EXCEPTIONAL

2354 Words
Dear God, Thank You for accepting me the way I am. Thank You for loving me even when it's hard. Thank You for all the answered prayers. Thank You for your patience and understanding. Thank You for giving me reasons to live. Thank You for giving me more than I deserve. Thank You for giving me another chance to start over again. Thank You for being there for me when no one else was. Thank You for standing by my side in times of trouble. Thank You for staying even if You had every reason to leave. Thank You for all the joy and pain, You've made me stronger physically, mentally and spiritually. Amen. After praying, Vane twirled his wheelchair out of the room. Napangiti sya ng makita ang mga magulang sa sala na umiinom ng apple tea. One of his mother's favorite tea. Tumayo ang ina nya at lumapit sa kanya para itulak ang wheelchair nya palapit sa ama nyang nakangiti na ngayon sa kanya. "Hi son, how are you feeling right now? Are you well asleep? "I'm ok Dad, " Nilingon nyang ina at hinawakan ang kamay nitong tumutulak sa wheelchair nya. "Thanks Mom." Simula ng maaksidente si Vane at makasama muli ang pamilya sa iisang bahay, naging mapayapa ang pakiramdam nya. Bumalik yung dating ligaya't saya na nararamdaman nya. Minsan naiisip nyang siguro paraan ni Lord yung nangyaring aksidente para mapalapit sya ulit sa pamilya nya. Ok lang sa kanya na mahinto ang pagiging abogado nya. Ang mga negosyong hawak nya ang Ate Shanaya na nyang namamahala. Ang banda nyang Boyzone tuloy pa rin pero hindi na sya ang lead vocalist dahil ginive up na nya. Ipinagkatiwala na lang nya ang banda at bar sa mga ka banda nya. Anyway, mapagkatiwalaan naman silang lahat, kaya ok na sya dun. There are things in the world that cannot change with time but that can be fixed if given the opportunity. And that's what Vane will do when he is well and able to walk. He will fix and change his life for good. Ang ganda ganda ng mood mo ngayong araw. Nahiga ka sa kama mo, kinuha ang cellphone. Nagbukas ka ng sss. Scroll. Basa. Scroll. Basa. Nirefresh mo bigla ang newsfeed. A few seconds ago, nag check in ang barkada mo. Magkakasamang nagdinner. Ikaw, nasa state of calamity. Shocked dahil hindi ka kasama, Agad kang nagdalawang isip kung ililike mo o hindi ang check-in pero sadyang mabigat lang ang gravity sa mga daliri mo kaya napacomment ka ng... 'Super Like" Na walang halong bitterness. Pero ang totoo, gusto mo talagang sabihin na.. 'Mga walang hiya kayo!! Ni di niyo man lang ako sinama!! Ano ba naman yung isang txt!!! Magtae sana kayo pag-uweh! Ang pangit ng filter na ginamit niyo!' Nag auto-flashback bigla ang iyong kaisipan pero wala ka namang natatandaang kahit anong pinag awayan o mini-tampuhan. Hindi mo naman tinatanong pero sadyang may super power ang friend mo dahil bigla silang nagcomment ng.. 'Alam naman naming di ka makakapunta dahil busy ka ngayon. Tsaka biglaan kasi, Dale, miss you.' At dinaig pa nila ang kalendaryo sa likod ng pinto dahil mas alam pa nila ang schedule kung kelan ka pwede o hindi. Anong alam nila sa salitang ‘i miss you’? Hindi ko alam kung matampuhin lang ba ako o sadyang matampuhin lang pero ang sakin lang, kahit alam nilang hindi ka makakapunta sa kahit ano pang dahilan, busy ka man sa trabaho, lovelife o sa bagong kaharutan, mas okay pa din yung sinasabihan ka for the benefit na nainform ka. Wala mang written rules na ganyan, tungkulin pa din ng isang kaibigang mag update kahit paminsan minsan. Yung tipong.. 'Oy, mamamatay na ako later. Update lang to.' Hindi yung paubos na yung biskwit at tinapay sa burol wala ka pang kaalam alam. Alam kong busy akong tao pero masarap pa rin yung kahit sa simpleng paraan nagagawa ka nilang alalahanin o kumustahin man lang. Hindi naman siguro malaking abala yun. Nakakasama lang ng loob minsan dahil sa konting oras na yon, naramdaman mo kung paano maging invisible sa mga taong pinahahalagahan mo ng sobra. Yung parang hindi ka nag eexist… feeling bitter lang talaga ako. Eh ano bang masama sa pagiging bitter? Mas ok bang sabihing “ok lang ako” kung hindi naman talaga? Mas masarap ba sa pakiramdam yung magkukunwari kang masaya kahit sa loob mo ay duguan ka na? Walang masama sa pagiging bitter. Kung yun ang totoong nararamdaman mu, ipamukha mo. Huwag mong itago. Huwag mong kimkimin. Pero, kapag ang mga kaibigan mo, nag-JOKE... “Korny mo! Pakamatay ka na.” “Teka, tatawa na ba kami?” “Kikilitiin ko na ba sarili ko?” “Last mo na ‘yan! ‘Wag ka nang uulit.” “Ahh, joke ba ‘yon?” Aminin mo, sila pa din ang tipo ng taong gusto mong makasama lagi. Sila pa din yung gusto mong makakulitan at makabiruan. Kasi, kahit ano pang sabihin mo, masaya ka pag sila ang kausap at kasama mo. "Hayy," Napabuntong hininga na lang si Dale sa mga alaalang naisip. Para kumalma ang nasaktan kong damdamin, lumabas ako ng bahay. Habang abalang-abala ang mga muscle ko sa pagkagat at pagnguya sa kinakain ko, bahagyang nabulabog ang aking eating momentum nang may nagsalitang babae sa kaliwa ko na mukhang kadarating lang, “Kuya, what’s your best-seller here ba? I’ll make order.” Itinuro ni Kuya yung best-seller. “Okay. Pa-hurry ha. I’m so nagmamadali. Thanks.” Napatingin sa'kin si kuya. In short, nagkatinginan kami. Dahil hindi ko naman makikitang nakatingin siya sa'kin kung hindi din ako nakatingin di ba? Tapos napatingin ako kay ate. Pero ibinaling ko agad yung tingin ko dun sa kinakain ko dahil ramdam kong anytime, titingnan niya din ako pabalik. So, pinagana ko na lang yung left peripheral ng mata ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang kuko niya sa paa na may ingrown at purple na cutics. Mukhang hindi siya marunong magbalat ng patatas. “Kuya, you have tissue?” Napaisip ako. Itinaas ko saglit yung order ko at tinitigan ng mabuti sabay tingin dun sa inoorder ni ate. Halos wala namang pinagkaiba. Lumayo ako saglit, tiningnan ko ulit yung kinakainan ko para sure habang hawak yung order ko. Tangnuhh.. Nasa Fishbolan lang kami dito sa talipapa. De-padyak lang si Kuyang magtitinda ng fishbol. Pareho lang yung lasa ng fishbol namin. Anong pinaglalaban mo, Ate? Natatawa na lang ako sa kaartehan ni Ate. Hindi nya alam kung paano nagiging EXCEPTIONAL ang mga babae, Ito ay.... Kapag nananatili siyang simple. Kapag confident siya sa sarili niya kahit ilang layer ang bilbil niya. Kapag wala siyang pakialam kahit parang surfing board ang kanyang katawan dahil wala siyang malaking boobs. Kapag hindi niya ipinagpipilitang magtago sa makapal na foundation. Kapag hindi na niya kailangang magsuot ng malalaking hikaw para maging maganda. Kapag magaling siyang magluto. Dahil alam mong kapag naging asawa mo siya, hindi lang puro de lata ang ihahain niya. Kapag alam niyang maganda siya kahit skinny jeans na maong at puting t-shirt lang ang suot niya. Kapag hindi na niya kinakailangang magdamit ng sexy para matawag na hot ng iba. Kapag hindi na niya kailangang magpose sa kapirasong tela dahil ngiti pa lang niya ay pamatay na. Kapag malawak ang kanyang pang unawa. Kapag mataas ang respeto niya sa pamilya niya. Kapag mas pinipili pa din niyang tumawa kahit ang sakit sakit na. Kapag hindi puro pagpapapicture at pagpapaganda lang ang nasa isip niya. Kapag alam niya sa sarili niya na yung boyfriend niya ang kanyang magiging asawang pinapangarap niya. Ganun yun Ate hah! Kinabukasan, ready ng lahat ang mga gamit na dadalhin ni Dale sa bahay ng mga Del Valle. Stay in kasi sya at weekend ang uwian nya. Mamimiss nya si Inay sigurado yan, Lalo na yung mga nakagawian nyang gawin pag nasa kanila lang sya. Hinding hindi ko makakalimutan yung mga araw na ako'y nagtagal saming probinsiya, Linggo yon kaya naisipan kong mag simba, Ito ang nakakamiss gawin pag nasa pinas ka na, Dahil sa ibang bansa minsan dimo ito magagawa... Ang sermon ni father ang mahalaga, dahil lagi siyang may payo't kwento na tatamaan ka talaga, lalo na ng ishare niyang batang karanasan niya, diko napigilang pumatak aking mga luha... Noong bata pa raw siya, At minsang nag field trip ang buong skwela nila, sa isang bahay ampunan ng mga matatanda, may nasaksihan siyang pangyayari na hanggang ngayon naaalala pa rin daw niya... May mag inang dumating doon, nakikiusap ang anak sa madre na kung pwedeng iwan ang nanay nya ron, kasi di daw niya kayang alagaan at busy siya lagi yan ang kanyang rason, Umalis siyang paalam sa lna niya eh! may bibilhin lang saglit at babalik din doon... Kawawa naman ang kanyang lnay, di umaalis sa pinto sa kahihintay, kahit anong sabihin ng mga madre di siya mapalagay, Iyak lang siya ng iyak ng walang humpay... Bakit ba may mga taong ganon? di siya nakonsensiyang gawin iyon, Porke't matanda na ang lna ay iiwan na lang basta ng ganon, My GOD! kakarmahin din ang taong yon... Habang pauwi ako matapos ang misa, di maalis alis sa isip ko, ang mga kwento ni Father dahil na touch talaga ako, bigla ko tuloy namiss ang Nanay ko... Pagdating ko sa bahay namin, nakita ko si lnay sa may kusina namin, diko alam kung anong klaseng damdamin, ang naramdaman ko't gusto ko siyang yakapin... Laking pagtataka niya, ng makita niyang mga luha sa'king mga mata, "Bakit anak?" tanong niyang bigla, ngumiti ako't sinabing.. "Pagtanda niyo ako pong mag aalaga sa inyo ni tatay ha!.. Bihira ko lang kasi silang makasama, Dahil lagi akong nasa trabaho at minsan lang makauwi ng probinsya, minsan pinapadala pa ako sa ibang bansa, kaya pag nagbakasyon isang buwan lang aming pagsasama, kaya sinusulit ko lahat mapasaya lang sila. Bigyan natin importansya, ang mga magulang natin na sa'tin nagmamahal at nag aaruga, ang sakripisyo nilang ginawa mapalaki ka lang at mapabuti ang kinabukasan ay kayamanan mo na, habang buhay mong dala dala sa puso't alaala ang kadakilaan nila. "Hoy Dale, kanina pa naghihintay ang Ate mo sa taxi. Bilisan mo na." "Inay, mamimiss po kita." Sabay yakap sa Ina nyang naluluha ng mga mata. "Naku! Nagdrama pang talipandas na'to, kurutin kita sa singit eh! Hala bumaba kana." Nangingiti na lang si Dale kasi alam nyang nalulungkot din ang Nanay nya. "Nay, sa linggo po, pag uwi ko dito sana wag naman isda ang ihain nyo sakin. Marami nakong kaliskis eh!." Kunwari reklamo nya sa Ina, pero ang totoo nyan gusto nya lang itong patawanin. Ayaw na ayaw nyang nakikita itong malungkot at umiiyak kaya lagi nya hinaharot. "Kuuu, napakaloko mo, ba't dika na lang makontento kung anong meron tayo." Sabay piningot ng ina ang tenga nya na ikinatawa lang ni Dale. "Love you po lnay, mag iingat po kayo palagi." Sabay yakap at halik ni Dale sa noo ng ina. Napangiti na rin ang Ina ni Dale, sabay punas ng luha sa pisngi. "Anuba naman kayong dalawa? sobra kung makapag drama, eh sa linggo lang uwi din naman yang si Dale dito ah, hindi naman yan mag aabroad Nay." Natatawa na lang si Monica sa ka sweetan ng kapatid at Nanay nya. "Sya nga pala Dale, yung cake sa ref kainin mo lahat sa linggo ha! Baka mapanis sayang." Napangiwi na lang si Dale dahil sa sinabi ng Ina nya, siguradong mag aalburuto na naman ang tiyan nya pag sya na naman ang umubos sa mga cake na naka stock lang sa ref nila. Umasim bigla ang mukha nya ng maalala ang mga peste sa buhay nya. Nakakabwisit lang kasi tong mga manliligaw ng dalawang kapatid ko, pag pupunta dito sa bahay wala nang ibang alam dalhin kundi cake. Yung ref namin punong puno ng cake pero hindi naman pinapabawasan. Okay lang sana kung iba’t ibang flavor, pero wala na ba silang alam dalhin kundi ube roll? Anong tingin nila sa mga kapatid ko pasyente? Sa unang tatlong araw, ayon sa nakasulat sa saligang batas, bawal kainin ang cake dahil may “sentimental value” daw ito. Hindi ko alam kung saan nila hinugot ang sentimental value na sinasabi nila eh wala naman silang balak sagutin yung mga manliligaw nila. Isang tanda ng wagas at tunay na kalandian. Kung kelan gustong gusto kong kainin saka ayaw ipakain. At kung kelan wala ako sa mood saka pilit ipapaubos sa akin. Wala na daw kasing paglagyan ng pinamiling gulay sabi ng Nanay ko. Kulang na lang ay gawin kong almusal, tanghalian, meryenda, hapunan, meryenda at meryenda pa ulit yung cake.. Para lang dun sa pinakamamahal na pinamiling gulay ng Nanay ko. Mas mahalaga pa yung gulay kesa sakin. Yung totoo, Anak din kaya niya yung gulay? Magsama sila ng gulay. Kulang na lang ay lagyan ako ng kandilang may number sa noo at sabihan ng.. “Happy birthday!! Oh eto pang cake!” Sabay salpak ng isang buong cake sa bunganga ko habang nakatali ako sa upuan na may umuugang ilaw sa itaas habang bumubula ng icing ang aking bibig. Expired na kaya yung cake. Para dun sa mga manliligaw ng kapatid ko, kung mamamatay man ako dahil sa mga cake niyo, sana hindi niyo matagpuan ang tunay na pag ibig at habang buhay na maging miserable ang buhay niyo. Pizza naman kasi next time. "Nay, alis na po kami naghihintay na daw sila Mr. & Mrs. Del Valle. Nakakahiya naman kung paghihintayin pa sila namin ng matagal." Naputol ang pag iisip ni Dale, ng hinila na sya palabas ng bahay ni Monica. Wala na, dito na talaga magbabago ang buhay nya. "Mag iingat kayo mga Anak, Dale! yung mga bilin ko sayo ha! Pakatandaan mo, wag kang pasaway dun ha!" Hirit pa ni Norma habang pasakay ng mga Anak sa taxi. "Opo Nay, pakabait po ako dun pramis!" Ngiting aso si Dale, habang kumakaway sa Ina, na nagpupunas na naman ng luha... 'Hay si Inay talaga napaka drama, di bale sa pag uwi ko sa linggo, may surprise pasalubong ako hihi...' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD