15

3011 Words
Kung ang iba ay tulog sa biyahe ako yata ay hindi nakatulog dahil tinitignan kong mabuti ang tanawin na nadaraanan namin. Mula sa mga puno at malubak na daanan ay naging patag at matatayog na imprastraktura.  Si Sebastian na mukhang nakalimutan ata na birthday ko ay nakasandal sa balikat ko at tulog na habang hawak ang kamay ko. Ang dami niyang baon na pagkain at para daw sa amin iyon dalawa. Sineryoso nga niya yung sinabi niya sa akin noong nakaraan na ipagbabaon niya ako.  Unti-unti na ring nagliliwanag ang kalangitan. Mas lalo kong nakikita ang ganda ng mga nadaraanan namin. Ito ang nakikita lagi ni Tatay kapag nagpupunta siyang Maynila, pati na rin sina Sebastian.  "Good morning, guys!" masayang bati ng tour guide sa amin.  Mga nagpupungasan pa ang iba habang nakatingin sa guide namin samantalang si Basti ay mas sumiksik pa sa akin. Kulang na lang ay yakapin ako. Ginalaw-galaw ko pa ang balikat ko para lang magising siya.  Umungol ito muna bago dinilat ang mata. "What?" he asked.  "What- What ka diyan. Malapit na ata tayo." mahina kong sabi sa kanya dahil nagsasalita na yung tour guide namin.  He groaned before sitting up in a proper position tapos ay inabot ang bag na dala gamit ang isang kamay. Paano ba naman hawak pa rin ang kamay ko. Akala mo naman mawawala ako kaagad.  "Pwede naman kasing bitawan yung kamay ko." sabi ko sa kanya sabay hila nito mula sa pagkakahawak niya. Tinignan niya ako kaagad na parang mali yung ginawa kong paghila ng kamay ko.  "Ang pawis na, Seb!" reklamo ko sa kanya tsaka ko pinunasan ang kamay ko.  Napabuntong hininga siya bago umiling at kumuha ng pagkain sa bag. Inabot niya kaagad sa akin ang dalawang sandwich at isang inumin.  Mayroon din siya nung para sa kanya, kaya ibig sabihin ay akin ito.  "Pinabalot mo ba ang buong kusina ninyo?" biro ko sa kanya.  Tinignan lang niya ako tsaka hinablot ang isang sandwich para buksan iyon bago muling ibinalik sa akin. "Sabi ko naman kasi sa iyo na ako na ang bahala sa pagkain natin. Nagbaon ka pa." anito sa akin. Kinain ko na lang yung binigay niya kaysa sa mag-talo pa kaming dalawa. Mabuti na rin na may laman ang tiyan ko dahil sa factory daw ng tinapay kami unang pupunta. "Lagi ka ba dito sa Maynila?" tanong ko sa kanya habang kumakain. Nagpapalaro kasi yung tour guide namin. Active naman yung iba dahil gusto nila talagang makasali dahil sa premyo.  "May bahay kami sa Makati."sagot niya sa akin  habang tinitignan ang mga kaklase namin na naglalaro. "Maganda ba doon?" tanong ko ulit sa kanya.  He turned to me this time. Sa libro ko lang kasi alam ang Makati. Hindi ko naman alam ang itsura nito mismo. Matagal siyang nakatingin sa akin bago marahang tumango, "Pero mas maganda pa rin sa Trinidad." he answered.  "Kapag malaki na talaga tayo, Seb, sana madala mo ko doon. O kaya kahit mapuntahan ko man lang. Pakiramdam ko kasi ay tatanda na ako sa Trinidad. Baka isa sa mga tricycle driver na lang doon ang maging asawa ko."  sabi ko sa kanya.  Syempre ayaw kong ipahamak ang kung anumang relasyon mayroon kami. Ayokong mangarap nang mataas dahil masasaktan lang ako kapag mali pala ako.  Mahal ko siya pero hinding-hindi ko aaminin iyon kahit kailan.  Hindi sumagot sa akin si Seb kaya nakinig na lang din ako sa palaro ng tour guide. Kung minsan ay nakakasagot ako kaya nakakatanggap ako ng premyong tsokolate.  "O di ba, kailangan sasagot lang." pinagyabang ko pa kay Seb ang hawak kong Toblerone. Unang beses ko lang naman kasi magkaroon nun.  Nakangiti naman sa akin si Seb habang nakatingin. Wala naman akong natatanggap na ganito kaya masaya na ako para sa mga ganitong klaseng tsokolate. "You want that?" tanong niya sa akin.  Sunod-sunod ang naging pagtango ko. "Mukha kasing masarap." sabi ko sa kanya.  He tapped my shoulder, "Good job, love." anito sa akin.  Hindi man halata ay medyo nagulat ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Agad na lang akong nag-iwas ng tingin  sa kanya at tinignan na lang ang tsokolate na hawak ko. Pahamak naman siya sa pagtawag sa akin dahil kumabog naman ang dibdib ko.  Nakisali pa rin ako sa mga palaro kahit parang echo na umiikot sa tenga ko yung tawag niya sa akin. Di ba para lang iyon sa magkasintahan? Bakit kailangan tawagin din niya ako sa ganun.  Ayaw ko namang bigyan ng kulay ang lahat ng iyon at isa pa birthday ko ngayon. Ayokong mag-isip ng sobra. Nag-concentrate na lang ako  sa field trip ngayong araw.  Nakarating kami sa unang destination namin, factory ng tinapay daw ito. Alphabetical order ang paraan ng pagpila para makapasok sa loob. Binigyan din kami ng face mask para sa hygenie purpose.  Nauuna ang boys kaya panay ang lingon sa akin ni Sebastian. Ang sarap kaltukan, para namang hindi kami magkasama kanina.  Inikot nila kami sa loob ng factory. Kinuwento ang history ng lugar at pinakita kung paano ginagawa yung tinapay. After nun ay binigyan kami ng sample breads nila and then hinayaan na yung iba naming kaklase na mamili ng tinapay pa.  Nakita ko si Mica kaya sumama ako sa kanya kaagad. Ngumiti siya pagkakita sa akin. "Hindi ka bibili?" tanong ko sa kanya.  Umiling naman ito sa akin, "Baka sa iba na lang. Maliit lang yung pera ko para igastos ko pa sa iba." sagot niya sa akin.  Tumango naman ako sa kanya. Naiintidihan ko naman siya, ginawan lang siguro ng paraan ng mga magulang niya na pabaunan siya ng pera at pagkain ngayong araw.  "Ikaw? Hindi ka ba bibili?" tanong naman niya sa akin.  Umiling din ako. "Wala namang ibang kakain nun. Masisira lang." sagot ko sa kanya. Naalala ko bigla si Nanay. Tiyak na matutuwa siya kapag bumili ako ng ganito at pagsasaluhan namin nila ni Tatay.  Pero ngayon mukhang kahit ako ay hindi ko magagawa iyon. Masyado rin abala si Tatay at baka mas gugustuhin niyang ako na lang ang kumain ng binili ko kaysa pagsaluhan pa namin.  Natahimik din si Mica tsaka ako marahang tinapik sa balikat. Naiintidihan naman niya tiyak yung nararamdaman ko ngayon.   Nagkwentuhan na lang kaming dalawa ni Mica hanggang sa makita namin si Olivia na may maraming bitbit.  "Girls!" masayang tawag niya habang hindi magkanda-dala-dala sa bitbit nito. Lumapit siya sa amin. "You didn't bought anything?" tanong nito habang nakatingin sa amin ni Mica. Umiling kami sa kanya. "Good! I bought these for the two of you!" masayang sabi nito tsaka inabutan kami ni Mica ng tig-isang malaking plastic ng mga goods mula sa loob.  "Bakit meron din kami?" tanong ni Mica. Napatayo si Olivia ng tuwid sabay tingin kay Mica, "Of course! You are my best friends. I bought one for me and I will give this one to our adviser. Thank me later." kumindat pa ito tapos binitbit ang katulad ng binigay niya sa amin ni Mica tsaka tumakbo papunta kay Ma'am Ledesma.  "Ang bait talaga niya." Iyon na lang ang nasabi ko habang nakatanaw kay Olivia. Masyado siyang inosente sa lahat ng bagay kaya ang hirap niyang saktan. Masyado rin siyang friendly sa lahat kahit hindi niya mga kaklase. She came back with a big smile on her face, "Did you like what I bought? Actually, it's quite cheaper than what I thought." anito sa amin. "Thank you, Oli. Sana hindi ka na nag-abala pero thank you pa rin! Pang-matagalan na baon na ito." sabi ko sa kanya.  "You are very much welcome, Chari. Small thing lang yan." she replied.  "Thank you, Liv. Magugustuhan ito ng mga magulang ko." sabi naman ni Mica. "Anytime." she smiled even wider.  Nagdesisyon na kaming umakyat sa bus, since magkatapat lang naman ang upuan namin at wala pa masyadong estudyante ay kinain namin ang snacks na baon ni Olivia. Pang-mayaman kahit yung snacks niya lang.  "I've been in Manila and different places here in the Philippines but I have never been here," kwento ni Olivia sa amin.  "My parents would often bought me things that I don't use anymore. On weekends, I'll sort those things and give those shoes, bags, and clothes that I never use. I hope the two of you are not maarte like me. You can still use those things." dagdag pa nito. "Gusto mo ba samahan ka namin ni Mica na mag-ayos ng gamit mo? Wala naman akong pasok sa carinderia nun." offer ko sa kanya.  Bigla namang umiling si Mica, "P...pupunta kasi kaming San Rafael sa Sabado. Tsaka nakakahiya na sa Kuya ni Olivia." sagot naman nito. "My Kuya Leon? No! He's actually excited to see the two of you again. He couldn't stop asking me about you... and especially Mica." sabi naman ni Mica. Nakita ko ang biglang pagpula ng mukha ni Mica sabay tuon ng atensyon nito sa pagkain. Lihim na ngumiti ako. Hindi ko naman marahil masisisi ang Kuya ni Mica, sadyang maganda kasi talaga ito. Ilang sandali pa ay dumating na ang iba naming kaklase, may mga dala na rin ito. Kasama kasi ni Sebastian yung ibang male classmates namin kaya nahuli siya. Wala naman siyang ibang dala pero hinihingal ito pagtabi sa akin.  "Saan ka galing?" tanong ko sa kanya.  Umiling siya sa akin bilang sagot. May mga butil ng pawis pa ang mukha nito kaya kinuha ko ang bimpo sa bag ko tsaka ko siya pinunasan sa mukha. Dinilat naman niya ang mata niya at tinignan ako.  "Thank you." He said to me.  Tumango lang ako sa kanya at hindi na siya tinanong pa. Nagsalita ang tour guide namin at inimporma kami na babalik na raw kaming Maynila dahil nasa Laguna kami ngayon. Doon talaga sa Maynila ang pinaka sentro ng field trip namin. May pupuntahan kaming malaking aquarium, tapos yung pinakamalaking mall sa Asya bago kami magpunta sa last stop namin, yung theme park.  Nag-ingay na ulit ang mga kaklase ko habang nagpapasahan ng snacks na baon. Nakisali rin si Olivia sa pagpasa ng baon niyang snacks.  "I have a lot of those. You can share that with the others!" sigaw ni Olivia pag-abot niya ng snacks sa harapan. Pati tuloy si Sebastian ay nakikain at naglabas ng baon niya. Binigyan muna niya ako bago pinaikot ang kanya.  "Nice! Salamat, Boss Seb!" sigaw ng mga boys.  Hindi naman sila sinagot ni Sebastian dahil masyado siyang naka focus sa akin.  Nakabalik kami sa Maynila agad dahil wala naman traffic. Diretso kami sa Ocean park pero hindi raw kami doon mag-ta-tanghalian, sa mall daw kami kakain.  "May canteen ba dito?" tanong ko kay Seb habang inaayos ang bag ko na dadalhin sa ibaba. Sayang at wala akong camera hindi katulad nila Sebastian at Olivia. Mukhang maganda pa namang kuhaanan ng larawan ang lugar na ito. "Bakit?" tanong niya sa akin.  "Dito na sana kami kakain ni Mica. Mahal ata sa mall tsaka sayang yung lunch na baon namin." sagot ko sa kanya.  Nag-prito pa naman si Tatay ng manok para sa akin tsaka naghanda rin siya ng spaghetti, mabuti na lang at inihiwalay niya ang sarsa nun.  "Gutom ka na ba?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako sa kanya kaya lang pagiging praktikal kasi ang gusto kong pairalin ngayon. "Gusto ko lang maubos na yung tanghalian ko. Baka masira na kasi yung sarsa ng spaghetti." sabi ko sa kanya.  Tinignan niya ako mabuti, akala ko makukuha na niya yung point ko. Birthday ko pero hindi pa niya ako binabati! Okay lang kung makalimutan nung iba pero hindi siya! "Pag-akyat na lang natin ulit mo siya kainin." Hinawakan na niya ulit ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kung hindi iwanan iyon.  Nakahawak pa rin sa kamay ko si Sebastian hanggang sa makarating kami sa pila papasok ng Ocean park. Nilagyan muna kami ng entrance wrist tag para makapasok sa loob.  Mabuti na lang ay pinakawalan na ako ni Sebastian kaya nakasama ko sina Olivia at Mica. Walang sawa si Olivia sa pagkuha ng larawan namin ni Micaela lalo na at pumapasok kami sa iba't ibang area kung saan may iba't ibang klaseng isda kaming nakikita.  Nakasunod naman si Sebastian kasama ang mga kaibigan nitong lalaki. Maraming photo ops area pa doon kaya nag picture muna kaming lahat.  Hinila naman ako ni Sebastian para magkaroon kami ng picture naming dalawa.  "Yay! Great! Wait! Hold onto that pose." utos ni Olivia sa amin.  Ang nasa likuran namin ni Seb ay ang malawak na Manila Bay, umakbay sa akin si Sebastian kaya yumakap naman ako sa bewang niya. Nakita ko kaagad ang pag-irap nila Natasha sa amin.  "Smile!" tapos ay sunod-sunod ang pagpindot ni Olivia sa camera niya.  Natapos naman ang ginawa ni Olivia pero nakailang saway pa kami ni Seb bago siya tumigil. Dumiretso na agad kami sa show ng mga seal. Nag-enjoy naman kami hanggang sa natapos iyon at bumalik kami sa bus.  Gutom na kaming lahat kaya mabuti na lang at umandar na rin patungong MOA na halos malapit lang din sa lugar na iyon.  Pagdating namin doon ay kanya-kanyang baba na ang lahat. Nagsabi lang ang tour guide na dalawang oras lang ang ibinibigay sa amin sa mall para makapunta na kami kaagad sa Star City.  "Dito na lang kami ni Mica," paalam ko kay Sebastian dahil hindi naman namin afford ang pagkain doon.  Nagkatinginan si Seb at Olivia tapos ay sunod-sunod na ang naging pag-iling ni Olivia. "No. You have to come with us." anito.  "Pero may lunch naman kami dito. Late lunch na to be exact." sagot ko.  "You can bring that lunch." ani pa ni Olivia. Tinungo nito si Mica at hinila na para makababa. Wala namang nagawa si Mica kung hindi sumunod.  Inabot naman ni Seb ang lunch bag ko tsaka ako hinawakan sa kamay. "Doon mo na lang kainin iyan." sabi niya sa akin tsaka ako hinila.  "Saan naman?" usisa ko pa. Hindi sumagot si Sebastian sa tanong ko. Naunang maglakad sina Mica at Olivia, mukhang alam ni Olivia ang pasikot-sikot sa malaking mall na ito. Samantalang ako ay parang nahihilo na kaagad habang tinitignan ang mga dinaraanan namin.  Sobrang daming magagandang gawain at pwedeng pamilihan. Napaisip tuloy ako sa pwede kong ibili kay Tatay na pasalubong.  Liko, tapos ay diretso tapos ay liko ulit ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa hilera ng kainan.  "Here ba, Kuya Seb?" tanong ni Olivia. Tumango naman si Seb na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko hanggang ngayon.  Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant, hindi Jollibee na katulad nung sa iba naming mga kaklase. "Reservation for four, Olivia Samantha Vilaformosa." sabi ni Olivia sa humarap sa aming staff. Tinignan naman nun ang hawak na gadget bago tumango, "This way, Ma'am."  Nauna itong maglakad sa amin.  "Anong ginagawa natin?" tanong ko kay Sebastian.  Pero hindi naman ako sinagot ng isa basta't nakasunod lang kami sa staff. Dinala nito kami sa isang private room at laking gulat ko na pagpasok namin ay may nakalagay na balloons at malaking 'happy birthday' sa gitna.  Humarap sa akin sina Mica at Olivia, "Happy birthday, Chari!" bati nila sa akin sabay yakap nang mahigpit.  Hindi naman ako nakahuma sa nakita ko. Tumalon-talon pa silang dalawa habang nakayakap sa akin nang mahigpit. Napatingin naman ako kay Sebastian na nakangiti sa akin.  "Let's go," ani ni Sebastian sa aming tatlo.  "We will serve the food and the cake, ma'am." sabi ng staff sa amin tsaka nagpaalam umalis.  Niyakag nila ako papasok sa loob dahil halos hindi ko maikilos ang paa ko sa sobrang gulat. Namamangha pa rin ako sa nakikita ko. Kulang ang salita para sabihing masaya ako sa nakikita ko ngayon. Buong akala ko ay nakalimutan na nila ang araw na ito.  "Did you like it?" nakangiting tanong ni Olivia pagka upo namin.  Sunod-sunod ang naging pagtango ko, "Mahal ito di ba?" tanong ko sa kanila. Olivia pointed Sebastian, "Kuya Seb paid it already. He planned it ahead of time para for you."  Nilingon ko naman si Sebastian na tahimik na nagsasalin ng tubig namin. "Thank you, Seb." Hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin. Tumango lang siya sa akin at tahimik na sumandal pagkatapos. "Akala ko pa naman nakalimutan niyo na ang araw na ito," sabi ko sa kanila.  "No! Actually out tongue is so itchy na to greet you kanina pang morning. We just can't say it easily kasi we have a plan. And this is our plan! To treat and greet you!" nakangiting sabi nito sa akin.  Dumating ang pagkain namin at halos puro mamahalin iyon. Kasunod ay ang isang cake at nakasinding kandila. "Happy birthday, Chari! Happy birthday, Chari! Happy birthday, happy birthday...happy birthday, Chari!" magkasabay na kanta nila Mica at Olivia.  Inilapit nila ang cake sa akin tsaka ako pumikit muna bago humiling. Malungkot man dahil wala na si Nanay ay alam kong binabantayan naman niya ako. Sana ay kasama ko pa rin siya ngayon. Sobrang sakit pa rin pero kakayanin ko para sa kanya, para sa pangarap niya para sa akin.  Hindi ko na namalayan na may tumulong luha sa mata ko pagdilat bago ko hinipan ang kandila. The staff clapped pati na rin sina Mica at Olivia samantalang pinunasan naman ni Sebastian ang luha sa mata ko.  "We are going to wrap the cake." sabi ni Olivia sa isa sa mga staff. Tumango naman ang mga ito bago kami iniwan at kumain.  Napuno ng kwentuhan ang kwarto pag-alis nila lalo na at sobrang sarap ng pagkain. Unang beses ko at ni Micaela na makakain ng ganito. Halatang pang-mayaman talaga.  Pinaghiwa pa ako ni Sebastian ng steak para hindi ako mahirapan. Nakamasid naman yung dalawa sa lahat ng kilos na iyon ni Seb sa akin.  Binilisan din namin ang pagkain dahil gusto rin nila na mag-ikot pa pero bago umalis sa room ay kinunan muna nila ako nang kinunan ng picture sa harap ng backdrop. Nagkaroon kami ng picture na kaming tatlong babae lang at yung picture na kasama ko naman si Sebastian.  Hindi ko maipaliwanag yung saya ko sa sobrang tuwa. Parang nawala kahit papaano ang lungkot ko dahil sa ginawa nilang surpresa sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD