Kulang ang salitang kaba habang naghihintay ako sa loob ng sasakyan. Nasa school na rin naman ako pero hindi pa ako pinabababa ni Senyora Tamara na kasama namin ngayon ni Tatay.
Buong hapon pagkatapos niyang asikasuhin si Sebastian ay nagpunta na agad siya sa amin. Hands-on siya sa mga pinadala niyang mag-aasikaso para sa akin mula ulo hanggang paa. Nakikita ko rin ang ibang mga kamag-aral namin na nagsisipasukan na sa loob ng venue.
Nakita ko na rin kanina sina Mica at Olivia na napakaganda. Tinulungan ni Olivia si Micaela sa lahat mula sa make up hanggang sa bagong damit na pinasadya ng mga ito.
"Theo's inside already. I wonder if he's looking for you." sabi ni Senyora Tamara tsaka ako tinignan.
"You are so beautiful, Chari. I really wish that you become my daughter-in-law someday, right balae?" baling nito kay Tatay na namula naman kaagad.
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. KInakabahan na nga ako dumagdag pa yung mga sinasabi ni Senyora Tamara.
Hinayaang nakalugay ang buhok ko, kinulot man ng bahagya at nilagyan ng pinsadyang ribbon ng Senyora Tamara. Inipit iyon sa likuran ng buhok ko. Tapos ng nilagyan ako ng make up ay halos hindi ko na nakilala ang sarili ko habang nakaharap sa salamin.
Pinaliguan din ako ng Senyora ng pabango at binigyan ng isang maliit na bag kung saan may maliit na pabango, panyo, at pitaka.
Hindi muna raw ako papasok sa loob sabi ng Senyora. Tatapusin muna raw ang cotillion bago ako pumasok. Agaw-atensyon tiyak iyon kaya ayoko talaga.
"Baka po mag-alala sila Sebastian pag hindi pa po ako pumasok. Senyora." nag-aalalang sabi ko.
Kahapon kasi nag-usap kami nila Mica at Olivia na narinig tiyak nung isa...na darating nga ako ngayong araw. Hindi naman ako parte ng cotillion dahil tinanggihan ko. Ayoko kasing dumagdag pa sa gastos. Iba kasi ang gown para sa cotillion at iba rin ang gown para sa party na mismo.
Si Olivia at Sebastian ay kasali tapos ang mga partner nila ay yung mga 4th year students.
"Look at the gowns of your schoolmates, Chari. I'm hundred percent sure that you'll bag the 'Queen of the Night' title. I can't wait!" sabi pa ulit ng Senyora Tamara.
Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa nagpaalam na bababa ang Senyora para sumilip sa loob. Pagmamay-ari naman nila ang eskwelahan kaya walang magtataka kung nandoon ito. Isa pa ay naroon ang anak nito na si Sebastian.
Naiwan kami ni Tatay sa loob ng sasakyan, "Baba na lang po kaya ako, Tay?" tanong ko sa kanya. Ayoko kasi talagang gumawa ng eksena.
Agad akong nilingon ni Tatay, "Hindi, anak. Dito ka lang. Tama ang Senyora na magandang papasok ka pagkatapos ng sayawan." sagot agad ni Tatay sa akin.
Umiling ako sa kanya, "Nakakahiya po kasi, Tay. Para naman pong masyado akong pabida kapag pumasok ako mamaya pa kung pwede naman ngayon na."
Bumuntong-hininga si Tatay, "Kahit ang Nanay mo kung narito, mas gugustuhin na huwag ka kaagad pumasok doon. Napakaganda mo kung makikita ka lang nila kaagad."
I bit my lower lip tapos ay sumilip ulit sa labas. Nakita ko ang paglabas ni Sebastian sa gate. Halos mahigit ko ang hininga ko dahil sa gwapo nito. Isang kulay pula na suit and tie ang suot nito. Kaiba sa suot ng ibang kalalakihan na itim o kaya gray.
Saktong-sakto kay Sebastian ang damit nito. Hulmadong-hulmado ang katawan nito. Gusto kong magtago pero ang sasakyan na ito ay nakahilera pa sa ibang sasakyan na naroon sa parking area.
Lumingon-lingon si Sebastian sa paligid tapos ay tinignan ang wrist watch nito.
"May naghahanap na ata sa'yo, anak." nakangiting sabi ni Tatay sa akin.
Hindi naman ako umimik habang patuloy na nakatingin kay Seb. Ginala nito ang tingin sa parking area pero puro mga sasakyan lang ang nakita nito at ang sasakyan marahil lang din nila. HIndi naman siguro iisipin nun na narito ako sa loob.
Ilang minuto pa ay pumasok na ito matapos lumabas ng Senyora Tamara at akbayan ito papasok.
Maya-maya lang ay narinig ko na mula sa loob ng sasakyan ang pagsasalita sa loob. Hindi masyadong malinaw pero ilang sandali pa pagkaraan noon ay mga musika na ang sunod kong narinig.
Wala na ring mga pumapasok na mag-aaral. Ako na lang tiyak ang papasok mamaya. Nakakahiya talaga.
Mga 30 minuto rin ang tumagal at nagsilabasan na ang mga magulang. Tapos na siguro ang cotillion. Unti-unti na ring nag-aalisan ang mga sasakyan sa parking area. Nakita naman namin ang paglabas ng Senyora Tamara habang may kausap ito. Lumapit din ito sa amin at sumakay na sa sasakyan.
"Woah! The program was so nice. I'm sorry that I had to watch it on you behalf, Chari. You know, my son is looking for you talaga. Anyway no more chika...let's get you ready." Tinanguan ni Senyora si Tatay na bumaba naman kaagad sa sasakyan.
Binuksan nito ang pintuan ng SUV kung saan ako naka pwesto. Bumaba rin ang Senyora at ni retouch ako ng napakabilis. May bitbit siyang mga pang-ayos talaga.
"Now, smack your lips together." utos niya sa akin pagkalagay niya ng lipstick.
Ginawa ko naman ang utos niya. Mas lumalakas nga lang ang t***k ng puso ko ngayon dahil makapapasok na ako sa loob. Tiyak na pagtitinginan ako ng mga tao. Kinuha rin nito mula sa purse nito ang babasaging lalagyan ng pabango at winisikan ako.
"You're good to go, my dear." nakangiting sabi nito sa akin.
Inalalayan ako ni Tatay na makababa ng sasakyan habang si Senyora ang nagsara ng pintuan ng sasakyan.
Mas naging malakas ang t***k ng puso ko habang unti-unti kaming lumalapit sa gate. Mas lumalakas na rin at nagiging malinaw ang boses ng emcee. May ceremonial na pagpapasa ng mga title ang mga 4th year patungo sa mga 3rd year.
"Just be calm. Stay elegant and beautiful." Hinawakan pa ni Senyora Tamara ang balikat ko.
Tumango ako nang sunod-sunod sa kanya. Kumatok muna siya sa gate, bumukas iyon ng maliit at dumungaw si Kuya Bonoy.
"Sorry. She's late." nakangiting hinging-paumanhin ni Senyora Tamara para sa akin.
Napatingin naman kaagad sa akin si Kuya Bonoy at halos manlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. "C...Chari?" turo niya sa akin.
Tipid na kumaway ako sa kanya. Halatang nagulat siya sa itsura ko... nagmamadali rin siyang binuksan ako ng gate.
"Do well, my dear." pahabol ng Senyora Tamara sa akin.
Patuloy pa rin ang pagsasalita ng mga nasa stage kahit pumasok ako sa loob. Ang mga ibang nakikinig naman ay natigil at napalingon sa akin. I can hear whispers from somewhere habang nakatingin silang mabuti sa akin.
Hindi ko halos makilala ang mga naroon. Pati yung nagsasalita sa stage ay natigil sa pagsasalita at napatingin sa akin.
Gusto ko tuloy tumakbo pero hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta. Yumuko na lang ako at nagmamadaling tumungo sa lamesa na naka-assign sa amin. Pero habang naglalakad ako palapit doon ay mas tumatagal ang pag tingin sa akin ng mga tao.
Sino ba naman kasi mag-aakala na ang katulad ko ay makapag susuot ng ganito. Sinubukan kong hindi salubungin ang mga tingin nila habang palapit sa pwesto namin.
"Excuse me." mahinang sabi ko habang nakikiraan sa ibang lamesa.
"Ang ganda ni Chari." narinig kong bulungan ng iba.
Gusto kong matuwa pero nauunahan ako ng hiya. Unang beses ko talagang mahiya ng ganito. Makapal naman ang mukha ko pero hindi sa ganitong bagay talaga. Pakiramdam ko sinusuri nila akong mabuti kung talagang ako yung naglalakad.
Sa mesa namin ay naroon ang iba kong kaklase. Alphabetical order kasi kaya hindi ako nakasama sina Mica, Olivia, o kaya kahit man lang si Sebastian.
"Sorry...late." imporma ko sa mga kasama ko sa mesa.
Lahat sila ay nakatingin sa akin. Si Bea ang unang nagsalita, "Ang ganda naman ng gown mo, Cha. Mukha kang ikakasal na prinsesa." manghang-manghang sabi nito sa akin.
Tipid na ngumiti ako sa papuri niya, nauubusan ako ng salita para pasalamatan siya.
"Hindi ka namin nakilala. Akala nga namin hindi ka darating kasi halos one hour kang late!" si Mary Joy naman ang nagsalita.
"Medyo natagalan kasi yung nag-aayos sa pagdating." palusot ko sa kanila.
"Yung mata ni Boss Seb nakatingin dito." bulong ni Ben na katabi ko.
Nginuso niya si Sebastian na nagsasalita sa stage dahil sa ceremony, nakatingin ito sa lugar namin. Iniwas ko kaagad ang tingin sa kanya para lingunin naman si Mica na napakaganda sa suot nitong kulay pink na gown.
"Ang ganda mo." she mouthed at me.
"Ikaw din." ganti ko sa kanya.
Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa akin bago tinuro si Olivia, nilingon ko naman si Olivia na nakasuot ng kulay midnight blue na gown. Ang ganda-ganda rin nito at lumitaw ang kaputian sa suot na gown.
"Pretty! So pretty!" she mouthed as well.
"Ikaw din!" ganting sabi ko sa kanya.
Maganda naman halos lahat ng mga kaklase ko na naroon. Mukhang mahihirapan ang panel na pumili ng kung sino ang mananalo ngayong gabi. Magaganda rin ang mga nasa 4th year, halatang ginastusan dahil huling taon na nila sa sekondarya.
Gusto ko lang naman kasi talaga maranasan ito. Baka sa susunod na taon ay hindi ko na magawa kasi mahirap humanap ng pambili ng ganito kagandang damit. Ayoko namang abusuhin yung kabaitan ng Senyora at Senyor sa amin.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Chari. Natalbugan mo yung grupo nila Natasha." malakas na sabi naman ni Isabel na narinig ni Helsey na barkada ni Natasha.
"Whatever." anito sabay irap sa akin.
Karamihan sa mga estudyante ay kulay pink, red, black, o kaya blue ang gown. Talagang iilan lang ang matapang na iba ang kulay ng gown. Katulad ko ay iba ang kulay ng suot na damit.
"Mukhang mabigat yung gown mo. Mabigat ba talaga?" usisa ni Bea ulit sa akin.
"Medyo. Mahirap isuot kaya mahirap din hubarin." sagot ko sa kanya.
Totoo naman yung sinabi ko, kaya nga kaunti lang ang inom ko ng tubig dahil baka maihi ako bigla. Kaya ko naman pumunta ng C.R kaya lang sobrang nakakapagod talaga.
"Ikaw ang mananalo na queen of the night o kaya yung face of the night niyan. Pag pinalad baka kayo pa ni Seb ang couple of the night," nakangiting sabi ni Roselle.
"As if." malakas na sabi ulit ni Helsey.
"Bakit kasi nakikinig, hindi naman para sa kanya," mataray na sabi ni Roselle dito.
Pinigilan ko lang si Roselle kasi ayokong gumawa ang section namin ng gulo dahil lang sa prom na ito.
Mabuti na lang din at nagpaawat si Roselle dahil natapos na rin ang ceremony kaya nakabalik na yung mga representative sa bawat table nila. Nginitian ko si Sebastian pagdaan niya sa table namin. Hindi pa rin niya iniaalis ang tingin niya sa akin na para bang anytime ay pwede akong mawala sa paningin niya.
"We will have our dinner first before we start the dance portion." anunsyo ng emcee sa amin.
Natuwa naman ang lahat pero hindi pa rin pwede umalis sa mga table dahil ihahatid ng mga waiters ang pagkain.
"May shanghai ba dito?" malakas na tanong ni Allen.
"Pare, malapit ka na maging mukhang shanghai. Level up naman tayo diyan." sagot ni Ramon dito.
May mga nagtawanan, may iba naman na naging abala sa picture taking. Mamaya ay paaakyatin ang bawat section sa stage para kunan ng larawan. Dumating na rin ang pagkain ng table namin kaya nanahimik na lang yung iba habang nakikinig sa musika na pumapailanlang sa buong campus.
Isa-isa ring tinawag ang bawat section para umakyat sa stage kasama ang kanya-kanyang advisers.
"Third year section Gold." tawag sa amin.
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko tsaka nagtayuan papunta sa stage. Pinauna ko na sila dahil mahirap buhatin ang gown ko. Wala naman siyang patigas or what sadyang malaki lang siya talaga.
"Need some help, love?"
Hindi ko na kailangan alamin kung sino iyon dahil ang kamay pa lang na nasa harapan ko ay kilala ko na. Para na naman tuloy nagwala ang dibdib ko habang nakatingin sa mga kamay na iyon.
Nag-angat ako ng tingin kay Sebastian, kung kanina sa malayo ay gwapo na siya. Mas may igagwapo pa pala siya ngayong malapitan.
Ngumiti ako sa kanya at inabot ang kamay nito. "Pogi naman," puri ko sa kanya.
He grinned before holding my hand tightly, "Look who's talking." naiiling na sabi niya.
Magkahawak kamay kaming sumunod sa mga kaklase namin paakyat ng stage. Nakatingin lahat ng mga kaklase namin sa amin dahil kami ang huling umakyat ng stage.
"Tatayo na lang po ako." sabi ko kay Ma'am Ledesma.
Nakaupo na kasi yung ibang girls at wala ng pwesto para sa akin.
"Ay no! You have to seat. Allen, get that one chair." utos ni Ma'am Ledesma kay Allen.
"Yes, Ma'am." agad naman nitong sinunod ang utos ni Ma'am at bumaba ng stage para kunin ang isang upuan tapos ay bumalik para ilagay sa pwesto ko.
"Sayang ang ganda ng gown mo kung hindi ka mauupo." narinig kong sabi ni Ma'am Ledesma.
"Yes! Pretty ng president natin." sigaw ni Olivia na nagpapalakpak sa mga kaklase namin maliban sa grupo nila Natasha na masama ang tingin sa akin.
Naupo naman ako sa upuan na dinala ni Allen. Nasa likuran ko si Sebastian at hindi na umalis doon magmula ng kunan kami ng picture. Ilang shots ang ginawa bago yung section lang namin at wala si Ma'am Ledesma.
"Sa gitna si Chari! Siya ang Nanay natin kapag wala si Ma'am Ledesma." suhestiyon ni Kyla.
"Okay na ako dito." sagot ko kaagad. Makakaabala pa kasi sa pwesto nila Natasha na naroon na.
"Hindi! Dito ka na!" hinila pa ako ng ilang girls para lang tumayo. "Alis kayo diyan, Natasha." pagpapaalis ng iba sa mga ito. Sinakop kasi ng grupo nito ang gitnang pwesto.
"Why? We came here first!"angal nito.
"Nanay ka ba ng Gold? Di ba, hindi? Mosang ka kaya." nakairap na sabi naman ni Bernadette sa mga ito.
"Mosang?!" halos magliyab ang mukha nito sa sinabi ni Badet .
"Tigil na! Kung upuan lang pag-aawayan natin, okay na ako sa kanina. Diyan na kayo, Natasha." sabi ko sa kanila na nagpatigil sa kanila tsaka ko sila tinalikuran at pumunta sa pwesto ko dati.
Nakamasid si Sebastian sa lahat ng iyon, seryoso ang mukha at halatang nagalit din. Hinawakan ko ang braso niya, "Okay lang ako." sabi ko sa kanya para kumalma naman siya.
Nagbaba siya ng tingin sa kamay ko patungo sa akin, "You sure?" he asked.
Tumango ako sa kanya bago naupo sa harap nito. Pinilit kong ngumiti kahit nainis din ako kina Natasha. Ayokong masira ang gabi ko dahil lang sa kanila kaya pinilit kong sumaya.
Matapos kaming kunan ay bumaba na ang section namin sa stage. Pinigilan naman ako kaagad ni Seb na bumaba at hinawakan ang kamay ko. "Let's take a picture there." He pointed yung photobooth na may backdrop na gawa sa mga bulaklak.
May mga nagpapakuha rin doon na couples o kaya ay mga single na estudyante. Wala naman masyadong pila dahil busy pa sa pagkain kaya sumang-ayon ako kay Sebastian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko tsaka kami naglakad papunta sa photo booth.
"Gamit tayo nun," tinuro ko yung mga props na naroon pero umiling siya sa akin.
"Later? Ganito muna tayo ngayon para maayos." suhestiyon niya. "Pero ikaw? Gusto mo ba?"
Tinignan ko yung mga nagpapakuha na may mga hawak ng props. Mukha nga na mas maganda kapag wala muna ang mga iyon. "Sige mamaya na lang din." sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin at matapos ang ilang minutong pagpila ay kami na ang nakasalang sa photo booth. May screen sa harapan kung saan may timer na 20 seconds at makikita yung posing na pwede namin gawin.
"Ganito kaya?" Inilagay ko ang kamay ni Seb sa bewang ko habang nakadantay naman sa dibdib niya ang isa kong kamay. Tumawa pa ako pagkakita sa itsura namin samantalang siya naman ay seryosong nakatingin sa akin.
"Hoy? Ano? G ka dito?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin. Wala na rin siyang nagawa dahil after ng ilang seconds ay nag flash na ang camera.
"Nakangiti ba ako?" tanong ko.
"Yes." bulong ni Sebastian.
"Ano next? Dali 15 seconds n lang!" natatarantang sabi ko sa kanya.
Nagtungo sa likuran ko si Sebastian habang ako ang nasa harapan niya, mula sa likuran ay niyakap niya ako habang ang baba niya ay nasa balikat ko. Para akong binuhusan ng yelo sa katawan dahil sa pagkakalapit ng katawan namin. Para akong unti-unting tinatakasan ng hininga sa mga sandaling ito.
Naririnig kaya niya yung t***k ng puso ko?
Para kasing wala na rin akong nakita sa buong paligid maliban sa kanya. Maliban sa aming dalawa.
Nanginginig ang kamay ko na humawak sa kamay niyang nasa braso ko tsaka ngumiti sa camera. Matapos iyon ay ako na agad ang lumayo kasi nagiging abnormal ang t***k ng puso ko. Hindi pwedeng marinig niya yung pagwawala nun.
"G...ganito naman yung next." Kung ano-anong pose na lang ang pinagawa ko sa kanya para sa sumunod na dalawang shots namin.
Mabuti na lang at hindi siya umayaw doon. Saktong pagtapos namin ay nag dim na ang ilaw at pumailanlang ang isang malamyos na musika.
Nagsigawan ang mga estudyante dahil hudyat na iyon ng sayawan. Para naman akong naestatwa sa gitna ng malaking ground dahil nag focus ang ilaw sa akin.
Babalik lang ako sa table namin! Hindi ako sasayaw!
Iyan sana ang gusto kong isigaw sa lahat pero para kong nalunon ang mga salita dahil bigla na lang tumayo sa harapan ko ay si Sebastian na nakalahad ang kamay.
"May I have your first dance?" nakangiting tanong niya sa akin.
Parang nagkaroon ng mahika ang buong paligid, dahil habang pumapainlanlang ang kantang iyon na inilaan ko para sa kanya noon pa man ng hindi niya nalalaman, ay iniabot ko ang kamay ko sa kanya.
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore
Ang mga mahinang tilian ng ang isa pang tunog na narinig ko pero habang nakatayo ngayon si Sebastian sa harapan ko ay parang naririnig ko ang malakas na t***k ng puso naming dalawa.
Ang kamay niya ay dumausdos sa likuran ko at humawak sa bewang ko habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa kamay ko. Humawak din ako sa balikat niya dahil parang babagsak ako sa sobrang kaba.
Time and again
There are these changes that we cannot end
As sure as stars keep going on and on
My love for you will be forevermore
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
As endless as forever
Our love will stay together
You are all I need
To be here with forevermore
Wala na akong napansin sa buong paligid maliban sa aming dalawa. Maliban sa liwanag na tumatama sa aming dalawa. Ang mga mata niya na masuyong nakatingin sa akin. Ang mga labi niya na hindi natanggalan ng ngiti at ang malalambot niyang kamay.
Sobrang layo talaga ng agwat namin sa isa't isa pero isa lang ang sigurado ako sa ngayon. Mahal na mahal ko talaga siya.
Dala ang mga ideyang iyon ay yumakap ako kay Sebastian. Halatang nagulat naman siya pero nakabawi rin kaagad. Pinalupot ko ang mga braso ko mula sa balikat patungo sa batok niya, ang mga kamay naman niya ay nanatili sa bewang ko.
Hindi na lang kaming dalawa ang sumasayaw sa gitna, marami na rin. Pero pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang narito.
Kami lang.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng puso ko ngayon. Sana hindi na ito matapos pa kahit kailan.
"I love you, Charlotte." bulong niya sa akin.
Marahan akong tumango sa sinabi niya.
Mahal din kita.
Iyon sana ang gusto kong isagot pero hindi pa ito ang oras. Hindi pa tama ang panahon. Kapag sumang-ayon na ang tadhana sa amin ay aaminin ko rin sa kanya ang nararamdaman ko.
Sa ngayon ay susulitin ko muna ang sandaling ito na kasama ko siya. Na kasama ko ang lalaking pinakamamahal ko.