13

3530 Words
"Humanap ka kasi ng barkada mo. Nakikisama ka sa aming mga babae, minsan iniisip ko kung bakla ka nga talaga." yan ang litanya ko kay Basti habang kasabay ko siyang maglakad. Nauuna kasi sina Mica at Olivia sa tambayan namin para mag recess. "I don't need too much friends, Charlotte. I have you anyway." sabi nito sa akin.  Lumabi naman ako sa sinabi niya. Alam ko naman na may mga male friends siya pero mas komportable ata talaga siya kapag ako ang kasama. Hindi ko naman maintindihan kung bakit siya ganun.  "Mama!" sabay kaming napalingon ni Sebastian sa tumawag sa akin.  I plastered my smile immediately dahil sa pamilyar na boses ni Nikki. Nasa grade 4 na siya at mas gumaganda siya habang lumalaki.  Nanlaki ang mata nito at tumingin sa katabi ko. She pointed Sebastian bago patakbong lumapit sa amin. "Papa!" masayang tawag nito kay Basti. Nilingon ko naman kaagad si Sebastian dahil sa tawag sa kanya ni Nikki. Yumakap pa ito sa bewang ni Basti kaya kinakabahang napatingin din sa akin si Sebastian. I pointed him pero nauwi rin iyon sa hampas ko sa kanya sa balikat niya. "Anong Papa ang sinasabi ng anak ko?" sita ko sa kanya.  Napabitaw naman si Nikki sa pagkakayakap kay Basti tsaka lumapit sa akin. "Siya po yung kinukwento ko, Mama. Siya si Papa!" masayang pagbabalita sa akin ni Nikki. "Uh...Allow me to explain, Cha." kinakabahang sabi nito sa akin .  Hinawakan ko naman ang kamay ni Nikki bago bumaling kina Mica at Olivia na napatigil din at nakatingin sa amin. "Mauna na kayong kumain, Mic. Sa iba na kami kakain nila Basti," sabi ko sa kanila. Nagtataka namang nagkatinginan ang dalawa bago tumango at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Tinignan ko naman si Sebastian na kinakabahang nakatingin pa rin sa akin.  "Sumunod kayong dalawa sa akin," sabi ko sa kanila. Nagkatingin naman yung dalawa sa akin bago tumango at naglakad. Nauna ako sa kanilang dalawa kaya sila ang nasa likuran ko. Sa waiting area kami mag-uusap lalo na at wala namang parents ang nandoon ngayon.  Dalawang taon  pa bago ko nalaman ang katotohanan na si Sebastian pala ang tinutukoy na Papa ng isang ito. Ang tagal-tagal na namin magkasama ni Sebastian pero ni hindi man lang nabanggit yung tungkol kay Nikki. At pati na rin si Nikki, hindi man lang alamin ang pangalan ng tinuturing niyang Papa! Nauna akong nakarating sa waiting area kaysa sa kanilang dalawa. Nang lingunin ko sila ay nagdidiskusyon pa sila. Pagdating naman nila ay tahimik silang naupo sa tabi ko. Nasa gitna si Nikki habang nasa kabila naman ni Nikki si Sebastian.  "Explain," masungit kong sabi sa kanilang dalawa. Nagkatinginan muna yung dalawa bago naunang nagsalita si Sebastian. "Akala ko kasi kailangan niya ng Papa. Nag-volunteer ako," sagot ni Sebastian sa akin.  I rolled my eyes at halos gusto ko ng hatakin ang buhok niya kung wala lang si Nikki sa gilid niya. "Bakit pumayag ka?" tanong ko naman kay Nikki. Nakalabing nakatingin sa akin si Nikki, malamlam pa ang mga mata na nakatingin sa akin. "Kasi si Paula po sabi niya dapat may papa rin po ako. Kaya po sabi ni Papa, siya na lang daw po papa ko."  paliwanag ni Nikki. Nilingon ko si Nikki, "Kailangan ba na may Papa ka rin, anak?" tanong ko sa kanya. Marahang tumango si Nikki. "Sa bahay po kasi laging wala si Mommy at Daddy. Dito lang po kasi ako sa school may family." malungkot na sagot sa akin ni Nikki tsaka ito nag-angat ng tingin sa amin ni Sebastian.  "Cha--" simula ni Sebastian pero inangat ko ang kamay ko para ako ang makausap ni Nikki.  "Nikki, hindi naman ako galit sa'yo..." inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon. "...tandaan mo na hangga't nandito kami ng Papa mo. Magiging happy ka dito sa school, okay?"  Ngumiti sa akin si Nikki, parang nawala ang takot sa kanya dahil sa sinabi ko. Tinignan nito si Sebastian at nag-thumbs up pa dito. "Basta kayo po ang Mama at Papa ko sa school kapag Monday hanggang Friday, okay na po ako doon!" masayang sabi nito sa akin. Hinila pa nito ang mga braso namin ni Sebastian para mayakap niya.  Pagkatapos nun ay iniwan kami panandalian ni Nikki kasi bibili raw ito ng recess kaya naiwan kaming dalawa ni Sebastian. Panay buntong-hininga lang naman niya ang naririnig ko kaya hinarap ko na siya at hinawakan sa balikat.  "Asawa na kita?" Dinaan ko pa sa biro para lang hindi awkward. Sa totoo lang, wala naman sa akin iyon. Ang problema ko lang ay ang malakas na t***k ng puso ko ngayon lalo na at mayroong dahilan para magsama pa kami lagi. Nag-angat ng tingin sa akin si Sebastian, magkasalubong ang kilay, "Hindi ka galit?" tanong niya sa akin.  Bumaling ulit ako sa iba at tinignan na lang ang malawak na main ground. "Halos three years ka rin na nag-aalaga kay Nikki ng hindi ko alam. Wala naman akong dahilan para magalit at isa pa, hindi naman talaga siya nanggaling sa katawan ko para gawin nating big issue pa." tipid akong ngumiti at humarap sa kanya.  Nakatitig siya sa akin ngayon na parang iniintay kung may gagawin ako sa kanya o wala, "Desisyon ng bata iyon, Basti. Masaya ako at ikaw ang tinuturing niyang Papa dito sa school. Masyado kasing malungkot ang buhay niya.  Gusto ko lang naman na kahit sa school ay maging maligaya siya."  Sebastian bit his lower lip while looking at me. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya pero sigurado talaga ako na malakas ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanya.  Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit wala pa ring nagiging girl friend si Sebastian. Pero kakayanin ko ba kapag nagkaroon siya ng ibang babae na malapit sa kanya bukod sa akin? Parang hindi ko ata kaya. Nasanay na kasi na lagi siyang nandyan sa tabi ko. Mahihirapan siguro ako kapag nakita ko siyang may kasamang iba na hindi ako. Marahang tumango si Sebastian bago tumayo. He took my hand and pulled me, "Let's go, Mama." mahinang sabi niya bago kami naglakad na magkahawak ang kamay. Kung dati para sa akin ay normal lang itong paghahawak namin ng kamay ngayon ay iba na. Ayokong umamin sa kanya dahil hindi ko kayang isakripisyo ang pagkakaibigan naming dalawa dahil lang sa pag-ibig. Kahit mahal ko siya, hindi pa rin. "Iiwan na natin si Nikki?" tanong ko sa kanya. He pointed Nikki na tumatakbo na papunta sa classroom niya. "Iniwan na tayo. Kumain muna tayong dalawa bago bumalik sa room." he said to me.  Mas naging clingy sa akin si Sebastian pagpasok ng second quarter namin sa school. Sanay naman na ako kaya lang ang hindi ako sanay ay ang mga irap ng mga transferee sa akin. Alam ko naman kasi na gustong-gusto nila si Sebastian. Hindi ko naman sila masisi dahil lagi kong kasama yung isa.  "Wala raw relasyon pero laging magkasama. Lagi pang magka-holding hands," patutsada ni Natasha, isang hapon habang pauwi na ang lahat.  Wala si Basti dahil nasa training ito ng Taekwondo. Ayoko na sana siyang pansinin dahil nagmamadali rin akong umuwi at wala ako sa kondisyon na makipagtalo. Ang sakit pa naman ng puson ko ngayong araw kaya baka magpang-abot kami ng mga ito. "Kunwari walang naririnig pero meron naman. Bingi-bingihan lang ang peg, sis?" sabat naman ni Kristina.  Lumapit naman sa akin si Mica at Olivia, masama ang tingin nila sa barkada. "Uwi na tayo, Cha?" tanong ni Mica sa akin. Marahan akong tumango dahil nahihirapan din talaga akong gumalaw.  Isinukbit ko na ang bagpack ko sa balikat ko at marahang tumayo habang bitbit ang ilang libro. Biglang hinampas naman ni Natasha ang libro na iyon kaya nahulog sa lapag.  "What the hell?" gulat na tanong ni Olivia.  Nilingon ko si Olivia at inilingan. Ayokong makipag-away sila at ayoko rin na makipag-away. Lumuhod na lang ako at dinampot ang mga nahulog na aklat.  "That's the problem sa mga damsel-in-distress na babae. Feeling nilang lahat ay victim sila pero ang totoo hindi naman!" malakas na sabi ni Natasha.  Ang mga naiwan naming kaklase ay napapalingon na sa amin. "Ano na naman ba iyan, Natasha?" tanong ni Youseff, isa sa mga transferee sa school. "Why, Youseff? Ipagtatanggol mo rin siya?" mataray na tanong ni Natasha.  "Sabagay, Youseff likes Alaina." sabi ni Krystal naman.  Hindi lingid sa kaalaman ng section namin yung sinabi ni Krystal. Masyadong friendly sa akin si Youseff at kapag wala si Sebastian ay siya ang tumitingin sa akin. Marahang tumayo ako mabuti na lang at inalalayan ako nila Mica at Olivia. "You know what, Alaina. You are too pretentious! Show your true color to everyone!" malakas na sabi nito sa akin at bahagyang tinulak pa ako sa balikat.  "Ano ba?!" malakas na sabat naman ni Mica at humarang sa ginagawa ni Natasha sa akin. "Lagi niyo na lang bang aawayin si Chari kapag wala si Sebastian? Bakit hindi niyo magawa kapag nandito yung isa?" sita sa kanila ni Mica. "Oh! Are you one of her defender, huh?" tanong ni Natasha. "Back off, losers! Stop pestering us!" malakas na sabi naman ni Olivia sa kanila.  Hinawakan ko ang braso ni Mica para tumigil na sila ni Olivia. Hindi sila dapat nakikipag-away dahil lang sa mga ito. "Hanggang diyan lang kasi ang kaya nila. Hayaan na natin sila." sabi ko sa kanila habang hindi hinihiwalay ang tingin sa kanila.  Matapang lang kasi naman talaga ang mga yan pagwala si Basti. Ayoko rin silang patulan dahil makakasama sa record ko ang pakikipag-away sa mga katulad nila.  "Really? Kami losers? Baka you are referring to yourselves?" sabat naman ni Abigail.  "Girls! Ano ba?!" malakas na sigaw ni Youseff, ilang sandali pa ay nasa harapan ko na siya. "Bakit ba lagi niyo na lang inaaway si Chari?"  "Kasi ang pabebe niya! Laging nasa kanya ang atensyon ni Sebastian! We are doing our best to catch his attention yet laging nasa kanya! And almost all of the boys here likes her! Why? Kasi matalino siya? Hindi naman siya maganda--"  "Watch your mouth!" sigaw ni Olivia. "Shut up!" sigaw naman ni Natasha kay Olivia.  Umakyat na siguro ang lahat ng dugo sa ulo ko kaya nagawa kong itulak si Natasha, sapat para humampas ang katawan niya sa mga kasamahan niya. "What the?!" malakas na sigaw ni Natasha. "Alam mo punong-puno na ako sa'yo. Talagang nagtitimpi lang ako sa lahat ng mga parinig mo sa akin at pang-aaway. Alam mo kung bakit? Kasi ayokong bumaba sa lebel mo na naghahabol sa isang lalaki! Gusto mo si Sebastian? Go ahead! Hindi kita pipigilan. Pero tanungin mo siya kung gusto ka ba niya o hindi!" sigaw ko sa kanya.  Natahimik ang lahat sa classroom. Ang kaninang mahinang katawan ko ay parang nagliyab sa galit dahil sa kanya. Nakakapuno na rin kasi.  "How dare you to push me! Sino ka ba ah? Class president ka lang naman!" ganting sigaw ni Natasha.  Inilingan ko siya. Iba talaga pagiging desperada ng taong ito. Kahit kailan ay hindi naman ako umabot sa ganun para lang kay Sebastian. Paano ba naman, hindi siya mapansin ni Basti kahit anong gawin niya. Lagi naman siyang pabibo pero nasa akin ang atensyon ng taong gusto niya. Hindi ko na sila pinansin lalo na at sigaw sila nang sigaw sa loob ng room. Kinuha ko lang ang mga gamit ko tsaka ako lumabas kasunod sina Mica at Olivia. Ang plano na intayin si Sebastian ay hindi nangyari dahil sa inis ko kay Natasha. Baka mamaya kasi magkasalpukan pa kaming dalawa. Tama na yung nasaktan ko siya ng isang beses.  "Ayos ka lang ba?" tanong nila Mica sa akin paglabas namin ng campus. Marahang tumango lang ako sa kanila tsaka sila nilingon, "Pasensya na at nadamay pa kayo sa kamalditahan ni Natasha," sabi ko sa kanila. Umiling si Olivia, "No. She actually deserves more than that. You should have pull her hair kasi she's so nakakaasar. If I were you, I would even slap her face so hard," galit na sabi naman nito. "Hindi ka dapat nagpapatalo sa kanila, Chari. Ang laki-laki ng inggit nila sa iyo kahit hindi naman dapat." naiiling na sabi naman ni Micaela. Tahimik na lang ako habang naglalakad kami pauwi. Hindi sumabay si Olivia sa Kuya Leon niya dahil gusto niyang sumabay sa amin ng paglalakad kaya dinaan namin siya ni Mica sa bahay nila.  Bahay naman namin ang nauna bago ang bahay nila Mica. "Ayos ka lang ba talaga?" ulit na tanong ni Mica pagdating namin sa tapat ng bahay namin.  Tipid na tumango ako sa kanya. "Wala naman akong magagawa kung ganun ang ugali nila." Napabuntong-hininga na lang ako habang tahimik din siya na nakatingin sa akin.  Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya kung kaya nauna nakapasok na ako sa bahay. Nasa bahay si Nanay dahil hindi siya pumasok sa mansyon. Masama kasi ang pakiramdam niya kanina pa. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakahiga at pikit ang mata.  Hindi niya siguro namalayan ang pagdating ko dahil hindi man lang siya kumilos. Hindi rin na lang ako gumawa ng ingay dahil baka kailangan niya talaga ng pahinga. Sinamsam ko lang ang lahat ng sinampay na mukhang nilabhan niya kanina tsaka ko tinupi.  Hindi pa rin gumigising si Nanay kahit ng matapos akong magluto para sa hapunan naming dalawa. Nakaligo na ako lahat-lahat ay hindi pa siya bumabangon. Nagdesisyon na akong lapitan siya para sabay na kaming kumain dahil wala pa si Tatay.  "Nay...kakain na po tayo," bahagya ko pa siyang inalog pero hindi pa siya dumidilat.  Payat na si Nanay ngayon, hindi ko alam kung may karamdaman siya pero sa nakalipas na dalawang taon ay bumagsak ang katawan niya. Madalang na rin siyang magpunta sa mansyon dahil sa laging masama ang pakiramdam niya. Paminsan-minsan ay naririnig ko sila ni Tatay na nag-aaway pero hanggang ganun lang dahil kinabukasan ay ayos na ulit silang dalawa.  "Nay?" tawag ko sa kanya.  Bumundol ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa nakapikit niyang mata. Hinawakan ko pa ang tiyan kung umaalon iyon pero hindi. Mas lalong nanlamig ang katawan ko ng mahawakan ko ang kamay, malamig at matigas na iyon.  "Nay?!" mas malakas na tawag ko pa sa kanya.  "Nay, gising!" inalog ko pa siya pero wala akong natanggap na kilos mula sa kanya.  Hindi ko alam kung ilang beses kong tinawag at inalog si Nanay. Kasabay ng paulit-ulit na pagtawag ko sa kanya ay ang pagbagsak ng luha sa mata ko. "Nay!" sigaw ko habang nakayakap sa kanya.  Hindi! Hindi pwede! Hindi niya ako pwedeng iwan! Walang dahilan para iwanan niya ako kaagad. Kung panaginip ito ay gusto ko na lang magising ngayon kaagad.  "Nay? Gising na. Wag naman po ganito. Nay!" malakas na tawag ko sa kanya habang patuloy na umiiyak.  Wala akong ideya kung paano ko nadala si Nanay sa ospital. Sigaw na lang kasi ako nang sigaw sa mga kapitbahay hanggang sa may tumulong sa akin. Dinala namin si Nanay sa pinakamalapit na ospital. Ang sunod na lang na  nangyari ay ang humahangos na pagdating ni Tatay. "Nasaan ang Nanay mo, Chari?" naiiyak na tanong ni Tatay sa akin.  Nakasalampak na ako sa malamig na sahig ng ospital habang patuloy na bumabagsak ang luha sa mga mata ko. Tinuro ko ang pintuan ng Emergency Room, agad naman na dumulog doon si Tatay.  Siguro panaginip lang ito. Masaya pa kami kaninang umaga ni Nanay. PInaghanda pa niya ako ng baon tapos sinabi pa niya sa akin mag-ingat ako pagpasok. Nakapaglaba pa siya! Mayroon pa akong naabutan na hapunan pagdating ko. Hindi naman pwedeng sa isang iglap ay wala na siya. Hindi naman ganun.  Tinakip ko ang palad ko sa mukha ko habang patuloy na umiiyak. Wala akong alam na sakit niya at kung mayroon man ay hindi magsasabi si Nanay sa akin.  Ang mainit na bisig ng kung sinuman ang yumakap sa akin. Nag-angat ako ng tingin at natagpuan si Sebastian na nasa tabi ko. Nasa likuran niya sina Senyor Santiago at Senyora Tamara.  Bumuhos ang luha ko habang nakayakap kay Basti, "Seb...si Nanay. Hindi ko kaya, Seb. Hindi ko kakayanin, Seb!"  "Shhh. It will be okay. I'm here, Charlotte. I'm here." bulong niya sa akin habang hinahayaan lang niya ako na umiyak sa dibdib niya.  Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa kanya basta bumukas na lang ang pintuan ng Emergency Room at lumabas ang doctor na nag-asikaso kay Nanay. Nagmamadali akong umahon at lumapit kay Tatay. "Kumusta po ang Nanay ko? Gising na po ba siya? Pwede ko na po ba siyang kausapin?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.  Malungkot na umiling ang doctor sa amin, "I'm sorry pero wala na po si Mrs. Marquez. Bumigay na po ang katawan niya dahil sa sakit niya sa bato. Nagbagsakan na rin po ang ibang organs ng katawan niya kaya..."  Hindi ko na napakinggan pang mabuti ang sinasabi ng doctor dahil sa binalita niya. Bigla na lang nanlambot ang mga binti ko, mabuti na lamang at nasalo agad ako ni Sebastian. Pumalahaw ang malakas kong iyak sa buong ospital.  Hindi! Hindi pwede! "Nay! Nanay ko!" palahaw ko.  Nananaginip lang ba ako? Ayoko na talaga. Gusto ko ng gumising dito. Hindi magandang panaginip ito. Ayoko ng ganito.  "Chari..." naramdaman ko ang mainit na pagyakap sa akin ni Senyora Tamara.  Ang bilis naman. Bakit naman ganun kaagad? Wala akong alam sa sakit niya. Bakit hindi siya nagpagamot. Bakit hindi siya lumaban? Paano na lang ako? Paano na ako kapag wala siya? Hindi ko kakayanin.  Ang mga sumunod na araw sa akin ay parang isang masamang panaginip lang. Wala na akong pakialam sa pag-aaral ko habang nakatanaw sa lalagyan kung saan nakahimlay ang Nanay ko. Walang oras na hindi ako umiiyak.  Palagi ring nasa tabi ko si Sebastian pati na rin sina Mica at Olivia. Nagpadala rin ng tulong ang mga Velasquez para may mag-asikaso sa lamay ni Nanay.  "Magpahinga ka na muna, Charlotte." pilit sa akin ni Sebastian. Tuwing pagkagaling niya sa school ay dito na siya sa bahay namin dumidiretso. Lagi siyang nandyan para sa akin kahit alam kong dapat umuuwi rin siya sa kanila. Umiling ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ako inaantok, ayokong ipikit ang mata ko dahil kakaunting oras na lamg naman ang mayroon kami ni Nanay. "Ikaw naman ang magkakasakit sa ginagawa mo niyan." nag-aalang sabi niya sa akin. Mas gusto ko nga iyon. Baka sakaling kapag nagkasakit ako ay masundan ko na agad si Nanay. Gusto ko na siyang mayakap, makita, mahalikan, at makausap. "Miss na miss ko na siya, Seb." Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Sebastian bago niya ako muling niyakap. Sa dibdib niya ay muling nagbagsakan ang luha ko. Parang habang nasa tabi ko siya ay maaari akong maging mahina, walang dahilan para hindi ako umiyak. " I'm always here for you, Charlotte. Hinding-hindi kita iiwan." Iyon ang lagi niyang sinasabi sa akin kaya napapanatag ako kahit papaano. Gusto kong manisi pero hindi ko alam kung kanino o sino. "Wala akong alam sa sakit niya, anak. Lagi niyang sinasabi sa akin na wala lang yung pagkapayat niya," kwento ni Tatay sa akin. Huling gabi na kasama namin si Nanay.  Hindi ko matanggap na bukas talagang iiwan na niya kami. Maisip ko pa lang parang ayoko na mangyari iyon. Halos ilang araw na akong hindi natutulog nang maayos. Isang oras lang ang pinakamatagal na pagtulog ko. "Nabigla rin ako, Chari. Pagdating ko sa mansyon binalita sa akin na sinugod ang Nanay mo sa ospital. Patawarin mo ako, anak. Kung nabantayan ko kayo nang maayos ng Nanay mo ay hindi mangyayari ito." Mainit ang pagyakap ni Tatay sa akin pagkatapos niyang ipaliwanag iyon sa akin. Kung masakit sa akin ay tiyak na doble o triple pa ang sakit nun kay Tatay.  Inilihim ni Nanay ang sakit niya sa bato. Nalaman na lang namin na parehas na kidney na niya ang bumibigay. End stage renal failure ang cause of death, secondary na ang pagbagsak ng ibang organs niya. Ang bilis. Sobrang bilis. Hindi man lang namin siya natulungan lumaban. Hindi man lang namin siya nagawang ipagamot ni Tatay. Sinarili ni Nanay lahat iyon. Kahit siguro sobrang sakit ng nararamdaman niya ay mas pinili niyang ilihim upang hindi kami mag-alala ni Tatay. Sana mas naging bukas siya sa amin. Sana nasabi niya para nagawan man lang namin ng paraan para humaba ang buhay niya. Pero wala... Kinabukasan, ang akala ko na natuyo ko ng luha ay muling nagbagsakan. Sa huling beses na niyakap at hinalikan ko si Nanay ay hiniling ko sa Maykapal na sana ay makarating siya ng payapa sa tahanan nito.  "Wala ng sakit, Nay.  Huwag mo na po kaming isipin ni Tatay, mag-aaral din po akong mabuti para sa'yo. Mahal na mahal kita, Nay. Sobra-sobra. Sorry po kung may mga nagawa akong mali sa iyo. Maraming salamat sa lahat-lahat, Nay."  bulong ko sa kanya.  Pagkatapos nun ay si Tatay na ang lumapit kay Nanay. May binulong din siya dito pagkatapos ay lumayo na. Niyakap ako ni Tatay nang mahigpit ng maihimlay na si Nanay sa huling hantungan nito.  Wala na si Nanay.  Makakaya ko kaya? Pipilitin ko para sa pangako ko sa kanya. Para sa kanya at kay Tatay ay magiging malakas ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD