"HI, Ms. Padaong. Ikinagagalak kitang makilala." "Kilala na kita, ikaw si Trixie." Napangiti ito nang mapansin na kilala niya ito. "How did you know me?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "Hindi ba't isa ka sa mga ka-flings ng amo ko? Kaya sino bang hindi makakilala sa'yo?" "Oh, kaya pala. So, isa ka sa mga katulong ni Zavier sa mansion? Don't tell me, ikaw iyong pinagseselosan ng kakambal kong si Trishia?" "Ano?!" Bulalas niya sa narinig mula kay Trixie. "May kakambal ka? Pumayag kayong dalawa sa buhay ng lalaking walang alam kundi ang paglaruan ang mga damdamin niyong magkapatid?!" "We're not in a serious relationship. The problem lies on my sister Trishia's side, as she fell in love with Zavier, causing her to become clingy and go beyond what was agreed upon between h