17

3144 Words
Kung kaya lang siguro huminto yung oras ginawa ko na muna.  Mas naging abala ako sa school dahil sa kabi-kabilang activities na gusto kong salihan. Kailangan kong umangat para sa sarili ko.  Dumaan ang Pasko at Bagong Taon na halos iyakan lang namin ni Tatay dahil sa sobrang pagkamiss namin kay Nanay. Naghanda kami nang kaunti para naman may pagsaluhan kaming dalawa.  Unti-unti ay nasasanay na kami sa pagkawala ni Nanay pero mahirap pa rin kalimutan.  Sumapit ang Enero at dumating ang kaarawan ni Sebastian. Magkakaroon ng munting salo-salo sa mansyon pero dahil hindi kami makapunta ay nagpahanda si Seb sa school.  Tuwang-tuwa ang mga kaklase at halos lahat ng mga teachers na naroon. Kinailangan pang ihinto ang dalawang subject para lang sa salo-salo na ito.  "Happy birthday, Boss Seb!" sigawan ng mga boys paglapit kay Sebastian na nasa gilid ko.  "Thank you." Nakangiting sagot naman sa kanila nung isa.  Hindi naman kasi umaalis si Sebastian sa tabi ko mula kanina pa. Para na siyang linta na dikit nang dikit sa akin. HIndi ko naman  masisi dahil halos araw-araw ay binibanggit niya sa akin na mahal niya ako, na gusto niya ako.  Gusto ko na rin sagutin siya kaya lang alam kong hindi pa dapat. Baka kasi hindi namin mapanindigan ang relasyon na papasukin namin at mawala pa ang pagkakaibigan naming dalawa.  "Seb, happy birthday." bati ni Natasha dito. May hawak pa itong kahon at inabot kay Sebastian. "I bought that for you. I hope you'll like it."  Tinignan na muna ni Sebastian ang kahon na dala nito bago inabot, "Thank you, Nat." matipid na sagot ni Sebastian dito tsaka muli akong tinignan.  Nahiya naman tuloy ako sa regalo ko sa kanya. Binurdang panyo lang iyon na may pangalan niya. Nag-aral akong manahi sa tulong ni Manang Nora kaya iyon ang naisipan kong regalo kay Sebastian.  "Gutom ka pa? Gusto mo pa ba?" tanong niya sa akin.  Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Catering service kasi ang pinadala ni Senyora Tamara para sa school. Sa room pa namin sinet-up ang pagkain kaya tuwang-tuwa ang lahat. Nakikisilip nga ang ibang section sa dami ng pagkain namin. "Okay na ito. Ikaw kumain ka na," yaya ko sa kanya.  Sa sobrang abala kasi nito na kami ang mauna ay hindi pa ito nagsisimulang kumain. He just smiled as answer bago tumango sa akin at iwanan ako para kumuha ng pagkain.  Masama naman ang tingin na pinukol sa akin nila Natasha dahil sa sobrang closeness namin ni Sebastian. Hindi ko naman sila masisisi kung iba ang naiisip nila. Wala naman na akong magagawa doon dahil hindi ko hawak ang isipan nila.  "Anong regalo mo kay Basti?" tanong ni Mica sa akin, lumapit pa ito sa akin.  Wala si Olivia ngayon dahil may pinuntahan ito sa Maynila kahapon at bukas pa ang balik niya.  Tinignan ko pa ang paligid kung may nakatingin sa aming dalawa bago ako bumulong, "Binurdang panyo lang," mahinang sabi ko sa kanya.  Lumayo sa akin si Micaela tsaka ako tinignan ng nakangiti, "Ikaw nagburda?" mahinang tanong niya rin sa akin.  Marahang tumango ako sa kanya. Kumpara naman kasi sa mga nakikita kong regalo sa kanya ngayong umaga ay talagang mamahalin. Iba pa tiyak yung matatanggap nito mamayang gabi.  "Binigay mo na?" tanong ni Mica sa akin.  Umiling ako sa kanya, "Hindi pa. Nakakahiya kasi. Parang hindi worth it ibigay. Masyadong simple." sagot ko sa kanya.  Hinawakan naman ni Mica ang braso ko, "Ano ka ba? SIgurado ako na matutuwa si Sebastian kapag nalaman niya na galing sa iyo yung regalo." anito sa akin.  I bit my lower lip bago tinignan ang paparating na si Sebastian. Lumayo naman na kaagad si Mica at umupo na sa upuan nito dahil tumabi na ulit sa akin si Sebastian.  Nilagay niya kaagad sa plato ko ang cupcake.  "Paborito mo ito di ba?" tanong niya sa akin.  Napansin niya rin siguro na ilang beses akong bumabalik sa table para kumuha ng cupcake na ito. Tumango lang ako sa kanya. "Salamat. Ikaw kumain ka. Birthday na birthday mo pero hindi ka pa kumakain." sabi ko sa kanya.  "Kakain na nga po." sagot nito sa akin bago nagsimulang kainin ang dalang pagkain.  "May shanghai pa ba?" narinig kong tanong ni Allen na nagpatawa sa buong klase.  "Meron pa, pare. Balik tayo dali!" yaya naman ni Ivan dito.  Naging masaya naman ang handaan sa school ni Sebastian. Nagpadala pa nga ng souvenir para sa bawat isang kaklase si Senyora Tamara. Baked cupcakes na tig-wawalong piraso na nakalagay sa isang kahon. Mayroon din ang mga teachers bukod sa pinagbalot pa sila ng pagkain mula sa catering.  Dinismiss na rin ang klase namin dahil uwian na. Sasabay ngayon si Sebastian sa sundo nito dahil kailangan pa nitong maghanda para sa mamayang gabi na party. Gusto ko mang pumunta pero alam ko naman kung saan ako lalagay lang dapat.  Nakahawak pa rin siya sa kamay ko hanggang sa nasa tapat na kami ng sasakyan nila.  "Una na ako," paalam ko sa kanya. Iniintay din kasi ako ni Micaela.  Mariin ang titig niya sa akin. Marahan siyang tumango bago inipit sa likod ng tenga ko ang buhok ko. "I'll see you on Monday." sabi niya sa akin.  I bit my lower lip bago hinugot ang nilalagyan ng regalo ko sa bag. Nakasunod naman siya sa akin doon. "Nahihiya akong ibigay sa iyo pero ayoko naman na wala akong regalo." Inabot ko sa kanya ang kahon kung nasaan nakalagay ang ginawa kong binurdang panyo at mini scrapbook.  "Happy birthday, Basti." bati ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa binigay ko at halos hindi makapagsalita. Nanginginig pa ang kamay nito habang kinukuha sa akin ang regalo. Sa loob naman kasi ng ilang taong pagkakaibigan namin ay ngayon ko lang naman kasi siya nabigyan ng regalo talaga. SIguro ay nagulat lang siya sa ginawa ko.  "Thank you, love." aniya sa akin bago ako hinila para yakapin. "This is the best birthday gift ever. I love you." Tuwing sinasabi niya yung tatlong kataga na iyon ay hindi ko maiwasang hindi kilabutan. Para na lang laging may gumagapang na kuryente sa likuran ko.  Marahan ko siyang tinapik sa balikat para mabitawan na niya ako. Pinagtitinginan na rin kasi kami ng ilang mga kaklase namin at kamag-aral. Si Micaela naman ay iniwas ang tingin sa amin habang may ngiti sa mukha.  Binitawan naman ako ni Sebastian at kung hindi ko pa siya tinulak papasok ng sasakyan ay hindi lalayo sa akin. Kumaway na lang ako sa kanya hanggang sa makaalis sila. Lumapit naman ako kaagad kay Mica na ngiting-ngiti pa rin.  "Anong score niyo ba?" usisa niya sa akin.  Kunot noo na lang ang naging sagot ko sa kanya. "Wala naman." sagot ko. "Chari, magkaibigan tayo noon pa. Alam ko naman na may gusto ka rin kay Sebastian at siya rin...hindi ka niya tatawaging love kung wala siyang feelings sa iyo." ngiting-ngiti na sabi niya sa akin.  Napalunok naman ako sa sinabi niya. Ganun ba kami kahalata ni Sebastian? Nakakahiya tuloy.  Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko sa sinabi niya. "Namumula ka. Ibig sabihin totoo." pang-aasar pa ni Micaela sa akin sabay tawa nang malakas.  Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Puro pang-aasar at natamo ko kay Micaela para sa araw na ito. Hinayaan ko na rin dahil masaya naman siya, alam ko naman na may hinaharap ding problema si Mica. Hindi rin umuwi si Tatay kinagabihan, dahil siguro sa maraming ginawa sa mansyon. Katulad na lang ng dati ay nag-iiwan na lang ako ng pagkain niya. Tumatanggap na rin ako ng labada para pandagdag sa gastos. Hindi ko na lang sinasabi kay Sebastian dahil alam kong magagalit siya.  