"I'm not a perfect partner that anyone will have but when I'm in love, I always cross the bridge for the person who will make me smile genuinely."
'Dale Mondragon ..
is kind, loyal, caring,
honest and loving'
Minsan kailangan mo ng quality time para sa sarili mo. Yung ikaw lang mag isa, wala kang kasamang kahit sino. Konting space na malayo sa pamilya at mga kaibigan mo. Kasi, sa loob ng isang araw, madalas nating ginugugol ang oras natin sa trabaho, sa lovelife, sa pakikipagchat sa mga kaibigan, pagtetext, at pakikisalamuha mo sa ibang tao.
Masarap kaya sa pakiramdam na alam mong pinapahalagahan mo yung mga taong mahal mo and at the same time, may oras ka din para sarili mo. Bumibili ka ng bagong damit, kumakain ka ng paborito mong pagkain ng mag isa, hawak mo ang oras mo at nakakapag isip ka ng mga bagay bagay na hindi mo magawang maisip lalo na kapag may mga kasama ka.
Minsan kasi, kapag mag isa ka, nakikita mo kung anong kulang sa buhay mo at kung ano yung mga bagay na dapat mong ipagpasalamat kasi andyan sila sa buhay mo.
At dahil may pang LEE na naman ako, pumasok ako sa loob ng department store ng may ngiti sa labi. Saktong papunta ako sa bilihan ng pantalon ng hinabol ako ni Ate.
“May small pa ba nito?” sabay pakita nung blouse na hawak niya sakin na nakahanger.
'Wow ha!', Sabi ng nagsusumigaw kong puso. “Di ko po alam. Customer din po ako.” With matching ngiti pero pilit.
“Excuse me?” sabi ni Ate in high pitch. “Nagtatrabaho ka dito pero di mo alam? Ihanap mo ko ng small.”
At sinalaksak ko yung bibig niya ng hawak kong hanger. Hindi ko tinigilan hangga’t hindi ko nahahalungkat sa lalamunan niya yung demonyong sumapi sa pagkatao niya. 'Pero joke lang yun siyempre.'
Halos mag-effort akong maligo kahit ayaw ko. Nagbathtub ako. Naghilod ako. Hindi pa ba yun sapat para magmukha man lang akong customer? ‘ Pag plain white shirt lang ang suot, empleyado na agad ng department store? Tangina ni Ateng yun ah. Hindi sa naiinsulto ako dahil napagkamalan nila akong empleyado sa mall. Hindi ko sila minamaliit. There’s nothing wrong being a salesman. Ang punto ko lang, customer ang major role ko sa mga oras na yon na makakatagpo ng panandaliang lovelife habang nagpapacute sa ibang customer, hindi tagahalungkat ng damit sa stockroom o taga-assist ng customer. Pangalawa, wala ba akong karapatang magwindow shopping ng walang istorbo? Day-off ko yun! Pati ba naman day-off ko bibigyan ako ng trabahong hindi ko naman trabaho? Aba teka.
Hanggang sa parang narinig ko na lang na kung anu-ano na ata yung nirerequest ni ate sa’kin pero ang naintindihan ko lang ay, “Hey. I’m waiting.”
Kaya sinabi ko na lang, “Yes mam! Kukunin ko lang po sa stock room. Diyan lang po kayo saglit. Babalik po ako.”
Tapos hindi na ako bumalik. Maghintay siya forever! "Continental pakyu ka Ate hanggang sa kanunonunuan mo! Sana wala kang makitang small habangbuhay!”
And then, I live happily ever after.
Habang palakad lakad sa loob ng Mall, Naisipan kong bumili ng pagkain para sa bahay na lang kumain. Pumasok ako sa Chowking na nadaanan ko. Deretso nako agad sa counter at umorder.
“Kuya, isang chopsuey rice nga. Take Out”
“Okay sir.”
At dahil bilang sanay naman akong naghihintay, naghintay ako ng walang pag-aalinlangan at buong pagpapakumbaba. Medyo hindi naman ako nabagot kase Uma-Arianna Grande ang tugtog. Eh di medyo napapaindak na ako ng slight tapos gumagalaw-galaw na yung balikat ko habang hinihintay yung chopsuey ko. Yung tipong kapag di ko pa napigilan ang sarili ko baka bigla na lang akong mapasayaw tapos mapabirit pa ako ng wala sa oras.
Hanggang sa may bwakananginang nagpalit ng playlist tapos biglang tumunog yung “Dati”. ( Yung kanta ni Sam Concepcion at Tippy Dos Santos.) Natigilan ako. Yung hyper kong energy kanina napalitan ng poker face. Medyo nagiging mas vulnerable kasi ako kapag nakakarinig ako ng malungkot na kanta. Lalong nattrigger yung pain. At ayoko na ipaliwanag pa kung bakit.
Sa madaling salita, lumapit ako sa counter. “Kuya. Yung order ko po. Pakibilisan po. Importante lang po.”
Ayoko kasing marinig yung kanta. Pero tuloy pa rin sa pagplay. Hanggang dumating dun sa lyrics na...
♫♫ Ngunit ngayo’y marami ng nabago’t nangyariiii….
Tanginuhhh.. Gustong-gusto ko ng umalis nun. Pero dahil gutom na ako at sayang naman yung order kong chopsuey, tiniis kong maghintay pa ng konti sa ngalan ng kumakalam kong sikmura at para sa bayan na din. Pero tangina kahit ayokong pakinggan yung kanta, lalong nagsisink-in sa utak ko yung lyrics. Emotional t*****e ampota. Feelings o sikmura? Tipong ganyan.
At lumapit na naman ako ng counter with conviction. “Kuyaaaa!! Parang awa mo na. Kelangan ko ng makuha yung order kooo.” Na medyo nangingilid ngilid na yung luha sa left eye.
Parang anytime kasi, baka bigla na lang akong sumabog. At baka tissue na pala yung inaabot sa’kin ni kuya at hindi na yung chopsuey ko.
“Sir, 3 minutes pa po.”
Nang narining ko yun, dalawa lang yung gusto kong gawin. Una, sugudin yung cook, tampalin siya ng sandok at kunin ang chopsuey ko, At pangalawa, gripuhan at balatan ng buhay ang kung sino mang nagplay ng kantang yun. Wrong choice of music!!!
Tapos narinig ko na naman yung kanta dun sa parteng,
♫♫ Pangarap na lang din…. Na gaya pa rin ng… ( wait for it )… ng dati…
At hindi ko na talaga kinaya. Nag-walkout na ako at iniwan ko na yung order ko. Bastos na kantang yun. Walang respeto sa customer na gaya kong may pinagdadaanan. Tangina din dun sa chopsuey. Umuwi akong gutom at sawi, Ka badtrip ng araw na ito sakin.
Pagdating ko sa bahay namin, Bukas ang pinto ng bahay. Nagkalat ang mga gamit sa salas at kusina. Bukas din ang mga pinto sa kwarto. Bukas din ang shower sa banyo. Kinabahan na ako. Hanggang sa may malakas na sigaw akong narinig sa kwarto. Agad akong nagmadaling tumakbo kung saan nanggaling ang tunog.
Andun ang inay.. Nag ca-candy crush saga. “Anak. Wala na akong life!!!”
Hindi ko alam na masama pala ang maidudulot ng pagbili ko ng tablet sa inay ko. Dahil bukod sa ilang araw ng delayed ang aming hapunan, ilang gabi na ding sunog ang aming sinaing. Nagpabili kasi siya sakin nun isang araw.
Yun daw “Computer na screen lang tapos walang keyboard. Yung iniiswayp lang." Sabi ko, “Ahhh.. tablet yun.”
Para daw hindi na siya magdala ng bible kasi pede daw magbasa ng Bible dun. Active kasi siya sa church namin. Araw araw yun umaatend ng prayer meeting. At maya’t maya niya akong pinagpipray dahil alam niyang makasalanan ang puso’t isip ko. Mga pa ganyan. Kahit maraming tao sa paligid, itataas niya yung kamay niya para ipagpray ako. Hanggang sa husgahan na ako ng buong mundo.
At nagkatablet na nga ang lnay ko. Sobrang excited ako nung binili ko yon. Talagang alas dos ng madaling araw, kalalabas ko lang nun sa trabaho ko sa hospital, ginising ko pa talaga siya para sabihin na.
“Surprisa! Dala ko na yung Ipad niyo.” Expected ko, slow motion niya akong yayakapin at magpapa thank you at masarap ang baon ko kinabukasan.
Pero nagalit sakin, “Napakagastos mo. Hindi ka na lang mag-ipon ganyan ganyan blah blah blah blah”
Kinaumagahan, Madaling araw pa lang nun nang bigla niya akong ginising, “Asan na yung tablet na binili mo sakin? Maganda? ”
At simula noon, bigla bigla na lang akong makakarinig ng malakas na sigaw sa kwarto. Yung malapit ka ng makatulog tapos may biglang sisigaw ng malakas. "Mader paker. Talo akoo!!“
Yung kumakain ka tapos bigla na lang tatalsik yung kutsara mo sa sobrang gulat. "Wala na naman akong life!!”
Yung akala mo may kaaway yung nanay mo kaya bigla kang lalabas ng banyo na may shampoo pa sa ulo habang nakatapis lang. Yun pala nakikipagpataasan lang ng level sa kapitbahay. Punong puno ng tensyon at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Wala na akong peace of mind sa bahay na ito. Sana makaalis na sa level 21 ang nanay ko.
Pero para sakin, ang makita ko ang Inay ko na sobrang saya habang nakaupo sa sofa na tuwang tuwa sa gamit na pinag ipunan mong bilhin para sa kanya, Yun ang pinakamasarap na pakiramdam.
Ako nga pala si Dale Mondragon, isang Nurse kagaya ng Ate Monica ko. at si Ate Aisha dentist naman. Tatlo kaming magkakapatid, Apat lang kami sa bahay dahil ofw si Tatay at nasa Italy ngayon. Minsan lang namin nakakasama, Pero ok lang wala naman problema basta may internet lang solb ng pagkakamiss namin sa isa't isa.
?MahikaNiAyana