π‘ͺ𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 π’•π’˜π’: π‘·π’Šπ’Œπ’Šπ’•-π’Žπ’‚π’•π’‚

1414 Words
Kanina pa nakauwi si Faeleen galing sa kanyang part-time job, pero hindi pa ito dinadalaw ng antok. Hinihintay niya ang tawag or text ni Selene sa kanya, kinakabahan siya dahil baka hindi pumayag ang boss ng kaibigan. Kahit labag sa kalooban niyang magtrabaho sa gino’n ay wala na siyang pagpipilian. Hindi ito ang tamang oras para mag-inarte, dahil halos wala na siyang sasahurin sa kanyang trabaho. β€œFaeleen! Diba sabi ko kahapon labhan mo ang aking mga damit! Ang Tamad mo talaga kahit kailan!” Galit na sigaw ni Addison bumangon naman sa pagkakahiga si Faeleen. β€œKailangan kong magpahinga Addison, dahil may work ako mamayang gabi.” May pagkainis niyang sagot sa pinsan, wala naman itong ginagawa pero bakit kailangang siya pa ang maglalaba ng mga maruming damit ni Addison. β€œAnong pakialam ko kung nagpapahinga ka? Lalabahan mo lang naman yung damit ko, mahirap bang gawin iyon? Sinabihan na kita kahapon, huwag mo akong sinusubukan!” May pagbabanta nitong sabi kay Faeleen. β€œKung hindi mahirap bakit hindi mo kayang gawin? Wala ka namang ginagawa diba? Kung nahihirapan kang maglaba, pwede mo naman dahil sa laundry shop.” Hindi na maiwasang sumagot ni Faeleen, dahil alam naman nilang pagod siya pero kung makautos sila sa kanya parang hindi napapagod. Sumingkit naman ang mga mata ni Addison, ngayon lang siya sinagot-sagot ng kanyang pinsan. β€œLumayas ka rito, hindi ko kailangan ng isang tulad mong walang utang na loob!” Galit niyang sigaw, pero tila walang narinig si Faeleen nagtalukbong pa ito ng kumot. Lalong nakaramdam ng galit si Addison, hinila niya yung kumot ni Faeleen bago hinawakan ng mahigpit sa braso. "Ano ba Addison nasasaktan ako!" Agal niya habang pilit inaalis ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. "Talagang masasaktan ka Faeleen, talagang sinusubukan mo ako!" Mariin niyang sagot bago ito hinila sa pagkakahiga. "Hindi dapat ako ang lumayas dito kundi kayo! Ako yung nagbabayad ng upa!" Matapang na sabi niya, punong-puno na siya dahil wala ng ibang ginawa si Addison kundi ang ipahiya siya sa pinapasukan nilang paaralan. Hindi umimik si Addison, ngumisi lang ito bago siya hilain papasok sa banyo. Hinawakan ng dalaga ang buhok ni Faeleen at walang pagaalinlangang isinubsob ito sa drum na puno ng tubig. Hinawakan ni Faeleen ang kamay ng kanyang pinsan, dahil hindi na niya kaya nakakainom na rin siya ng tubig. Hinila siya paangat sa tubig, tumawa ng mahina si Addison. Hingal na hingal naman si Faeleen, hindi na niya mapigilang umiyak nanginginig ang kanyang katawan dahil sa takot. Akala ng dalaga ay katapusan niya na. "Ano nasaan ang tapang mo?" Nakangiti niyang tanong kay Faeleen. "Sa susunod na 'di ka sumunod sa akin titiyakin kong hindi lang iyan ang matitikman mo!" Malamig niyang sabi bago itulak sa pader at lumabas ng banyo. Napaupo sa sahig si Faeleen at napahagulgol ng iyak. Hinayaan lang niya ang kanyang sarili na umiyak, para mailabas lahat ng sakit na nararamdaman. Buong buhay niya wala siyang ibang naranasan, kundi ang pagpapahirap ng tiyahin at ni Addison sa kanya. Sobrang saya niya no'ng mag-aaral na siya sa kolehiyo, dahil kahit papaano ay makakalayo na ito sa mag-ina. Pero laking gulat na lamang niya isang araw nasa harapan ng kanyang apartment sina Addison. Doon na naman muling nagsimula ang kalbaryo ng buhay niya. Nang maayos na ang kanyang pakiramdam, lumabas na siya ng banyo saktong pagpasok niya sa kwarto. Saktong tumunog ang kanyang cellphone, agad niyang sinagot yung tawag dahil si Selene iyon. "Hello Faeleen, pumunta ka ngayon dito sa apartment ko. Hihintayin kita rito." Seryoso na sabi ni Selene sa kaibigan, bigla namang nakaramdam ng kaba si Faeleen. "Sige magpapalitan lang ako, see you later." Paalam niya bago binaba ang tawag, nag-ayos na ng sarili si Faeleen para pumunta sa apartment ng kaibigan. Paglabas niya ng inuupahang apartment agad siyang sumakay sa tricycle. Kinakabahan pa rin siya dahil seryoso si Selene kanina. Baka hindi pumayag ang kanyang boss na magpart-time siya doon sa club. Agad siyang umakyat sa hagdan papunta sa ikalawang palapag. Kumatok siya sa pintuan, pagbukas ay seryosong mukha ni Selene. "Pasok ka Fae, kumain ka na ba?" Tanong niya napatingin siya sa braso ni Faeleen. "Anong nangyari dyan?" Muling tanong niya sabay hawak, napadaing naman si Faeleen. "Wala 'to nabangga ko kasi yung pader." Pagsisinungaling niya ngumiti pa siya para hindi mag-alala ang kaibigan. "Ano bang makakain? Nagugutom na ako eh kaka-out ko lang kasi sa work." Tanong bago pumasok sa loob, nagtungo siya sa kusina at binuksan yung kaserola at kaldero. "Wow talagang asinsado ka na talaga Sele, pakain ako hah." Nakangiti niyang sabi tumango naman ang dalaga bago umupo. "Alam mo Fae, todo trabaho ka pero ang iyong sarili napabayaan muna! Magtira ka naman kasi para sa sarili mo, hindi yung lagi mong binibigay lahat sa tiyahin mong bruha." Seryoso na sabi ni Selene habang nakatingin sa kaibigan. Napabuntong-hininga naman si Faeleen bago sumagot. "Alam mo namang malaki ang utang na loob ko kay Auntie, malusog naman ako ah!" Nakangiti niyang sabi bago sumubo. "Kamusta pala yung tungkol sa part-time job ko?" Pag-iiba niya ng usapan dahil iniiwasan niya iyon ang topic. "Tungkol doon, ang sabi sa akin kailangan mong umalis sa iba mong part-time. Dahil ang shift mo six pm to 1 am, day off tuwing linggo pero depende pa iyon. Minsan kasi kapag maraming costumer nagpapasok pa rin si boss kahit day off." Paliwanag ni Selene sa kanya, napakagat siya ng ibabang labi. "Paano yan bumali ako ng limang libo sa restaurant, kailangan ko pang bayaran iyon. Pwede bang umutang muna sayo?" Nakangisi na tanong niya, napailing na lang si Selene. "Ako pa talaga ang inutangan mo hays ibang klase. Bilisan mo dyan sasama ka sa akin sa club!" Pagtataray niyang sagot humagikgik naman si Faeleen. Pagkatapos niyang kumain nag-ayos lang saglit si Selene bago sila umalis ng apartment. Sumakay ang dalawang dalaga sa taxi, tahimik lang si Faeleen habang nakatingin sa labas. "Di ba graduating ka na? Ano balak mo pagka-graduate?" Tanong niya, hindi na kasi siya nag-aral pa. Mas pinili niyang magtrabaho, dahil walang ibang aasahan ang dalawa niya pang kapatid. Nag-focus siya sa pagtatrabaho para maibigay ang kanilang pangangailangan. "Maghahanap ng matinong trabaho, tapos kapag nakaipon na ako pwede na akong magtayo ng sarili kong restaurant." Bata palang siya ay pangarap na niyang magkaroon ng sariling restaurant. "Nice ako ang una mong costumer, pero dapat libre alam mo namang may dalawa pa akong pinapaaral." Nakangising saad ni Selene, masaya siya dahil nagbunga ang paghihirap ng kaibigan niya. Dahil naging saksi siya sa mga paghihirap ni Faeleen, sa magulang palang ng kaibigan ay nakaramdam na siya ng hirap dahil sa sitwasyon nila. "Oo naman walang problema sa akin, kahit pa doon muna rin pakainin ang dalawa mong kapatid." Agad namang sagot ni Faeleen, saka tumawa ng mahina. Maya-maya pa ay dumating na sila sa club kung saan nagtatrabaho si Selene. Agad silang nagtungo sa opisina ng boss ng dalaga, kumatok muna ito sa pinto bago binuksan. "Good evening boss, nandito na ang kaibigan ko." Masiglang bati ni Selene sa ginoo, tinitingan naman niya mula ulo hanggang Paa si Faeleen. "Sigurado ka bang gusto mong magtrabaho rito? Dahil hindi na pwedeng mag-back-out kapag nakapagsimula na.?" Seryoso niyang tanong sa dalaga, ngumiti naman si Faeleen bago sumagot. "Buo na po ang aking desisyon, hindi na magbabago kailangan ko ng trabaho." Magalang na sagot ni Faeleen, tumingin naman ang ginoo kay Selene ngumiti ito. "Sige sa Lunes ang simula mo, dahil student ka pareho kayo ng pasok ni Selene. Ikaw na ang bahala sa kanya, yung magiging uniform niya ibibigay ko na lang bukas sayo. Sa ngayon pwede kang mag-stay dito, pag-aralan mo ang bawat kilos ng mga tao rito." Tumango naman si Faeleen bilang sagot. "Sa Lunes ka na rin pumirma ng kontrata, pwede na kayong lumabas." Sabay na silang lumabas ni Selene, huminga ng malalim si Faeleen para pakalmahin ang sarili. Akala niya'y hindi siya tatanggapin dahil kung tumingin ang kanilang boss ay tila dismayado. "Good luck, alam kong kaya mo yan. Maiiwan na kita rito kapag nabo-bored ka na pwede ka ng umuwi." Nakangiti na paalam ni Selene tumango naman siya bilang sagot. Napatingin siya sa paligid, halos kita na ang kaluluwa yung suot nilang mga damit. Ngayon pa lamang ay gusto na niyang magpalamon sa lupa. Kaya ko ito mag-focus ka dapat sa work Faeleen, marami ka pang babayaran na utang. Aniya sa isipan habang nakatingin sa mga waitress, suot palang ay siguradong mababastos na sila. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD