3

3181 Words
Manghang-mangha kami ni Mica pagpasok sa malaking bahay. Wala pa namang masyadong kagamitan pero ang ganda na niya kaagad. Makaluma ang disenyo ng bahay kaya gustong-gusto ni Micaela ang disenyo. Nakapasok na rin naman kami ni Mica sa mansyon ng mga Velasquez at may sariling ganda rin naman iyon. Pero ang bahay na ito ng mga bagong dating ay talagang kakaiba. "Isara mo naman yang bunganga mo." Narinig kong sabi ni Basti sa akin tsaka niya pwersahang isinara ang nakaawang ko na palang bibig.  Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya sa akin at umakbay.  "Pasensya na. I can only offer bread and bottle juice. Hindi pa kasi naaayos ang bahay kaya hindi pa rin ako nakakapamili." Auntie Lena said sabay lapag nito ng pagkain sa table. Isang malaking mesa na yari sa Narra at mga kahoy na upuan lang na may foam ang naroon. Wala pa talagang gamit sa loob ng bahay, eto pa lang.  Katabi ko si Bastia sa kaliwa samantalang si Mica naman sa kanan ko. Katapat ni Mica yung Kuya Leon at katabi naman ni Leon si Olivia.  Nahihiyang tumawa ako habang isa-isang nilalapag sa pwesto namin ang pagkain. "Nag-abala pa po kayo. May bibilhin lang po talaga kami sa talipapa." sabi ko sa Mama ni Olivia. Ngumiti naman siya sa akin, "Ayos lang iyon. Hayaan niyo kapag naayos na namin ang bahay. Iimbitahan ko kayo na pumunta ulit dito para naman maghapunan." nakangiting sabi ni Auntie Lena. Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin may chance na makapunta ulit kami dito? Hindi na ako makapaghintay! Sana maayos na nila kaagad ang bahay na ito.  "Talaga po? Tutulong po kami ni Mica sa paghahanda. Magaling po kaming maglutong dalawa!" sabi ko sa kanya.  Napalingon naman sa akin si Mica at nginitian ko siya. Parehas kasi kaming magaling magluto. Siguro dahil madalas kaming maiwan sa bahay kung kaya kinakailangan namin maghanda ng pagkain mag-isa. Kahit si Basti paborito rin ang mga niluluto kong pagkain.  Naramdaman ko naman ang paghila ni Basti sa akin para makaupo ako. "Pasensya na po kayo, Auntie. May pagka armalite talaga ang bunganga nitong kaibigan ko po." sabi ni Basti.  Tinignan ko siya na para bang may nagawa siyang mali sa akin. Ang kapal naman po talaga ng isang ito.  Narinig ko naman ang pagtawa ni Auntie Lena, "That's fine. I like her anyway. I wish na ganyan din kaingay si Olivia." she said before glancing to her daughter na tahimik na kumakain.  "Hayaan niyo po, Tita. Ilang buwan lang po at magiging madaldal na po siya. Teka, ayos lang po ba na tawagin ko po kayong Tita? Ang sosyal po kasi ng Auntie. Hindi bagay sa amin na sabihin po iyon." paliwanag ko. She looked at me before nodding, "That's fine. Kahit Manang Lena or Aling Lena ang itawag niyo. Ayos lang." Umiling naman ako at lumabi, "Hindi naman po bagay sa inyo na tawaging Manang o kaya Aling. Ang ganda-ganda niyo po ----" Hindi ko na natapos ang iba kong sasabihin ng salpakan ako ni Basti ng tinapay sa bibig. Pumiglas naman ako sa ginawa niya. Ang epal talaga nito kahit kailan. Nilunok ko muna yung tinapay na isinalpak niya sa bunganga ko. "Ano ba?" Tinuro niya ang mga kasama namin sa lamesa. Lahat sila ay tahimik ng kumakain samantalang ako ay daldal pa rin nang daldal. Si Mica nakayuko na siguro nahihiya na sa ingay ko.  "Ikaw lang maingay." sabi pa niya. Umingos ako sa kanya bago ako pasadlak na naupo sa silya. "Sorry po." sabi ko kay Tita Lena. She smiled once again, "That's fine. No worries. Ganyan din kaingay noon. I'll leave you guys here for a while. I'll just check our things na binibababa." paalam ni Tita Lena.  Magsasalita pa sana ako para magpaalam kaya lang inabot naman sa akin ni Basti ang juice at inilapit sa bibig ko. "Uhaw lang yan." ani pa nito kaya nakaalis na si Tita Lena ng hindi man lang kami nakapagpaalam. Para tuloy may dumaan na multo sa sobrang tahimik. Hindi ako sanay para akong hinihika sa sobrang tahimik. May asthma naman talaga ako kaya lang hindi talaga ako sanay ng ganito.  Nag-angat ng tingin tuloy ako kay Olivia na tahimik na kumakain lamang. "Sa Velasquez School ka rin ba mag-aaral?" tanong ko kay Olivia.  She raised her gaze to me naman at nilingon pa ang nasa paligid bago ata niya nakuha na siya ang kausap ko. "Maybe? I still don't know the plans of my parents." aniya.  Nakakaintindi naman ako ng English actually mataas nga ang grade ko sa English kaya lang iba pala kapag nakikipag-usap ka. Tinapik ko si Olivia na tahimik sa gilid ko. "English ang usapan. Sub muna."  Nilingon naman ako ni Mica at kagat labi na humarap kay Olivia tapos ay tumingin ulit sa akin. "Mas mataas ang grade mo sa English." mahinang sabi niya sa akin.  Narinig na lang namin ang pagtawa ni Olivia kaya napatigil kami sa pag-uusap. "I can understand Filipino. You can speak freely using that language."  Hindi ko inalis ang mata ko kay Olivia kahit ng bumulong ako kay Basti, "Ano raw?"   Tumawa naman si Sebastian at ginulo ang buhok ko. "Huwag ka kasing makipag-usap kapag hindi mo naiintindihan. Pati ako dinadamay mo."  Sinimangutan ko naman siya at pwersadong ngumiti kay Olivia. "Ilang taon ka na? Ako tsaka si Mica, 13 na kami parehas. Ikaw?" "I'm twelve years old." matipid na sabi niya.  Nagulat naman ako sa sagot niya. Masyadong mature ang katawan niya para sa 12 years old! Kami nga ni Mica mukhang ewan pa lang ang katawan. "H...hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ko.  Tumango siya sa akin at bahagyang ngumiti. "I just turned 12, last month."  Hindi naman siya mukhang nagbibiro. Kahit kasi yung kuya niya ay seryoso ang mukha sa sinabi nung kapatid. Marahang tumango na lang ako. Wala rin namang rason para hindi ako maniwala.   Naging tahimik ulit kami hanggang si Basti na ang nagsalita. "Can we talk, Kuya Leon?" Nag-angat naman ng tingin si Leon sa kanya at tumango. Sinulyapan pa nito si Mica bago tumayo. Tinapik naman ako ni Basti at bumulong sa akin, "Uuwi na tayo pagbalik ko."  anito bago sumunod kay Leon. Wala naman akong magagawa na rin. Tsaka baka hinahanap na nga ni Aling Lupe si Mica. Naiwan tuloy kaming tatlong babae sa lamesa. Parehas na tahimik pa yung dalawa kaya hindi ko alam kung paano magsisimula.  Tumikhim muna ako para makuha ang atensyon nila. "So kailan ka papasok sa school, Olivia? Anong year ka na ba pagpasok mo?" tanong ko sa kanya.  Eleganteng binaba niya ang bote na ininuman bago sumagot, "I still don't know. I'll ask my parents later."  Pasimpleng lumapit sa akin si Mica at bumulong, "Hindi nga niya alam di ba? Gulo mo rin eh." Napanguso ako sa sinabi niya, tama nga naman siya. Minsan nagiging ewan din ang kadaldalan ko. Umayos ako ng upo at nag move forward pa bahagya para lang makuha ang atensyon niya. Ang tahimik niya kasi masyado, "Okay lang ba malaman kung ano yung naging sakit mo?" tanong ko sa kanya. Hinila naman ako ni Mica, para siguro manahimik ako sa katatanong ko. Bakit ba? Gusto kong malaman. I smiled to Olivia habang nakatingin siya sa akin.  She breathe out a deep sigh before answering my question, "I had brain tumor and the doctors told my parents that I should stay at home instead of going out. So my Mom and Dad decided to enrolled me in home school." paliwanag niya. Nakaawang naman ang bibig ko habang pinapakinggan siya. Ang ganda kasi ng boses nito, masyadong malambing, nakakaantok. Marahang tumango na lang ako sa kanya. Naiintindihan ko naman ang sinabi niya kaya lang wala pa ako sa lebel na nakikipag usap ng English.  "English speaker ka talaga?" usisa ko pa.  "Chari." tawag ni Mica sa akin. Nahihiya na siguro sa tinatanong ko. "Curious lang naman ako. Para makapag adjust tayong dalawa." sabi ko sa kanya habang hindi pa rin hinihiwalay ang tingin kay Olivia. Ngumiti naman ito bago tumango, "But I can understand Filipino. My parents and my brother are speaking Filipino. But I just can't speak that well.  I don't want people to misinterpret me." "Ah." tumango-tango na lang ako sa kanya. Sabagay kung hindi naman siya nakakaintindi ng Filipino, hindi niya masasagot yung tanong ko. "Nice naman. Pero gusto mo ba matuto?" Excited na tumango si Olivia sa tanong ko. "Sige! Ganito, puntahan ka namin lagi ni Mica dito sa inyo kapag Sabado at Linggo para turuan kang mag-Filpino. Gusto mo ba yun?"  tanong ko sa kanya.  Her eyes glow in excitement sa sinabi ko, "Yes! Please. I would welcome you both here. I want to have friends as well." sagot nito. Malakas na tinapik ko ang lamesa kaya napapitlag ang dalawang kasama ko. "Yun naman pala. Sige, sa Sabado at Linggo daan kami dito. Tatapusin lang namin yung ginagawa namin muna ah. Alam mo na mga mababait na anak kaming dalawa." Tinuro ko pa si Mica na hindi ata makapaniwala sa suhestiyon ko. Aba! Advantage na rin iyon sa kanya kasi lagi niya makikita ang bahay na ito tapos may libreng pagkain pa yun. Sigurado ako doon. "Pasensya ka na kay Chari, Olivia. Ganyan lang talaga yan pero siya ang pinakamatalino sa buong school namin." sabi ni Micaela. Lumabi ako at pasimpleng hinatak ang buhok nito. Kung ako ang tinuturing na pinakamatalino sa school, si Micaela naman ang pinakamaganda at may talino. Sabi kasi ng iba ay mabuti na lang daw at matalino ako. Hindi raw kasi ako kagandahan. Nakakabwisit nga naman.  "That's fine. I'm looking forward to see you again, next weekend."nakangiting sabi na nito.  Marami pa sana akong sasabihin ng makita ko na si Basti na paparating, hindi nito kasama si Leon. Lumapit agad ito sa amin ni Mica at hinawakan na agad nito ang collar ng suot kong damit.  "Umuwi na tayo. Ang ingay mo na diyan." sabi ni Basti bago binalingan ang pinsan. "Nasa labas si Kuya Leon tumutulong kina Auntie at Uncle."  Tumango naman si Olivia at tumayo na mula sa kinauupuan, "Thanks for dropping by, Kuya Seb." may slang pa nga ang pagsabi nito ng Kuya kay Basti. Pang-mayaman.  Magsasalita pa sana ako para magpaalam pero tinakpan naman na kaagad ni Basti ang bibig ko. Akala mo naman mag-iingay pa ako nang sobra. Kumaway na lang ako samantalang si Mica na lang ang nagpaalam para sa aming dalawa.  Kahit pagkakita namin sa Tito at Tita niya hindi na niya ako pinagsalita. Ang sama talaga ng isang ito. Hanggang kaway na lang ang nagawa ko.  Nakalayo na kami sa mansyon nila Olivia ng bitawan niya ang bibig ko. Maarteng pinahid pa niya ang kamay sa suot na damit. "Laway mo naman, Chari." anito bago kinuha kay Micaela ang bike na dala niya kanina.  "Hindi ako nakapag paalam sa mga iyon! Grabe ka talaga!" inirapan ko pa siya habang nakisasabay ng lakad kay Micaela. Tahimik naman na ito na naglalakad sa tabi ko.  "Mag-iingay ka lang kasi. Tapos matatagalan na naman tayo ng uwi." sagot naman niya sa akin.  "Friendly kasi ako kaya ganun." Hindi ko talaga matanggap na hindi ko man lang nasabi kay Tita Lena na dadalaw kami sa weekend!  "Iba ang pagiging friendly sa maingay." banat pa nito. Sumimangot ako sa kanya. Hindi ko alam kung talagang kaibigan ko ba siya. Masyado niya kasi akong dinadown!  Wala namang magkaibigan na ganun.  Humawak ako sa braso ni Mica at tinuro si Basti. Alam ko kasi crush ni Basti si Mica, nahihiya lang siya dito. "Sis, wag mong sasagutin yang si Sebastian na yan kapag niligawan ka ah! Inaaway ako." sumbong ko sa kanya.  Parehas na napatigil ang dalawa at nagkatinginan bago tumingin sa akin si Mica sabay iling nang sunod-sunod. "A...ano ba yang sinasabi mo, Chari?" tarantang sabi nito.  "Wala lang yang masabi na matino." sagot naman ni Sebastian. Napangisi ako sa  kanilang dalawa. Bagay kasi talaga sila, parehas may hitsura at matalino naman. "Crush mo si Micaela di ba?" pang-aasar ko sa kanya.  "Hindi!" sabay na sabi ng dalawa sabay nagkatinginan ulit.  Marahang tumango ako at humawak na rin sa braso ni Basti, "Sige na. Suportado ko naman kayong dalawa. Tutal parehas ko naman kayong kaibigan kaya go lang, maging mag jowa kayong dalawa." Pumiksi sa pagkakahawak ko si Mica, "Abnormal ka talaga, Chari. Huwag ka ngang magsabi ng hindi totoo. Una na nga ako." namumula ito bago nagmamadaling tumakbo. Nakangiting kumaway naman ako sa kanya. "Ingat ka, sis! Hahatid ko jowa mo sa bahay nila." pahabol na sigaw ko pa sa kanya. Nilingon ko naman kaagad si Sebastian na masama ang tingin sa akin bago inalis ang kamay ko sa kanya. Sumakay ito sa bisikleta niya.  "Andami mong sinasabi. Hindi naman totoo. Sumakay ka na nga at ihahatid kita sa inyo." sabi niya sa akin.  "Oo na, kunwari na lang na hindi ko alam." tumang-tango pa ako pagkatapos ay umupo na ako sa angkasan ng bike niya. "Alam mo dapat si Mica ang sinasakay mo dito, hindi ako. Hindi naman ako ang crush mo. Dapat may moment kayong dalawa ni Mica. Hayaan mo ilalakad kita sa kanya." sabi ko pa sa kanya.  "Ihulog kaya kita?" naaasar na tanong ni Basti.  "O bakit pikon ka?" tumawa pa ako nang malakas sa kanya pagkatapos kong humawak sa bewang niya.  Inayos naman niya ang paghawak ko at iniyakap niya ang kamay ko sa katawan niya kaya nakahawak tuloy ako sa tiyan niya. Mariing kinurot ko naman iyon.  "Aray naman, Charlotte!" angal nito habang nagsisimulang mag bisikleta. "Makabuo ka naman ng pangalan, Sebastian." sabi ko sa kanya. "Bakit? Sinabi ko bang Alaina Charlotte? Di ba hindi?" Nakatanggap siya ulit ng kurot sa akin, "Tumigil ka nga diyan, Sebastian Theodore. Hindi ko talaga alam kung kamag-anak mo si Theodore Roosevelt. Bakit kasi Theodore ang pangalan mo? O female version ng Theodore ang Trinidad? Ikaw pala may-ari sa bayan na ito ah.  " usisa ko pa. Hindi na siya sumagot sa ingay ko at tahimik na nagbisikleta na lang. Hindi rin namin nadaanan si Mica, baka dumaan siya sa shortcut sa gubat. Marami pa namang alam na daan ang isang iyon.  Hinatid ako ni Basti hanggang sa bahay. Gusto ko sana na sa kanila na lang dumiretso para sasabay na lang ako kina Nanay at Tatay na umuwi. Pero ayos na rin kasi magtutupi pa pala ako ng mga damit na nilabhan ni Nanay.  Natapos ko na ang ilang gawaing bahay pero wala pa rin ang mga magulang ko. Nagdesisyon na akong kumain at magpahinga dahil maaga ako bukas sa school. Sigurado naman na darating din mamaya sina Nanay at Tatay.  Natulog ako nang maaga para sa gabing iyon. Naramdaman ko na lang na dumating sina Nanay at Tatay dahil sa ingay nilang dalawa. Hindi na rin ako nag-abalang gumising pa dahil matutulog na rin naman sila.  Kinabukasan, si Tatay ang nabungaran ko sa salas na nagbabasa ng diyaryo habang may kape. Si Nanay naman ay nasa kusina at nagluluto ng agahan at baon ko.  "Good morning!" masayang bati ko sa kanilang dalawa.  Nilingon naman ako ni Tatay at ngumiti sa akin, "Gising na pala ang pinakamaganda kong anak. Pasensya na at ginabi ka ng Nanay mo ah. Galing kasi kami sa Maynila ng Senyora Trina. May pasalubong pala akong bag sa iyo, anak. Binili ko roon. Tignan mo."  sabi ni Tatay sa akin. Excited na nilingon ko naman ang tinuro niya na bag sa lamesa. "Talaga po, Tay? Thank you, Tay!" halos talunin ko ng talon si Tatay para mayakap lang. Mahinang tumawa naman ang Tatay at tinapik ako. "Dahil maganda ang marka mo kay regalo na namin ng Nanay mo iyan sa iyo." Tinignan ko naman si Nanay na nakangiting nakatingin sa amin ni Tatay. "Basta anak, umiwas ka naman sa dumi. Ang hirap ibabad ng damit mo. Para kang lalaki masyado." naiiling na sabi ni Nanay.  Lumabi naman ako at pinuntahan na ang bag na tinutukoy ni Tatay. Kulay pink iyon, yung paboritong kulay ko. Bag pack. Tamang-tama na pamalit sa lumang bag ko. Grade 6 pa lang kasi ako, bag ko na iyon. Sakto lang din na magagamit ko na ito.  Kaya sobrang excited akong pumasok ng araw na iyon. Ako ang nauuna dahil kailangan ko laging buksan ang room namin. Ako ang nagbubukas ng ilaw at aircon pati na rin nag-aayos ng mga silya kapag hindi inayos ng mga cleaners.  Wala namang problema sa akin kung ako ang maaga dahil marami pa rin naman akong nagagawa.  "Good morning, Kuya Bonoy!" maligayang bati ko sa security guard ng Velasquez School. Pag-aari rin naman kasi nina Basti ang school na ito.  "Ang aga mo talaga, Chari. Ikaw na naman ang unang estudyante. Nauunahan mo pa yung ibang teachers na dumating." nakangiting sabi niya sa akin.  "Aba syempre. Responsible student tayo." ngumisi pa ako sa harapan niya.  Nilingon niya ang bag pack ko, "Bago bag mo ah. Sana hindi marumihan kaagad." biro pa niya. Lumabi naman ako sa sinabi niya. Masyado kasi akong galawgaw kaya narurumihan kaagad ang mga gamit ko. "Bili ng Tatay ko yan sa akin, Kuya. Sige una na ako. Bye po!" paalam ko sa kanya bago ako nagmamadaling umakyat sa classroom. Katulad ng mga normal na routine ko, binuksan ko ang room, binuksan ang aircon, ilaw, at nagwalis na rin ako ng kaunti. Malaki ang school at ako na naman ang kauna-unahang estudyante na dumating. Minsan nagtatanong na yung mga kaklase ko kung hindi raw ba ako natatakot na mag-isa. Sanay na lang kasi talaga ako tsaka hindi naman ako matatakutin. Nagbasa muna ako ng ilang notes dahil may quiz kami sa first class namin. Kailangan kong ma-i-maintain ang magandang grades ko para sa scholarship. Malaking tulong din iyon dahil nakatitipid sina Nanay at Tatay sa pag-aaral ko.  Mga kalahating oras siguro ang dumaan bago dumating ang sumunod na kaklase ko. Si Basti, kasabay niya si Mica. Napangisi ako pagkakita sa kanila.  "Nawa'y lahat ay may kasabay na pumasok." bungad ko sa kanilang dalawa. Sumimangot si Basti at nilingon naman si Mica, "Nakasabay ko lang siya sa gate." depensa niya sa sarili sabay lapag ng tinapay at juice sa lamesa ko.  Ganun siya lagi. Lagi niya akong dinadalhan ng agahan, kaya tuwing tanghalian naman ay nakikisalo siya sa pagkain ko.  "Kay Mica mo na lang yan bigay. Para may foods siya." banat ko pa.  Tinignan naman ako ng masama ni Basti habang si Mica naman ay hinampas ang braso ko. "Tumigil ka na, Chari." sabi pa ni Mica sa akin. "Uy! Dapat naman kasi na sa iyo. Hindi sa akin. Ikaw ang crush niya kaya dapat sa crush binibigay ang pagkain--"  Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil padabog na binagsak ni Basti ang bag niya sa gilid. Pagkaraan ay kinuha niya ang binigay na pagkain sa akin at pabagsak na nilapag sa mesa ni Mica.  "Masaya ka na?"galit na tanong niya sa akin sabay alis ng classroom. Napanganga naman ako sa kanya. Unang beses kasi na ginawa niya iyon sa akin. Hindi naman siya nagagalit sa akin kahit kailan. Nasagad ko lang siguro ang pasensya niya talaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD