NASUNDAN na lamang niya ng tingin ang lalaki. Wala sa sariling napahawak siya sa sariling mga labi. "Is he good at kissing?" Zavier sarcastically asked her, causing her to jump and glance at his whereabouts in surprise. "H—Ha? A...e..." "Ano, Ms. Padaong?" Mababakas ang iritadong boses ni Zavier habang tinatanong siya nito. Pero wala roon ang atensyon niya kundi nasa mga labi niya na magpahanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang mainit na mga labi ng gwapong hottie guy. "Mahirap ipaliwanag iyong halik niya. Alam mo iyong parang hinehele ka sa alapaap? Iyon ang nararamdaman ko kanina. Kilala mo ba 'yon?" Nakangiting tanong niya kay Zavier. "Let's go!" Balewalang sagot ni Zavier sa kanya. Napanguso siya sa narinig mula rito. "Suplado!" Mahinang aniya. Pagdakay, kinikilig na