π‘ͺ𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒆: π‘·π’‚π’ˆπ’‘π’‚π’‘π’‚π’‚π’π’‚π’Ž

1317 Words
Kahit puyat si Faeleen ay maaga pa rin itong gumising, dahil papasok pa siya sa eskwelahan. Kailangan niyang mapanatiling mataas ang marka para hindi siya maalis sa scholar. Naging malaking tulong 'yon kay Faeleen, dahil kahit paano ay nababawasan ang binabayaran niya sa tuition fee. Malalaki ang hakbang niya habang naglalakad sa hallway, dahil maglilinis pa siya sa faculty room. Wala siyang kaibigan dito dahil walang ibang ginawa si Addison kundi i-bully at siraan siya sa maraming tao. Wala rin naman siyang balak makipagkaibigan, dahil kahit iisa lang ang itinuturing niyang kaibigan totoo ito sa kanya at hindi plinaplastik. Napahinto siya sa paglalakad dahil may humarang sa kanya, walang iba kundi si Addison. "Hello Faeleen!" Mataray niyang bati sa kanya. "Ano na namang kailangan mo?" Walang gana na tanong niya, ngumisi naman si Addison. "Ikaw ang kailangan ko, sumama ka sa amin!" Sasagot pa sana pero hindi na natuloy dahil hinila na siya ng kanyang pinsan. "Ano ang magandang gawin sa kanya?" Tanong ng isang kaibigan ni Addison. "Manood ka na lang Megan!" Mataray na sagot nito sa kaibigan, nagkatinginan naman sila saka mahinang tumawa. Pumasok sila sa cafeteria saka lang niya binitawan si Faeleen. "Ano ba ang kailangan mo Addison, wala akong oras makipaglaro sayo!" Marami pa siyang importanteng gagawin, pero mukhang paglalaruan na naman siya ng mga magkakaibigan. "Bumili ka ng pagkain namin bilisan mo!" Utos ni Addisson sa kanya, nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa sinabi nito. β€œWala ba kayong mga kamay at paa para bumili? Marami pa akong gagawin Addisson!” Nakaramdam ng inis ang dalaga dahil sa hindi pagsunod ni Faeleen. β€œBaka gusto mo na namang masaktan? Huwag mo akong subukan sinasabi ko sayo Faeleen!” Lihim naman na napalunok ng laway si Faeleen. β€œAkin na ang perang pambili!” Wala siyang choice kundi sumunod sa utos, siguradong malalagot na naman siya sa mga teachers dahil late siyang maglilinis. β€œSinong nagsabing gagamitin mo ang pera namin para bumili? You will use your own money! Hurry, we're getting hungry!” Sigaw sa kanya ni Addisson, wala na siyang pera saktong allowance niya na lang ang natira. Kung gagastusin niya ito siguradong sa kangkungan siya pupulutin. "Vegetables salad ang pagkain namin, samahan muna rin ng juice!" Habol ni Addisson, napairap na lamang siya bago talikuran ang kanyang pinsan. Kumuha siya sa kanyang wallet ng pera at nag-order ng apat na Vegetables salad. One thousand one hundred sixty na ang bawas sa kanyang allowance. Binayaran na niya ang kanyang order, bago kinuha yung vegetables salad. Walang imik na inilatag ang tray sa mesa nila Addisson, napapangisi naman siya habang nakatingin sa pinsan. β€œAng bait pala ng pinsan mo Addi, lagi tayong nililibre ng pagkain.” Natatawa na sabi ni Megan, napataas naman ng kilay ang dalaga. β€œCorrection hindi ko siya pinsan, wala akong kamag-anak na tulad niya!” Mataray nitong sagot bago uminom ng juice, suminyas na siyang umalis na si Faeleen. Masama ang loob niyang lumabas ng Cafeteria, dahil sa iniiwasan niyang guluhin siya ng mga kaibigan ni Addisson. Sinusunod na lamang niya kung anong gusto nila, kahit labag ito sa kanyang kalooban. Pagdating niya sa faculty agad siyang kumilos para maglinis. β€œBakit ngayon ka lang Miss Esguerra? Kung lagi kang late mapipilitan kaming humanap ng iba para maglinis dito.” Seryoso na sabi sa kanya ni Mrs Layo. β€œPasensya na po ma’am, na-late po kasi ako ng gising.” Pagsisinungaling niya napairap naman ang ginang. β€œBilisan mong mag-linis baka ma-late ka pa sa klase ko!” Utos niya, tumango naman si Faeleen bilang sagot. Si Mrs. Laro kasi ang unang subject niya ngayon. β€œPinapasabi pala ng Admin, pumunta ka mamaya sa office niya. May importante siyang sasabihin sa'yo.” Dagdag na sabi nito sa dalaga, dahilan para kabahan si Faeleen. β€œSige po pupunta ako mamaya.” Magalang niya na sagot, napailing naman ang ginang. Walang ideya si Faeleen kung ano ang sasabihin ng Admin. Pero dahil sa mga nangyayari sa kanya, may kutob siyang tungkol ito sa tuition fee. Pagkatapos ng kanyang klase, diretso siya sa admin office. Kumatok muna ito bago binuksan yung pintuan. Ngumiti ang admin ng makita siya at sumenyas itong umupo si Faeleen. β€œGood Afternoon po, may sasabihin daw kayo sa akin.” Nakangiti niyang sabi, umayos sa pagkakaupo ang admin bago nagsalita. β€œYes, kaya pinatawag kita ngayon tungkol ito sa tuition fee mo. Sinabi na ba sayo ang tungkol doon?” Malumanay na tanong ng ginang sa dalaga tumango naman si Faeleen bago magsalita. β€œOpo, makikiusap po sana ako kahit dalawang buwan lang para makapag-ipon ng pambayad.” Huminga ng malalim ang ginang, lalong kinabahan si Faeleen. β€œWala akong problema sayo Miss Esguerra, dahil isa kang mabait matalino at masipag na estudyante. Sana sa dalawang buwan na yan makapag-ipon ka na, dahil hindi ka makaka-graduate kung hindi mo mababayaran ang iyong balance.” Paliwanag sa kanya ng ginang. β€œMalaking panghihinayang iyon Miss Esguerra, ito na yung matagal mong hinihintay ang makapagtapos. Nagbunga lahat ng paghihirap mo, napatunayan mong kahit ulilang lubos ka na nakayang muna pag-aralin ang iyong sarili. Doon ako nabibilib sa'yo, kakausapin ko ang registrar office para sa iyong balance kung nagkaproblema man, sabihin mo ako.” Dagdag na sabi ng ginang, maluha-luhang namang tumango si Faeleen bilang pagsang-ayon. Nagpapasalamat siya na laging pagtulong sa kanya ng ginang. Walang ibang madaluhan si Faeleen maliban sa administrador, kaya nangako siyang mag-aaral ng mabuti kapalit ng pag-unlad pa ng kanyang pag-aaral upang maiwasang mawalan ng scholarship. β€œMaraming salamat po, hinding-hindi ko talaga kayo makakalimutan.” Ngumiti ang ginang sa kanya. β€œMaging matatag ka Miss Esguerra, lahat tayo dumadaan sa pagsubok para subukin kung gaano ka katatag.” Sunod-sunod na tumango si Faeleen, nagpaalam na rin siya dahil papasok pa ito sa kanyang part-time job. Magpapaalam na siyang hindi na ito magtatrabaho at babayaran na lang yung binali niyang sweldo. Pinahiram siya ni Selene, sinabihan din siyang malaki ang kanyang sahod sa club. Sumakay na siya ng traysikel dahil medyo may kalayuan ito sa paaralan niya. Agad siyang bumaba sa traysikel pagdating niya sa kainan. Sinalubong siya ng isa niyang kasamahan. β€œMaaga tayong magbubukas ngayon dahil Friday.” Nakangiti niyang sabi kay Faeleen. β€œSige magpapalit lang ako ng damit.” Paalam niya, pero ang totoo ay pupunta siya sa opisina ng may-ari ng kainan. Kumatok muna ito sa pinto bago buksan, ngumiti siya bago tuluyang pumasok. β€œMagandang hapon po, may importante lang akong sasabihin. Tungkol po ito pag-alis ko sa trabaho, yung binali kong limang libo babayaran ko na.” Magalang niya na sabi napatango naman ang ginang. β€œMay nahanap ka na bang trabaho?” Tanong ng ginang. β€œMeron na po, pumasok lang ako para magpaalam na last day ko na ngayon.” Ngumiti naman ang ginang, matagal ng nagtatrabaho si Faeleen sa kanya at wala namang siyang naging problema. Nagpaalam na rin itong aalis siya oras na may mahanap siyang ibang trabaho. β€œThat’s good, kung hindi mo kaya sa bago mong trabaho bukas pa rin ang pinto para sayo. Huwag kang mahiyang bumalik sa akin.” Kailangan niya ng tulad ni Faeleen, dahil masipag at mabait ito sa mga customer nila.. β€œMaraming salamat po Mrs. Pardo, kapag day off ko po pupuntahan kita rito.” Kahit papaano ay naging pangalawang ina niya na rin ang ginang. β€œAasahan ko yan Fae.” Nakangiti niyang sagot, masaya siya para sa dalaga dahil tulad niya rin noon si Faeleen. Nagsumikap para makapagtapos sa pag-aaral kaya noong nag-apply ito sa kanya agad niyang tinanggap. Hindi naman siya nagsisisi, lagi niya itong pinapangaralan dahil lahat ng nagiging sahod ng dalaga napupunta sa tiyahin nito. β€œMagtatrabaho na po ako, mag-ingat kayo lagi.” Paalam ng dalaga dahil oras na para sa kanyang duty. Maraming tao ngayon kaya siguradong pagod na naman siya pag-uwi mamaya. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD