Kulang na lang ay madapa ako sa pagtakbo habang tinatakbo ko ang pagitan ng main ground at classroom namin. Dahil siguro sa sobrang pagod ay na late ako ng gising. Ngayon ay hinihingal na ako sa pag-akyat ng room. Hindi ko na nga rin nabati si Kuya Bonoy dahil sa pagmamadali ko.
Katatapos lang nilang magdasal pagkarating ko. Napansin ko kaagad ang pamilyar na mukha ni Olivia sa harapan. Pero natigil din sila sa pagsasalita dahil sa akin.
"Wow! Naka bangs! Sana lahat." pang-aasar ng ibang boys sa akin.
Inirapan ko sila at tinignan lang ang adviser namin, si Ma'am Nicolas. "Sorry po, I'm late." hinging paumanhin ko sa kanya.
Tumango naman si Ma'am Nicolas at hinayaan akong makapasok sa room. Dumaan muna ako kila Sebastian at Micaela na magkatabi pa rin sa upuan. Nag peace sign lang ako sa kanilang dalawa habang diretso ako sa pwesto ko.
Nakita rin ako ni Olivia at nginitian niya ako. I waved my hand to her and smiled as well. "Okay, class. So we have a new face here. Bago niyo siyang classmate. Dapat last week pa siya papasok kaya lang may inayos ang family niya na problem. Anyway, introduce yourself. " ani ni Ma'am Nicolas.
Ngumiti si Olivia sa lahat, "Hi! My name is Olivia Samantha Vilaformosa, 12 years old. I'm from Spain and I'm still learning how to speak Filipino." pakilala nito sa sarili.
Napa whistle naman ang ilang boys. Hindi ko alam kung aware rin ang boys na pinsan ni Olivia si Sebastian. Nilingon ko si Sebastian na nakatingin naman sa akin. I pointed Olivia to him at tumango lang siya sa akin.
"Pero nakakaintindi ka ng Filipino?" tanong ni Ma'am Nicolas.
"Yes, Ma'am." sagot niya.
"Good. Akala ko madurugo pa ang ilong ng mga kaklase mo. " tumawa pa si Ma'am Nicolas bago itinuro ang bakanteng upuan sa harapan. "You can sit there. If you have any questions or guide nandyan si Alaina to help you. She's the class president." Ma'am Nicolas pointed me.
Tumango naman si Olivia bago naupo sa upuan na itinuro ni Ma'am Nicolas. Mamaya ko na lang siya tutulungan or what, sabagay nandyan din naman si Mica to help her.
Nang sumunod na subject ay lalapit na sana ako kay Olivia ng tawagin naman ako ni Sebastian. "Bakit?" tanong ko sa kanya.
Gusto ko rin kasi makigulo, pinagkakaguluhan ng mga kaklase namin si Olivia. "Bumalik ka na dito." anito while pointing my previous seat.
Naka ready na rin si Mica at hawak ang bag nito, nakangiti sa akin. Samantalang ngising-ngisi naman si Allen dahil babalik na siya sa pwesto niya. "Dito na ako ulit! Yes naman!" masayang sabi pa nito habang ito na ang naglagay ng gamit ko sa dati kong upuan.
"Ingatan mo naman yan, Allen. Dumi-dumi ng kamay mo." angil ko sa kanya.
Ngumisi lang ito sa akin at nag peace sign. Dahil nailagay naman na yung gamit ko sa dati kong upuan at lumapit na ako kay Olivia. Ngumiti siya kaagad sa akin pagkakita niya.
"Hi!" maligayang bati niya sa akin.
Kumaway naman ako sa kanya, "O, wag niyong kakantiin ito kung ayaw niyong masapak ko kayo isa'-isa." turo ko sa boys na nakapalibot kay Olivia.
"Eto naman. Gusto lang namin siyang makilala." sagot naman ni Peter sa akin.
"Naku! Alam ko yang mga galawan mo, Peter. Huwag ako. Kay m*******e ka na lang. MJ! Yung jowa mo pakikadena." tawag ko sa girlfriend nito.
Napakamot naman ng ulo si Peter at bumalik kay MJ. Nilingon ko naman si Olivia na masayang nakangiti. "They're just being friendly to me." sabi nito sa akin.
Umiling ako sa kanya, "Kilala ko yang mga boys na yan. Iisa lang gusto ng mga yan." malakas na sabi ko.
"Bakit nilalahat?" malakas na angal ng iba.
"Bakit hindi ba?" tanong ko naman.
"Hindi naman. Si Peter lang iyon tsaka si Ivan." ganti ng mga ito.
Inilingan ko na lang sila at binalingan na lang si Olivia. "Kapag may gusto kang itanong o malaman, lapit ka lang sa amin o kaya kahit kay Mica." I pointed our row to her. Si Mica ay nagbabasa para sa next subject tapos si Sebastian naman ay nakatingin pa rin sa akin.
"I will ask you later if I have questions. Thank you for assisting me, Chari. It helps a lot." nakangiting sabi ulit nito.
Tinapik ko naman ang katabi nito sa silya, "TJ, tulungan niyo ito ah." bilin ko sa mga katabi niya bago ako bumalik sa pwesto ko. Masama na kasi ang tingin ni Sebastian sa akin. Akala mo naman nawawala ako.
Inabot niya sa akin kaagad ang juice at tinapay, "Pagkain mo. Late ka kasi." sabi niya sa akin.
Tinanggap ko naman iyon tsaka siya nilingon. Alam din kaya niya yung issue na umiikot sa mansyon? Gusto kong malaman pa rin kung ano ang balitang iyon. Gusto kong malinawan, pero parang hindi pa rin ako handa sa pwedeng marinig. Gusto ko na masaya lang ang pamilya ko. Gusto kong masaya lang kami.
"Late kasi ako nagising. Sorry naman." sagot ko sa kanya habang binubuksan ang juice at tinapay. Inalok ko pa sa kanila ni Micaela ang pagkain.
"Kumain na ako, Cha. Salamat!" nakangiting sabi ni Mica sa akin. Mukhang magaan na ang pakiramdam niya. Kahit naman ako ay ayos na rin ang pakiramdam. Wala na akong galit na nararamdaman. Mas mabuti na rin iyon para makakilos ako ng maayos.
"Nagawa niyo na ba yung project sa Math? Ngayon nga pala pasahan nun. Kokolektahin ko muna." Bigla ko kasing naalala na may kailangan ipasa ngayon. Nagmamadali ko tuloy sinalpak sa bunganga ko yung tinapay.
Iritableng nakatingin naman si Sebastian sa akin. Hindi natutuwa sa mga ginagawa ko. "It can wait, right?" tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kanya at tumayo na para sana kolektahin yung project pero hinila niya ulit ako kaya napaupo naman ako sa upuan ko. Tinignan ko siya ng masama dahil hindi ako makapagsalita. May pagkain pa kasi akong nginunguya.
Pinunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang thumb niya. "Para ka namang bata, Charlotte." sabi niya sa akin bago ako tinitigan. "Huwag ka rin masyadong magpaganda."
Dahil sa mahirap nguyain ang kinakain ko ay hinablot ko ang papel na nasa table niya at doon nagsulat ng gusto kong sabihin.
Bakit gandang-ganda ka na ba sa akin?
Iyon ang tanong ko sa kanya tsaka ko ipinakita. Binasa naman niya iyon pero sunod-sunod ang iling niya sa akin. "You wish." mapang-asar na sabi niya.
Inirapan ko na lang siya bago tumayo at lumapit sa whiteboard. Isinulat ko doon na ipasa na sa akin ang project sa Math.
"But I don't have that project yet. Can I still work on that?" tanong ni Olivia.
Nag thumbs up naman ako sa kanya dahil hindi pa rin ako makapagsalita. Isa-isa namang inabot ng mga kaklase ko ang folder na may project namin. Nilapitan ko pa yung iba na hindi pa rin nagpapasa.
"Sandali lang, Chari. Matatapos na ito!" pakiusap sa akin ni Justin.
"Ahng bhaghal moh nhamhan." sabi ko sa kanya. Ewan ko kung naitindihan niya ang sinabi ko basta ang sinabi ko ay ang bagal naman niya. Masyado naman kasing ginagalingan yung border. Ang tinitignan lang naman doon ni Sir ay ang content at sagot namin.
"Ipapasa ko na lang sa iyo!" napepressure na ito kasi nasa tapat niya ako. Pero inilingan ko siya habang tinitignan yung ginagawa niya. Nang malunok ko na ang pagkain ay tsaka ko mabilisang kinuha ang folder niya.
"Tapos na iyan di ba? Content naman kasi ang tinitignan diyan, Justin." naiiling na sabi ko sa kanya bago ko siya iniwan. Tapos na rin naman kasi yung border, inaartehan lang masyado.
Bumalik ako sa upuan ko para kunin naman ang juice ko. Nakasunod ang tingin sa akin ni Basti hanggang sa maubos ko iyon. "Ipapasa ko lang ito kay, Sir. Tignan ko rin kung bakit wala pa rin si Ma'am Ledesma." paalam ko sa kanya.
"Samahan na kita." alok niya.
Itinaas ko ang kamay ko para pahintuin naman siya. "I can handle this." pagmamalaki ko pa bago ko sila iniwan sa classroom.
Mas naging mabilis para sa akin ang mga sumunod na araw. Unti-unti rin nakakasali sa amin si Olivia. Mas marami na siyang kaibigan kumpara sa akin. Kahit ang kabilang sections ay gusto siyang makilala. Sinusundo naman siya ni Kuya Leon sa labas ng gate after class kaya madalas namin din siyang makita.
Naging busy din ang lahat para sa Mr. and Ms. Intrams, lagi na ring excused sina Mica at Basti dahil sila ang magkapareha. Ayos lang dahil para naman sa section namin iyon.
"Hindi ka ba nagseselos sa kanila, Chari?" tanong ni Joanna sa akin, isang umaga habang pinapanood namin silang rumampa sa stage.
Sa totoo lang pinilit kong isantabi yung inggit ko kay Mica habang kasama si Sebastian. Alam ko namang hindi ako dapat mainggit dahil sadyang maasikaso si Basti. Pero hindi ko pa rin maiwasan hilingin na sana ako na lang yung kapareha niya ngayon. Kaya lang alam kong matatalo kami kapag pinilit kong ako.
Umiling ako bago kumuha ng chips mula sa baon niyang sitsirya. "Bakit naman ako magseselos, hindi ko naman siya jowa? Tsaka mga kaibigan ko sila." sagot ko na lang.
"Kahit kailan hindi ka nafall sa kanya?" tanong pa ulit nila.
"Hindi nga. Kulit mo rin, teh." sabi ko sa kanya.
Nagkibit balikat siya, "Sabagay, mas gwapo naman yung sumundo sa iyo kahapon."
Nilingon ko si Joanna, "Sumundo sa akin kahapon?" napatigil pa ako para isipin iyon. "Ah! Kaibigan ko iyon, sa Maynila nag-aaral pero bumibisita sa Lola niya dito sa Trinidad." Kahapon kasi dinalaw ulit ako ni Sancho. Sakto lang dahil hindi ko naman nakakasabay sina Mica at Basti na umuwi. Si Olivia naman ay laging overtime dahil naghahabol ng mga activities.
Bumisita kahapon si Sancho dahil birthday daw ng Lola nito. Sinundo lang niya ako at nilibre ng merienda bago nagpaalam sa akin na uuwi na rin ng Maynila. Mabuti na nga lang at mayroon akong kakilala na katulad niya.
"Nagmamadali pa naman si Sebastian kahapon sa pratice. Ewan ko kung nakita niyang may sumundo sa iyo." imporma ni Joanna sa akin.
Pero mukhang wala lang naman kay Sebastian dahil okay naman kami sa isa't isa. Mas naging malapit pa nga kami dahil kahit busy siya sa training ng Taekwondo at Mr. and Ms. Intrams, ay nagagawan pa rin niya ng oras na isingit ako sa mga iyon.
Katulad ngayon, maaga silang natapos sa training dahil mag-aayos pa ang mga school officer ng booths para sa intrams bukas. Sa susunod na araw pa kasi ang Mr. and Ms. Intrams, pero nakabalandra na sa harap ng gate ang naka tarpaulin na mukha ng mga kalahok. May botohan kasi ng Mr and Ms. Photogenic at alam kong sina Mica at Basti ang makakakuha nun. Si Senyora Tamara rin kasi ang tumulong kay Mica sa lahat ng kailangan nito.
Magmula sa isusuot nila sa school attire, sports attire, at formal attire. Lahat iyon ay bagong bili ng Senyora Tamara para sa dalawa. Hindi ko pa nga alam ang gown ni Mica pero knowing Senyora, sigurado ako na ipakikita nun ang ganda ni Micaela.
"Saan mo gustong kumain?" tanong sa akin ni Sebastian pagkalabas namin ng school.
"Libre mo ko?" tanong ko sa kanya tsaka ako nangunyapit sa braso niya.
Tinignan niya ako na malapit na malapit sa kanya bago naiiling na ngumiti, "Oo naman. Malapit na rin birthday mo kaya alam kong magpapalibre ka sa akin."
Malaki ang ngisi ko habang nakahawak sa kanya. Kapag malapit ako kay Sebastian, pakiramdam ko ay ligtas ako sa kahit anong kapahamakan. "Sa Jollibee!" masayang sabi ko sa kanya.
Naglalakad na kami palabas ng school. Nauna kasing umuwi si Mica kasabay niya sina Olivia at Kuya Leon. Samantalang ako ay naiwan pa saglit sa school dahil may pinatapos na gawain si Ma'am Nicolas sa akin.
"Kamukha mo na si Jollibee." pang-aasar niya sa akin.
Sumimangot naman ako sa kanya, "Palibhasa lagi kayong kumakain doon." sabi ko sa kanya.
Umiling siya sa akin, "Once a year lang, Charlotte. Mom prefers meal from restaurant over that fast food." sabi niya sa akin.
Ginagad ko naman siya habang kinakawayan ang mga nakikitang kakilala. "Lahat na lang kakilala mo." sabi pa niya ulit sa akin.
Huminto ako at tinulak siya, "Ang dami namang reklamo. Ayaw mo bang friendly ako sa iba? Maganda kaya na maraming friends." sabi ko naman sa kanya.
Napabuntong hininga siya sa akin bago ako muling hinila para akbayan naman tsaka kami muling naglakad. Para naman tuloy nagwawala ang dibdib ko sa ginawa niya. Sanay naman ako na inaakbayan niya pero parang hindi ko naman inaasahan na ganito.
"Maraming magkakagusto sa iyo kapag masyado kang friendly. Iniingatan lang kita, Charlotte." aniya.
"Edi maganda! Marami na akong magiging manliligaw. Ma experience ko man lang magkaroon ng jowa. Ang hirap kaya na hindi ka maganda." sabi ko pa sa kanya.
Napahinto naman siya at napatingin sa akin. "Seryoso ba yan?" tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya ng sunod-sunod. "Gusto ko rin magkaroon ng boyfriend. Kahit hindi naman gwapo basta mahal ako tapos loyal sa akin tapos masipag. Okay na ako doon." sagot ko sa kanya.
Alam ko naman na hindi ako agad makakahanap ng ganung klaseng tao. Alam ko rin kasi kung ano ang dinidikta ng puso ko ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko bang makahanap kaagad ng ganoon lalo na at alam kong gusto lang makita iyon kay Sebastian.
"Tumitingin ka pa sa iba, nandito lang naman ako." sabi naman niya sa akin bago hinawakan na lang ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Syempre hindi tayo talo. Mayaman ka tapos mahirap ako. Yung ganun? Parang sa mga drama?" humagikgik pa ako para lang itago yung tunay na emosyon ko. Ayokong mabasa niya ako dahil masyadong madali para kay Sebastian na malaman kung malungkot ako o hindi.
"Mga pinagsasabi mo, Charlotte. Ewan ko kung saan mo napupulot yan." naiiling na sabi niya sa akin.
Hindi na lang ako sumagot at tinignan ang magkahugpong naming kamay. Hindi naman kaila sa akin na ang alam sa school ay boyfriend ko si Sebastian. Kahit kasi anong paliwanag ang sabihin ko na magkaibigan lang kami ay hindi naman sila nakikinig. Hinayaan na lang namin tutal ay nakikinabang naman kaming pareho doon.
Pagkatapos akong ilibre ni Sebastian ay hinatid pa niya ako sa bahay namin. Wala pa ulit tao kung kaya nagawa kong maglinis ng bahay. Dahil wala namang pasok ng isang linggo ay wala kaming assignment na kailangan gawin.
Hindi ako umatin sa opening ng Intrams. Tumulong kasi ako kay Nanay sa pagtanggap ng labada ng mga kapitbahay. Kinabukasan pa naman ang competition nila Basti at Mica.
"Sigurado ka bang hindi ka kailangan sa eskwelahan, anak? Kaya ko naman ito." sabi ni Nanay sa akin habang nagpipiga ako ng mga damit.
Umiling ako sa kanya, "Hindi naman po. Isa pa, hindi rin naman po required na pumasok sa school."
Tumango naman si Nanay. Day off niya ngayon kaya imbes na magpahinga ay nagtatanggap siya ng labada. Malaking tulong din naman sa amin iyon. "Saan mo ba planong mag kolehiyo, Chari? Para mapaghandaan namin ng tatay mo."
Nag-angat ako ng tingin kay Nanay, "Kaya po bang makapag-aral ako sa Kolehiyo?"
Napahinto naman si Nanay sa ginagawa at tumingin sa akin. "Oo naman, anak. Igagapang namin ng Tatay mo ang pag-aaral mo kaya hindi ka dapat mag-alala."
Tipid na ngumiti ako kay Nanay, "Kahit sana po sa Velasquez na rin po. Kilala naman po kasi sa buong bayan ang school na iyon kaya madali na lang po sa akin na makahanap ng trabaho pag nagkataon."
"Titser di ba? Gusto mo maging maestra?" tanong ni Nanay sa akin.
Tumango ako sa kanya. Mula pagkabata ko pa lang ay gusto ko na talagang maging guro. Si Sebastian ay gustong maging Abogado naman. Si Micaela ay gustong maging Doktor naman. Marami kaming mga pangarap na tatlo pero iyon ang pinakagusto namin na makuha sa buhay.
"Hayaan mo anak, gagawin namin talaga ng tatay mo ang lahat para sa iyo." nakangiting sabi ni Nanay sa akin.
Nagkaroon naman ako ng kapayapaan sa sinabi niya na iyon. Para bang maabot ko talaga ang pangarap kong maging guro.
Kinabukasan ay nagpunta ako sa school ng bandang hapon, isinara ko na lang ang gulayan ni Nanay para naman makapunta ako. Alam naman niya ito. Nakita ko kaagad ang mga kaklase ko na nakahanap na agad ng upuan namin.
"Hindi ka pumasok kahapon?" tanong ni Roselle sa akin.
Umiling ako sa kanya, "Tumanggap kasi kami ng labada." Hindi naman din lingid sa kaalaman ng mayayaman kong kaklase na mahirap lang kami. "Kanina pa ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Hindi naman pero hindi pa rin namin nakikita sina Mica at Basti." sagot naman ni Bea.
"Baka nandyan na hindi pa lang talaga natin nakikita." sagot ko naman.
Inabutan naman nila ako ng pagkain habang tinitignan namin ang mga ibang kalahok sa pageant. Nagsimula na rin ang programa makalipas ang dalawampung minuto. Malakas ang palakpakan namin at hiyawan lalo na at pagkakita namin kay Micaela at Sebastian.
School uniform ang unang attire at talagang nagbago ang itsura nilang dalawa lalo na si Mica. Straight na parang blinow dry ang buhok ni Micaela, may suot din siyang head band na mukhang mamahalin. Bago rin ang uniform niya at sapatos. Lahat iyon ay alam kong bigay ni Senyora Tamara sa kanila.
Napakagaling nilang rumampa at talagang ang mga mata nila ay naka focus lang sa hurado. Sigurado akong pinaghandaan nila itong mabuti dahil noong practice ay hindi sila ganun kagaling sa pagrampa.
Mas natalbugan ni Micaela ang mga nasa 2nd year hanggang 4th year sa pagrampa niya.
"Magandang hapon sa inyong lahat! Ako po si Micaela Soleil Alfonso, mula sa unang taon pangkat isa!" pakilala ni Mica sa sarili niya. Walang kaba o takot akong narinig sa boses niya.
Malakas ang palakpak at sigaw ko pati na rin ang ibang lalaki na naroon. "Go, Mica!" sabay-sabay na sigaw naming lahat.
Sumunod naman ay si Sebastian ang nagpakilala. Alam ko na hindi siya komportable sa pageant na ito pero mabuti na nga lang at napapayag ko siya. "Sebastian Theodore Velasquez, unang taon pangkat isa." pakilala naman ni Basti sa sarili niya.
"Sebastian!" malakas na tawag ko sa kanya at palakpak. Dumako naman ang mata niya sa akin kaya mas lumaki ang ngiti ko sa kanya.
"Boss Sebastian! Boss Sebastian!" sabay-sabay na sigaw naman ng boys na kaklase namin.
Mayroon pa silang naging posing dalawa na nagpasigaw sa lahat. Nakahawak si Basti sa bewang ni Micaela habang nakatalikod si Mica sa kanya. Hinaplos naman ni Mica ang pisngi ni Sebastian. Hindi ko naman napaghandaan iyon dahil sobrang lapit nilang dalawa.
Alam kong competition lang iyon at hindi ako dapat mainis or what. Pinili kong maging positibo at masaya habang pinanonood silang dalawa.
Ang sumunod ay sports attire naman. Epic ang naging entrance nila Mica at Sebastian dahil hindi sila sa stage nanggaling kung hindi sa likuran. Equestrianne, ang napili nilang sports. Nakasakay pa sila sa kabayo na tiyak na pagmamay-ari ng mga Velasquez. Malakas ang hiyawan at palakpakan dahil nakaya nilang pagalawin ang mga kabayo. Sa kulay puting kabayo nakasakay si Mica habang sa kulay abo naman si Basti.
Ang ganda rin ng kasuotan nilang dalawa at tiyak akong sila ang makakakuha sa part na ito. Ang ganda-ganda at ang galing-galing nilang dalawa!
Pagdating sa casual ay sila ulit ang unang rumampa, mabagal ang bawat kilos nila. Nakapusod na parang prinsesa si Micaela at ang suot niya ay isang ball gown na ombre ang kulay, off shoulder ito na kulay asul pataas. May maliit na korona siya na talagang napagtingkad sa ganda niya.
Mabagal at pino ang kilos ni Micaela, lutang na lutang ang ganda niya at aaminin ko na tama pa rin ang desisyon ng section namin na siya ang piliin na sumali.
Ang sumunod naman ay si Sebastian, katulad ng suot ni Micaela ay asul din ang kanyang damit. Pormal na pormal at parang modelo siya kung kumilos. Habang sinusundan ko ng tingin ang paglakad niya ay hindi ko maalis sa sarili ko na mas humanga sa kanya.
Humanga hindi bilang kaibigan kung hindi higit pa roon.
Animo'y modelo na lumabas sa magazine ang kanyang itsura kaya hindi ko masisisi ang mga katabi ko kung kinikilig sila kay Basti.
Sila ang alam kong nakakaangat lalo na at nakita ko ang suot ng lahat ng kandidata, sila lang ang kakaiba. Kung ako kaya ang kasali, ganun ko rin kaya paghahandaan ang pageant?
Nagsimula ang question and answer at ang unang tinanong ay sina Micaela at Sebastian.
"Para sa iyo, ano ang mahalaga? Pag-aaral o pag-ibig?" ang tanong kay Mica.
Ngumiti naman si Mica bago tinanggap ang mikropono. "Maraming salamat po sa katanungan na iyan. Para sa akin, ang pag-aaral ang pinakaimportante sa lahat. Katulad kong lumaki na salat sa maraming bagay ay mas mahalaga na makatapos ako ng aking pag-aaral upang makatulong ako sa aking mga magulang. HIgit pa doon ay alam iyon ang tanging maipapamana ng aking mga magulang na kahit kailan ay hindi mawawala. Ang pag-ibig ay nariyan lamang sa isang tabi at makapaghihintay kung kailan ako handang umibig na. Marami pong salamat." sagot ni Mica.
Ako ang nanguna sa malakas na pagpalakpak, tumayo pa ako sa upuan ko para lang isigaw ang pangalan niya. "Kaibigan ko yan! Go, Mic-Mic!"
"Napakagandang sagot naman iyon. Now, let's go with Mr. Sebastian Velasquez, please choose your question." pinahugot ito mula sa papel na nasa loob ng fish bowl.
"Ang iyong katanungan, kung bibigyan ka ng pagkakataon na umamin sa taong hinahangaan mo ngunit alam mong may prayoridad pa siya sa buhay. Ano ang gusto mong sabihin?"
Napa-oh naman ang lahat ng nakikinig sa tanong na nabunot ni Basti. Tinanggap naman nito ang mikropono at hinanap ako sa crowd. Nang makita niya ako ay kumaway ako sa kanya para bigyan siya ng lakas.
"Mahal ko, sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo kitang minamahal. Wala akong plano na agawin ang mundo sa iyo dahil ikaw ang mundo ko. Hindi rin ako nandito para nakawin ang pangarap mo, dahil ikaw ang pangarap ko. Kapag handa ka na, tandaan mo na nasa likuran mo lang at naghihintay lagi para sa iyo." sagot niya.
Malakas ang sigawan at palakpakan sa sinabi niya. Kilig na kilig naman ang mga babae samantalang ako ay parang hindi mapakali sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin at pagkakasabi nun.
Para sa akin ba iyon o kinukuhaan lang niya ako ng lakas? Hindi ko na alam. Wala na akong ideya talaga.
Sila rin ang nanalo sa pageant na iyon. Halos lahat ng major at minor awards ay nakuha ng section namin. Masayang-masaya ako lalo na at nung umakyat kami sa stage para batiin sila. Una kong niyakap si Micaela na halos naiiyak sa sobrang tuwa.
"Ang galing-galing mo!" sabi ko sa kanya habang nakayakap ako ng mahigpit.
"Talaga ba? Kinabahan ako, Chari. Mabuti na lang at nandyan kayo. Salamat!" umiiyak na sabi nito. Lumayo ako sa kanya at pinunasan ang luha niya.
"You did well, girl. Ang galing mo talaga!" masayang sabi ko.
May sasabihin pa sana ako kay Mica ng higitin naman ako ni Basti kaya napunta ako sa kanya. He opened his arms kaya tinalon ko siya ng yakap. Ang malakas na t***k ng puso ko ay hindi ko maikaila ngayon.
"Congrats, Basti! Ang galing-galing mo!" tinapik ko pa ang likuran niya dahil mahigpit din ang pagkakayakap niya sa akin.
"Ang gwapo-gwapo mo ngayon. Lahat na ata may crush sa iyo." dagdag ko pa. I heard him chuckle bago siya nagsalita.
"Thank you, Chari. You are my inspiration." bulong naman niya sa akin bago ako binitawan.
Tinapik ko naman siya at nginitian. "Sus, anything for you, Basti. Ikaw pa ba?" masayang sabi ko sa kanya.
Hanggang ngayon ay pinapakalma ko pa rin ang malakas na t***k ng puso ko lalo na at nakatingin ako sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero mukhang mahal ko na talaga siya. Mahal hindi bilang kaibigan.