DAHAN-DAHANG umalis si Thess nang marinig ang tila malungkot na boses ni Zavier. Ngayon niya lang nakita ito na seryoso sa isang babae. Hindi kaya iyong katawag nito ay ang tunay nitong mahal? Marunong din palang magseryoso ang isang Zavier? Hindi niya maintindihan ang sarili pero bakit biglang may naramdaman siyang munting kirot sa kanyang puso? Tinungo na lamang niya ang mesa para ihanda ang breakfast nila ni Zavier. Naghanap siya ng ulam para sa kanila ni Zavier. Binuksan niya ang freezer, kumuha siya ng bacon at hotdog. Ang napili niyang lutuin since breakfast. Pagkatapos niyang magluto ay eksaktong narinig niya ang ilang yabag ni Zavier. "Breakfast, kumain na tayo," pormal niyang paanyaya rito. "Salamat," ani Zavier sa kanya. Panaka-nakang sumusulyap siya rito. Halatang may