12

3039 Words
Kapag siguro masaya ay mabilis na lilipas ang oras. Iyon lang kasi ang naramdaman ko buong taon. Kung nag-aaway man siguro sina Nanay at Tatay ay hindi ko na namamalayan din. Lalo na sa dalawang pagkakataon na nagbakasyon ako sa pinsan ni Tatay sa Ilocos. Pagkatapos kasi ng first year ko ay pinadiretso niya ako kaagad sa Ilocos, gayundin pagkatapos ko ng 2nd year ko ay sinundo na ako sa amin papuntang Ilocos. Kulang na nga lang ay doon na ako mag-aral. Masaya naman ako lalo na at nakakasama ko ang ilang kamag-anak namin. Mas nakilala ko sila at tinanggap nila ako. Ang consequences lang ay napalayo ako sa mga magulang ko pati na rin sa mga kaibigan ko.  Inenrol ako nila Nanay at Tatay ulit sa Velasquez School. Wala naman akong ibang paraan para makausap sila maliban na lang kung tumatawag sila kina Tiyo at Tiya. Kaya buong dalawang beses na pagbabakasyon ko sa Ilocos ay hindi ko nakakausap sina Mica, Basti, at Olivia.  Ngayon ay 3rd year na kami, walang pinagkaiba noong 2nd year ang mga kaklase ko. Kung may nadagdag man ay mga bagong estudyante. Kagabi lang ako bumiyahe mula Ilocos papuntang Trinidad. Pinipilit kasi nila Tatay na huwag akong uuwi hangga't hindi pa pasukan.  "Chari!" masayang bati ni Nanay sa akin pagkakita niya pagkalipas ng dalawang buwan.  Ang una kong napansin ay ang malaking pagbagsak ng katawan niya at ang malalim niyang mga mata. "Nay!" pero naunahan ako ng pagkakamiss ko sa kanya.  "Mabuti naman at ligtas kang nabakabalik, anak." naiiyak na sabi ni Nanay sa akin bago siya bumitaw at tinitigan akong mabuti. "Mas tumingkad ang ganda mo, anak." puna niya bago tignan si Tatay na siyang sumundo sa akin sa terminal.  "Ipasok mo na yang gamit ng anak natin. Unang araw ng klase niya ngayon."  Nakatitig ako kay Nanay dahil pansin na pansin ko talaga ang pamamayat niya. "Nay?" tawag ko sa kanya.  Tinignan niya ako at marahang tumango lang sa akin. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil naghanda naman kaagad si Nanay ng agahan ko kaya nagmamadali naman akong kumain. Kahit pagod pa ako sa biyahe ay naligo na ako at naghanda pagpasok.  Mas tumangkad ako ngayon kumpara last year. Naging hanggang balikat na lamang ang buhok ko dahil ginupitan iyon ni Tiya. Dahil probinsya ay naging morena ang kulay ko at kailangan kong habulin ang puti nun.  Mas madalas kasi sa bukid kami para magtanim kaya nagkakaroon din ako ng sweldo habang naroon ako.  Sinuot ko na rin ang bagong uniform ko at palda. Kasama sa scholarship ang mga bagong damit namin pati na rin ang sapatos.   Nilingon ko naman ang dati ko pa ring bag na nilabhan lang marahil ni Nanay, naroon na sa loob ang mga bago kong gamit at ang may balot kong mga aklat. Lumabas na ako ng kwarto pagkabihis ko. Naabutan ko naman si Nanay na abalang naghahanda ng baon ko habang si Tatay naman ay nagkakape.  "Papasok na po ako." anunsyo ko sa kanila  Sabay silang lumingon sa akin. Malaki ang ngiti ni Nanay kahit bakas sa mukha niya ang pagod. "Pinaghanda kita ng baon mo anak." inabot niya sa akin ang lunch bag ko.  "Mag-iingat ka sa pagpasok mo, Chari." bilin pa niya. Marahang tumango naman ako kay Nanay bago siya hinalikan sa pisngi. "Tay, aalis na po ako." lumapit din kay Tatay para halikan din siya sa pisngi.  "May baon ka bang pera anak? Gusto mo bang ihatid kita? Marami ka pa namang dala ngayong araw." aniya sa akin. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa kanya. "Kaya ko na po. Magpahinga na muna po kayo ni Nanay dahil maaga rin po kayong nagising." sabi ko sa kanya.  Hindi naman sila pumalag sa sinabi ko kaya pumara na lang ako ng tricycle hanggang makarating ako sa school. Marami na agad mga students dahil unang araw ng klase. Hindi ko pa nakikita ang mga pamilyar na mukha ng mga kaklase ko. "Cha-cha?"  Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Ang nakangiting mukha ni Kuya Bonoy ang sumalubong sa akin.  "Ikaw nga?! Tumangkad ka at mas lalong gumanda!" masayang puna niya sa akin.  "Oy! Kuya Bonoy!" bumalik pa ako sa kanya para lang makaharap siya. "Kumusta po bakasyon?" tanong ko. Nakangiti sa akin si Kuya Bonoy, "Maayos naman. Ikaw? Grabe, hindi kita nakilala kaagad pagpasok mo, Cha-cha." ulit pa niya. Tipid na ngumiti ako sa kanya tsaka tumango lang, "Syempre naman Kuya." napansin ko na ang pagdami ng mga estudyante kaya kumaway na ako sa kanya para makapagpaalam.  Makakausap ko naman siya sa ibang araw pa.  Umakyat ako sa second floor para hanapin ang room namin ngayong third year kami. Section 1 pa rin ako katulad ng dati kaya lang ngayon ay nilagyan na kami ng pangalan. 3rd year section Gold ako. Hindi ko alam kung sila pa rin ba ang mga kaklase ko. Sobrang na-e-excite na rin ako na makita sila ngayon. "Chari!" malakas na tawag sa akin ng mga kakilala pagpasok sa room. Medyo marami na rin sila doon.  May mga bagong mukha at mayroon naman na pamilyar sa akin. "Nice naman! Ang ganda, Chari. Epekto ba ng probinsya yan?" tanong sa akin ni Michelle na kaklase ko last year. I flipped my hair in front of them bago umupo sa bakanteng silya. "Well ganun ata talaga. Punta rin kayong province dali." pang-aasar ko naman. "Girl, ganda ng skin complexion mo ngayon. Bakit mas naging smooth ka kahit naging morena?" usisa naman ni Roselle. Nginitian ko naman si Roselle. Syempre ayoko naman na magyabang. Tiyak pagdating ni Mica at Olivia ay ako na naman ang nasa laylayan ng lipunan. Masyadong maganda yung dalawa na iyon. Last school year ay pinagtalunan pa kung sino ang magiging muse namin. Si Olivia ang napili dahil siya rin naman ang lalaban sa pageant for that year. "Ewan ko sa inyo." naiiling na sabi ko na lang bago binitbit ang libro papunta sa book shelf.  Nagsunuran naman ang mga kaklase ko pati na rin ang mga bago. May label naman ang bawat part ng book shelf kaya alam na kung saan ilalagay ang libro. Kahit yung mga bagong dating na bago at dating kaklase ay ganun na rin ang ginagawa.  Nagmamando ako sa mga boys na kaklase ko na ayusin ang paglalagay ng books ng bigla na lang ako makarinig ng malakas na tawag sa akin. "Chari!"  Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo sa doorway ay sina Olivia, Mica, at Basti.  Para namang may daga sa dibdib ko habang nakatingin sa kanila partikular na kay Sebastian. Ang tangkad na niya ngayon at mukhang fresh na fresh ang itsura habang nakatingin sa akin. Mas nagiging kahawig niya ang Senyor lalo na sa ilong at labi pero ang mga mata niya ay nakuha niya tiyak sa Senyora. Makapal ang pilik-mata niya gayundin ang kilay ay perpekto ang pagkakaarko. Pumalakpak ako at tumalon-talon papalapit sa kanila, bahagyang na conscious  dahil medyo gumalaw din ang dibdib ko.  Naglakad na lang ako papalapit tuloy.  Si Mica ang sumalubong sa akin ng yakap pati na rin si Olivia. "Namiss ka namin! Dalawang buwan din tayong hindi nagkita." sabi ni Mica. Bumitaw ako sa kanila ng pagkakayakap. Grabe, wala namang pinagbago ang ganda nila. Nakakainggit na lang din sila. Ngayon ay sigurado akong nasa laylayan na ako ng lipunan dahil sa kanila.  "Bakit mas lalo kang gumanda? Hindi ka na ata bagay maging class president? Muse ka na dapat namin." sabi ni Mica sa akin. I made a face, "Baka pagkaguluhan ako, sis. Hindi ako handang maging muse." dinaan ko pa sa tawa ang sinabi ko tsaka ko nilingon si Olivia. "Marunong ka na bang mag Filipino this time?" tanong ko sa kanya. "Yes. Alam ko na." sagot niya. May bahid ng accent pa rin pero naiintindihan naman na ang pagsasalita niya.  "Very good ka diyan. Sige na kwentuhan tayo later. Lagay niyo na books niyo doon." sabi ko sa kanila.  Tumango naman yung dalawa pero naiwan pa rin si Basti na nakatayo sa doorway. Kinailangan ko pa siyang hatakin dahil may mga papasok din na kaklase kami. "Mukha kang puno doon. Huwag kang tumayo diyan."  Hindi naman nagsalita si Basti. Basta't hinatak lang niya ako at niyakap nang mahigpit. Narinig ko pa ang bulungan ng mga kaklase namin at ang tingin ng iba sa akin at kanya.  Tinapik ko naman ang likuran niya para naman bumitaw na siya sa akin. Ang awkward na kasi nang mahigpit na yakap niya.  At isa pa, baka marinig niya rin ang t***k ng puso ko.  "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Binitawan niya ako at tinignan mabuti. Tumango naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Yes, you're here already." sabi niya sa akin. Tinawanan ko naman siya, "Eto naman parang hindi naman tayo nagkita last school year."  naiiling na sabi ko sa kanya. "You were away for two months, Charlotte. What do you expect from me? Hindi kita hanapin?" tanong naman niya. Inilingan ko lang siya bago hinarap ang mga kaklase namin na parang nanonood ng drama. "Tinitingin niyo diyan?" mataray na tanong ko sa kanila. Nagtawanan naman sila bago umiling. "Para kasi kayong mag boyfriend at girlfriend." malakas na sabi ni Allen, dahilan para kiligin naman ang lahat. "Ewan ko sa inyo." sabi ko bago ako dumiretso sa upuan ko. Sa tabi ko naman naupo si Sebastian habang magkatabi naman sina Olivia at Micaela. "Bakit dito ka?" tanong ko. "Masama ba? May katabi ka ba?" tanong naman niya sa akin tsaka nilingon ang paligid. "Wala ka namang katabi di ba?"  dagdag pa nito bago nilagay ang bag sa likuran at sumandal. "Aayusin din naman tayo mamaya." sabi ko na lang sa kanya.  Hindi naman niya ako pinansin hanggang sa unti-unti na kaming dumami at dumating na ang bago naming adviser. Si Ma'am Ledesma ang adviser namin for this school year.  Nagpakilala ulit kami katulad ng dati kaya pati ang mga bagong kaklase ay nakilala na namin. May limang babae na transferee at dalawang lalaki para sa section namin. Nagsimula rin kaming mag elect ng new office dahil halos kilala na namin ang isa't isa maliban sa mga bago. "The nomination for class president is now open." anunsyo ni Ma'am Ledesma.  Nagtaas ng kamay si Allen, "Ma'am, I nominate Chari as a class president." nagsipalakpakan naman ang lahat sa sinabi ni Allen.  Ilang taon na akong class president ng bawat klase. Mula Elementary ay ako ang nagiging president. Sanay na sanay na siguro sila sa leadership ko.  "Any nominees aside from Alaina?" Ma'am Ledesma asked. Isa sa transferee ang nagtaas ng kamay, "Ma'am, I humbly nominate Sebastian as class president."  sabi ni Natasha, ang isa sa transferee. Lumingon pa ito kay Sebastian at ngumiti. "Labanan ng mag jowa!" mapang-asar na sabi ni Ramon. Nilingon ko naman si Sebastian at nagtaas ng kilay sa kanya. Nakatingin naman ito sa akin sabay kibit-balikat.  "I closed the nomination for the class president." anunsyo ng isa naming kaklase. "I second the motion." sagot naman ng isa pa.  "Okay! So raise your hand if you are in favor of Alaina or Sebastian...Let's start with Alaina." Nagtaasan naman ng kamay ang mga kaklase ko habang halos karamihan ay hindi partikular na yung mga babae na transferee.  "Okay, 12. What about Sebastian?" tanong ni Ma'am Ledesma. This time ay mas marami ang nagtaas ng kamay. Wala naman sa akin kung matalo ako as class president. Hindi naman iyon ang batayan sa pagiging maayos kong estudyante. Ang hindi ko lang gusto ay pinaglaban kami ni Basti which is never nangyari sa aming dalawa.  "Sebastian won as a class president. Let's give him a round of applause." nagpalakpakan ang lahat pati ako ay nakipalakpak sa kanya.  Nakatingin lang sa akin si Basti bago nag-angat ng kamay. Natigil naman ang palakpakan para sa kanya. "Yes, Sebastian?" tanong ni Ma'am Ledesma. "Ma'am, I politely decline the offer as the class president. For all we know, Charlotte, has a capabilities of being a leader. We witnessed her as our classroom president for the past two years. She's responsible, wise, and brave to fight for us." diretsong sabi ni Basti. Hinawakan ko naman ang kamay niya at hinila siya. Abnormal din ito. Ayoko naman na. Okay na rin na iba naman ang maging class president.  "I think we should reform for a change? I mean, a new class president won't hurt her." matabil na sabi ng bago, si Natasha ulit.  Sebastian chuckled, "You are indeed a new student here. You still don't know her. I'm thankful that you nominated me but I'm not fit for this position." sabat naman ni Sebastian. Humawak na rin ito sa kamay at hinila ako dahilan para tumayo ako.  "Guys, kilala natin si Charlotte. Alam niyo kung gaano siya kagaling. Let just stay on that." dagdag pa nito.  I bit my lower lip while looking at our classmates. "So, tatanggapin mo ba, Alaina?" tanong sa akin ni Ma'am Ledesma sa akin.  Wala sa sariling tumango na lang ako. Baka kasi makipag suntukan pa itong si Sebastian sa aayaw sa akin. Mabuti na lang din ito.  "Please come forward, Alaina." tawag sa akin ni Ma'am Ledesma bago ipinasa ang whiteboard marker sa akin.  Tumikhim naman ako para simulan na rin ang nomination for class vice president. This time ay si Sebastian naman ang nanalo at hindi na siya umalma. Kahit noong first year kami ay class vice president na talaga siya. Nagpatuloy pa hanggang sa nakumpleto na ang listahan for the classroom officers.  Hindi naging muse sina Mica at Olivia dahil bukod sa parehas na silang title bearer ay pinagbigyan naman na ang iba pa naming kaklase.  Tiyak na buong araw ay orientation lang para sa lahat ng subjects namin. Shortened period lang din kami ngayon dahil sa first day of school pa lang naman. Nag-uunahan ng bumaba ang mga kaklase namin para sa recess, katulad ng dati ay naiiwan lang ako sa room pag recess. Dinalhan kasi ako ulit ni Sebastian ng pagkain kaya dito kami kakaing dalawa. Tumabi naman kaagad sa amin si Micaela at Olivia. "That was cool, Kuya Seb." puri ni Olivia kay Sebastian. Hindi naman sumagot si Basti at binuksan lang ang tinapay na dala niya para sa akin. Hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko mula kanina. Kung hindi lang niya kailangan mag-CR ay hindi siya aalis.  "Tama rin naman kasi si Sebastian. Alam naman ng lahat kung paano ka as classroom president, Cha-cha." sabi ni Micaela.  Bumuntong hininga naman ako bago nagsalita, "Wala naman sa akin kung president ako o hindi. Ang sa akin lang ay makapili tayo ng tama na lider natin." sabi ko sa kanila. "Which is you." saad naman ni Olivia. "Kuya Seb was right. You are more than fit for this role. You deserve the title." dugtong pa niya.  "Thank you sa pagtitiwala. Ayoko namang magyabang kasi hindi naman bagay pero salamat."  sabi ko sa kanila.  Inakbayan naman ako ni Sebastian tsaka marahang tinapik sa balikat. Nagtanong lang sila sa akin tungkol sa nangyaring bakasyon ko, halos kaming tatlong babae lang ang nag-uusap habang tahimik na nakikinig lang si Basti sa tabi ko. "May kapitbahay nga kami doon tapos lagi niya akong sinasamahan sa bukid. Magsasaka rin yung tatay niya pero hindi siya mukhang anak ng magsasaka. Halos kakaiba kasi ang kutis niya pati na rin ang balat niya. Ang gwapo!" masayang sabi ko sa kanila. "Really? Do you know his name?" tanong naman ni Olivia tapos ay tinignan si Sebastian na nakasandig na sa balikat ko. "Kuya Seb, I think you should leave us three. We are having some girls talk." Tinignan lang siya ni Sebastian bago umalis sa pagkakadantay sa akin tsaka umalis. "He's always like that. You know what, Chari, during our vacation, he was too spaced out." kwento ni Olivia sa akin. Marahang siniko naman siya ni Micaela sabay iling. Kumunot naman ang noo ko sa simpleng palitan nila ng tinginan bago tumango.  "Ganun naman talaga si Basti. Para atang hindi mabubuhay kapag wala ako sa tabi niya." Lagi kasi siyang ganun kahit noong mga bata pa kami. Hindi ko rin kasi talaga maintindihan kay Sebastian.  "Well, you are back and we are on our third year!" masayang sabi ni Olivia. Nakangiting tinignan ko siya. Akala ko noong una ay tahimik siya iyon pala ay maingay din. Si Mica lang talaga ang tahimik sa aming lahat.  "Hi!"  Sabay-sabay kaming napalingon sa tumapat sa amin. Ang limang transferee na babae, mukhang magkakaibigan na rin sila kaagad.  "I'm Natasha." pakilala ng bumoto kay Sebastian.  Magsasalita pa sana sila ng inunahan ko na. "Natasha Alexis Figueroa, Kristina Margarret Chua, Abigail San Miguel, Helsey Katelyn Tuazon, and Krystal Amethyst Tan. Tama di ba?" nakangiting sabi ko sa buong pangalan nila. I know their names already, isa sa abilidad ko ay madali akong makatanda.  Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha ni Natasha habang nakatingin sa akin. "You are the class president now. So what's your plan in our section?  How would we differ from the lower sections?"  tanong nito.  Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Base pa lang sa aura nito ay nakakainis na siya. Hindi ko siya gusto. "Wala tayo sa competition, Natasha. And, huwag mo rin silang tawaging lower sections dahil lang sa nasa section 1 ka." sagot ko naman.  Tahimik na nagbungguan ng balikat ang mga kasama niyang babae. Kung akala ng mga ito na uurungan ko sila aba nagkakamali sila ng taong binabangga. "I think if Sebastian is the classroom president, he'll surely make our section brighter and famous." dugtong pa nito. "Which will never happen. Kung gusto mo pala ng sikat ng section, bakit hindi na lang ikaw ang tumakbong class president?" tanong ko pa ulit sa kanya.  Mas kita na ngayon ang inis sa mukha nito kaya tumayo na ako. Magka height lang naman kami kaya hindi ko na siya kailangan tingalain pa. "I know girls like you, Natasha. Ingat ka at bago ka pa lang dito. Tignan mo kung sino ang taong babanggain mo." seryosong sabi ko sa kanya.  Hindi ako natatakot kahit mayaman sila basta't alam kong tama ako ay hindi ko siya uurungan.  She raised her brow while looking at me. "Prove yourself then, Miss President. I'll be watching you always." anito bago umalis kasunod ang mga alalay nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD