6

3154 Words
Hindi na kami pinauwi that night at naadmit na nga ako sa ospital. Masyado raw mataas ang lagnat ko at muntik na raw maging Meningitis. Akala ko pa naman dahil lang sa naulanan kami ni Sebastian yun pala hindi.  Sa ward lang naman ako, pero dalawa lang kaming pasyente ang naroon. Mas matanda pa sa akin yung isa. "Anak, babalik din ako kaagad ah. Nagsabi naman ako sa Nurse na wala kang kasama. Kung hindi lang namin kailangan pumunta sa Mansyon ng Tatay mo talaga." sabi ni Nanay sa akin.  Ngayong araw kasi ang birthday ni Senyorita Miranda. Maaga rin umalis si Tatay dahil kailangan daw niyang kunin sa Maynila ang cake ng Senyorita. Ayaw nga rin akong iwan ni Tatay. "Okay lang po ako, Nay. Wag niyo po akong intindihin. Kaya ko naman po." sabi ko pa sa kanya. Tsaka mamaya may bantay na rin yung isang pasyente at matitignan naman ako.  Kinapa pa ni Nanay ang noo ko para tignan kung mainit pa ako. Hindi ko naman siya masisi sa pag-aalala niya sa akin. "Babalik din ako kaagad, anak. Kapag may masakit sa iyo, magsabi ka kaagad." bilin pa niya sa akin.  Tumango naman ako sa kanya bago siya itinuro para makalabas na. Maraming gagawin ngayon sa mansyon, baka mapagalitan siya ni Senyorita Miranda. Attitude pa naman kasi iyon. Lahat ng kapatid na babae ni Sebastian ay masasama talaga ang ugali.  Si Sebastian lang talaga ang mabait sa mga iyon. Mabuti na lang at hindi niya nakuha ang ugali ng mga ate niya.  Nakaalis na si Nanay, sinubukan kong makatulog pa ulit. Maaga pa kasi masyado, kailangan lang talaga kasi siya na maaga doon.  Ngayon pa nga lang ay nag-aalala na ako sa gastusin namin dito sa ospital. Maya't maya kasi ang kuha sa akin sa dugo. Binabantayan daw ang kondisyon ko. May lagnat pa rin naman kasi ako. Wala namang pamamaga sa utak ko katulad ng paliwanag nila pero dahil sa bacteria ay kailangan tignan mabuti.  Ang susunod na CT scan ko ay sa susunod na araw. Hinihiling ko na nga na mawalan ako ng lagnat para hindi na mag-isip pa sina Nanay ng panggagastos.  Dahil hindi rin naman ako makatulog ay nag desisyon na lang ako na maupo. Inabot ko ang bag ko at kinuha ang libro ko. Mag-aaral na muna ako at iintidihin na lang ang naroon.  Abala na ako sa pag-aaral ko sa Math ng marinig ko ang boses ni Sebastian. "Charlotte!" malakas na tawag niya sa pangalan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Anong ginagawa naman ng kumag na iyon dito? May dala itong paper bag habang papalapit sa akin. Nag-aalala ang mukha.  "Ang lakas naman ng boses mo. May pasyente pa dito bukod sa akin." saway ko sa kanya.  Binaba niya ang paper bag sa tabi ko at tinignan akong mabuti. Kinapa pa niya ang noo ko at ng maramdaman na mainit ako ay pwersahang inalis sa kamay ko ang aklat na inaaral. "Nag-aaral ka pa. Nilalagnat ka na nga." sermon niya.  Inirapan ko siya bago sumandal sa kinauupuan ko. "Mas magkakasakit ako kapag hindi ako kumilos. Ano lang naman ba ang pagbabasa? Eto talaga. Tsaka bakit ba nandito ka?" tanong ko sa kanya.  "Wala ka kasi sa school." sabi nito sa akin. Seryoso ang mukha habang nakatayo sa harapan ko. "Malamang. Nasa ospital nga ako di ba?" pambabara ko sa kanya. "Umalis ka na. Malate ka pa. Tsaka sa inyo  ako ni Mica aasa ng notes kaya bawal kang umabsent."  Bumuntong hininga siya nang malalim. "Ano bang nararamdaman mo? Kasalanan ko ito eh. Dapat sumakay na lang tayo ng tricycle kasi." Natawa naman ako sa kanya. "Wala kang kasalanan. Bacteria daw." "Kung ano-ano kasi kinakain mo." anito. "Aba naman. Hindi naman ako kumain ng lupa para magkaroon ng bacteria. Pero sabagay mukha ka rin kasing bacteria kaya siguro may pumasok sa katawan ko." sabi ko pa habang binubuksan ko ang paper bag. May lamang pagkain iyon. "Lunch mo ata ito e."  Umiling siya sa akin. "Sa iyo yan. Binili ko bago pumunta dito. Magpahinga ka na lang muna, Chari. Babalikan kita mamayang hapon. Isasama ko si Micaela." sabi pa nito. Biglang sumilay ang mapang asar na ngiti sa labi ko. "Huwag mo naman sungitan yung crush mo. Ikaw talaga."  Nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin. "Joke." binuntutan ko pa iyon ng tawa.  "Hindi nakakatuwa, Charlotte." seryosong sabi niya sa akin. "Biro nga lang! Seryoso mo naman kasi. Pero isipin mo yun, katabi mo siya mamaya kasi wala ako. Yay! Nakakakilig naman. " pinagsiklop ko pa ang mga kamay ko pero mas lalong sumimangot naman siya.  Marahang pinitik lang nito ang noo ko. "Magpahinga ka na." sabi niya sa akin.  "Ay wait!" habol ko sa kanya. Huminto rin naman ito at tinignan ako. Kinuha ko ang isang bond paper sa bag ko. May drawing iyon. "Pakibigay naman kay Nikki." sabi ko sa kanya. Kinuha naman niya ang drawing na ginawa ko. Magaling akong mag drawing at proud ako doon. "Sinong Nikki? Wala naman tayong kaklase na Nikki." litong sabi niya. "Anak ko yun." sagot ko sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. "Anak? Abnormal ka na naman, Charlotte." "Totoo nga. Anak-anakan ko. Grade 2- Star. May makikita kang magandang bata doon. Anak ko yun. Wala lang tatay pero anak ko yun." Mayroon kasi kaming napag trip-an ni Mica noon na ampunin na anak-anakan.  Si Nikki ang sa akin, grade 2. Natuwa lang ako dahil pakiramdam ko ay ako nga ang Nanay niya sa school. Mabait, maganda, at matalino rin naman si Nikki. Pinanindigan ko na lang kasi tuwing nakikita niya ako ay Mama ang tawag niya sa akin. Wala lang, ang sarap lang pakinggan sa tenga.  Napailing naman si Sebastian sa sinabi ko. Iniisip siguro talaga nito na wala na ako sa katinuan. Bahala na siya kung ganun ang iniisip niya. "Huwag mo rin palang sasabihin na nasa ospital ako. Iiyak yun. Tsaka pakibigyan ng piso siya. Bumibili iyon ng lollipop sa school." dagdag ko pa.  "Alam na alam mo ah." puna niya.  Tumango ako sa kanya. "Anak ko yun kaya kilala ko. Sige na at umalis ka na. Malate ka pa."  Tinignan lang niya ako bago marahang tumango dala ang papel.  Project kasi iyon nung bata. Wala namang gumagawa sa kanila dahil busy parehas ang mga magulang.  Pag-alis ni Sebastian ay kumain ako ng dala niyang pagkain. Mas may lasa naman iyon kumpara sa pagkain dito sa ospital. Isa pa ay kailangan ko ng lakas para naman gumaling na ako kaagad. Inabot ko ulit ang libro ko at inaral ang lesson sa Math na hindi ko na take.  May mga nag rounds ulit na doctors at nurses. Kinunan ako ng temperatura ko, "Mataas pa ang lagnat mo, hija. Dapat magpahinga ka na muna." sabi sa akin ng naka assign na doctor sa akin.  Lumabi ako, "Mas magkakasakit po ako, Doc. Hindi po ako sanay na walang ginagawa tsaka nag-aaral lang naman po ako." pagrarason ko.  Hindi naman porket na sa ospital ako ay pababayaan ko ang pag-aaral ko. Importante sa akin ang pag-aaral ko. Gusto ko pa naman maging teacher sa future.  Napabuntong hininga naman ang doktor sa sinagot ko. "Kung gusto mong gumaling kaagad, rest your body. Iyon ang pinaka kailangan ng katawan mo ngayon. Kaya itago mo na mun yang aklat mo." dagdag pa nito. Marahang tumango na lang ako sa kanya at sinunod ang sinabi. Ayoko naman na magtagal pa dito. Hindi ko talaga gusto ang amoy ng ospital.  Pag-alis ng mga doktor ay nakatulog ulit ako. Mataas daw kasi ang lagnat ko kaya siguro mas gusto ng katawan kong matulog. Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng gutom, paggising ko ay mas maganda na ulit ang pakiramdam ko. Ala-tres pa lang ng hapon, wala pa si Nanay.  Busy kasi talaga sila sa mansyon. Kumain na lang ako at nagpasyang maglakad-lakad kahit papaano. Hindi naman masamang kumilos basta hindi ako lalayo.  Nakarating ako sa hallway, malapit sa garden ang ward kung nasaan ako. Hatak-hatak ko rin ang poste kung saan nakalagay ang IV ko.  May ilang katulad ko rin naman na naglalakad na may ganito. Nakalabas ako sa garden at naupo sa isa sa mga bench na naroon. May mga ilang pasyente rin na naroon. Tumingala ako dahil mataas na mataas ang tirik ng araw. Hindi naman ako sobrang naiinitan o sanay na lang talaga ang katawan ko.  "Alone?" tanong ng isang lalaki na tingin ko ay mas matanda sa akin ng kaunti. Nilingon ko ang paligid ko para tignan kung ako ang kinakausap niya. Wala naman siyang cellphone na hawak, maliban sa kape. "I'm talking to you, silly." natawa pa ito at walang pasabing umupo sa tabi ko.  "Coffee?" alok niya sa akin. "Ang init na para magkape." sagot ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. "Point taken." anito at humigop sa kape. Englishero naman ito masyado. Gwapo naman siya at may salamin sa mata na nagpabagay sa itsura nito. Matangos ang ilong nito, bagay sa labi nito na bahagyang mapula. Maputi rin ito at ang ayos ng damit ay halatang pang mayaman. "Don't look at me like that." sabi nito pagkaraan. Inirapan ko siya. "Umupo ka diyan e. Malamang titignan kita." sagot ko ulit. He chuckled before looking at me, sumandal pa ito sa kinauupuan nito na parang amuse na amuse sa akin. "I like your attitude. Feisty." maganda pakinggan ang pananalita nito.  Lalaking-lalaki. "Pasyente ka ba dito?" tanong ko sa kanya. Pero wala naman siyang IV or what. Hindi rin siya mukhang may sakit. Kumibit balikat ito bago ako sinagot, "I'm visiting my grand mother. I just want to breathe a fresh air." Ako naman ang natawa sa kanya ngayon, "Fresh? Wala namang fresh air dito sa ospital." Natawa ito sa sagot ko halos mamula ang mukha nito bago tumigil. "I like you. What's your name?" tanong niya. Ngumisi naman ako sa kanya. "Naku. Hindi mo ako makukuha sa ganyan. Hindi ako mahilig sa Englishero." "Another point taken. Tell me your name." pangungulit pa niya.  "Cha-cha." sagot ko. "Ikaw?" "Sancho." inabot niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at kinamayan siya. "Nice to meet you, Cha-cha." "Ako rin." nakangiting sabi ko sa kanya. "Bakit ka nga pala nandito sa labas?" tanong ko sa kanya.  "Break. I need a break from my family. What about you?" tanong niya sa akin. Nginuso ko ang poste ko na may IV fluid. "Hangin. Napapanis na kasi yung laway ko sa ward. Tsaka ayoko sa ospital." Mukhang nakuha ko ang interes niya at ininom ang kape, "What happened to you?" concern na tanong niya sa akin. "Lagnat. Mataas na lagnat." Humugot ako ng malalim na buntong hininga sa sagot ko sa kanya Bumakas sa mukha niya ang pag-alala, "You should go back to your room then. You have to rest." sabi niya sa akin.  "Mamaya na. Mag-aaral lang ako pag nandoon na ako sa loob."  Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. "Then don't study." anito na parang wala lang.  Sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa kanya. "Negative, Sir. Scholarship ko ang nakasasalay doon." "What year are you?" tanong pa niya ulit sa akin.  "First year high school, dito ako sa Trinidad nag-aaral. Ikaw?" balik-tanong ko sa kanila. "First year college, Manila." sagot naman niya sa akin. Napapito ako. "Matanda ka na pala? Sabagay mukhang matanda ka na rin. Ilang taon ka na ba?"  "Seventeen. You?" "Thirteen. Pwede ba mag Filipino ka naman? English ka nang English kasi." Aba nakakasakit na sa ulo ah. Mukhang mas tataas ang lagnat ko sa ginagawa niya. Tumawa ulit ito sa akin. "You are so cute. I really like you." anito sa akin.  Umirap na lang ako bago tumayo para pumasok na lang. Pero tumayo rin ito at sinabayan ako. "Hatid na kita." sabi nito sa Filipino.  Napalingon ako sa kanya. "See? Marunong ka naman mag-Filipino. Masyado ka kasi mag-English. Mabuti na lang at ako ang nakausap mo kung hindi, para kang nakikipag-usap sa bato." Napailing ulit siya sa akin at humawak lang sa IV stand ko. Siya na ang nagtutulak nun habang nakalagay lang ang kamay ko sa handle. "Marunong ako. Ano naman akala mo sa akin?"  "English ka kasi nang English. Alam mo bagay kayong mag-usap nung kakilala ko. English din nang English iyon." ang tinutukoy ko ay si Olivia. Kung hindi lang magdugo ang ilong nila habang nakikipag-usap sa isa't isa.  "Single? I'm actually looking for a girlfriend before my marriage." sabi nito sa akin. Napahinto ako kaya napahinto rin siya. "Ikakasal ka? Weh? Kailan? Bata mo pa para ikasal ah." Mapait na ngumiti siya sa akin. "Family friend. I haven't met the girl, though. But I heard that she's younger than me. Family tradition na rin."  "Uso pa pala ang fix marriage? Grabe. Wala kang freedom na piliin yung gusto mong maging bebe. Kawawa ka naman." seryosong sabi ko tapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. I heard him chuckle bago ko naramdaman ang pagkurot niya sa pisngi ko, "Ikaw na lang kaya maging girl friend ko? Bayaran na lang kita."  Inalis ko ang pagkakakurot niya sa pisngi ko. "Feeling close ka rin noh? We just met, pare." sabi ko sa kanya.  "Right." anito bago mahinang tumawa.  Nakarating kami sa ward ng nagkukwentuhan. Bigla na lang akong napatigil ng makita si Sebastian at Micaela sa pintuan ng ward. Si Mica ang nakakita sa akin kaya tinapik si Basti kaya nakita na rin ako ng isa. Nakangiti si Mica samantalang mukhang pinagsakluban ng langit naman si Sebastian. "Mga kaibigan ko pala." tinuro ko kay Sancho sina Basti at Mica pagdating naman sa tapat nila.  Tumango naman sa kanila si Sancho at tipid na ngumiti. Nang makita nito ang seryosong mukha ni Basti ay bahagyang umatras ito at binulungan ako. "Kaya pala ayaw mo sa offer ko. May boy friend ka na."  Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Tinapik ko siya sa balikat at inilingan. "Pinagsasabi mo diyan?"  Tumawa naman si Sancho, "Nice to meet you. I'm Sancho, Cha-cha's new friend." pagpapakilala nito sa sarili.  Nginitian naman siya ni Micaela, "Mica po." Hindi naman nagpakilala si Basti dahil nakasimangot at halatang galit na. Ano na naman problema nito. Tinapik na lang ako ni Sancho. "I'll visit you tonight, Cha. Do you need anything?" "She doesn't need anything. I can give it to her." English na sagot  ni Basti at hinawakan na ang IV stand ko para makapasok sa loob ng ward.  Nilingon ko naman si Sancho at kinawayan na lang. Hinahatak na kasi ako papasok ni Sebastian. Masyado naman kasi ang isang ito.  Halos kaladkarin ako ni Sebastian papasok lang sa ward at makaupo sa kama ko. Galit na tinignan ko siya. "Ano ba yan, Sebastian. May sakit ako tapos kung hatakin mo ako, bara-bara." Nakakainis naman kasi.  Biglang lumambot ang itsura ni Sebastian. Hindi malaman ang gagawin, "Sorry. Nadala lang ako." sagot nito sa akin pero may bahid pa rin ng galit ang boses. "Tsaka bakit ganun mo pakitunguhan yung tao. Hindi ka naman ganyan dati. Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya.  Hindi ito kumibo kay ang kararating na si Micaela na lang ang sumagot sa akin. "Wag mo na pansinin si Basti." anito at tumabi sa akin. Isa-isa nitong nilabas ang notebook at libro sa bag.  "Kinuha ko yung English book mo dahil may assignment tayo sa English. Dito ko na lang din gagawin yung akin para maturuan kita." sabi ni Mica sa akin sabay abot ng libro sa akin.  Katulad nga ng sinabi ni Mica ay hindi ko na pinansin si Sebastian. Nakinig na lang ako sa kanya sa mga lessons na pwedeng namiss ko na importante. Sinagutan ko rin ang assignment sa English pati sa Math, sa papel na lang ako nagsagot ng sa Math dahil yung notebook ko ay nasa bahay. Pati EPP at Mapeh ay sinagutan ko. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Micaela. Nanatili lang kasing naroon sa isang tabi si Basti, nakatingin sa amin. Nakakainis kasi siya makatrato ng ganun sa tao. "Huwag ka na magalit kay Basti. Alam mo bang ipinaalam ka niya sa lahat ng teachers natin. Nag-aalala lang naman yung tao sa iyo." sabi pa ni Mica sa akin.  Bumuntong hininga ako habang nagsasagot sa Mapeh. "Ang bastos kasi niya kay Sancho. Mabuti naman yung tao. Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya ganun." "Kasi nagseselos siguro." sagot naman niya sa akin.  Gusto kong matawa sa sinabi ni Micaela. "Bakit naman magseselos yan. Magkaibigan lang naman kami. Baka kapag sa'yo, magselos siya. Kaya mag-ingat ka sa mga lalaking nakakausap mo." Napailing naman si Mica sa sinabi ko. Natapos namin ang assignments kahit papaano. Ipapasa na lang daw niya. Tumayo na si Mica at tinignan si Basti.  Tumango na rin yung isa at tumayo bago lumapit sa  akin.  "Aalis na kami. Sinabay lang naman ako ni Sebastian. Pero kung gusto mo, mag-usap na muna--" "Ayoko. Magpapahinga na ako." Pagputol ko sa iba pang sasabihin ni Mica sa akin. Hindi ko tinignan si Sebastian. Bahala siya. Narinig ko na lang ang malalim niyang pag buntong hininga. Parang sumusuko na sa mga sinasabi ko. "Ako na bahala sa mga ito, Cha-cha. Magpagaling ka lang para makapasok ka na ulit. Kapag wala ang president ng klase ay nawawala sa sarili ang mga kaklase natin." Kwento ni Mica.  "Malakas naman na ako. Paglabas na paglabas ko ay babalik na ako sa school. Intayin niyo lang. Salamat sa pagpunta ngayong araw. Umuwi na kayo at baka abutin pa kayo ng dilim. Yung isa pa naman diyan ay birthday ng kapatid." pagpaparinig ko kay Sebastian.  " Kaya mo na bang mag-isa dito?" tanong ni Mica sa akin. "Gusto mo bang samahan muna kita hanggang makabalik sina Manang Elena?"  Umiling na ako sa kanya. Isa pa, hindi pwedeng mawala si Basti sa birthday ng Ate niya. Ayokong mag-away sila dahil lang mas inuna nung isa yung sakit ko.  "Okay na ako. Mamaya darating na rin naman si Tatay. Baka gabihin si Nanay pero okay na kapag nandito si Tatay." sabi ko sa kanya. "Sasabihin ko kaagad kay Mang Fred na puntahan ka na dito." narinig kong sabi ni Basti, diretso kasi ang tingin ko kay Micaela. "May naririnig ka ba?" inosenteng tanong ko kay Mica. Napailing naman si Micaela, "Huwag na kayo mag-away dalawa. Sige na, una na kami. Magpagaling ka ah."  Kung hindi pa siguro hinatak ni Mica si Basti ay hindi sila aalis. Ramdam ko kasi na titig na titig yung isa sa akin. Bahala siya, naiinis talaga ako sa kanya ngayon. Bukas wala na iyon. Sigurado ako. Tinanaw ko na lang sila hanggang sa nakalabas sila sa ward at hindi ko na nakita pa. Nalungkot na ulit ako dahil mag-isa na naman ako sa ospital. Mainit pa rin naman ako pero hindi katulad ng sobrang init kanina. Kayang-kaya ko naman na. Kailangan ko na lang siguro magpahinga ng magdamag para mawala yung lagnat ko. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng pumasok sa school. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD