Agad ko siyang pinuntahan para komprontahin sa isang issueng kahit kailan ay hindi ko matatanggap.
“Inay!!. What is the meaning of this? Kala ko ba blouse yung hinahanap niyo ba’t andito kayo sa section ng b*a at panty at may hawak kayong t-back? Yan ba yung ipang aanak niyo sa kasal? Masyadong imoral!”
Narinig niya yung sinabi ko at dahan dahan siyang humarap sa akin. Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Natigilan ako at tumunog ang mga kuliglig. Hindi pala yun ang lnay ko. False Alarm lang. At buong buo akong nilamon ng lupa.
Hiyang hiya akong nag sorry dun sa Ale, at agad na hinanap si lnay na nasa cashier na pala nagbabayad.
Napa CR tuloy ako ng wala sa oras.
Habang umiihi ako sa CR sa loob ng mall, napansin kong may makulit na bata sa loob pero hindi naman umiihi. Wala lang, pakanta kanta lang siya ng Maps ng Maroon 5 habang hinihintay ata yung tatay niya na nasa loob ng cubicle, pinipilit ireconnect ang sarili sa kabilang dimensyon.
Sabi ko sa sarili ko, 'Adik ng batang yun ah. Saulo yung kanta.' Eh paborito ko pa naman yung kantang yun kaya hindi ako nagpatalo siyempre. Kumanta din ako. Proffessional bathroom singer kaya ‘to.
"♫ Nawanderweweryahah. when I was on my back under my knees. ♪ ♫”
Sa kalagitnaan ng mini-concert ko, nagsalita yung bata..
“Mali naman yung lyrics mo!,
"Eto version ko. Bakett?”
Isipin mo yun, kinorek ako ng isang five years old na batang uhugin at wala man lang akong nagawa para depensahan ang sarili ko dahil hindi din ako sure sa lyrics ko. Kasalanan ito ng vitamins na iniinom ko tuwing umaga. Hindi ata kasama dun yung tamang pagpick-up ng lyrics ng kanta.
Kasalanan din ito ng Maroon 5 dahil kung ginawa sana nilang simple yung lyrics eh di sana hindi ako mapapahiya sa buong sangkabanyohan ng ganun-ganun na lang.
Maya-maya, bigla na lang nawala yung mayabang na bata. Siguro lumabas na. Medyo dumadami na din ang tao sa CR kaya lumabas na din ako. Pagbukas ng pinto nung isang lalaking nasa unahan ko, biglang bumulaga yung impaktong batang kumakanta kanina sa loob at ginulat si manong.
Ang lakas ng pagkakasigaw niya tapos may paghawak pa ng kamay dun sa braso. Feeling niya ata si Incredible Hulk siya. Gulat na gulat si Manong. Tapos biglang bumitaw yung bata,
“Hala! Akala ko si Papa.”
And I was like,
“Behlat! Napahiya.”
Yabang-yabang kasing kumanta ng 'Maps’.
Pagkauwi namin ni Inay ng bahay, ginoogle search ko agad yung lyrics ng 'Maps’ at sinaulo ko. Para sa susunod na muling magtagpo ang aming mga landas, showdown na ituu!
Kadarating lang ng kapatid ko galing dun sa bahay ng inaalagaan niyang pasyente. Inassign siyang private nurse nung doktor niya kasi sa ICU siya nakaduty at kelangan na daw ilabas ang 88 year old na matandang babaeng may alzheimer’s disease. Sobrang hina na daw ng katawan niya at hindi na kaya sa ICU. Halos tatlong araw ding dumuty doon ang kapatid ko at hindi siya umuwi sa bahay.
Malungkot ang mata ng Ate ko. Umuwi siya dahil namatay na yung pasyenteng inaalagaan niya. Hindi na daw talaga kinaya.
Napamahal na daw kasi sa kanya yung pasyente kahit ilang araw pa lang niya siyang inaalagaan. Siya lang daw kasi ang nakakapagpatulog sa kanya, konting tapik lang sa likod, makakatulog na agad. Alam daw nung matandang babae yung haplos ng kamay niya kaya madali siyang napapapikit. At sa kapatid ko lang daw naging ganoong kabait yung pasyente maging yung buong kamag anak nito.
Hindi umiyak ang kapatid ko nung namatay ang pasyente, dahil alam niya na hanggang doon na lang ang kayang itagal ng matandang babae. Napahagulhol lang daw siya noong nagpasalamat ang mga kamag anak lalo na yung pinakamamahal na apo ng matanda sa kanya sa lahat ng pag aalaga at naitulong niya noong nabubuhay pa ang lola niya.
Sa isip isip ko, hindi ko yata kayang maging private nurse. Mahina at duwag kasi ako. Mas gusto kong naka duty lang ako sa ward at iba iba ang pasyente na inaalagaan ko, mas komportable at masaya ako sa ganun. At para sakin, ang hirap sa pakiramdam na may taong mamamatay sa mga kamay mo, at may mga taong iiyak sa paligid mo pero wala ka namang magawa dahil sadyang hanggang doon na lang talaga. At siguro, ang pinakamasakit at pinakanakakalungkot na part ay yung kahit sa maikling panahon ay napamahal ka na sa kanila pero kelangan mo na din silang iwan dahil tapos na ang trabaho mo. Naaawa ako kay ate, sana maging ok na sya.
Dahil tinatamad magluto ang lnay ng hapunan namin, naisip kong yakagin na lang silang kumain dun sa isang fastfood kainan na since birth ko pang nadadaanan sa may highway ng Balagtas pero ni minsan ay hindi ko pa nasusubukang kainan dahil parang may kung ano atang supernatural force na pumipigil sa akin na wag akong kumain dun. Medyo nagtitipid din kasi ako kaya dun muna. Medyo karinderya lang naman siya na may aircon.
To make the story short, eh di umorder sila. Libre ko eh. After 10 minutes, dumating ang order. Dalawang platitong kalderetang puro buto. dalawang order ng gotong puro sabaw, isang order ng pansit guisado at isang platito ng sisig na parang makaroni salad sa lamig. Eh ano pa nga bang ineexpect ko. Karinderya nga eh.
Nabusog naman sila. Medyo may tira pa ngang dalawang gayat ng ulam pero sabi ng inay ko, ipatake-out na lang daw para may pagkain yung aso namin. Eh di okay.
Kinuha ko ang bill. Nanlamig ang pawis ko. Lumuwa yung mata ko sa nakita ko. Tumataginting na 850 pesos.
“Tangnuhh!!!”
Hustisya para sa laman ng wallet ko! Kung oorderin ko yun sa ibang karinderya, nasa 250 pesos lang yun. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganung kamahal ang mga pagkaing yun na para bang kumain ako ng swarovski crystals. Nanginginig kong kinukuha sa wallet yung 1000 pesos ko.
Wala eh. Wala akong karapatang magreklamo dahil nasa bituka na namin yung pagkain. Hinintay ko na lang yung sukli kong 150. Yung blue paper bill sa wallet ko naging beyolet na lang.
Pero 50 pesos lang yung isinukli sakin nung bruhang cashier kaya lalo akong nahighblood. Sabi ko..
“Aba Ate, kulang ka pa ng 100. Mahal na nga pagkain niyo dito, di pa kayo tamang magsukli.”
Sumagot si Ate na busy sa paglilipstick na parang gusto kong guhitan ang mukha..
“Sir. pinatake-out ng Nanay niyo yung dalawang gayat ng caldereta. 100 pesos yung charge para sa plastic container.”
Tangnuh ulet! Kung inubos ko na lang sana.
Napaka lucky ng araw ko ngayon! Grabeee...
?MahikaNiAyana