Nagising ang dalaga dahil sa ingay ng tiyahin, lasing na naman ito at halos kakauwi lang galing inuman. Napabalikwas siya ng bangon dahil bigla itong pumasok sa kanyang silid.
"FAELEEN! Walang hiya kang bata ka, ano 'tong nalaman kong umalis ka na sa trabaho mo!? Nag-iisip ka ba talaga!" Galit na galit niyang sigaw sa dalaga bago hinila yung buhok ni Faeleen.
"Aray ko po tita, nasasaktan ako!" Sigaw ni Faeleen pero lalong humigpit ang pagkakahila sa buhok niya.
"Wala kang pinagkaiba sa nanay mong tanga, hindi ginagamit ang utak! Paano mo kami mabubuhay ngayon ni Addisson, hah?!" Muling sigaw ng ginang saka itinulak, napaupo siya sa sahig halos mapadaing dahil sumakit ang kanyang balakang.
"Bakit kailangang ako ang bumuhay sa inyo ni Addisson? At saka tita huwag mong idadamay si mama, wala siyang kinalaman dito!" Ganting sigaw niya sa tiyahin, payag siyang saktan o pagsalitaan ng masasakit pero hindi siya makakapayag na pati kanyang ina ay laitin ng ginang.
"Aba dapat lang na buhayin mo kami, dahil ako lang naman ang nag-alaga sayo! Kung hindi dahil sa akin baka nasa lansangan ka pagala-gala!" Mariing sagot ng niya sa dalaga bago hinawakan sa baba. "Totoo namang pareho lang kayo ng iyong ina, puro katangahΔ
n ang pinapairal hindi na ako magtataka kung anong buhay meron ka ngayon!" Dagdag pa nitong sabi na lalong ikinasama ng loob ni Faeleen.
"Kapag hindi ka naghanap ng trabaho malilintikan ka sa akin! Anong gusto mo? Ako ulit yung ng bubuhay sayo? Ang kapal naman ng mukha kung gano'n!" Sigaw ng ginang sa mukha niya bago binitawan ang kanyang baba. Napaiyak na lamang si Faeleen, sinipa pa siya ng tiyahin niya bago tuluyang tinalikuran.
"Ano bang ginawa kong mali? Bakit ba galit na galit sila sa akin? Mama papa, Ano ang naging kasalanan ko kay Rita bakit kailangang ganito yung maranasan ko?" Halos pabulong niyang tanong kasabay ng pag hagulgol. Pagod na siyang magpanggap na okay lang, 'di na niya kayang maging matapang at balewalain lahat ng masasakit na salitang kanyang natatanggap.
Kahit ilang beses niyang ipagsisiksikan sa kanyang isipan na, kaya sinasabi iyon ng tiyahin niya ay dahil sa kalasingan nito. Halos kada lasing 'to wala siyang ibang ginawa kundi saktan si Faereen at pahirapan.
Kahit masakit ang kanyang balakang tumayo pa rin siya at naglakad papunta sa kwarto niya.
Hindi niya pwedeng sabihin na sa club na siya magtatrabaho, siguradong lalong magagalit ang kanyang tiyahin. Humiga na siya sa kama, tiningnan niya ang kanyang cellphone kung may message pa si Selene. Sakto namang tumawag ito dahil kailangan nila ng waitress.
Agad na sinagot ni Faeleen ang tawag, dahil baka may sasabihin itong importante tungkol sa kanyang trabaho.
"Hello Faeleen, wala ka bang pasok ngayon?" Agad na tanong ni Selene sa kanya.
"Wala, nagpaalam na ako kay Mrs Pardo." Napangiti naman si Selene dahil sa nalaman.
"Mamayang gabi sabay tayong pumasok dahil pinapatanong ni boss if free ka ngayon. Galingan mo hah, baka training muna ito kaya dapat makapasa ka." Masiglang balita niya sa kaibigan, nakaramdam naman ng saya si Faeleen. Kahit may nangyaring masama kanina, good news pa rin ang bumungad sa kanya ngayon.
"Sige pasok ako, maraming salamat talaga Sele at lagi kang nandyan."
"Wala iyon ikaw pa ba, noong mga panahong nangangailangan ako lagi kang nasa tabi ko. Magkaibigan tayo kaya dapat lang na tulungan din kita sa oras ng kagipitan." Pagpapalakas niya ng loob kay Faeleen ayaw niyang nakikita na malungkot ito. Dahil deserve niyang maging masaya.
"Sige na magpapahinga pa ako, magkita tayo mamaya hihintayin kita rito sa apartment." Paalam ni Selene sa kanya bago babaan ng tawag, napangiti si Faeleen dahil magsisimula na agad siya akala niya'y sa Lunes pa.
Nawala yung ngiti niya sa labi dahil nag-sisisigaw na naman ang kanyang tiyahin.
"Ano ba namang buhay to! Wala pang luto na pagkain! Hoy Faeleen huwag kang buhay prinsesa dyan! Yang kaartehan mo hindi bagay sayo!" Sigaw ng ginang bago pinagbabato yung mga kaldero at kaserola.
"Kung hindi lang sana nabuntis ng kapatid ko ang nanay mo, maganda sana yung buhay namin ngayon! Mayaman na sana kami, kalandian kasi ng nanay mo dikit ng dikit sa kapatid ko!" Muling pang-iinsulto ng tiyahin niya sa kanyang ina, napapikit na lamang si Faeleen.
"Ikaw ang malas sa pamilya namin Faeleen, kung hindi ka sana nabuo buhay pa hanggang ngayon si kuya!" Paninisi nito sa dalaga, May kaya sila noon nabaon lang sa utang dahil sa kabit ng kanilang ama. Ipapakasal sana ang ama ni Faeleen sa kaibigan ng magulang nila. Pero dahil sa isang gabing pagkakamali, ang ina ni Faeleen na katulong ng ama niya may nangyari sa kanila. Dahil sa galit ng magulang ng ama niya, pinalayas sila at hindi na kailanman kinilala bilang isang pamilya.
Masama ang loob niya sa pamilya ng kanyang ama, dahil sa ginawa nilang iyon. Kahit sa huling hininga ng kanyang lolo, hindi siya nito tinanggap ang tahimik niyang buhay noon nagbago simula noong kinupkop siya ng tiyahin niya. Wala siyang ideya kung anong ikinamatay ng kanyang magulang, merong nagsasabi na sinadya ang pagkakapatay sa kanila. Ang ibang sabi-sabi naman ay pinatay sila ng bampirang pagala-gala sa kanilang lugar.
"Ano ba kasing ginagawa ng pamangkin mong walang kwenta? Hindi pa ba nagluluto, tamang patulog-tulog lang." Pagpaparinig naman ni Addisson sa kanya.
"Hoy Faeleen, huwag mong sabihin kami pa ang magsisilbi sa'yo?! Kumilos-kilos ka dyan kanina pa ako nagugutom!" Sigaw sa kanya ni Addisson habang nakatayo sa pinto ng kanyang silid.
"Pwede bang magpahinga muna ako? Halos wala pa akong tulog, hindi ka ba marunong magluto? Bakit lagi niyo nalang inaasa sa akin ang lahat? Galing akong trabaho tapos ako pa rin yung magluluto ng makakain niyo, napapagod rin naman ako kahit ngayon lang pagpahingahin niyo 'ko." Nagpanting ang tenga ng ginang dahil sa narinig niyang sinabi ni Faeleen.
Nagulat ang dalaga dahil sa biglang pagpasok ng tiyahin at malakas siyang sinampal.
"Wala kang karapatan magreklamo dahil no'ng kinupkop kita, wala kang narinig mula sa akin Faeleen! Pinag-aral kita binihisan at inalagaan tapos ganyan ang igaganti mo sa akin! Kung ayaw mong magluto edi huwag, wala kang karapatan na sabihin yan sa anak ko!" Sigaw ng ginang sa mukha niya, halos pumutok na ang ugat nito sa leeg.
Nanatili namang tahimik si Faeleen, gusto niyang sagutin ang tiyahin pero mas pinili na lamang niyang manahimik. Lalo lang lalaki ang gulo kapag sumagot pa siya.
"Wala ka talagang utang na loob! Sana ikaw na lang yung namatay hindi ang iyong ama!" Mariin na sabi ng ginang, Umiwas siya ng tingin dahil sa masakit na salitang natanggap.
"Pa-pasensya na po tita." Halos pabulong niyang sagot.
"Pasensya? Hindi na maibabalik ang buhay niya sana noong bata ka palang hinayaan na lang kitang mamatay!" Muling sigaw sa kanya, gusto niyang malaman yung katotohanan bakit namatay ang kanyang magulang.
"Bakit lagi niyo na lang ako sinisisi? Ano ba talaga ang nangyari sa kanila?" Umiiyak na niyang tanong, wala siyang maalala dahil dalawang taon palang siya noon.
"Malas ka sa pamilya namin, iyon ang totoo Faeleen! Darating ang araw na pag babayaran mo lahat ng iyon!" Malamig at puno ng galit ang mga mata ng ginang habang nakatingin kay Faeleen.
Pagkasabi niya ang mga sariling iyon ay tinalikuran na niya si Faeleen, gulong-gulo naman siya dahil sa sinabi ng tiyahin. Kung ano ang ibig nitong sabihin.
TO BE CONTINUED.