Tulad ng naging usapan nilang magkaibigan, pumunta si Faeleen sa apartment ni Selene. Dahil sabay silang papasok sa bagong part time job niya, napansin ni Selene ang namumugtong mga mata ng kaibigan. She couldn't help but wonder whether something horrible had happened again.
"May nangyari ba? Bakit namumugto 'yang mata mo?" Seryoso na tanong niya kay Faeleen
"Wala ito may pinanood kasi akong drama kagabi bago matulog." Pagsisinungaling niya sa kaibigan hindi naman naniniwala si Selene.
"Faeleen Esguerra, huwag na tayong maglokohan pa rito!" Tawag niya sa buong pangalan ng dalaga, Napabuntong-hininga naman si Faeleen bago nagsalita.
"Sila tita at Addisson pinag-initan na naman nila akong dalawa." Napataas ng kilay si Selene dahil sa nalaman. Akala niya ay okay na sila ng kanyang tiyahin, hindi pa pala nagbabago ang mag-ina.
"Sinabihan na kitang mas okay kung maghanap ka nalang ng iba mong apartment. Hayaan mo silang mag-ina doon, hindi yung habang buhay ka nalang nagtitiis!" Sermon niya sa kaibigan habang inaayos ang kanyang gamit.
"May sinabi siya tungkol sa nangyari kilala mama't papa, wala siyang ibang ginawa kundi sisihin ako. Dapat ako na lang daw yung namatay hindi si papa. Ako ang malas sa pamilyang Esguerra, ano bang naging kasalanan ko Selene? Bakit parang wala akong karapatang mabuhay sa mundo? Hindi ko naman ginusto yung nangyari, pero bakit kung sisihin nila ako parang kasalanan ko ang lahat?" Sunod-sunod niyang anong, nag-uunahan ang kanyang luha na umaagos sa pisngi niya. Sobrang sama ng loob niya dahil mga sinabi ng tiyahin.
"Maging matatag ka Faeleen, malalaman mo rin ang totoo kung ano bang nangyari sa iyong magulang. Huwag kang magpapaapekto sa mga sinasabi ng bruha mong tiyahin. Dahil kung dibdibin mo yan ikaw ang magiging kawawa, tahan na papasok pa tayo sa iyong bagong trabaho. Kapag nakapag-ipon ka na pwede kang lumipat dito sa tabi kong apartment." Pagpapalakas niya ng loob kay Faeleen, habang hinahagod ang likod ng kaibigan.
Sunod-sunod namang tumango si Faeleen, dahil sa nalaman ay mas lalo siyang nagkaroon ng interes para malaman if ano ba talagang nangyari sa kanyang magulang.
"Ayusin muna yang sarili mo dahil paalis na tayo." Bilin niya kay Faeleen bago tumayo mula sa pagkakaupo. Ganun din si Faeleen nagtungo siya sa kusina para maghilamos.
Paglabas ni Selene sa silid ay nakapag-ayos na siya, nadatnan niyang nakaupo sa sofa ang kaibigan. Napataas siya ng kilay dahil wala man lang make-up ang mukha nito.
"Umayos ka aayusan kita, bawal ang hindi naka-makeup doon kailangan mong itago ang tunay mo na mukha." Seryoso niyang sabi walang nagawa si Faeleen kundi magpaayos sa kaibigan.
Nang matapos na siyang ayusan ni Selene, nagpasya na silang umalis dahil baka sila'y ma-late pa.
Kinakabahan si Faeleen dahil ito ang unang araw ng kanyang pasok. Pinagpapawisan ang kamay niya kahit na naka-aircon, nag-taxi na silang magkaibigan para mabilis makarating sa club.
Mahigit trenta minuto rin ang kanilang naging byahe bago makarating sa club. Naunang lumakad si Selene, nakasunod naman siya sa kaibigan.
"Pumunta ka muna sa office ni boss, may sasabihin siyang importante sayo. Pumunta ka nalang doon pag okay na." Tinuro ni Selene ang puting pintuan kung saan siya nagpapahinga kapag walang customer, tumango naman si Faeleen bilang sagot.
Nagtungo na siya sa opisina ng kanilang boss, kumatok muna ito sa pinto bago pinihit yung doorknob.
"Good evening po boss," masiglang bati ni Faeleen, sumenyas ang ginoo na maupo ito sa upuan.
"How are you, Miss Far? Excited ka na bang magtrabaho dito sa club?" Nakangiti niyang tanong, tumango naman si Faeleen bilang pagsang-ayon.
"Here, pwede ka ng pumirma ng contract. Bibigyan kita ng tatlong buwan titingnan ko kung karapat-dapat ba kitang panatilihin dito sa club. Kapag naging maayos ang trabaho mo sa tatlong buwan na iyon, asahan mong magtatagal ka rito." Paliwanag sa kanya ng ginoo habang pinipirmahan ang kontrata.
"Naka-assign ka sa mga VIP rooms para na rin hindi masyadong ma-expose ang iyong sarili. Kung may problema mag-report ka agad, hindi kita pipilitin na maki-table sa mga customers ikaw pa rin ang magdesisyon Miss Fae. Pero kung gusto mo ng medyo malaking kita, diskarte lang iyan." Muling paliwanag ng ginoo sa kanya, nagpapasalamat si Faeleen dahil kahit papaano ay sa mga VIP rooms ang area niya.
"Maraming salamat boss, gagawin ko po lahat ng aking makakaya para maging maayos ang trabaho na binigay mo sa akin. Pagbubutihin ko po." Magalang niyang sagot, ngumiti naman ang ginoo.
"That's good! Good luck sa unang araw ng iyong trabaho. Ito ang magiging uniform mo ngayong gabi. May mga regulars VIP room tayo, kaya dapat maging presentable ka." Inabot ni Faeleen ang magiging uniform niya.
"Pwede ka ng lumabas, good luck!" Nagpaalam na si Faeleen para magpalit, maayos naman ang ibinigay sa kanya. Isang blank plain shirt at itim na palda.
Pumunta na si Faeleen sa kwarto kung saan naghihintay ang kaibigan niya. Kakatok siya maya-maya ay bumukas ang pinto.
"Ano ang sinabi sayo ni boss?" Agad na tanong ni Selene sa kaibigan, pumasok muna siya sa loob at nagsimula ng magpalit.
"Pinapirma lang ako ng contract tapos sinabing sa VIP rooms ako naka-assign." Nakangiti na sagot niya bago naghubad ng damit para magpalit.
"Mabuti naman kung gano'n, sabay tayong uuwi mamaya sa apartment ko na ikaw matulog." Tumango naman si Faeleen bilang pagsang-ayon, maaga na lang siyang uuwi sa apartment niya.
Maya-maya pa ay nag-bell, kailangan na nilang magsimulang magtrabaho. Huminga muna ng malalim si Faeleen bago lumabas ng silid.
"Good luck!" Tinapik ni Selene ang kanyang balikat bago siya talikuran. Nagtungo naman si Faeleen sa mga kasamahan niyang waitress.
"Miss Fae, tungkol pala sa iyong magiging pasok, gusto kong makita kung anong mga schedule mo sa school." Seryoso na sabi ng boss nila habang inaayos ang alak sa tray.
"Sige po boss." Agad niyang sagot.
"Dalhin mo ito sa room 103, regular customer natin yan." Tumango naman si Faeleen, ngumiti siya bago binuhat yung tray. Kahit kinakabahan siya ay kailangan niyang maging kalmado.
Marami ng tao sa bar, nakita niya si Selene nakaupo ito sa table kasama ang isang lalaki. Nag-focus na lang siya sa kanyang trabaho, alam niyang nakikipag-one night stand na si Selene, dahil tulad niya wala na rin itong magulang mag-isang binubuhay ang kanyang mga kapatid sa ama.
Kumatok muna siya sa pintuan bago pinihit yung doorknob, nakangiti siyang pumasok sa loob.
Napatingin naman si Holland sa dalagang pumasok, ngayon lang niya ito nakita.
"Good evening sir, ito na po yung order mo." Magalang niyang bati bago isa-isang inilapag sa mesa yung alak at pulutan.
"May kailangan pa po ba kayo?" Nakangiti niyang tanong dahil ramdam niya na kanina pa siya tinitingan ng lalaki.
"I don't need anything else, can you simply bring me my orders?"
Malamig na tugon niya sa dalaga habang pinagmamasdan ang maamo na mukha nito.
"You don't need to be concern. I won't harm you. Ihatid mo na lang ang mga order ko." Dagdag niya dahil kita niya sa mukha ng dalaga ang pag-aalinlangan.
"Okay sir, wala pong problema." Nakangiti pa rin na sagot ni Faeleen bago talikuran ang lalaki.
Dali-dali siyang lumabas ng vip room at bumalik sa kusina.
Habang si Holland naman, inaalala kong saan niya nakita ang dalaga. Dahil para itong may kamukha.
"Where did I see that girl? Maybe she was one of my past girlfriends."
Mahina niyang sabi bago nagsalin ng alak sa kanyang baso.
Muli siyang napatingin sa pinto dahil may kumatok, si Faeleen ulit dala ang iba pa niyang order.
Muli niyang pinag-aralan ang kilos ng dalaga, naiilang naman si Faeleen dahil hindi siya sanay.
"Would you be interested in joining me here in VIP room?" Malamig niya na tanong sa dalaga dahilan para mapatingin sa kanya si Faeleen.
TO BE CONTINUED.