Kami ni Mica ang magkasama sa paglalaba sa malalaking bahay sa Oliveros. Doon kasi wala masyadong nakakakilala sa aming dalawa. Malaking bagay dahil kahit pagod kami ay tiyak na may pera kaming maiuuwi naman pagsapit ng hapon.  Dumaan muna kami sa palengke upang mamili ng mga karne at gulay mula sa sahod naming dalawa. Parehas lang ang sinasahod namin dahil pantay ang distribusyon ng labada sa mansyon na pinaglalabhan namin.  Baon kasi sa utang sina Mica lalo na sa mayamang taga-San Rafael kaya kinakailangan niyang magsikap mabuti. "Grabe! Ang sakit ng balakang ko talaga." sabi ko kay Mica habang naglalakad kami papasok sa baryo namin.  Malalim ang pinakawalang buntong hininga ni Mica sa akin. "Ako rin. Pero ganun talaga. Kailangan natin magtrabaho mabuti." sabi na lang niya.  Sabagay, ganun naman talaga. Hindi na rin kasi kami umaasa ni Mica na magiging mayaman kami o kaya ay makapag-aaral ng kolehiyo. Kahit parehas maganda ang marka namin ay isang reyalidad para sa amin ang buhay.  Parehas pa siyang may magulang pero alam kong nahihirapan na rin igapang ng mga ito ang pag-aaral ni Micaela. Si Tatay naman kahit walang reklamo akong naririnig ay alam kong nag-aalala na rin para sa Kolehiyo ko.  Isang taon na lang kasi ay nasa ikaapat na taon na kami sa sekondarya. Ayos na siguro yung maka graduate ako doon. Basta marunong akong magbasa, magsulat, at umintindi ay ayos na.  "Baka magaya na lang tayo kay Mary Ann." simula ni Mica habang naglalakad kami.  Si Mary Ann yung dating scholar din ng mga Velasquez. Mas pinili nitong huminto sa pag-aaral noong second year high school kami.   Mahina ang naging pagtawa ko. Hindi inaalis ang posibilidad na iyon.  "May asawa at dalawang anak na siya di ba?" tanong ko.  Tumango si Mica, "Yung boyfriend niya na si Oscar na tricycle driver."  Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Mica. Mataas ang pangarap namin sa buhay pero sinasampal kami ng katotohanan na baka magaya rin kami sa kanya.  Si Sebastian ay mananatiling isang pangarap lang sa akin at hindi kailanman reyalidad. Malayo ang agwat namin sa buhay at tiyak ay mas pipiliin nito na magkaroon ng babaeng gugustuhin na katulad ng lebel ng buhay nila.  Pagkatapos kasi ng high school ay lilipat na ito sa Maynila para doon mag-aral ng abogasya bago tumulak sa Espanya. Planado na ang buhay nito hindi katulad namin nila Micaela na wala pang tiyak na plano sa buhay.  Dumaan pa ang ilang araw at matunog na usapan na sa school ang J.S prom. Abala na ang lahat sa pagplano ng mga isusuot nila.  "I have made my gown in Manila. Talagang pinagawa ni Mommy." narinig kong kwento ni Natasha sa barkada niya.  Inirapan ko naman iyon dahil abala ako sa pagrereview sa quiz para mamaya. Wala si Sebastian ngayon dahil kukunin din nito sa Maynila ang damit na isusuot.  Required kasing sumali ang lahat kaya hindi kami makatanggi lalo na at malaking points iyon para sa lahat ng subjects. Hindi ko alam kung kanino manghihiram ng damit. Si Micaela ay yung gown na ginamit noong sumali sa Ms. Intrams ata ang gagamitin. Pinaayos na lang ng nanay niya. Si Olivia naman ay galing pang Spain ang gown na isusuot. Ako na lang ang wala! "Sure ako na all eyes si Sebastian sa iyo." hagikgik na sagot naman ni Abigail dito.  "As if." bulong ko.  "Hindi katulad ng iba diyan na baka magmukhang basahan." malakas na parinig ni Natasha sabay tapon ng tingin sa akin.  Tinaasan ko naman siya ng kilay sa sinabi niya. Malakas na binagsak ko ang libro sa desk ko kaya natahimik ang lahat pati na rin ang grupo nito. "Sana maging kasingganda ng isusuot niyong damit ang ugali ninyo." malakas na sabi ko sa kanila.  "Woah!" hiyawan ng mga boys sabay palakpakan.  "Chari! Chari! Chari!" chant nila sa pangalan ko. Akala naman kasi ng mga iyon na papatulan ko yung kababawan nila. Ayokong pumantay sa lebel nila na halos patapon ang ugali.  "Pauper!" malakas na sigaw ni Natasha, halatang napikon sa sinabi ko.  Bahala siya sa buhay niya. Basta ako ay mag-aaral mabuti. Wala akong pakialam kung ang isusuot ko ay hiram lang. Iyon ang nasa buong isipan ko hanggang makauwi sa bahay kinahapunan. Nagulat pa ako dahil naroon ang sasakyan ng mga Velasquez. Si Tatay ay nakaabang sa gate at kinakawayan ako.  "Tay," tsaka ako nagmano sa kanya. "Ano pong ginagawa niyo dito?"  "Nasa loob ang Senyora Tamara at iniintay ka, anak." nakangiting sabi nito sa akin.  "Po?" Nagmamadali tuloy akong pumasok sa buong pag-aakala na naroon din  si Sebastian. Naabutan kong nakaupo sa kahoy na sofa si Senyora Tamara, may iniinom din itong kape na natigil lang dahil sa akin. Malaki ang ngiti niya pagkakita sa akin.  "Chari!" tumayo pa ito at lumapit sa akin.  "S...Senyora, ano pong ginagawa niyo dito? Hinihintay niyo raw po ako sabi po ni Tatay." nilingon ko naman si Tatay na nasa likuran ko.  Ngumiti si Senyora sa akin, "Yes. Actually kararating lang namin ni Fred. Gusto nga sumama ni Theo but I told him na he should stay in the house na lang muna. Anyway, how are you?" she asked.  "Mabuti naman po. Maupo po kayo." imbita ko sa kanya.  "Oh! Thank you." anito tsaka naupo. Tinapik pa nito ang katabing upuan para makaupo ako. Hinawakan pa nito ang kamay ko ng mabuti. Somehow ay parang naramdaman ko si Nanay sa kanya.  "I'm sorry that I haven't check you out lately. We have been so busy and I also thought na you would come to Theo's party at home." sabi niya sa akin.  "Nahihiya po kasi ako, Senyora. Parang hindi po ata magandang tignan na naroon din po ako." sagot ko sa kanya.  Kumunot naman ang noo niya tsaka sunod-sunod na umiling sa akin. "Who says that? Everyone is invited...especially you. Ang close niyo kaya ni Theo." sabi niya sa akin. Napakamot na lang ako sa noo sa sinabi niya. "Anyway, I'm here kasi I'm worried if you have dress na ba for the prom.  Fred told me na he can't find one yet kasi hindi niya alam ang size or babagay sa iyo. That's why, I bought you one! I hope it would fit on you." nakangiting sabi niya.  Pumasok naman si Tatay sa kwarto ko at nilabas ang isang malaking kahon tsaka ito nilapag sa lamesa. "It's from the same couture na pinaggawan ko ng suit ni Theo." excited na tumayo ang Senyora at binuksan sa harap ko ang box.  Halos malaglag ang panga ko ng pinagtulungan pa nilang iladlad iyon ni Tatay. Mistulang pang kasal na ang itsura ng gown.  "Nice, right? I'm hoping na fit for you. Why don't we try it?" nakangiting tanong ni Senyora sa akin.  Napalunok naman ako sa sinabi niya. Sa akin ba ito? Binili niya para sa akin. "S...senyora, masyado po siyang maganda." nahihiyang sabi ko sa kanya.  "It would look good on you. Don't worry, I didn't tell Theo about this one." dagdag pa nito. "Fred, could you leave us for a moment. Ipapasuot ko lang kay Chari ito." sabi ni Senyora kay Tatay. Marahan namang tumango si Tatay tsaka kami iniwan ni Senyora. Isinara pa nito ang pintuan para lang may privacy kami.  "Come. You have to wear this. I chose this design kasi I want you to be one of the most beautiful girl for that night." nakangiting sabi ni Senyora sa akin.  Nang hindi pa rin ako kumilos ay nilapag na niya ang gown tsaka siya lumapit sa akin. Tinanggal pa niya ang bagpack ko. "You know, I never did this to my daughters kasi they have their own decisions and wants. I never had a chance to buy them gown like that. So please be kind and be my doll." nakangiting sabi ni Senyora sa akin. Wala naman akong nagawa kaya nagtanggal na ako ng uniform ko. Tumalikod naman si Senyora ng kinailangan kong tanggalin ang bra ko dahil sa padding na mayroon ang gown. Humarap lang siya ng naisuot ko iyon.  Tinulungan niya akong i-zipper ang gown sa likuran at sa tulong ng salamin sa harapan ay mas nabistahan ko ang itsura ng gown na suot ko ngayon.  Off shoulder ang itsura nito na champagne color, ang sleeves nito ay mahaba na umabot sa wrist ko. Mahaba rin ang saya nito  at pwedeng tanggalin ang trail nito sa likuran. May binurdang mga bulaklak sa damit na napapaliguan halos ng mga kumikinang na crystals. Nakalugay ang buhok ko habang kitang-kita ang kwintas na regalo ni Sebastian sa akin.  "You are so beautiful, Chari. You are so perfect for that gown. I think it was made for you talaga." namamanghang sabi ng Senyora habang nakatingin sa akin. Napakagat labi naman ako habang nakatingin sa suot kong gown. Napakaganda nito at halos saktong-sakto lang sa katawan ko. Mabigat dahil sa laki pero bagay na bagay naman.  "Ang ganda-ganda po, Senyora Tamara," sabi ko sa kanya.  "Indeed. I bought a shoe for that one. Wait!" bumalik ito sa upuan at kinuha ang box na naroon. Nilabas nito ang isang magandang sapatos na kakulay ng suot kong damit.  Lumuhod pa si Senyora Tamara sa harapan ko at nililis ang gown na suot ko para maisuot sa paa.  "Senyora, ako na po." awat ko sa kanya pero ayaw niya. "No. Let me do this for you." sabi niya sa akin.  Wala akong nagawa hanggang sa sinuot niya iyon. Saktong-sakto sa paa ko. Matangkad ang senyora pero halos naging kasingtangkad ko siya sa suot kong sapatos. She touched my shoulder, "It is the least thing I could do for you, Chari. I hope you liked it." aniya sa akin. Tumango ako sa kanya. "Bigyan niyo lang po ako ng oras, Senyora. Babayaran ko po ito sa inyo." sabi ko sa kanya. Tumawa siya sa akin bago umiling at iniwan ako para buksan naman ang pintuan, "Silly. I bought that for you. You don't have to pay for that...Fred!" tinawag niya si Tatay na nag-aabang naman sa labas.  Nagmamadaling pumasok si Tatay na halos natigilan pagkakita sa akin. Napatakip pa sa labi si Tatay habang nakatingin sa akin. Nagbabadya rin ang luha sa mata niya. "Ikaw ba talaga yan, Cha-cha?" tanong ni Tatay sa akin. Lumapit pa ito para makita akong mabuti. "She's pretty, right?" tanong ng Senyora kay Tatay.  Tumango si Tatay, "Ang ganda-ganda mo, anak. Nakuha mo ang ganda ng Nanay mo." mahinang sabi niya sa akin.  Tumingin si Tatay kay Senyora, "Maraming salamat po, Senyora. Tatanawin ko pa na malaking utang na loob ito. Maraming salamat po talaga." sabi ni Tatay. Umiling si Senyora at ngumiti rin sa akin. "No worries, Fred. Maliit na bagay lang yan compare sa service ninyo ni Elena sa pamilya namin."  sagot ng Senyora bago ako tinignan. "I will send a glam team here sa day ng prom ninyo. Fred will bring you at your school. I will make sure na mauuna si Theo para hindi ka niya makita kaagad. Let's keep this a secret from him, okay?" nakangiting sabi ng Senyora sa akin. "Masusunod po, Senyora. Maraming maraming salamat po talaga." sabi ko naman. Ngayon ay hindi na tuloy ako makapaghintay para sa J.S prom namin. Malaking bagay ang ginawa ng Senyora sa akin. Sobra. Sobra. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD