"GISING!" Sigaw ng kung sino dahilan para magising siya. Narinig pa niya ang malakas na kalabog. Inis na Tinakpan niya ang dalawang-tenga gamit ang sariling unan. Batid niyang pinagpapawisan siya. "Hoy, Mr. Clinton wala ka sa sarili mong pamamahay. Gumising ka na riyan!" "Thess naman, hayaan mo na muna iyang si Zavier. Natutulog pa, e," ani Aling Soledad. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Zavier. Nagpapasalamat talaga siya kay Aling Soledad. "Inay naman, alas diyes na po ng umaga, kailangan po naming umalis dahil maraming nakatambak na trabaho. Marami pa pong mga ilang appointments ang damuhong 'yan." "Nakakaawa naman Thess. Bigyan mo naman ng konsiderasyon iyong tao. Siya naman ang boss, anytime pwede siyang pumasok sa ayaw at sa gusto niya." "Bahala na nga kayo, Inay!" Inis na sag