5

3266 Words
"Chari, yung baon mo anak!" malakas na sigaw ni Nanay sa akin.  Hindi na ako nagsuklay at nagmamadaling tumatakbo na papasok. Late na ako! As in late talaga! Masama kasi pakiramdam ko. Napasama ata ang pagsugod namin ni Sebastian sa ulanan. Siya kaya? Baka mamaya may sakit na yung isang iyon.  "Oo nga pala." bulong ko at nagmamadaling bumalik.  Inabot ni Nanay sa akin ang baunan ko. "Wala yung baunan mo. Nasaan ba?" tanong niya sa akin. Umiling ako, "Na kay Basti po. Sige po, Nay. Late na po talaga ako." nag-aalala ako. Unang beses ko mahuhuli na pumasok.  Mula Elementarya ay consistent na maganda ang record ko tuwing pumapasok. Nag-abot sa akin si Nanay ng 20 pesos. "Sumakay ka na lang ng tricycle. Mas madali iyon. Ayun!" tinuro niya ang tricycle na dumaan at pinara iyon.  "Elmer sa V.H si Chari." sabi ni Nanay sa driver ng tricycle. Nag-abot din siya ng bayad na agad kay Mang Elmer bukod sa binigay niya sa akin. Ibabalik ko na lang mamaya. Kumaway ako kay Nanay pag-andar ng sasakyan.  Kinailangan ko rin kasi gawin kagabi yung report namin ni Nova. Nabasa pa naman yung Manila Paper kaya kailangan kong ulitin mula sa simula. Ayoko naman na hindi maging maganda iyon.  Hindi na rin kasi ako nagsabi kay Nanay na masama ang pakiramdam ko. Mamaya mawawala na iyon, sigurado ako. Ipinatong ko ang kamay ko sa noo ko, medyo mainit iyon. Kakayanin ko naman. Minsan lang naman ako lagnatin tsaka Martes pa lang! Hindi ako pwedeng magkaroon ng absent! Nagmamadali akong bumaba sa tricycle at nagpasalamat kay Mang Elmer. Mas mabilis nga iyon kaysa sa pagtakbo. Mas madalas kasi na naglalakad o tinatakbo ko ang school. Malayo mula sa amin pero sanay na ako. Kaysa naman gumastos sa pamasahe, pambili rin iyon ng bigas. "Cha-cha! Bakit ngayon ka lang?" gulat na tanong ni Kuya Bonoy sa akin, yung security guard ng school. "Late ka na." sabi pa niya sa akin.  Lumabi ako at tumango. Hindi ko man gusto ay mukhang ganun na nga. 7:30 na. Seven ang unang klase namin, halos 30 minutes akong late.  "Sige po, Kuya." paalam ko sa kanya bago ako tumakbo paakyat sa building namin. Wala na ring estudyante sa main ground. Ako lang ata ang late talaga.  Nagkaklase na sila kaya marahan akong dumaan sa back door at kumatok. Napalingon ang lahat sa akin, napasinghap naman ang iba. Gulat siguro sa hitsura ko.  Natigil din si Ma'am Nicolas, ang adviser namin, sa tinuturo niya.  Gulat na nakatingin din siya sa akin, "Alaina, anong nangyari? Unang beses mong nalate." sabi niya sa akin.  Napakamot ako ng ulo at yumuko na lang. "Sorry po, Ma'am. I have no excuse po. Late po akong nagising. Sorry po." sagot ko. "Okay. Pumasok ka na. Just ask your classmates sa mga kailangan gawin today." sabi pa niya sa akin. Tumango na lang ako at naglakad papunta sa upuan ko. Hindi ko na sinalubong ang tingin ng mga kaklase ko. Alam ko naman na nakatingin sila sa akin.  "Anong nangyari?" narinig kong nag-aalalang tanong ni Mica sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tipid na nginitian lang sila. Masama talaga ang pakiramdam ko kasi ayokong magsalita. Bihira mangyari ito sa akin.  "Okay ka lang?" tanong naman ng nasa gilid ko, si Basti.  Tumango na lang ako sa kanya ng hindi siya nililingon. Mahahalata kasi niya. Malakas pa naman pakiramdam nun pag tungkol sa akin. Umayos na lang ako ng upo at nilabas ang Filipino notebook ko, may kaunting basa pa iyon. Kahit naman kasi sabihin na maingat ang pagkakahawak ni Basti roon, naanggian pa rin iyon ng ulan. Medyo manipis kasi yung bag na nabigay ni Tatay sa akin. Kaya ang gamit ko ngayon ay yung lumang bag ko.  Malapit na matapos ang class namin sa Filipino. Hindi ko maintindihan kasi medyo nahihilo na ako. Pinikit-pikit ko pa ang mata ko para makita ko yung nakasulat sa board. Nakatulong naman kahit papaano.  Hindi na rin sila nagkaroon na kausapin ako kasi on time si Ma'am Ledesma. She asked us na pumunta sa bawat partner namin. Wala pa ulit si Nova kaya doon na lang ako naupo sa pwesto niya. Alam kong nakasunod ang tingin ni Sebastian sa akin. Ramdam na ramdam ko yun. Natapos ko naman ang visuals para sa reporting. Pangatlo akong magrereport ngayon. Mauuna sa akin sina Sebastian at Micaela.  Nang nagsimula na ang reporting ay pinikit ko ang mata ko at sumandal muna pero sinisigurado kong nakikinig ako. Dinidilat ko naman lalo na nung pinakakabit na ni Ma'am Ledesma ang visuals. Bigla ko namang naramdaman ang lamig. Sobrang lamig ba talaga?  Tinignan ko ang aircon at nasa tamang temperatura lang naman iyon. Katulad naman iyon ng dating temperature. Wala nga ring suot na jacket ang mga kaklase ko kasi maaga pa. Hindi pa naman totally kalat yung lamig. Tsaka tirik na tirik yung araw sa labas. Tumatagos yung init sa room.  Marahan kong kinabit ang visuals ko. Nakita siguro iyon ni Sebastian kaya inagaw niya sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.  "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin, medyo galit ang tono.  Pinilit kong tumango at ngumiti sa kanya. Tumikhim pa ako, "Oo naman." marahang tinapik ko siya sa braso niya. Malamig ang balat niya samantalang ako ay ramdam na ramdam ang init sa katawan ko. Mukhang napansin niya iyon dahil mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya.  Lumayo na lang ako at tinulak siya ng marahan dahil sila na ni Mica ang mag-re-report.  Gusto ko mang kiligin dahil ang ganda nilang tignan dalawa ay hindi ko magawa. Lumalabo na naman kasi ang paningin ko. Nararamdaman ko naman na mainit na talaga ako kasi pinagpapawisan ako kahit giniginaw ako.  Pinilit ko namang tumayo ng ako na yung magrereport at ngumiti sa kanila. "Good morning, classmates. Good morning, Ma'am Ledesma." bati ko sa lahat.  "Nova is my partner but unfortunately, she isn't present today." Humihina ang boses ko pero pilit kong nilalakasan. Nararamdaman ko rin na nanghihina ako kaya mahigpit akong kumapit sa teacher's table. Tumikhim pa ulit ako ng isang beses, "My topic for today is about 'Tag Questions'. Classmates, do you have any idea about Tag Questions?" I asked them. Nakangiting nakatingin sa kanila pero nanlalabo talaga ang mata ko. "If there's anyone, who can answer my question. I'll give a prize to that person." sabi ko pa. Inintay kong may magtaas ng kamay pero lahat ay nakatingin lang sa akin. "No one? Okay.  So, Tag Question is a mini-statement followed by a question.  It is commonly used to ask for a confirmation..."  Lumapit ako sa Manila Paper to point out yung sinasabi ko.  "There are basic structure for Tag Questions. The positive statement then negative tag or negative statement then positive tag. I'll give an example." inabot ko ang white board marker sa gilid pero sabay-sabay na sumigaw ang mga kaklase ko.  "Chari! Nagdudugo ilong mo!" iyon ang malinaw na narinig kong sinabi nila. "Oh my God! Alaina!" nag-aalalang sabi naman ni Ma'am Ledesma.  Napahinto naman ako sa gagawin ko at dinampi ang daliri sa ilong, may dugo nga at tumutulo na iyon sa damit ko. Hindi ako takot sa dugo kaya pasimpleng pinunasan ko lang iyon. "Chari!" sigaw ni Sebastian sa akin.  Nilingon ko naman siya dahil nag-aalala ang boses niya. "Ba---" pero hindi natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagdilim ang buong paningin ko. Bago pa man ako tuluyang bumagsak ay naramdaman ko na ang braso ni Sebastian pati ang malakas na sigawan ng klase.  Mabigat pa rin ang katawan ko paggising. Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog basta paggising ko ay halos padilim na. Tahimik naman ang lugar kung nasaan ako. Napabalikwas ako ng bangon ng maalal ang nangyari.  Hindi ako nakapag report dahil nawalan ako ng malay! Paano na yung mga lessons ngayong araw. Nagmamadali kong sinuot ang sapatos ko ng makita ko ang jacket na nakabalot sa akin. Jacket ni Basti.  Nasa clinic ako dahil amoy na amoy ko ang alcohol at tahimik masyado. Tinabing ko ang harang sa pwesto ko at nakita ko ang nurse na naroon, si Nurse Joy. Kumpara naman kanina ay mas kaya ko na kahit papaano.  Nag-angat siya ng tingin sa akin, "Gising ka na pala. Kumusta na ang pakiramdam mo, Cha-cha?" tanong niya sa akin.  Inabot ko ang bag ko at umupo sa katapat na upuan niya. "Anong oras na po, Nurse Joy?" tanong ko. Sinulyapan nito ang relong pambisig, "Alas-singko na rin ng hapon." "Po?!" gulat na tanong ko. Gaano kahaba ang itinulog ko?! Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang thermometer at tinapat sa noo ko. Lumabas kaagad ang resulta, "38.1 pa ang lagnat mo. Mas mababa kumpara kanina. 39 ang lagnat mo. Dadalhin ka na sana namin sa ospital kaya lang dumating yung school doctor natin. Nabigla nga ako."  kwento pa niya. Kumunot ang noo ko. Marami akong gustong itanong sa kanya. "Paano po ako napunta dito?" Tumawa si Nurse Joy at may inabot sa aking maliit na plastic bag. "Gamot mo yan. Inumin mo. At sa tanong mo naman, si Sebastian ang nagdala sa iyo. Karga-karga ka niya tapos tumatakbo na dinala ka dito. Akala ko nga kung ano ang nangyari sa iyo. Nakabantay iyon nang nakabantay. Kung wala lang training siguro sa Taekwondo iyon ay hindi ka iiwan. Hindi na siya pumasok buong araw sa pagbabantay sa iyo." kinikilig na kwento pa niya sa akin. Inabot ko naman ang plastic na binigay niya sa akin. Napansin ko rin sa gilid ko ang bag pack niya. KInuha ko iyon at isinukbit ko sa balikat ko. Daanan ko na lang siya sa practice room nila. "Thank you po, Nurse Joy." sabi ko sa kanya. "Nakakatuwa talaga yung si Sebastian. Crush na crush ka niya talaga." dagdag pa nito. Kahit masama ang pakiramdam ko ay sinimangutan ko si Nurse Joy. "Si Micaela po ang crush niya." sagot ko. Hindi naman makapaniwalang nakatingin sa akin si Nurse Joy, "Talaga ba? Pag gumaling ka nga tumambay ka minsan dito at kwentuhan mo ko. Iba kasi ang mga naririnig ko." suhestiyon pa niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at nagpaalam na para makaalis. Mahina pa rin naman ako pero hindi na ako ganung giniginaw. Malaking tulong din ang jacket ni Basti. Tahimik na rin ang paligid, wala na yung mga bakas ng estudyante. Ano kaya ang naging lesson ngayong araw? Dumaan muna ako sa classroom namin para tignan kung may bakas ng sulat pero burado na. Malinis na rin ang room. Hindi ko na lang iiwan na naka lock dahil hawak ko ang susi. Baka kasi hindi ako papasukin ng Nanay bukas.  Napabuntong hininga na lang ako at dumaan sa practice room nila Basti. Sa labas pa lang ay dinig na dinig ko na ang sigaw ng mga nag pa practice. Bata pa lang kami ni Basti ay nagsasanay na siyang mag Taekwondo. Magaling siya kung kaya mataas na rin ang posisyon niya sa org kahit freshman lang siya.  Naupo na lang ako sa bench na nasa tapat ng room. Ayoko naman makaabala, isa pa alam kong matatapos na rin naman iyon dahil hanggang 5:30 lang naman ang training nila.   Napabuntong hininga na lang ako habang naghihintay sa kanya. Mainit pa rin ang pakiramdam ko. Kung kanina ay wala akong nararamdaman na lamig, ngayon ay mayroon na kahit naka jacket ako. Tinignan ko ang gamot na naroon at kumuha ako ng isa para makainom.  Nahuli naman sa akto ni Sebastian ang ginagawa ko. Nagkagulatan pa kami pagkakita niya. Pawis na pawis siya kahit pinupunasan niya iyon. Nagmamadali ko namang tinigil ang pag inom ko ng tubig at tinago sa bag iyon.  "Bakit ka umalis doon? Kumusta ka na ba? Ano na ang nararamdam mo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin tapos ay umupo sa tapat ko.  Ipinatong pa niya ang palad niya sa noo ko. "Mainit ka pa, Charlotte!" galit na sabi niya sa akin. Tinabig ko naman ang kamay niya. "Kadiri naman ito. Pawis mo naman." maarteng sabi ko sa kanya.  "Sorry." anito habang hindi pa hinihiwalay ang tingin sa akin. "Tapos na ba practice ninyo? May naririnig pa ako sa loob." sabi ko sa kanya. May mga naririnig pa kasi akong bumabagsak at sumisigaw.  Hindi naman nilingon ni Sebastian ang classroom at kinuha na ang mga bag naming dalawa. "Tapos na ako. Hindi naman ako kailangan diyan." sagot niya sa akin. Hinawakan naman niya ang palapulsuhan ko para makatayo ako.  "Seryoso ka? Baka hanapin ka ng coach niyo." sabi ko sa kanya. Alam ko kasi mahalaga ang Taekwondo sa kanya. "Don't mind it." matipid na sagot nito. Hawak pa rin niya ang palapulsuhan ko hanggang sa makababa kami ng second floor at lumabas ng campus.  Kinawayan naman ako ni Kuya Bonoy pagkakita sa akin kaya ganun din ang ginawa ko sa kanya. Nakalabas na kami ng campus ng makita ko ang sasakyan ng mga Velasquez. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Basti kaya napalingon siya sa akin. "Cha." tawag niya sa akin.  Tipid na ngumiti lang ako sa kanya, "Andya na si Kuya Emil. Maglalakad na lang ako pauwi." inabot ko pa ang bag ko na dala niya pero iniwas niya sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nakikinig sa akin. Akala mo may nagawa akong mali o nakakatawa sa kanya. "Ihahatid na kita. Hindi mo pa kaya---" "Kaya ko na!" pagputol ko sa sasabihin niya. "Lagnat laki lang ito." dagdag ko pa. "May nalalaman ka pang lagnat-laki. Sumakay ka na." aniya at tinulak pa ko sa tapat ng sasakyan. Ito pa mismo ang nagbukas ng pintuan ng SUV para makapasok ako. "Sakay." Ayoko naman na rin makipagtalo, isa pa kapag naglakad ako tiyak gagabihin ako sa bagal ko. Kung maayos lang pakiramdam ko, hindi ko na kakailanganin pang sumabay sa kanya.  "Good afternoon, Kuya Emil." bati ko sa driver nila. Kaibigan ni Tatay iyon. Si Tatay kasi ang punong-driver sa pamilya Velasquez.  Nakangiti naman si Kuya Emil sa akin pero kumunot din ang noo pagkatagal ng tingin niya. "May lagnat ka ba, Cha-cha?" tanong niya sa akin. Ganun ba kahalata? Hinarap ko naman si Basti na nasa tabi ko na. "Oo, halata." sagot niya sa akin na para bang nabasa kung anuman ang nasa utak ko na katanungan. "Edi halata." bulong ko. Gumaling lang talaga ako, yari siya sa akin.  "Kuya Emil, daan muna natin si Chari sa kanila." sabi ni Basti. Tumango naman si Kuya Emil, "Sige." anito at nagsimula na rin mag maneho. "Alam ba ni Ate Elena yang sakit mo?" tanong pa nito. Umiling ako sa kanya. "Ayokong mag-alala si Nanay, Kuya. Wag niyo na lang po sabihin. Lagnat-laki lang ito. " depensa ko. Pumalatak naman si Kuya Emil na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Kailangan mo pa rin sabihin yan, Cha-cha. Hindi naman pwedeng sasarilinin mo yung sakit mo." sermon pa nito.  Nilingon ko ng masama si Basti at hinampas ito sa braso na kinagulat nito. "Ano na namang ginawa ko?" tanong niya sa akin habang hinihimas ang nasaktang braso. "Lagnat-laki nga lang kasi ito!" malakas na sabi ko.  Tinitigan naman ako ni Sebastian at tinanguan. "Oo na nga. Bakit nagagalit ka pa diyan?" tanong niya sa akin.  "Kasi may sakit ako. Nakakainis!" sigaw ko ulit.  Napabuntong hininga naman si Basti at pinitik ako sa noo, "Kung pwede ko lang kunin yung lagnat mo, ginawa ko na." sabi niya sa akin.  Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Hinatid pa niya ako hanggang sa pintuan. "Magpahinga ka na diyan. Sasabihan ko na si Aling Elena na may lagnat ka para makauwi na siya." sabi pa nito.  Umiling ako. "Huwag na. Baka busy iyon. Di ba naghahanda kayo kasi birthday ni Senyorita Miranda bukas? Baka magalit lang si Senyorita." Debut kasi ng Ate ni Basti bukas. Masyado pa namang matapang iyon. Pero pinal ang pag-iling ni Basti sa akin. "Akong bahala. Sige na magpahinga ka na muna diyan." he said. Para ring labag sa loob nito na iwanan ako ngayon. Naiintindihan ko naman siya, bihira lang kasi talaga ako magkasakit.  Nang maiwan akong mag-isa ay naghanda ako para magluto ng lugaw.  Iyon lang ang gusto kong kainin kasi pakiramdam ko wala akong panlasa. Nagpalit din ako ng damit habang hinihintay na maluto ang pagkain ko.  Narinig ko naman ang patak ulit ng ulan sa bubungan. Malakas na naman ito kaya tiyak na hindi pa nga kaagad makakauwi sina Nanay o kaya ay si Tatay. Kaya ko naman na.  Giniginaw ako kaya hindi na ako nagtangkang magbukas ng electric fan. Tanging ilaw lang sa kusina ang bukas habang pinakikinggan ko ang malakas na pagbagsak ng ulan sa bubong ng bahay.  Nang maluto naman ang lugaw ay tahimik na rin akong kumain. Nagtabi na lang ako para sakali bukas ay mainit na lamang. Sa ganung tagpo ako nakita ni Nanay. Humahangos ito at bahagyang basa pa sa ulan, kasunod naman nito si Tatay na basa rin sa ulan.  Napatayo ako at tipid na ngumiti sa kanilang dalawa. "Ang aga niyo po." bungad ko.  Nag-aalalang lumapit sa akin si Nanay at hinipo ang noo at leeg ko. "Jusko, Charlotte, ang init-init mo anak." naiiyak na sabi ni Nanay sa akin.  Gusto ko ring maiyak pero pinigilan ko. Ngayong kasama ko sila ni Tatay pakiramdam ko ay ligtas na ako. Gagaling na ako. Tinuro ko ang lugaw sa kanya, "Baka po dala ng lugaw. Mainit po kasi."  "Tay, ihanda mo ang sasakyan. Dalhin natin si Chari sa ospital!" utos ni Nanay kay Tatay. Lumapit na muna sa akin si Tatay at kinapa ang noo ko. "Napakainit mo, anak." nag-aalalang sabi rin nito sa akin.  "Ayos lang po ako. Pahinga lang po ang kailangan--" "Hindi! Dadalhin ka namin sa ospital. Pinahiram kami ng Senyor ng sasakyan dahil nag-aalala rin sa iyo. Tara na." pwersahang hinatak pa ako ni Nanay.  Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa paglabas. Nakita ko nga ang sasakyan na pinagmamaneho ni Tatay. Pinayungan naman nila akong dalawa para hindi ako mabasa hanggang sa makarating sa loob. "Kukuha lang ako ng kumot para kay Chari." sabi ni Nanay bago nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay. Naiwan tuloy ako sa sasakyan kasama si Tatay. "Okay lang po talaga ako, Tay. Huwag niyo na po ako dalhin sa ospital. Gastos lang po iyon." sabi ko sa kanila. Isa pa, nag-alala ako na baka i-admit ako sa ospital. Ayoko pa namang umabsent sa school. "Hindi anak. Ang init-init mo. Kung hindi pa sinabi ni Sebastian na may lagnat ka, hindi namin malalaman ng Nanay mo. Hindi ka dapat naglilihim ng ganyan sa amin, Charlotte." sermon ni Tatay sa akin. Tumahimik na lang ako. Hindi ko naman sila mapipigilang dalawa. Nakabalik na si Nanay at sa tabi ko siya umupo. Ibinalot niya sa katawan ko ang kumot. Tamang-tama lang dahil ginaw na ginaw na naman ako.  Nakarating kami sa pinakamalapit na ospital. Ipinarada  ni Tatay ang sasakyan bago kami bumaba ni Nanay. Nakaramdam ako ng labis na panghihina kaya binuhat ako ni Tatay papasok.  Sinalubong naman kami kaagad ng doctor. "Ano pong nangyari?" tanong sa amin. Si Nanay ang sumagot dahil umiikot na naman ang paningin ko. Sigurado naman ako na sinabi na rin ni Sebastian ang kalagayan ko. Madaldal din naman ang isnag iyon.  "We have to check her po. Mag rerequest ako ng CBC para sa kanya para makita po natin ang pinagmulan ng lagnat at panginginig niya." iyon na lang ang narinig kong sabi ng doktor.  Wala na akong ibang maalala pa dahil katulad kaninang umaga ay may dugo na naman na lumabas sa ilong ko. Dahilan para mataranta si Nanay at mawalan ulit ako ng malay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD