7

3644 Words
"Wala na ba tayong nakalimutan, anak?" tanong ni Nanay sa akin. Lalabas na kasi ng ospital. Makalipas ang apat na araw na pananatili ay makakalaya na rin ako. Laging dumadalaw si Basti pati si Mica sa akin. Nagkakataon din minsan na nagkikita si Sancho at Basti.  Katulad ngayon ay bibong tumutulong si Sancho kay Nanay. Si Basti naman ay kasama si Tatay sa pagbabayad ng hospital bills ko. Hindi ko alam kung magkano ang inabot at kung saan nakahanap ng pera ang mga magulang ko. Ang sabi lang ni Nanay ay lumapit sila ni Tatay sa mga N.G.O para makabawas kahit papaano. "Wala na po." sagot ko sa kanya. Malakas na ako pero ayaw pa rin niya akong pakilusin. Baka raw kasi mabinat ako.  Nilingon ko si Sancho na inalalayan naman akong maupo sa wheelchair. "Ayokong umupo diyan. Hindi naman ako matanda." reklamo ko sa kanya. Tumawa lang si Sancho at inilingan ako. "You have to seat here. You need it." pagpilit pa niya sa akin.  Umiling ako sa kanya pero nilingon niya si Nanay, "Tita, ayaw niya." pagsusumbong pa nito kay Nanay.  "Hoy!" pinalo ko siya sa braso. Natawa na lang si Nanay dito. Wala naman akong nagawa kung hindi umupo na lang sa wheelchair.  Mas madalas pa kasing nasa ward si Sancho kaysa sa kwarto ng Lola niya. Hindi pa siya bumabalik sa Maynila pero pumapasok naman siya thru online class. Laking lola kasi siya kaya importante sa kanya na nandito siya. Alam ko na rin halos ang buong buhay niya. Madaldal din kasi ito kaya kahit si Nanay at Tatay ay natutuwa dito.  "Sige na, anak. Pasalamat nga tayo at ihahatid tayo ni Sancho sa atin." sabi pa ni Nanay sa akin.  Lumabi naman ako at inirapan si Sancho.  Nag-prisinta kasi ito na ihahatid kami sa bahay. May sariling sasakyan ito at talaga namang marunong magmaneho.  "Bayad na kami." anunsyo ni Tatay pagdating nila ni Sebastian. "Lalabas na tayo." nakangiting sabi pa nito sa amin.  Seryoso naman ang mukha ni Basti pagkakita kay Sancho. Ayaw na ayaw niya kasi dito, hindi ko naman maintindihan kung bakit. Mabait naman yung isa.  Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa akin ni Sancho sa balikat. Pinipilit kasi nito na may gusto sa akin si Sebastian. Malamang gusto ako nun! Kaibigan ko siya e.  "Let's go po?" Sancho asked my parents. Ito pa mismo ang nagbuhat ng bag pack ko.  "Naku! Ako na dito, nak. Nakakahiya naman sa iyo." sabi agad ni Nanay sabay kuha ng bag pack ko kay Sancho.  "It's okay, Tita. Besides, I'm gonna miss, Cha-cha." sagot naman nito. Kinurot pa nito ako sa pisngi para lang makita ni Basti. "Nasa labas din po si Kuya Emil. Baka nakakaabala sa kaibigan ni Charlotte na ihatid tayo." sabat naman ni Basti. Seryoso ang tingin kay Sancho na nakangiti naman.  "No, dude. It's fine. I would love to know Cha-cha's place, so I could visit her." sagot naman nito. Nakita ko ang inis sa mukha ni Basti dahil sa sinabi ng isa. Hindi rin naman nakapagsalita ang mga magulang ko.   "Tara na! Uwing-uwi na talaga ako. Seb, thank you sa offer pero nauna kasi talaga si Sancho na magsabi." sabi ko sa kanya. Nagbaba ng tingin si Sebastian sa akin, matagal siyang nakatingin bago tumango sa akin. "Bisitahin na lang kita sa inyo." "Huwag na. Papasok naman na ako sa Lunes." habol ko sa kanya.  Tumango na lang ulit siya bago tinignan ng masama si Sancho at nauna ng umalis. "Anak, bakit mo naman tinanggihan si Senyorito?" nag-aalalang tanong ni Nanay sa akin. Hindi na lang ako sumagot kay Nanay tsaka kami lumabas. Pagdating naman namin sa harapan ng ospital ay kinuha na agad ni Sancho ang sasakyan niya, hindi ko na rin naman nakita ang sasakyan nila Basti.  Puro kwentuhan lang ang naganap sa amin hanggang makarating kami sa bahay. "Pasok ka na muna, Sancho." yaya ko sa kanya pagdating namin sa bahay.  Umiling lang siya sa akin pagkaalalay niya sa akin pagbaba. "I need to go back to the hospital. Baka hinahanap na ako ng lola. I'll visit you before I leave for Manila." sagot naman niya.  Marahan akong tumango sa kanya. "Maraming salamat ah. Hindi naging boring ang stay ko sa ospital dahil sa'yo."  He chuckled, "You made me your clown, huh. That's nice. I enjoyed your presence too. I'll see you, don't worry. Friends?" he offered his hand to me.  Tinanggap ko naman iyon at hinawakan mabuti. "Friends."  "Hanggang friendship lang kaya kong ibigay. Baka gulpihin ako ng boyfriend mo."  pagbibiro niya. I made a face, "Hindi ko nga boyfriend. Ligalig mo rin. Sige na, bye na! Ingat ka sa pagbalik sa ospital."  Tumango naman siya sa akin at bumalik na sa sasakyan. Bumusina pa siya bago tuluyang umalis. Ang natirang araw ko sa bahay ay inubos ko sa pahinga. Sabi kasi nila Nanay at Tatay na magpahinga muna ako kung gusto ko raw pumasok sa Lunes. Syempre gustong-gusto ko iyon. Hindi naman pwedeng hindi ako pumasok. Marami na akong namiss na lesson. Mabuti na nga lang at naroon sina Basti at Mica para tulungan ako.  Si Mica ang pumunta ngayon kina Olivia. Napag-usapan kasi namin na tutulungan namin yung isa na magsalita ng Filipino. Willing naman si Olivia na matuto, susunduin din naman ni Basti si Mica doon.  Hindi na rin tumanggap si Nanay ng bisita ko dahil gusto niya nga na maging maayos ako pagdating ng Lunes. May mga iniinom pa akong gamot pero kaunti na lang. Isang linggong gamutan lang naman.  Pagdating ng Lunes ay hinatid ako ni Tatay sa school. Gusto nga niya na mag service na raw ako ng tricycle pero ayoko. Sayang naman kasi yung pera para lang doon. Isa pa, kaya ko naman na.  Maaga akong pumasok para naman makabawi ako.  "Cha-cha! Magaling ka na? Okay ka na ba?" maligayang bati sa akin ni Kuya Bonoy pagkakita sa akin.  Tumango ako at malapad na ngumiti, "Opo! Malakas na malakas na ang katawan ko." pagbibida ko pa. "Namayat ka, Cha-cha." puna pa niya. Napangisi na lang ako. Kahit ako aminado na namayat ako. May ilang araw din kasi sa ospital na hindi ko gusto kumain. Wala kasi akong panlasa. "Naku, kuya Bonoy, tataba rin ako." proud na sabi ko pa. "Wait ka lang." Napailing naman sa akin si Kuya Bonoy, "Kaya ang lungkot ng school pag wala ka. " "Ikaw naman, Kuya Bonoy. Hayaan mo po. Iyon ang first and last absences ko. Hindi na ako mawawala dito sa school."  Tumawa naman si Kuya Bonoy, "Sabi mo yan a. Aasahan namin. Sige na, umakyat ka na. Siguradong namiss mo yung room niyo." Kumaway naman ako kay Kuya Bonoy at umakyat na sa room.  Wala pa rin namang tao kaya solo ko pa ang school kahit papaano. Malinis naman iyon pagbukas ko, kaya pagkatapos kong buksan ang aircon ay diretso na ako sa upuan ko para magbasa-basa. Naubos ata ang oras ko sa kababasa hanggang sa magsidatingan ang mga kaklase ko. "Chari! Hala! Andito ka na nga." salubong ni Roselle sa akin. Kumaway naman ako sa kanila pagkakita. May ilang bumati at may ilang kumaway sa akin.  "Sigurado bang magaling ka na?" pang-aasar pa ng iba sa akin. "Oo naman! Hoy! Kayo ah. Balita ko para kayong nakawala sa kural noong wala ako." sabay turo ko sa mga kaklase kong lalaki.  Nagtawanan ang mga ito, "Si Dennis at Allen kasi ang pasimuno talaga." paninisi ng iba doon sa dalawa.  "Quota naman na siguro kayo sa pagiging maharot, ano po?" tanong ko.  "Oo naman! Andito ka na. Takot lang namin." sagot naman ni Allen. Nakangiting tumango ako sa kanya. Dumami na kami sa classroom pero wala pa rin sina Mica at Basti. Naubos na halos ng iba yung mga sumbong nila sa akin. Parang magkakasakit ata uli ako sa pakikinig sa kanila. "Chari, alam mo ba ang latest na balita?" usisa ni Marionne sa akin. Umiling ako sa kanya, "Wala naman ako dito, girl. Malamang hindi ko alam. Ano ba ang tsaa natin diyan?" tanong ko.  "Pansin mo ba? Wala pa rin si Mics at Seb? Usap-usapan kasi na mag jowa na silang dalawa. Sila lagi ang magkasama noong wala ka tapos sila rin ang magkatabi. Ang sweet-sweet nga ni Seb kay Mics. Sana all!" umpisa ni Marionne.  Napanganga ako sa sinabi niya. Totoo ba? Wala naman nasasabi sa akin yung dalawa kaya napailing ako. "Hindi ko alam. True ba?" tanong ko.  Sabay-sabay na tumango ang tatlong babaeng kausap ko. Lagi naman silang dumadalaw sa akin sa ospital pero wala silang naikukwento sa akin. Nahihiya ba sila? Hindi naman dapat. Isa pa suportado ko sila. Masaya ako kung mahuhulog sila sa isa't isa.  "Nakita nga rin sila ni Hannah sa Oliveros noong Sabado magkasama sila." dagdag pa ni Marionne.  Sa Oliveros? Sa kabilang bayan iyon at hindi na sakop ng Trinidad. Ano naman ginagawa nila doon? Sasabihin kaya nila sa akin yung ginawa nila doon? "Alam mo bagay na bagay talaga sila na maging mag boyfriend tsaka girlfriend." ani ni Marionne sa lahat. Nagtanguan naman ang mga kasama namin.  "Di ba ship mo silang dalawa? Ayan nangyari na!" kinikilig na sabi ni Joanna.  Pilit ang ngiti at tumango ako sa sinabi niya. "Oo naman. Gustong-gusto ko silang dalawa. Sige na nga! C.R muna ako. Wait lang ah. Mamaya chika pa tayo ulit." Hindi ko na sila inintay na magsalita at lumabas na ng room.  Saktong pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko sina Micaela at Sebastian na masayang nagkukwentuhan. Napahinto ako sa pagbaba sa nasaksihan. Agad akong lumipat ng hagdan na bababaan para naman hindi nila ako makita.   Nagtago agad ako sa isang poste para hindi nila makita. Sabay na umakyat ang mga ito. Halata sa mukha ni Mica ang saya ganun din si Basti. Hindi naman ako dapat mainis pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.  Para akong naiirita na hindi ko maintindihan. Kagat-labi akong lumayo para magpunta sa C.R. Sa maiksing panahon na iyon naging malapit sila. Sabagay, sagabal siguro ako sa closeness nila. Hindi ko naman sila masisisi, pakielamera kasi ako masyado. Pero masaya naman ako talaga para sa kanilang dalawa kung totoo nga na sila na.  Hindi ako magseselos kung mahahati ang oras ni Basti. Kailangan naman talaga ay mas focus siya sa girl friend niya at hindi sa girl best friend niya. Kailangan ko na sigurong maglagay ng pader sa pagitan namin para hindi magselos si Mica. "Mama!"  sigaw ng kung sino sabay yakap sa bewang ko.  Agad nagbaba ang tingin ko sa yumakap sa akin, si Nikki! Magulo ang pig tail nito habang nakatingala at nakangiti sa akin.  "Bebe!" masayang tawag ko sa kanya. "Namiss kita!"  bumaba pa ako para lang pantayan siya. Kasama nito ang kaibigan niya na kinawayan naman ako. "Hi, Paula." "Hello po." bati nito sa akin. "Mama! Mama! Saan ka po galing? Hindi po kita nakikita." tanong ni NIkki sa akin. Hinugot ko sa bulsa ko ang suklay at hinatak siya sa isang bench sa tapat ng room nito. Aayusan ko muna siya ng buhok kaya kumandong ito sa akin. "Nagkasakit kasi si Mama kaya hindi ako nakapasok." Tumango-tango naman ito at nanatiling diretso ang ulo habang tinitirintas ko ang buhok. "Kaya po pala si Papa ang pumupunta sa akin." sabi nito. Napahinto naman ako sa pagtitirintas sa kanya at nilingon siya, "Papa? Sinong Papa? Wala ka namang Papa, bebe." sabi ko sa kanya tsaka pinagpatuloy ang p*******i ng buhok nito. "Meron po! Sabi niya Papa ko po siya. Nung wala ka po siya po nagbibigay ng food sa akin tsaka naggagawa ng assignment ko. Gwapo po si Papa, Mama." inosenteng kwento ni Nikki.  Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko naman kasi kilala yung tinutukoy niyang Papa. "Turo mo kay Mama kapag nakita mo, bebe." iyon na lang sinabi ko sa kanya tapos ay tinapos ko na ang p*******i sa buhok niya.  Katulad dati ay binigyan ko siya ng piso bago pumasok sa room nila. Ayaw niya kasing tanggapin kapag lima na yung binibigay ko sa kanya. Gusto niya talaga ay piso lang.  Nagpunta na rin ako sa C.R para naman makapunta sa ground. Flag ceremony kasi at ang section namin ang leader sa buong ceremony.  Nagsuklay lang ako sa C.R at tinitigan ang sarili. Maganda naman din ako. Alam ko iyon. Mahaba ang itim na buhok ko at katulad ng mata ni mama ang mata ko, parang laging iiyak o inaantok. Maliit ang ilong ko at labi ko, natural na mapula rin iyon. Ang kulay ng balat ko ay nag-aagaw pa ang puti at kayumanggi. Hindi naman ako payat, at hindi rin naman ako mataba. Sabi nga ng ilang kakilala namin ay maganda raw ang hubog ng katawan ko. Sa edad kong trese ay hindi na rin baby bra ang isinusuot ko, binibilhan na ako ni Nanay ng bra na sapat para sa akin. Hindi na kasi maitago ng baby bra ang dibdib ko. Matangkad naman ako pero mas matangkad si Basti sa akin.  Nagtataka lang talaga ako kung bakit hanggang ngayon ay walang nagkakagusto sa akin. Kumpara sa hitsura ko ay hindi hamak na lamang na lamang si Micaela pati si Olivia. Si Micaela ang pinakamaganda sa buong bayan namin kahit sa kabilang bayan ay hinahangaan siya. Bukod pa doon ay mahinhin, tahimik, at mabait si Mica. Nahanap na siguro sa kanya ni Basti ang hinahanap nito sa isang babae.  Nilagay ko na lang ang hair pin na ibinigay sa akin ni Sancho sa buhok ko. Butterfly iyon na may parang diyamante ang nakalagay. Sabi ni Sancho, sa bangketa lang daw niya nabili iyon kaya huwag na akong mahiyang tanggapin.  Wala kasing kapatid na babae si Sancho at puro lalaki sila. Natutuwa raw siya sa akin tsaka ang bait din naman niyang tao.  Paglabas ko ng C.R ay marami ng tao sa ground. Nagmadali tuloy akong umakyat sa stage dahil naroon na rin ang mga kaklase namin.  "Chari! Welcome back." nakangiting sabi ni Ma'am Nicolas. Hawak pa nito ang bag nito at mukhang late na rin na dumating.  "Hi, Ma'am. Namiss niyo po ba ako?" birong tanong ko sa kanya.  "Oo naman. Sakit ng ulo ang mga kaklase mong lalaki kapag wala ka. I'm glad that you're fine pero don't stress yourself too much muna." bilin pa niya sa akin.  Tumango naman ako at nakipila na rin. Nakita ko sina Basti at Mica sa gilid na nag-uusap. Mukhang hindi pa nila ako napapansin dahil masaya silang nag-uusap. I pouted my lips at tinuon ang atensyon sa paparaming estudyante sa ground. Ilang sandali pa ay tumunog na ang school bell.  "Chari, ikaw na ang mag beat for the National Anthem." utos ni Ma'am Nicolas sa akin. Tumango ako sa kanya at umalis sa pila ko para pumunta sa pila naman para sa ceremony leaders ngayon.  Nilingon ko naman ang mga kaklase ko at nakita kong pumuwesto na rin sina Mica at Basti. Nakita ako ni Mica at nakangiting kumaway siya sa akin. Ngumiti rin ako at kumaway sa kanya. Hindi naman ako tinignan ni Basti. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko naman ikamamatay kung wala siya.  Si Dominic ang pledge leader, si Bea naman ang prayer leader, at si Isabelle naman ang school hymn leader.  Marami ng tao sa ground pati ang mga Elementary naman ay pumila na rin. Nakita agad ng mata ko si Nikki na nakangiting kumakaway sa akin. Mayroon din itong tinuturo sa mga kaklase ko na hindi ko naman maintindihan.  Another bell ang signal namin para mag start na sa ceremony. "Ilagay po natin ang ating kanang kamay sa ating kaliwang dibdib at awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Bayang Magiliw, handa awit..." nagsimula ang pagkumpas ko habang sinasabayan ang pag-awit ng mga kapwa ko kaklase.  Matapos ng part ko ay pumunta na kaagad ako sa likuran ng pila namin. Sumunod naman na kasi ang pledge pagkatapos ay ang iba pang parte.  Nagkaroon din ng kaunting announcement ang school principal na kamag-anak ni Basti. Tahimik na nakinig naman ako. Pinaalala lang nito ang field trip para sa susunod na buwan pati na rin ang mga darating na programs sa school. Hindi naman ako sasama sa Field Trip na iyon kahit sabihing sa Maynila iyon at libre para sa mga katulad kong scholars. Wala kasi kaming pera para sa baon, isa pa ang iniipon ng mga magulang ko para doon ay napunta naman sa ospital. Kaya hindi na lang. Papipirmahan ko na lang kay Nanay ang form na nagsasabing hindi niya ako pinapayagan.  Pagkatapos ng anunsyo ay nagsibalikan na sa room ang lahat. Kami ang huling aakyat dahil kami ang section leader ngayon. Maingay na nagkukwentuhan ang lahat samantalang tahimik naman ako habang paakyat.  Ayoko na makisabay sa ingay nila dahil marami na akong iniisip para isipin pa sila. Nagdalawang isip pa ako kung uupo ako sa pwesto ko talaga dahil mapapagitnaan ko sina Mica at Basti. Pero hindi naman pwedeng nakatayo lang ako buong araw para sa kanila.  Pilit na ngumiti ako at tumabi sa kanilang dalawa. Naputol ang pag-uusap ng dalawa at napatingin sa akin. Sumeryoso ang mukha ni Basti samantalang nakangiti naman sa akin si Mica.  "Hi! Grabe, na miss ko ang pag-upo dito." tinapik ko pa ang silya ko. "Namiss ka rin namin, Cha. Ang tagal mong nawala kaya masyadong tahimik sa room." sabi ni Micaela sa akin.  Nilingon ko siya at nginitian, "Ako rin naman. Andami ko ngang nakalap na balita. Kayo ah." sabay na sinundot ko sa tagiliran ang dalawa kaya napapitlag sila.  "Ano ba?" iritableng sabi ni Basti sa akin. "Ay ang sungit. Sinasabi ko lang naman na balitang mag jowa na kayong dalawa! Hindi niyo man lang kinuwento sa akin. Akala ko ba friends tayong tatlo?" may himig hinampo ang boses ko.  Namula naman kaagad si Mica at nahihiyang ngumiti sa akin. Hindi naman siya tumango at hindi rin tumanggi. "Totoo nga?" gulat na tanong ko sa kanya.  Ang buong atensyon ko ay nakuha na ni Mica.  "I think, there's nothing if we are an item already. We like each other though. Di ba iyon naman ang gusto mo?" seryosong sabi ni Basti kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin.  "O bakit galit ka? Nagtatanong lang naman ako kasi wala naman akong alam. Tsaka suportado ko naman kayo kung mag jowa kayong dalawa." sagot ko sa kanya. "Hindi ka magagalit?" tanong ni Mica sa akin. Nahihiya siya dahil pulang-pula ang mukha niya.  Umiling ako sa kanya. "Hindi naman." mahinang sabi ko sa kanila.  Pero alam ko na ang magiging posisyon ko sa buhay nila. "Congrats, guys. Bagay na bagay talaga kayo!" tumayo pa ako para ianunsyo iyon sa lahat. Wala pa kasi si Ma'am Nicolas nasa faculty pa.  "Okay, section 1. Mahalagang anunsyo! Ang ating vice president at ang ating secretary ay officially mag jowa na. Batiin natin sila!" anunsyo ko sa lahat.  Tahimik naman ang lahat sa sinabi ko. Nagkatinginan sila na animo ay nagulat na hindi ko mawari. Kung hindi pa ako pumalakpak ay hindi rin sila papalakpak. May bumati sa kanila na ikinapula ng mukha lalo ni Mica at ikina simangot naman ni Basti. "Mics, doon ka na sa upuan ko para tabi kayo ni Basti tapos Allen, diyan ka na sa upuan ni Mica. Ako sa pwesto mo." utos ko sa kanila.  "Ha? Ayoko doon. Gusto ko sa aisle." reklamo ni Allen pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya sinunod niya ang sinabi ko.  Gusto kong malayo sa kanila. Sa ganitong paraan ko sisimulan. Nilingon ko sina Mica at Basti na nagbubulungan. Nahagip ako ni Basti ng tingin kaya umakbay ito kay Mica na kinagulat naman ng isa.  Hindi naman ako dapat masaktan. Iyon ang alam ko. Pero habang nakikita ko silang magkalapit ay hindi ko maiwasang malungkot. Parang sumasakit ang dibdib ko.  "No, Cha. Kaibigan mo sila. Kaibigan mo." bulong ko sa sarili ko.  Natigil lang ang kaingayan ng lahat ng dumating si Ma'am Nicolas. Inubos ko na lang ang atensyon ko sa pakikinig ngayong araw. At ngayong araw din ay lumayo ako sa kanilang dalawa.  Mas pinili kong mapag-isa kaysa lumapit sa kanilang dalawa. Hindi naman nagtaka ang mga ito hanggang uwian.  "May gwapo sa labas." naririnig kong bulong ng mga nauunang estudyante sa amin. Nasa likuran ko sina Mica at Basti, nagkukunwari kasi akong hindi sila nakikita pa. Hinawakan ko nang mahigpit ang bag pack ko at lumabas ng gate ng makita ang pinagtitinginan ng mga babaeng students.  "Sancho!" tawag ko sa kanya.  Ang gwapo kasi nitong nakasandal sa kotse nito. Umayos naman ito ng tayo at nakangiting lumapit sa akin.  "Paano mo nalaman ang school ko?" Sa totoo lang ay gumaan ang pakiramdam ko ngayong may kaibigan akong nasa harapan ko.  "You told me that." tumawa pa ito at tinignan ang nasa likuran ko. Napalingon din ako at nakita sina Mica at Basti na magkahawak kamay.  "Bye, Cha. Ingat kayo!" nakangiting paalam ni Mica sa akin.  Hindi naman nagpaalam si Basti at diretso lang na naglakad kasama si Mica. Nakatingin pa rin ako sa magkahugpong na kamay nilang dalawa hanggang sa makalayo sila sa akin. "I think, someone is jealous." sabi ni Sancho.  Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. Naguguluhan. "Nevermind. Come. I'll treat you, uuwi na ako sa Maynila ngayon. Inintay lang kita." sabi pa niya sa akin. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan bago siya sumunod.  "Masakit ba?" he suddenly asked ng magsimula siyang magmaneho. Nilingon ko naman siya pero saktong nahagilap ko sina Mica at Basti na kumakain ng fishball.  Ibinalik ko ulit ang tingin sa harapan, "Ang alin?" tanong ko sa kanya.  He chuckled, "Your heart, I suppose." anito. Ipinatong ko naman ang kamay ko sa dibdib ko. Masakit nga siya pero hinding-hindi ako aamin na nasasaktan ako. "Hindi ah! Masaya nga ako para sa kanilang dalawa." sabi ko pa. Marahang tumango si Sancho sa akin. "A'right, if you say so."  Tama. Kaibigan ko sila at dapat ay maging masaya nga ako para sa kanilang dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD