4

3531 Words
Galit siya sa akin talaga ngayon. Nagbibiro lang naman ako kanina. Masyado naman niyang sineryoso.  Nagsisimula na yung klase namin sa English pero hindi ko siya katabi ngayon. Seat mates pa naman kaming dalawa. Sa apatan na upuan kasi, siya, ako, si Mica, at si Allen ang magkakatabi. Absent yung classmate namin na si Nova kaya doon siya sa harapan nakaupo ngayon.  "Alaina." tawag bigla sa akin ni Ma'am Ledesma.  Napatayo kaagad ako sa kinauupuan ko, samantalang napalingon naman ang mga kaklase ko sa akin maliban kay Basti. "Po?" Halatang hindi ako nakikinig. Hindi ko kasi naintindihan yung explanation ni Ma'am kanina.  "I told you to group your classmates. By pair. I'll leave it to you since ikaw ang may kakilala sa kanila talaga." Ma'am Ledesma said to me. Marahan akong tumango at kumuha lang ng pad paper at ballpen bago lumapit sa teacher's table. Gumilid naman si Ma'am Ledesma, may reporting kasi ata na gagawin kaya kailangan by pair.  May gumuhit na ideya sa utak ko habang tinitignan ko ang mga kaklase ko na tinuturo anggusto nilang maging partner. Syempre gagawin ko yun pero since absent si Nova, siya na lang partner ko.  "Ma'am, kami na lang po ni Nova ang partner. Para masabihan ko po siya sa gagawin." paalam ko kay Ma'am.  Tumango naman siya sa akin habang gumagawa naman ito ng palabunutan sa magiging reporting.  "Hindi si Sebastian, partner mo?" kuryosong tanong nila Hans sa akin. Napalingon naman ako kay Basti na nag-iwas naman kaagad ng tingin sa akin. Akala mo naman talaga. Ang sarap kaltukan.  "Eh sa gusto ko si Nova. Bakit ba?" mataray na tanong ko.  Nagtawanan naman ang iba sa sagot ko. Sinulat ko na ang magkakaparehas tapos ay ang huling pangalan nung dalawang tao na gusto kong maging mag partner. Inabot ko iyon pagkaraan kay Ma'am Ledesma.  Pinasadahan naman nito ng tingin ang papel. "Sige. Okay na yan. Tell them already."  Tumikhim ako at ngumiti ng malaki habang hawak ang papel. "Go to your partners na lang after I call your name ah." sabi ko sa kanilang lahat. Mga mukhang kabado naman sila. Syempre nilagay ko sila sa partner na alam kong dapat at nababagay sa kanila. "Justin and Roselle." unang tawag ko.  Halos kiligin naman ang mga kaklase ko dahil crush na crush ni Justin si Roselle! Matagal na siyang may gusto sa isa.  "Nakakaasar naman si Chari. Bakit kaya kami ang magkapartner?" inis na tanong ni Roselle. Hindi ko siya pinansin dahil mas lumakas ang hiyawan sa paglapit ni Justin sa kanya. "Ayaw daw niya pero mamaya sabay ng uuwi yan." dagdag na pang-aasar ko pa.  Nandilat naman ang mata ni Roselle sa akin. Sumunod ko namang binasa ang ibang magkakapartner, at halos lahat iyon ay pawang may gusto sa isa't isa. Crush kumbaga.  "Napakadaya ni Chari! Siya naglista kaya hindi niya nilagay yung sarili niya sa may crush niya." sigaw ni Allen na kapartner si Bea.  "Ingay mo. Gusto mo naman yan!" malakas na sabi ko.  Apat na pangalan na lang ang natitira. "Gian and Isabelle tapos Sebastian and Micaela!" malakas na sigaw ko. Mga kinilig ulit ang mga kaklase ko lalo na at matagal ng may gusto sa isa't isa sina Gian at Isabelle. Tahimik na nagpunta naman si Sebastian sa tabi ni Micaela. Napakalaki ng ngiti ko habang magkatabi sila. Bagay na bagay talaga.  "Hindi naman crush ni Sebastian si Micaela ah?" tanong ni Nicolo.  Sumang-ayon naman ang iba habang tahimik lang ang dalawa. Nakatingin sa akin si Mica samantalang nakaiwas ang tingin ni Basti sa akin. Ang drama talaga niya! "Di niyo sure." pang-aasar ko sa lahat.  "Ikaw ang may hindi sure!" sigaw ni Andrew na nagpasang-ayon naman sa iba.  Inirapan ko na lang sila. Sabagay private kasi masyado si Basti kaya ako lang ang nakahuli na ang crush niya ay si Micaela. Bagay kaya silang dalawa! Sana forever na sila. Sigurado ako na magkakaroon sila ng magaganda at gwapong anak. Syempre ninang ako.  "O tama na. Ayos na yan. Para naman mainspire kayo sa partner ninyo. Tama lang ang distribution na ginawa ni Alaina sa lahat." pagtatanggol ni Ma'am Ledesma sa akin.  Confident akong pumalakpak at tinuro ang sarili sa lahat. Akala nila ah. Magaling kaya talaga ako. "I want representative ng bawat pair na bumunot ng magiging topic sa reporting ninyo." sabi ni Ma'am. Nagtayuan naman ang ilan, habang ako ay nananatiling nakatayo sa gilid ni Ma'am Ledesma. Si Basti ang bubunot para sa kanila ni Micaela. Grabe! Ayaw talaga niyang pagalawin yung isa. Nakakakilig naman talaga. Ang galing ko talaga sa ganitong bagay.  Nag-unahan agad ang mga kaklase ko na bumunot hanggang sa nagkasabay kami ni Basti sa papel na gusto kong kunin. Tinignan ko siya para sensyasan na bitawan iyon pero hindi pa man bumubuka ang bibig ko ay yung isang papel na lang ang kinuha niya.  Naiwan sa akin yung papel na gusto kong kunin.  "Okay! Now, pakisulat sa 1/4 sheet of paper ang pangalan ninyong mag partner then ang inyong topic. Tapos you can talk about your topic and how you will distribute it within yourself for the remaining minutes. I asked you to bring Manila Paper and marker, right? You can make it din naman." sabi sa amin ni Ma'am Ledesma.  Dahil mag-isa ako ay pumuwesto na lang ako sa may tabi ng bintana. Madali lang naman ang topic na napunta sa amin. Tag question. Gagawin ko na yung visual materials namin ni Nova para pag-uusapan na lang namin yung ibang gagawin bukas.  Tinupi ko na muna ang dala kong Manila Paper, nilagyan ko na yun ng design sa gilid kagabi pa lang. Wala naman masyadong tao sa pwesto ko dahil kanya-kanyang hanap sila ng lugar. Pumayag kasi si Ma'am Ledesma na sa hallway yung iba.  Dumapa na lang ako habang nagsusulat, nakataas pa ang paa ko habang ginagawa iyon. Wala namang maninilip sa mga kaklase ko. Subukan lang nila at paduduguin ko yung mga mukha nila.  Abala ako sa pagpapaganda ng sulat ko ng may tumabon na jacket sa binti ko. Nakapatong sa palda ko para hindi ako masilipan. Nag-angat ako ng tingin at ang nakasimangot na mukha ni Basti ang sumalubong sa akin.  Pasimple rin nitong sinipa si Ivan at Ramon na nasa likuran ko na pala. "Doon nga kayo sa labas." maangas na sabi nito sa dalawa.  Nagtataka naman ako sa ginawa niya sa dalawa. Wala namang ginagawang masama yung mga tao. Hindi na niya ako tinignan at bumalik na siya kay Mica, kaya tinignan ko ang jacket niya na nakacover na sa akin.  Ang tahimik ko na nga dito, pumupunta pa siya. Inalis ko na lang yung jacket niya at tinupi iyon tsaka ko nilagay sa tabi. Umayos na lang ako ng upo at ginamit ang bakanteng upuan para patungan ng sinusulatan ko.  Halos kalahati rin ng maarte kong pagsusulat ang nagawa ko para sa visual namin ni Nova. Nag outline rin kasi ako ng drawing bilang additional na design. Aayusin ko na lang mamaya para kulay na lang gagawin ko sa bahay.  Hindi naman namin pwede gamitin ang oras ng Math kasi may long quiz kami. Kinailangan pa namin lumipat sa library para sa quiz namin. Ganun lagi si Sir Ortega para raw layo-layo kami sa isa't isa at tahimik.  Ka line ko si Sebastian na halos kalapit naman si Mica. Kapag nakikita ko sila, hindi pwedeng hindi ako kiligin. Ang bagay kasi talaga nila.  Ako ang huling lumabas ng library dahil sinigurado ko na tama ang solutions ko at ilang beses kong binalikan yung mga sagot ko. Kapag natapos kasing mag quiz pwede na bumalik sa room para mag recess.  "Ikaw na naman ang last, Marquez." puna ni Sir Ortega sa akin. "Hindi ka na nakapag recess. Alam mo naman na tama na yang mga sagot mo." sabi niya pa sa akin.  Napakamot ako ng ulo sabay tawa sa kanya. "Naninigurado lang po, sir." sabi ko.  Tumango lang sa akin si Sir kaya nagpaalam na akong lalabas. May lunch pa naman, sa lunch break na lang ako babawi ng kain ko. Himas ang tiyan akong lumabas ng library habang iniisip ang gagawin para sa next period namin. Nang biglang may kamay na may dalang pagkain ang nagpahinto sa akin.  Napatigil ako sa paglalakad at nakita si Sebastian na hawak iyon at naka offer sa akin.  "Kumain ka muna habang pabalik ka sa room. Sasabihin ko kay Ma'am Santos na malelate ka nang kaunti." sabi niya sa akin. Hindi pa rin niya ako tinitignan at masungit na nakatingin sa paligid. Mga estudyanteng nagtatakbuhan lang naman ang naroon. Nang hindi ako kumilos ay siya mismo ang naglagay ng pagkain sa kamay ko kaya nilingon niya ako. Galit pa rin siya, ramdam ko iyon.  Ilang taon na kaming magkaibigan dalawa. Mula pa lang ata nursery ay magkasabay na kami. Since lagi akong dinadala nila Nanay noon sa mansyon nila ay ako ang nabungaran niyang kalaro.  Alam ko kung kailan masaya, malungkot, at galit si Basti. Katulad ngayon, alam kong galit pa rin siya sa akin. Sa pagkatatanda ko ay hindi naman siya pikon. Ngayon lang. Nakapapanibago.  "Galit ka pa?" tanong ko sa kanya.  Hindi siya sumagot at mahigpit na inihawak sa kamay ko ang pagkain. Umalis din ito ng hindi man lang ako nililingon. "Sungit." bulong ko na lang sa sarili.  Pinagmasdan ko ang dinala niya para sa akin. Chicken sandwich at isang yogurt drink iyon. Inipit ko sa braso ko ang inumin habang sinisimulang lantakan ang sandwich.  May mga nakita pa akong ibang year level na nginingitian ako. Hindi naman ako makangiti sa kanila dahil punong-puno ang bibig ko. Nagmamadali rin kasi akong makapunta sa classroom dahil late na ako sa next period namin.  Paakyat na ako sa second floor ng building namin kaya ininuman ko naman ang yogurt drink. Tinakbo ko lang din ang trash can sa gilid at tinapon ang basura bago ako naglakad papunta sa room. Mabuti na lang at mukhang kapapasok lang din ni Ma'am Santos dahil aktong kauupo lang ng mga kaklase ko. I knocked first before going inside. "Sorry po, Ma'am. Late po ako." hinging paumanhin ko.  May ibang nakalingon sa akin, may ibang hindi naman. Mukhang expected na ang nangyari sa akin lalo na at nag quiz kami. Tumango naman si Ma'am Santos sa akin.  "Maupo ka na, Alaina." sabi niya sa akin.  Mabilis naman akong kumilos at tumabi na agad kay Mica. Nasa unahan pa rin si Basti, pinanindigan ang hindi pagtabi sa akin ngayon. Bahala siya kung galit pa rin siya sa akin hanggang bukas. Masyado naman kasi siyang pikon. Buti pa si Micaela, chill lang.  Discussion at seat works lang ang nangyari sa ibang subject namin bago ang lunch. Nabusog naman ako sa pagkain na binigay ni Basti sa akin pero iba pa rin ang lunch ko. Dito kami sa classroom kumakain ni Mica lalo na at hindi naman kami bumibili sa cafeteria ng lunch. Nagtitipid kami at kung minsan ay share kami sa baon. Dahil hindi ko naman maikot ang upuan namin ay nasa tabi lang ako ni Micaela. May ilan din kaming kaklase na kumakain sa loob ng room.  "Anong ulam mo?" tanong ko kay Mica. Lumingon siya sa akin at ngumiti, " Nilagang itlog  tsaka kamatis. Ikaw?" tanong niya sa akin.  Binuksan ko naman ang baunan ko sa harapan niya. "Tortang Talong!" sabay kaming pumalakpak ni Mica. Tatlong talong iyon. Ibibigay ko kay Mica yung isa dahil mangunguha ako ng kamatis naman niya.  "May dalawa ka pa." sabi niya sa akin pagkalapag ko ng isang talong sa kanya.  Napatingin din ako doon, "Kay Sebastian yan." sabi ko na lang.  Mahilig kasing maki share ng baon ko si Basti. Dinadalhan naman siya ng lunch ng mga maid nila o kaya kumakain siya sa cafeteria kung minsan. Pero mas madalas na yung lunch ko ay lunch din niya. Kaya nga marami ang kanin ko kasi naghahati kaming dalawa dito.  Napabuntong hininga si Mica, "Ikaw kasi. Hindi naman totoo yung crush niya ako." sabi ni Mica sa akin.  Lumabi naman ako at hinati ang kanin katulad ng ginagawa ko lagi. May sarili na ring spoon and fork si Sebastian sa bag ko. "Totoo yun. Crush ka niya. Nahuli ko siyang nakatingin sa iyo." sabi ko bago sumubo ng pagkain.  Umiling naman sa akin si Mica bago nagsimula ring kumain. Nakikikuha naman ako sa kamatis na ulam niya. Madalas kaming mag share talaga. Parehas naman kaming mahirap ni Mica pero kung ikukumpara ang pamumuhay namin sa kanila ay nakakaangat pa kami kahit papaano.  May telebisyon kami sa bahay samantalang sila ay wala. May maliit na tindahan ng gulay si Nanay sa harap ng bahay kapag wala siyang pasok sa mga Velasquez. May tindahan din naman sina Mica pero madalas na nakasara dahil walang nagbabantay.  Ang gamit ko sa eskwela ay nairaraos pa nila Nanay at Tatay, samantalang si Mica ay yung mga pinaglumaan lang talaga. Mabuti na lang din at scholar kami ng mga Velasquez. Malaking tulong para mabawasan ang gastusin sa pag-aaral naming dalawa.  "Di ba ang galing? Nagawa ko kayong maging magka partner dalawa sa English? Magugustuhan mo rin si Sebastian. Mabait naman yun. Sana kayo na lang dalawa talaga. Tapos pag nagkaroon kayo ng anak, ninang ako ah! Wag niyong kalilimutang dalawa iyon. " nakangiting sabi ko pa sa kanya.  Halos mabulunan si Mica sa sinabi ko kaya inabot niya ang tubig niya at uminom doon. Nilingon niya ako, namumula na siya sa mga pinagsasabi ko. Pati yung ibang kaklase namin na naroon ay narinig na rin ang sinabi ko. Bakit ba? "Makakapatay ka sa mga pinagsasabi mo, Chari." sabi niya sa akin pagkatapos uminom.  "Hindi ba alam ni Chari yung totoo, Mics?" tanong ni Joanna sa amin.  Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Joanna. Isa rin itong scholar kasi magsasaka rin ang Tatay at Nanay nito. Umiling ako sa sinabi niya at nag-aakusang tinignan si Mica na iniilingan naman si Joanna.  Anong totoo ba?  Kinalabit ko si Mica para harapin ako. "Wala yun. Wag mo na lang pansinin yung sinabi ni Joanna." anito tapos ay mariing tinignan naman si Joanna na tumango na lang.  "May hindi ba ako alam?" tanong ko naman.  Imposible namang hindi ko malaman ang lahat ng kung anong nangyayari sa section namin. Halos lahat ay kaibigan ko kaya naibabalita nila sa akin ang mga pangyayari talaga.  "Wala! Wala yun. Kumain na lang tayo." sabi pa niya sa akin.  Mukhang iniiwasan na pag-usapan namin ang sinabi ni Joanna. Mamaya tatanungin ko naman yung tao kung ano iyon. Hindi pwedeng wala akong alam!  Nagpatuloy kami sa pagkain ni Mica hanggang sa nakita ko ang pagdating ni Basti. Nakita niya ang pagkain na kinakain ko. Mukhang hindi pa rin naman siya naglalunch. Paborito pa naman niya ang ulam ko ngayong araw na ito. Kinawayan ko siya at itinuro ko yung lunch pero inignora lang niya ako at lumapit na sa upuan niya. May dala lang itong juice na iniinom habang katabi si MJ at kausap.  Napansin din ni Mica na tinitignan ko si Sebastian kaya lumingon siya roon. Napangiti naman ako pagkakita sa ginawa niya. "Ikaw na magbigay nito kay Sebastian, Mica. I'm sure na matutuwa iyon." sabi ko sa kanya pagkatakip ko sa baon. Maayos kong nilagay yung kanin niya at ulam doon.  Napatingin naman kaagad sa akin si Mica sabay iling, "Bakit ako? Ikaw na--" Marahan kong inurong palapit kay Mica ang pagkain, "Ikaw ang crush niya. Mas matutuwa siya kapag galing sa iyo yung pagkain." sabi ko pa. Malalim ang kunot noo ni Mica na parang sinasabing naabnormal na ako sa mga sinasabi ko. Pero dahil sa likas na mabait si Mica ay ginawa niya ang sinabi ko. Matapos din nitong magligpit ay tumayo ito at lumapit kay Basti. Kagat-labi naman ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi ko maiwasang hindi kiligin ng sobra. Bagay na bagay talaga silang dalawa! May sinabi si Mica na nagpaangat ng tingin kay Sebastian tapos ay sabay nila akong nilingon.  Tinanggap naman ni Sebastian ang dala ni Mica kaya bumalik na yung isa sa tabi ko. Ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa kanila.  Marahan kong kinurot sa braso si Mica, "Anong pakiramdam na nakakausap mo na yung crush mo?" tanong ko sa kanya.  Umiling naman siya sa akin, "Nakakapagod kang paliwanagan, Chari. Hindi naman kasi totoo. Dito ka nga muna at CR muna ako." paalam nito sa akin bago tumayo.  Naiwan tuloy ako na nag-iisa sa row namin kaya tinignan ko na lang si Sebastian na tahimik na kumakain. "Kakainin mo rin pala." bulong ko.  Arte-arte pa kasi. Alam ko naman na paborito niya iyon at hindi pwedeng hindi niya kainin iyon.  Unti-unti na ring nagbalikan ang mga kaklase ko. Lumabas din muna ako para mag toothbrush at makapaghilamos ng mukha. Gusto ko lang na maging malinis para sa mga next period namin. Nakakaantok pa naman kapag busog lalo na at malamig. Tumingala ako sa kalangitan. Maitim ang langit at nagbabanta ang pagbagsak ng ulan.  Wala pa naman akong dalang payong. Mukhang maliligo na naman ako sa ulan nito mamaya.  Hindi nga ako nagkamali dahil sa kalagitnaan ng klase namin ay bumagsak ang malakas na ulan. Sa sobrang lakas ay ang dilim na ng paligid. Naghihiyawan na ang lahat ng uwian.  "May payong ka?" tanong ko kay Mica. "Wala rin. Pero alam ko susunduin ako ni Tatay ngayon. Pupunta kasi kaming San Rafael." sabi niya sa akin. Marahang tumango na lang ako sa kanya at pinagmasdan ang pagbagsak ng malakas na ulan. Hindi na rin tumila iyon hanggang sumapit ang uwian at muklhang walang planong tumila talaga. May mga nag-uwian na kaming kaklase at may ilang katulad ko ay naghihintay ng sundo. Sana ay makalabas si Nanay sa mansyon kahit sandali. Nababasa na ako sa paghihintay sa waiting area ng lumapit si Sebastian sa akin. May dala siyang payong at inabot sa akin iyon.  "Bakit?" tanong ko sa kanya.  Bahagyang nababasa na ito ng ulan dahil hindi naman siya totally nakapasok sa loob ng waiting area.  Wala naman na si Micaela para pagbigyan niya ng payong. Nilingon ko pa nga ang waiting area pero wala na talaga yung isa.  "Iyo na ito. Umuwi ka na." malakas na sabi niya dahil malakas din ang buhos ng ulan. Napapangibabawan ang boses niya.  "Eh paano ka?" tanong ko sa kanya. Binuksan ko pa ang payong at tinapat sa kanya para hindi siya mabasa.  "May sundo ka ba? Nandyan na ba si Mang Emilio?" tanong ko sa kanya.  Hindi siya sumagot sa akin bagkus ay nakatingin lang siyang mabuti. Akala mo naman ay mawawala ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Basti!" malakas na tawag ko sa kanya.  "Hindi na ako nagpasundo." sagot niya. Bakit hindi? Uuwi siyang basang-basa? May sira rin pala ang isang ito. "Sabay na tayo. Malaki naman ang payong. Hatid mo lang ako sa amin tapos iyo na ulit itong payong." sabi ko sa kanya.  Matagal bago siya sumagot. Nararamdaman ko na halos ang pagkakabasa ng likuran ko.  Tumango siya sa akin at kinuha ang bag pack ko. Isinuot niya iyon sa harapan niya tapos ang kanya sa likuran.  "Mababasa gamit mo!" sigaw ko para marinig niya ang boses ko.  Umiling lang siya sa akin bilang sagot. "Iniwan ko sa room yung mga gamit. Walang laman yan. Baunan lang natin."  sagot naman niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya pagkatapos ay siya pa ang humawak sa payong bago niya ako inakbayan. Malapit na malapit halos ako sa tabi niya. Mas matangkad sa akin si Basti, hanggang bago mag balikat lang niya ako kaya kailangan pa niya akong akbayan para lang hindi kami mabasa pareho ng ulan. Sumugod kaming dalawa sa ulan. Natatawa pa nga ako dahil may pagkakataon na umaangat ang palda ko sa lakas ng hangin kaya napapatigil kaming dalawa.  "Basa na tayong dalawa!" humahalakhak ko pang sabi sa kanya. Tuwang-tuwa sa nangyayari ngayon. Minsan lang naman kasi ito mangyari sa amin. "Malapit na tayo." sigaw niya sa akin.  Tumango naman ako sa kanya. Nakayakap na ako halos sa bewang niya para lang hindi masyadong mabasa kahit papaano.  Nakarating kami sa tapat ng bahay namin na halos basang-basang ang kalahati ng katawan ko. May bubong naman na ang terrace namin kaya safe na kami. Tahimik na inabot niya sa akin ang bag ko. Pinagpag pa niya iyon ng kaunti. "Patuyuin mo yung gamit mo kung may nabasa. Maligo ka kaagad. Ako na maghuhugas ng lunch box natin. Ako na rin maglalagay ng lunch bukas." sabi niya sa akin pagkaraan. "Gusto mo dito ka muna? Patilain mo na muna ang ulan." yaya ko sa kanya.  Kawawa naman kasi siya kung susugurin niya yung malakas na ulan. Mamaya magka sakit pa siya. Umiling lang siya sa akin. "Dad wants to see me after class. Una na rin ako." tumalikod na siya at binuksan ang payong ng maalala ko yung gusto kong sabihin sa kanya. "Seb!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin. Nagtatanong ang mga mata na nakatingin sa akin. "Sorry. Wag ka na magalit sa akin." sabi ko. Hindi ko kasi kaya na hindi niya ako kausapin. After all nagawan ko rin naman siya ng mali. Hindi ko na lang sila lantarang aasarin ni Mica. Marahang tumango na lang siya sa akin bago ako tinalikuran at iwanan ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD