"PERO Dad, h—hindi naman yata pwede iyon," palatak niya. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa kanyang ama at kay Atty. Merced. "Iyon lang ang tanging paraan para maging ganap kang Clinton, Ms. Padaong," sagot ni Atty. Merced sa kanya. "Pero ang sagwa, Atty. Dad, wala bang ibang pagpipilian?" "Actually, meron. Si Zavier ang pakakasalan mo," diretsang sagot sa kanya ng sariling ama. "Po?!" Bulalas niya rito. "At sa tingin niyo papayag ako, Dad? No way!" Inis niyang tanggi. "If you don't want to, we will get married," her dad said. "Mr. Clinton, tiyak ko ring hindi papayag si Zavier kung sakali. Magiging kwestiyunable sa kanya ang lahat," sàad ni Atty. Merced sa kanyang ama. "Ipakita natin na para kaming nagmamabutihan ni Thess, hindi ba hija? Sigurado naman akong magaling kang bes