Boyzone Band

2336 Words
"Life brings tears, smiles, and memories. The tears dry, the smiles fade, but the memories last forever." Nasa sala si Vane at nag kakape habang nagco compose ng tula. Ito na ngayun ang past time nya. "Sir Vane, may bisita po kayo. Papapasokin ko po ba?" "Who?" Aniyang patuloy pa rin sa pagsusulat. "Mga ka banda nyo po Sir." "Ok, let them in and prepare snacks for us Sally! Thanks." "Ok po sir Vane." Napatingin si Vane sa Picture frame nilang magkaka banda na nakasabit sa dingding, katapat ng piano nila. Tiningnan nya isa isa ang larawan ng mga kabanda nya. Zack is the drummer, Witty, judgmental, rude, in short the band's bad boy. D, he's the guitarist, The sadist, the arrogant, the wise rich. Earl, a bassist, Kind, cheerful, loving. He's the vocalist now while Vane is still recovering. Black, he plays the keyboard. Quiet, serious, for him.. one word is enough, but he's honest and a good friend. They are all clever, rich, vicious, cunning, happy go lucky men. For Vane, True friends always quarrel. There are times when friendships are inevitable. That's normal enough. it is just proof that they are being true to what they are feeling because not all the time you have the same opinion and perspective. Sometimes, what you do is right to them and what is right to them is wrong to you. Your friend may be his enemy and his friend is your enemy. just because people actually meet different interests and personalities, rarely understand. But sometimes those like them are stronger in the organization. That is because there is a great deal of understanding and respect. And the end of the day, in all that is not agreed upon, what you really have is more dominant. Whoever you are and whatever comes into your life, you are still true. And to true friends, the fight never disappears, but never disappoints. Vane has proven that since his accident. He did not turn his back on his friends. They support him. And he's lucky that he has friends like Boyzone . They may not be perfect, but they are real people .... with principle, dignity and humanity. "Yow! V, how are you doing today?" Bungad na pagbati ni Zack, Habang kumakagat ng burger na hawak. "V, may bago tayong client sa bar, and she's sooooo hot, bro, believe me." Ngising aso si D, habang nagbibida kay Vane. "Tsk, lahat naman ng babaeng makita ni D, hot. manyak yan eh, hahaha." Pang aasar ni Earl kay D. Na nagpatawa sa kanilang lahat, maliban kay Black na nakikinig lang habang umiinom ng drinks na dala dala ng mga ito. "We're all the same, kaya wag kang magmalinis, stupid." Nakangising sabi ni D. "Enough!" Biglang singit ni Black. At lahat ay natahimik. Binuksan ni Vane ang mga take out na dala ng mga ito. Kumuha sya ng fries at sakto namang papasok ang katulong na si Sally, bitbit ang snacks na pinahanda nya. "Thanks, Sally." "Wala pong anuman sir Vane." Nakangiting inilalapag na ni Sally ang mga dala sa center table ng sala. Ng matapos, tahimik itong umalis kaagad na tila naiilang sa mga kaibigan ni Vane na maiingay at nagsusuntukan pa habang nag aasaran. Tuloy ang kalokohan ng mga kaibigan ni Vane, nakikitawa lang sya habang pakagat kagat ng pizza. "Vane iho, nandito ng private nurse mo." Napatigil sa asaran at natahimik ang lahat ng pumasok ang butihing Ina ni Vane, nakasunod dito ang isang magandang babae at isang gwapong lalaki. Magkamukha! Ibig sabihin magkapatid. Ngumiti si Vane sa Ina. "Hello po Tita Sophie" Sabay sabay na pagbati ng makukulit na kaibigan ni Vane. At nagkanya kanyang pwesto sa mahabang sofa. "Hello, gentlemen, This is Dale Mondragon, Vane's new private nurse." Nakangiting pagpapakilala ni Mrs. Del Valle sa kanilang lahat. Masuyong hinila nito sa kamay si Monica at pinakilala din. "She's Monica, Dale's sister. They are both nurses. and Vane.." Tiningnan nito ng may pagbabanta ang anak. "Be kind to your new nurse ok!." Nakangiti nga ito pero kilalang kilala ni Vane ang Ina, kaya napatango na lang sya. Kumaway at ngumiti naman ang mga kaibigan ni Vane, maliban ky Black na deadma lang sa mga nangyayari. Vane looked Dale from head to toe, 'Wait! This nurse looks familiar... Napaisip ng malalim si Vane. Napaangat bigla ang paningin nya ng magsalita ulit ang kanyang Ina. "So everyone, We're leaving, I'll just talk to nurse Dale. Enjoy all of you here." "Bye Tita Sofie." Earl. "Thank you Tita." Si D. "Tita Sofie, Salamat po." Zack. "Thanks." Black. "Your all welcome boys, visit my son if you'll have time! Bye." Lumapit kay Vane ang Ina, niyakap siya't hinalikan sa pisngi. "Bye son, talk to you later. Enjoy your day." "Mom, please keep some of my secrets ok!" Pabulong na pakiusap ni Vane sa lna. Ngumiti lang ang Mommy ni Vane, sabay tapik nito sa pisngi at bumulong. "Don't worry Son, I won't tell him how moody and stubborn you are. Bye." Habang naglalakad papuntang garden sina Sophie, Monica at Dale. Nakasunod naman ang mga mata ni Vane dito. Hindi sya mapakali. "So V, now that you have a nurse therapist, get well soon, so we can have a good time again." Excited na sabi ni Zack. "Yeah, good luck V." Dagdag ni Earl. Sabay taas ng plastic cup na hawak. "Cheers!!!!! " sabi pa nito. Sabay sabay naman nilang itinaas ang mga plastic cup nila, na ang laman ay cola, ice tea at lemon tea. Lahat take out drinks na dala ng mga kaibigan ni Vane. "Cheerss!!... For Vane fast recovery!" Natapos ang masayang kwentuhan, harutan, tawanan nilang magkakaibigan ng pumasok si Dale sa sala at lumapit sa kanya. "Sir Vane, oras na po para sa therapy session nyo!" "Hahaha Sir Vane talaga! Seriously? Di bagay." Tumatawang sabi ni Zack. "Yeah! Ang sagwang pakinggan V." Pigil ang tawang singit ni D. " Sorry Sir Vane, ganito lang po talaga ako sa mga patient ko." deretsong hingi ng despensa ni Dale. "It's ok nurse Dale, don't pay attention to those crazy people. just do your job." Seryoso ang mukha ni Earl, pero namumula naman ang mga mata sa pagpipigil ng tawa. 'Nakakailang naman tong mga tropa ni Sir Vane, Aruykopooo ki gaganda pa ng katawan. San kaya nagge gym ang mga to? Gusto ko ring magkaroon ng ganyang abs at muscle.' Naputol ang pag iisip ni Dale ng tapikin ni Zack ang balikat nya. " We're going now, nurse Dale, take care of our friend ok! Thanks." "Many thanks in advance". Nakangising sabi ni D. Kumaway naman si Earl, Samantalang naglakad lang palabas ng bahay si Black. Nakatanga lang si Dale, habang sinusundan ang apat na matitikas at ubod ng gwapong mga kalalakihan. 'Grabe, kailan ko kaya ma a achieve ang ganung kagandang katawan? Nag ge gym naman ako, pero bakit maliit pa rin ang katawan ko? Teka! Baka isipin nyu bakla ako? Huy! Hindi ah!!! Lalake ako. Lalakeng lalake. Sa katunayan nga kahapon habang inaayos ko ang aking gamit sa locker, katatapos ko lang mag gym , May kumausap sa akin na isang lalaking mukhang babad na babad sa pagwowork out. Syempre dahil tinuruan ako ng aking magulang ng magandang asal at sariwa pa sa akin ang Good Manners and Right Conduct noong elementary, nakipag usap naman ako sa pinakamagalang na paraan. Kwento dito, kwento doon at habang patuloy kong inaayos ang gamit ko. Pero wala akong naintindihan sa kanyang mga sinabi. Hanggang sa kami na lang dalawa yung natira sa may locker room. Bigla akong kinabahan nang sinaraduhan niya ang pinto. Tumulo ang malamig kong pawis sa aking ulo pababa sa aking dibdib at pababa pa din ng pababa hanggang sa aking.. tooooottt. Doon ko napatunayan na... Hindi lahat ng lalaking pumupunta sa gym ay nagbubuhat ng barbel, yung iba, mas bet magbelly dancing. Mas lalo akong kinabahan nung mapansin ng kanang mata ko na unti unti siyang lumalapit sa akin habang nagtatanggal ng saplot. Kung anu-ano na yung pumasok sa isip ko.. Yung binatilyong nireyp ng mga pulis na headline sa mga dyaryo, at yung lalaking pinasakan ng canester sa kanyang pwet. E anong magagawa ko? Wala akong kalaban laban sa katawan kong ito. Pribilehiyo lang ba ito ng pagiging hot ko o isa itong sumpang dapat ng tapusin? Napalunok ako sa takot at napakapit ako ng mahigpit sa aking bag. Ito na ba yung oras ko? Ano na lang ang magiging tunog ng utot ko kung sakaling magtagumpay siyang angkinin ang katawan ko? Syet. Di ko kaya. Maya maya pa'y hinawakan na niya ang aking balikat. Walang anu ano'y nagpumiglas ako at napasandal ako sa locker habang yakap yakap ko ang aking sarili. Sa loob loob ko'y sumisigaw ako ng malakas pero slow motion yun na parang yun ang pinaka highlight ng isang pelikula na tipong pang best actor ako. Nagulat siya pero siyempre mas nagulat din ako. Tang ina lang niya eh no! Tapos bigla siyang nagsalita, "Preh. hihingi lang ako ng fowder." Hahaha ang tawa ko di maampat ng sinabi nya yun sakin. Duwag lang ako pero hindi tanga nuh!.. "Dale, where's Vane? Are you done with his therapy session?" Nagulat si Dale sa biglang pagsulpot ni Sophie sa sala. "Ahm, hindi pa nga po Maam Sophie, kaaalis lang po kasi ng mga kaibigan ni Sir Vane." "Oh, ok, So, where's Vane?" "Ahm, baka sa kwarto na po nya Maam, puntahan ko na lang po sya dun." "Sige." Ngumiti pa ang ginang, dahil natutuwa siya't napakagalang ng bagong nurse na nakuha ni Shanaya para kay Vane. "Maiwan ko po muna kayo Maam Sophie, at maraming salamat po pala sa mainit na pagtanggap nyu po sakin dito." "You're welcome to our home, and you're part of our family now, Dale." "Thank you so much! Maam." Maluha luhang naglakad na si Dale patungo sa kwarto ng arogante nyang pasyente. Grabe! hindi man lang sya hinintay nito. Habang sa loob ng kwarto nag iisip pa rin si Vane, sigurado na siyang ito ang baklang nakabangga sa kanya dun sa makati restaurant. 'What a small world, imagine that! Ang bakla na yun ang therapy nurse ko ngayon? Unbelievable!!! ' Ng may biglang kumatok at nagsalita. "Sir Vane, si Dale po ito. oras na po ng therapy session nyu". 'Si bakla!' Hindi sumagot si Vane, ni hindi nya rin binuksan ang pinto. Pinagana nyang electric wheelchair patungo sa terrace ng kwarto nya at dun nag stay, pinanuod nyang papalubog na sunset. Mga kalahating oras ng dumaan at tahimik na sa labas ng kwarto ni Vane. Siguro napagod at namaos ng bakla kaya umalis na. Yun ang akala ni Vane, pero biglang bumukas ang pinto, kasabay ng matinis na boses ng Ina nito. "Vane iho, nandyan ka lang pala, bakit di mo binuksan ang pinto ha? 30 minutes ng kumakatok si Dale, kawawa naman nagkasugat ng kamay kakakatok sa pinto mo." Sermon ng Ina nya, pero di man lng nya ito nilingon sa halip ay ipinikit nyang mga mata at sinamyo ang hangin. 'Ahhh, napakasarap sa pakiramdam ang dampi ng hangin saking balat. Kapayapaan, ito ang gusto kong maramdaman.' Napadilat ang mga mata ni Vane ng maramdaman ang paghaplos ng Ina nya sa pisngi nyang may tumutulong luha. Dyata't umiiyak sya? Pero hindi nya alam at ni hindi nya rin naramdaman? Nagulat sya ng pagbaling nya sa Ina ay nakita nyang naluluha na rin ito. "Vane iho, sige na mag pa therapy kana! para makasama kana ulit namin mag travel, we miss you son." Nginitian ni Vane ang Ina, saka tumatangong tiningnan ang nurse nyang bakla. Lumapit naman kaagad si Dale, nilapag nito ang dalang medicine kit saka lumuhod sa harapan ni Vane na nakaupo pa rin sa wheelchair. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Abala sila sa kanya kanyang iniisip. Hanggang sa magsalita si Mrs. Del Valle. "Mga iho, maiwan ko na muna kayo dito, may gagawin pa kasi akong importante." 'Sige po Maam Sophie, ako na po ang bahala sa anak nyo." Si Dale lang ang sumagot. Samantalang si Vane tahimik lang na nakatingin sa labas ng terrace. "Vane, be nice to Dale ok!" Tumango lang si Vane. Habang tuloy lang ang pag masahe ni Dale sa mga binti nya. 'Ang lambot naman ng palad nito, saka napakagaan ng kamay! Hmmm.. Lahat ba ng bakla ganito kasarap mag alaga? Well, hindi na masama.' Napakurap kurap ng mga mata si Vane sa naisip, Bakit ba tila nagugustuhan nyang pagdantay ng mga palad ni Dale sa balat nya? 'What does this mean?' Bumaba ang tingin nya sa nurse nyang abala pa rin sa pagmamasahe sa binti nya pababa sa paa. 'Hmmm may hitsura naman kaya lang ang liit ng katawan, pero hindi naman payat katamtaman lang. May makukurot pa namang laman kahit papano.' Gumuhit ang misteryosong ngiti sa labi ni Vane. At yun ang nakita ni Dale ng aksidente syang napatingala, at nagtama ang mga mata nila Vane. Sa akalang nginitian sya ng aroganteng pasyente, nginitian nya rin ito. Bago yumuko ulit at ipinagpatuloy ang ginagawa. Samantalang si Vane ay nakaawang ang labi habang nakatingin sa bakla nyang nurse. Nakita nyang kamay nito, may maliit na sugat at namumula. Nakaramdam tuloy sya ng awa dito. Tinitigan nyang muli ang mukha nito. Kung saan nya nasilayan ang ngiti nito. 'What a beautiful smile I've ever seen, for all of my life.' Ipinikit ni Vane ang mga mata, at ninamnam ang masarap na pakiramdam.. Hanggang sa di na nya namalayang nakatulog na pala sya. At sa paggising nya, nasa kama na sya nakahiga at iba ng suot nyang damit. Agad syang napaupo dahil sa nerbyos, at sa pagbaling ng tingin nya sa sofa, dun nya nakita si bakla mahimbing na natutulog, naka unan ang ulo sa armrest habang yakap ang damit na suot nya kanina habang minamasahe sya nito. "Oh f**k!!, did that gay change my clothes?" Sa naisip na baka nabusohan sya ni bakla, biglang nanlaki ang mga mata nya at natutop ang bibig ng dina napigilan ang sarili. Bigla syang napasigaw ng, "NOooooo..." ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD