HINDI naman nagtagal ay narating na nila ang mansion. Na unang bumaba si Thess sa kotse, naglakad siya at pumasok sa loob. "Kumusta ang pagdalaw niyo sa Inay mo, Thess?" tanong na bungad agad ni Aling Trina sa kanya. Ngumiti siya kay Aling Trina. "Awa po ng Panginoon, okay na naman si Inay, Aling Trina," sagot niya rito. "Halatang pagod ka sa biyahe." "Masakit nga po ang ulo ko," sagot niya sabay hilot sa kanyang sentido. Palibhasa'y mahaba-haba rin ang biyahe nilang iyon. Nang marating ni Thess ang sala. Nagulat siya ng makita ang isang babae. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Hawak ng babae ang larawan ni Zavier. Saka pumasok sa isipan niya ang pangalan na binanggit ni Zavier kanina lang. Hindi kaya, heto si Rusty? Pinasadahan niya ng tingin ang n