"What's wrong with you Vane? Don't you want to be healed? all your nurses leave because of your behavior!."
Galit na sigaw ni Shanaya sa kapatid na walang imik. Wala na syang mahanap na private nurse para mag alaga kay Vane. Sumasakit ng ulo nya kakaisip kung anupa bang dapat nyang gawin. Ng biglang nag ring ang phone nya. At ng makitang ang asawa nyang tumatawag, sinagot nya kaagad ito.
"Hi hon, napatawag ka?"
"Honey, I have found a nurse for Vane, it's a he, I'm sure Vane will like him".
"Are you sure hon? You know my brother, his not easy to be with."
"Trust me with this one hon, the nurse is very professional and dedicated, so yeah! we'll hire him ok?".
Napaisip na lang si Shanaya. Anyway, why not? all the way she would try just to make his brother recover.
"What's his name hon?
"Dale Mondragon, 27, single, have two sister's and seven years working in Makati Med."
"Good! ok hon, hired him please! Thank you!"
"Actually, I hired Dale already, his recommended by my friend private nurse, they are siblings. I'm sure he's kind and trustworthy honey, So no worries ok! I love you, see you later hon! Bye"
"Ok, take care! Bye" Pinatay ni Shanaya ang phone at sinulyapan si Vane na nakatingin sa malayo.
Napabuntong hininga na lang si Shanaya, naaawa talaga sya sa kapatid, Namayat na ito at halos balbas sarado ng mukha, Mahaba na rin ang buhok nito.
"Vane, please! Tulungan mo naman ang sarili mong gumaling. Maawa ka kila mommy at daddy matatanda na sila, huwag mo ng pahirapan pa sila sa kalagayan mo!."
Tahimik pa rin si Vane, Malaking pinagbago nito lalo ng ugali nito. Dati napakadaldal nito, palabiro, mapagmahal at palamura rin. Kahit pasaway ito mas gusto pa yun ni Shanaya kesa ganito ito. Parang walang buhay at walang kulay, ang lungkot, napakalungkot..
Hindi nakaligtas sa paningin ni Shanaya ang pagtulo ng luha ni Vane. Napaiyak na rin sya at tinakbo ang kinaroroonan nito sabay halik at yakap dito.
"Mahal na mahal ka namin bunso, kaya sige na magpagaling ka na ha!
"Ate I'm sorry, I'm so sorry!." Napahagulgol ng iyak si Vane.
Hinaplos naman ni Shanaya ang buhok ng kapatid at pinunasan ang mga luha nitong dumadaloy sa magkabilang pisngi, sabay ngiti dito.
"Fight brother we can do it, we will work together ok? Now come.. I'll clean you."
Ngumiti na rin sa wakas si Vane. At hinayaan na lang ang kapatid na itulak ang wheelchair papuntang toilet.
Vane is hoping that he will recover as his sister Shanaya says.
Habang inaasikaso ko ang pagkuha ng medical requirements sa isang clinical laboratory, biglang umikot yung leeg ko pakanan ng naramdaman kong parang may napakagandang creation ni God sa likuran ko.
At hindi nga ako nagkamali. Almost 20 meters ang layo niya sa akin. Tipong andami-dami pang naglalakad, nakikipagsiksikan, at nakaharang sa pagitan namin pero parang may kung anong supernatural force na hinawi ang lahat ng tao sa paligid at nagzoom-in directly ang mala-puppy kong eyes sa kanya.
And everything went slow mo. Crush-at-first-sight na ito. Ganyan katindi yung landi-meter sa upper-right corner ng betlogs ko.
Naisip ko, baka ito na yung last day ng pag-aasikaso ng medical requirements ko, at baka ito na rin yung huling beses na makita ko siya, kaya dapat makapagninja moves na ako at makuha ko man lang yung buong pangalan niya. Madali na siyang iadd sa sss pag nagkataon. Doon ko na lang siya lalandiin with dignity.
Iniwan ko yung pila ko para pasimpleng lumapit sa kanya at sinamantala ko ang dami ng tao para hindi niya ako mahalata. Inch by inch, i’m moving closer. Dahan-dahan. Ng biglang..
“Hoy! lalaking naka blue, ikaw na yung next”.
Tinawag ako ng nurse dahil ako na daw yung sunod. Parang nagfastforward bigla yung oras na parang hinigit ako palayo sa kanya.
Sa puntong yon ng buhay ko, parang pinaghihiwalay na agad kami ng tadhana. Kaya wala akong nagawa.
Pagkatapos non, nagproceed naman ako sa may cashier lane. Saktong nagbabayad na siya sa cashier ng dumating ako.
Nagliwanag yung mga mata ko pointing directly sa ID niya na medyo nililipad-lipad ng hangin ng electricfan, pero ang tanging nakita ko lang ay ang bwisit na barcode sa ID niya. Hanggang natapos siya sa pagbabayad habang ako ay nakapila pa rin. Tangina talaga yung barcode sa ID niya.
Hindi ko na siya nakita after dun sa cashier. Medyo tapos na ako kaya naupo ako saglit para ayusin yung laman ng binder ko nang biglang may nilipad na form sa ilalim ng upuan ko.
Inabot ko yun gamit ang paa ko dahil tinatamad akong yumuko. Baka dumungaw na naman yung cleavage ng puwet ko dahil low-rise yung pantalon ko. Pag kuha ko nung medical form, hindi pala yun sa akin.
“Hey! Sa akin yan. Thank you.”
Sabay kuha, sabay sibat. Shet! yun pala yung crush ko. Nanginig yung kalamnan ko at tuluyang bumugalwak yung pintig ng pagmamahal sa puso ko.
'Tangnuhh. Nakita ko yung pangalan niya!! Nakuha ko yung pinakamahalagang impormasyon sa buhay niyaaa!!'
From then, hindi ko na siya nakita. At umuwi na rin ako. Siguro, nakauwi na din siya. Pero atleast nakuha ko yung buong pangalan niya.
Saktong may wifi sa bus, pero hindi ako makaconnect. Binuksan ko yung mobile data ko pero hindi talaga ako makaconnect.
Pagdating ng bahay, ginapang ko ang kisame namin papunta sa laptop ko, sabay bukas ng sss. Tnype ko yung pangalan niya. Walang hinga-hinga. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nun sabay pindot ng “search icon”
Searching...
“Sorry, we couldn’t find any results for this search.”
Inulit kong itype,
Searching...
“Sorry, we couldn’t find any results for this search.”
Inulit-ulit ko hanggang sa inulit-inulit ko hanggang sa nalusaw ako.
At diyan nagtatapos ang aming masalimuot na love story. Paalam, oh mundong kay lupit. Bakit?
Kasi, may mga taong dadaan lang talaga sa buhay natin para pakiligin at pasayahin tayo ng panandalian. Minsan nga, tumatambay pa pero aalis din naman pag nagtagal. Minsan nga akala mo siya na, pero hindi pa rin talaga. Masyado lang siguro tayong impulsive. Pero atleast dumating ka at certain point na minsan sa buhay mo, naramdaman mo kung paano sumaya, lumandi at kiligin.
Isang linggo pa bago mag uumpisang maging private nurse si Dale. Ayaw sana nyang pumayag kaso sya ang nirekomenda ng Ate Monica nya sa pamilyang Del Valle. Ayaw nyang ipahiya ang ate nya kaya nag promise syang pagbubutihin nyang pag aalaga sa pasyente nya.
"Hoy Dale, kaibiganin mong pasyente mo ha! Maging mabait ka sa kanya."
"Opo ate Monica, kaya lang ang tanong, mabait ba yan? Eh baka mamaya sigaw sigawan ako nyan Ate ha! "
"Intindihin at pag pasensyahan mo na lang, alam mo rin naman na kapag may sakit ang tao nagiging bugnutin diba?"
"Parang hindi sya mabait Ate ah!, kinakabahan tuloy ako."
"Basta alagaan mo syang mabuti at kaibiganin, magiging close din kayo. Good luck!"
Tumango na lang si Dale pero sa isip isip nya,
'Paano ba ito eh medyo diet ako sa kaibigan? Hindi ako choosy sa kaibigan pero choosy ako sa kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung tutuusin hindi ko naman kailangan ng iba pang kaibigan. Kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon. Kuntento na ako sa mga kusang dumarating at nagpapahalaga sakin. Kuntento na ako na walang pangalan yung grupong sinasamahan ko. Kuntento na ako sa samahang bigla na lang nabuo at hindi pinagpilitang buuin. Kuntento na ako na may kanin at ulam ako.
Hindi ko na kailangan ng toothpick, panghimagas o kahit ilang extra rice pa yan. Kung ano sila sakin ngayon, higit pa ako sa kung anong kaya nilang ibigay sakin. Pahahalagahan ko sila sa paraang alam ko. Pero hindi ako para maghabol sa kung sino yung mga nawala, nang iwan o yung tipong nagpapahabol lang. Hindi nga ako naadik sa Temple Run, maghabol pa kaya ng kaibigan?
Sa huli, kahit gaano pa kadaming kaibigan ang meron ka, kokonti lang din naman sa mga yan ang mananatiling tapat at totoo sa'yo. Yung iba jan mabilis kang kakalimutan kapag may nakitang bagong kaibigan. Yung iba tatraydurin ka, paplastikan ka, kaiingitan pag umaangat ka.
Sapat na sakin na manatili na lang yung iba na simpleng kakilala lang. Hindi ko isinasara ang sarili ko sa kanila. Masarap makipagkaibigan pero mahirap makanap ng totoong pagkakatiwalaan. Ayoko lang dumating na sa halip na mapalapit ako sa kanila, bigla na lang kaming magkasiraan. Atleast kung dumating man yung araw na gaguhin nila ako, hindi masyadong big deal at masakit. Kasi kilala ko lang naman sila sa mukha at pangalan.'
Napahinto sa pag iisip si Dale ng biglang may maalalang itanong kay Monica, kaya hinabol nya ito papasok ng kusina.
"Eh ate, ano nga palang pangalan ng pasyenteng aalagaan ko?"
"Vane, Vane Del Valle."
?MahikaNiAyana