10

3273 Words
Naligo muna si Sebastian kaya hinintay ko pa siyang matapos. Dumiretso ako sa may pool area nila dahil mag-uusap daw kaming dalawa. Ayoko naman sanang magtagal pa dito baka mamaya gumising na ang mga ate niya. Masyado pa naman ang mga iyon. Pinagmamasdan ko lang ang napakalaking swimming pool nila ng maramdaman ko na ang presensya niya sa tabi ko. Amoy na amoy ko kasi ang pabango niya at alam kong siya iyon.  Umurong ako papalayo para hindi kami masyadong magkatabi. Mahirap na, marinig pa niya yung malakas na t***k ng puso ko. "I'm sorry." aniya.  "I'm a jerk for making you believe all those lies. Wala kaming relasyon ni Mica, Charlotte." paliwanag pa niya sa akin. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa sa sinabi niya o mas lalong maasar. Hindi ko na rin alam tuloy kung ano nga ba ang totoo sa hindi. Nanatiling tahimik ako habang siya ang nagsasalita.  "I can't explain everything to you kung bakit ko ginawa iyon. Kung bakit namin ginawa ni Mica iyon. Isa lang ang sigurado sa akin ngayon... ayokong malayo pa sa iyo ulit." anito. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin.  Humugot ako ng malalim na buntong hininga habang nakatanaw pa rin sa napakalaking pool nila. Ang laki ng pool nila ay ang sukat na mismo ng buong bahay namin. Napalaki ng agwat namin sa buhay dalawa. Halos wala na rin akong ideya kung kailan kami nagsimulang naging magkaibigan. Ang malinaw lang sa akin ay gumigising ako kada araw na alam kong nandyan siya para sa akin. "Mica wants to say sorry as well. Kaya nga gusto ka naming kausapin. I hope you could forgive us. We don't want to play your feelings. Talagang hindi lang ngayon ang tamang oras para ipaliwanag ko sa iyo ang lahat." dagdag pa nito.  Hindi pa rin ako kumibo at hinayaan lang siya na magsalita.  Mas mabuting mapakinggan ko muna siya bago ako magsalita. Ang hindi lang malinaw sa akin ay ang sinasabi niya na hindi pa ngayon ang oras para magpaliwanag siya. Akala ko ba magkaibigan kami? Bakit hindi niya kayang i-open up sa akin iyon. "Please say something, Charlotte. Hindi ko mabasa yung nasa utak mo.  Kung gusto mo akong suntukin, gawin mo. Basta't patawarin mo lang kami ni Micaela." anito pa. "Nakakasama lang kasi ng loob. Kahit kailan wala akong nilihim sa iyo, Sebastian. Maiintindihan ko naman kung kayo na ni Micaela. Unang-una ako na magiging masaya para sa inyo. Kaya lang yung marinig iyon sa iba, parang hindi naman tama. Lagi kayong dumadalaw dalawa sa akin noon sa ospital. Nabanggit niyo man lang naman sana sa akin ang tungkol sa inyo." sabi ko sa kanya.  Hindi ko pa rin siya nililingon dahil alam kong nakatingin pa rin siyang mabuti sa akin. "Para kasing nag-iba kayo ni Mica pagdating ko. Nawala lang naman ako saglit." may himig tampo ang boses ko.  Hinawakan ako ni Sebastian sa braso at pwersahang pinalingon sa kanya. Wala naman akong nagawa kung hindi titigan siya. Ngayon ay mas naging klaro para sa akin ang malakas na t***k ng puso ko. Alam kong hindi normal ito lalo na at sa katulad niya na kaibigan ko pa.  Hindi rin ako walang alam para hindi malaman ang dahilan kung bakit sa mga nakalipas na linggo ay nasasaktan ako. Sadyang hindi ko lang maamin sa sarili ko, hindi ko lang matanggap kaagad. Nagugustuhan ko na rin si Sebastian. Bawal.  Alam ko iyon. Hindi kami kahit kailan pwedeng magkaroon ng kaugnayan na higit pa sa pagiging magkaibigan. Ayokong mawala ang pinaghirapan namin ng napakaraming taon dahil lang sa pagkakagusto ko sa kanya. "I'm sorry, Charlotte. I really do. Patawarin mo sana kami.  Hindi namin sinasadya na masaktan ka o ano pa man."  Kitang-kita ko sa mukha ni Sebastian ang sakit.  Marahang tumango ako sa kanya, "Basta huwag niyo na lang uulitin ni Mica iyon. Ayokong may nakakaaway o nakakasamaan ng loob, Seb. Alam kong alam mo iyon. " paliwanag ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin bago ako hinila para mayakap. Mas lalo tuloy lumakas ang t***k ng puso ko sa ginawa niya. Pero para hindi niya mahalata ay marahan ko siyang tinapik sa likuran niya. "Uuwi na ako. Kailangan ko pang labhan yung mga uniform ko."  sabi ko sa kanya.  Binitiwan niya ako para lang matitigan ulit. He pinned my lose hair behind my air bago tumango sa akin. "I'll see you on Monday." sabi niya sa akin. Tipid na ngumiti lang ako bago tumayo at nagpaalam na kay Nanay na uuwi. Umalis na rin kasi si Tatay para naman samahan na ang Senyora sa Maynila. "Eto na kainin mo sa tanghalian ah. Ako na lang maglalaba bukas para makapag-aral ka." sabi pa ni Nanay sa akin pagkaabot ng dalawang maliit na tupperware sa akin. Umiling ako sa kanya. "Kaya ko naman po. Para mabuksan naman natin yung gulayan mo po bukas." sagot ko naman sa kanya.  Inayos ni Nanay ang buhok ko tsaka tumango sa akin. "Mag-iingat ka sa pag-uwi mo, Chari. Baka gabihin kami ng Tatay mo ah." saad pa niya. "Wala pong kaso, Nay. Mag-ingat po kayo ni Tatay." tsaka ako umalis para makauwi na.  Mabuti na lamang at wala pa ang tatlong Senyorita kaya hindi ako nakita. Alam ko naman na ayaw na ayaw nila sa akin sa hindi ko malamang dahilan.  Naglakad ako pauwi hanggang makarating ako sa bahay. Doon ay nakita ko naman si Mica na nag-aabang sa may gate. Napatuwid siya ng ayos pagkakita sa akin. Malungkot pa rin ang mukha nito.  Lumapit ako sa kanya, "Andito ka pala. Sorry, kararating ko lang." sabi ko sa kanya habang binubuksan ang maliit na gate na yari sa kahoy.  Umiling sa akin si Mica. "Ayos lang. Gusto kasi talaga kitang makausap, Chari. Hindi na kasi talaga kaya ng konsensya ko." malungkot na sabi niya sa akin.  "Pasok ka na muna. Sa loob na tayo mag-usap." imbita ko sa kanya bago naunang pumasok. Sumunod naman siya sa akin kaya ito na rin ang nagsarado ng gate. Binuksan ko muna ang maliit na electric fan bago ako naupo sa tapat niya. Sa kawayan na sofa siya nakaupo. "Gusto mo ba ng maiinom?" tanong ko sa kanya.  Sunod-sunod ang naging pag-iling niya sa tanong ko. "Mag-usap tayo, Chari. Hayaan mong magpaliwanag ako." halos nagmamakaawa na ang boses niya.  Malungkot ang magandang mukha ni Mica, ayoko namang ma stress siya lalo na at malapit na ang kompetisyon ng Mr. and Ms. Intrams. Kailangan nilang mag focus doon ni Sebastian. "Nakausap ko na si Sebastian bago ako umuwi. Nagkamali ako na nagalit sa inyong dalawa. Patawarin mo rin ako, Mica. Masyado lang akong nagulat sa lahat." umpisa ko.  Tumayo siya at naglakad sa tapat ko. "Hindi. I'm sorry din, Chari. Sinunod ko lang naman si Sebastian kasi kaibigan ko rin siya at ikaw. Isa pa, hindi naman namin akala na aabot sa ganito. Pero sa maniwala ka at hindi, wala akong gusto sa kanya, Chari. Wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng relasyon. " paliwanag niya sa akin. Tipid na tumango ako sa kanya, "Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ka pumayag sa kagustuhan ni Sebastian."  Bahagya siyang yumuko at nilaro ang daliri bago nag-angat ulit ng tingin sa akin. "Sinuklian ko lang yung kabutihan niya. Tinulungan niya kasi ako na makahanap ng sideline. Nirekomenda niya ako na magtuturo kay Olivia ng Filipino. Hindi ko naman matanggihan dahil kailangan ko rin ng pera lalo na at panggastos din sa contest. Sorry talaga, Chari. Hindi ko kaagad nasabi sa iyo kasi nahihiya ako." mahabang eksplenasyon niya.  Humugot ako ng malalim na buntong hininga at inabot ang kamay niya para hawakan. "Kung iniisip mong magagalit ako sa pagtanggap mo sa offer kay Olivia, hindi. Deserve mo rin iyon, Mica. Pasensya na rin talaga at nagalit ako sa inyong dalawa." sabi ko pa ulit sa kanya.  Nakita ko na ang pagbagsak ng luha ni Mica kaya niyakap ko siya. Kumpara sa aming dalawa ay mas iyakin si Micaela. Masyado kasi siyang mabait kaya ganun. Gusto ko nga rin siya maturuan na lumaban kaya lang hindi bagay sa katauhan niya.  Masyado kasi siyang anghel para doon.  "Sorry talaga, Chari. Sana maniwala kang hindi ko gusto si Sebastian at wala rin siyang gusto sa akin. Wala kaming relasyong dalawa." humihikbi pa nitong sabi sa akin. Natawa naman ako at marahang hinagod ang likod niya. "Ayos lang iyon. Sorry din, masyado akong advance mag-isip." saad ko naman sa kanya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha niya, "Sige na. Puntahan mo na si Olivia. Baka hinihintay ka na niya."  Tumango naman si Mica habang pinupunasan pa rin ang luha sa mukha. Nagpaalam siya sa akin pagkaraan kaya naiwan na akong mag-isa. May mali rin naman ako sa mga nangyari. Hindi ko dapat pinilit yung mga hinala ko. Hindi naman totoo, nakasakit tuloy ako. Ayoko naman silang masaktang dalawa.  Mabilis na lumipas ang araw na iyon sa akin. Maaga rin akong natulog dahil sa sobrang pagod pero nagising na lang ako sa mahina pero galit na boses ni Nanay. Dahil yari lang sa kawayan ang pintuan ng kwarto ko ay narinig ko silang dalawa ni Tatay.  "Saan mo ba kasi naririnig ang balitang yan, Elena? Hindi nga totoo iyon!" galit na sagot ni Tatay kay Nanay.  Lumakas ang t***k ng dibdib ko. Unang beses nilang nagtalo na dalawa, hindi ako sanay na nag-aaway sila. Gusto kong lumabas para itanong kung ano ang nangyayari pero naunahan ako ng kagustuhan na pakinggan ang pinag-uusapan nila. "Usap-usapan sa mansyon, Frederico! Hindi ka ba nahihiya sa anak mo? Kahit kay Chari na lang kung may katiting ka pang hiya na nararamdaman!" sumbat naman ni Nanay. Kumunot ang noo ko habang pinakikinggan silang dalawa. Ano ba ang nangyayari? Ano ang usapan sa mansyon? "Wala nga kaming relasyon ng Senyora! Mahiya ka naman, Elena! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi totoo iyong balita na iyon." sagot naman ni Tatay.  Halos manlamig ako sa napakinggan ko. Ang Senyora at Tatay? Imposible naman iyon. Hindi magagawang magtaksil ng Tatay kay Nanay. Saksi ako kung gaano nila kamahal ang isa't isa. "Sige. Paano mo papatunayan yung mga litrato na dinala ng Senyorita Miranda kanina? Napahiya ako, Frederico. Sa harap ng kaibigan ng Senyorita Agatha, pinamukha niya sa akin na may relasyon kayo ng Senyora Tamara!" bakas sa boses ni Nanay ang galit, lungkot, at kung ano-ano pa.  Samantala para namang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba at takot. Naguguluhan ako sa mga naririnig ko.  "Tinulungan ko ang Senyora na buhatin siya dahil natapilok. Anong gusto mong gawin ko? Hayaang gumapang ang Senyora? Ano ba iyan, Elena!"  ganti naman ng Tatay. Sumunod kong narinig ay ang iyak ni Nanay. "Hiyang-hiya ako, Frederico. Hindi ko gusto yung nangyari kanina. Ayokong nagiging usap-usapan ang anak natin sa mansyon. Andami kong naririnig na masasakit na salita, kakayanin ko naman basta't huwag idamay ang anak natin." Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Nanay o ni Tatay. Mas naririnig ko kasi ang kalabog ng dibdib ko kaysa sa kung ano pa man. Nalilito ako sa sinabi ni Nanay. Gusto kong malinawan.  Sumapit ang kinabukasan, sinabi sa akin ni Nanay na hindi muna kami magtitinda dahil magsisimba raw kami nila Tatay. Parang walang nangyari sa kanila dahil ang lambing-lambing pa nila sa isa't isa. "Bakit kaya hindi tayo magpakuha ng larawan?" masayang tanong ni Tatay matapos naming magsimba. Papunta kami sa isang fast food chain na gustong-gusto ko kainan. "Oo nga. Tutal ay kumpleto tayo at para may maisabit akong larawan natin sa salas. Ano sa tingin mo, Chari?" tanong naman sa akin ni Nanay. Matipid akong ngumiti at tumango sa kanilang dalawa. "Magandang ideya po yan."  sagot ko naman sa kanila. Imbes na pumunta kami sa kainan ay dumiretso muna kami sa isang photo studio. "Pagkatapos natin magpakuha ay kumain naman tayo. Tsaka bilhan natin ng damit si Chari. Ano sa tingin mo, Nay?" tanong ni Tatay. "Sige. Sakto naman siguro na pagkatapos tayong makunan ay makukuha na natin ang picture natin." sagot naman ni Nanay. Nakikita ko silang masayang dalawa pero alam kong may problema pa rin. Gusto kong magtanong na kaagad pero habang nakikita ko silang masaya ay nauumid ang dila ko. "Magkano ba kapag may frame? Gusto sana namin ng family picture, tapos solo ng anak namin at larawan naming mag-asawa." tanong ng Tatay sa staff ng studio. Nag compute naman ang staff bago pinakita sa amin ang halaga. Malaki. Masyadong mahal. Hinugot naman kaagad ni Tatay ang pitaka niya at binayaran iyon sa staff. "Dito na po tayo sa loob. Pwede po kayong mag-ayos panandalian para kapag ready na po kayo, simulan po natin." sabi naman ng staff. "Salamat!" ani ni Nanay.  Hinila agad ako ni Nanay at sinuklay ang itim kong buhok, nilagay naman niya ang clip sa buhok ko. Pinaglagay din niya ako ng pulbo at nilagyan ng pampapula sa labi. "Natural na maganda ka na anak pero mas maganda ka pa dapat. Sandali, may gunting ba sila dito para lagyan kita ng bangs." sabi ni Nanay at lumabas para manghiram siguro ng gunting. Magaling din kasing manggugupit ng buhok ang Nanay. Kung hindi pagtitinda ng gulay ay naggugupit siya sa mga kapitbahay namin.  Naiwan tuloy kami ni Tatay na inaayos ang suot na puting polo shirt. Nilingon niya ako at nginitian. "Ang ganda-ganda mo talaga, anak." sabi ni Tatay sa akin.  Gusto ko na siyang tanungin. Gustong-gusto pero ayokong sirain ang araw na ito namin. Makapaghihintay naman siguro ang tanong ko.  Bumalik si Nanay na may dalang gunting at suklay. Inayos niya ang buhok ko para lagyan ng bangs. Nagkaroon tuloy ako ng instant na bangs.  "Ayan! Mas maganda ka na anak!" niyakap pa ako nang mahigpit ni Nanay habang nakaharap sa salamin.  Ako ang unang kinuhaan ng larawan habang nasa likod sila ng photographer. Nakangiti pareho sa akin habang pinapakita ng kumuha ng larawan ang itsura ko. Hindi naman ako sanay mag posing kaya tinuruan pa ako.  Nakapili sila Nanay at Tatay ng isang close up portrait ko. Iyon daw ang ipapalagay sa frame. "Ang ganda-ganda naman po ng anak ninyo, Ma'am at Sir. Pwede rin ba namin gamitin ang picture niya na ito para display  namin?" tanong ng photographer. "Walang kaso sa akin. Mabuti nga iyon at makilala ng lahat ang ganda ng anak namin." nakangiting sabi ni Nanay.  Hindi na rin naman ako pumalag habang ang sumunod na kinunan ay sila naman ni Tatay. Ang sweet nila habang kinukuhaan sila ng larawan, halos magkayakap pa nga silang dalawa. Napili nila ang picture na kung saan nakatayo sa likuran ni Nanay si Tatay, tapos nakaupo naman si Nanay.  Sumunod naman ay ang family picture naming tatlo. Aaminin ko, hindi maitago ang saya sa puso ko habang kasama ko silang dalawa. Pakiramdam ko ay punong-puno ako ng pagmamahal. Ang nakayakap silang dalawa sa akin ang napiling larawan namin.  Iniwan namin iyon sa studio dahil isang oras pa raw ang proseso, sakto para makakain at makaikot kami sa tiyangge. Bumili ng maraming pagkain si Tatay para sa amin at para akong bata kung pagsilbihan nilang dalawa. Natatawa na nga lang ako habang nagkukwentuhan sila ng nakakatawang dalawa.  Ngayong araw ay isinantabi ko lahat ng narinig ko. May tiwala ako sa mga magulang ko na nasolusyunan na nilang dalawa ang hindi nila pagkakaintindihan. Matapos kumain ay may ipinabalot namin ang sobra para naman may makain kami pag-uwi. Dumaan din kami sa tiyangge kung saan may mga nagbebenta ng bagong damit.  "Eto, anak, bagay na bagay sa iyo." iniladlad sa akin ni Nanay ang isang bestidang pink.  "Hindi ko naman po kailangan ito, Nay." sabi ko sa kanya. Umiling sa akin si Nanay. "Kailangan mo ito. Sa birthday mo, isuot mo ito dahil maghahanda tayo. Katorse ka na nun, anak. Dalaga ka na." ani pa ni Nanay bago ako tinalikuran at inabot iyon sa tindera at binayaran. Binilhan din nila ako ng gamit ko sa eskwela. Baka raw kasi kailanganin ko, mas mabuti na raw na mayroon kaysa wala. Pumayag na lang din ako dahil mga kakailanganin ko nga rin naman iyon. Binilhan din nila ako ng maliit na bag, lalagyan daw ng mga aklat ko kapag iuuwi ko tsaka payong na rin. "Ang dami na po. Tama na po!" awat ko sa kanila dahil plano pa nilang bumili ng kung ano para sa akin. "Pambili na lang po natin ng bigas at ulam iyong pera. Sobra-sobra na po ito." sabi ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sina Nanay at Tatay bago tumango sa akin. Si Tatay ang nagbitbit ng lahat ng pinamili namin. Diretso na rin sa pamamalengke si Nanay at bumili ng mga uulamin namin.  "Ibinigay ng Senyora Tamara ang dating ref nila sa atin. Yung maliit. Bumili kasi sila ng bago, anak. Kukunin namin ng Tatay mo mamaya sa mansyon iyon." imporma sa akin ni Nanay habang namimili ng mga hotdog at kung ano pa na kailangan ang ref. "Talaga po?" masayang tanong ko sa kanila. "Oo, anak. Ganun kabait ang Senyor at Senyora sa atin." sagot naman ni Tatay. Nag-angat ng tingin si Nanay dito bago nagbaba ng tingin sa akin at tumango. "Mag grocery din tayo. Mag tricycle na lang tayo pag-uwi." sabi ni Nanay. Nangyari nga ang gusto ni Nanay, nag grocery kami. Unang beses kong makapasok sa ganito dahil madalas ay si Nanay lamang ang namimili na mag-isa. Dalawang karton ang napamili namin. Hindi ko rin alam kung saan galing ang pera nila pero hindi na ako nagtanong pa.  "Ako na ang kukuha ng picture natin. Balikan ko kayo dito kaagad." sabi ni Tatay sa amin.  Tumango naman si Nanay kaya naiwan kami sa waiting shed na malapit sa sakayan ng tricycle.  "Masaya ka ba ngayon, anak?" tanong ni Nanay sa akin.  Tumango naman ako sa kanya. "Masayang-masaya po. Kayo po ba, Nay?" tanong ko sa kanya. Hinaplos ni Nanay ang buhok ko, "Masayang-masaya rin ako, anak."  Ngumiti naman ako sa kanya dahil hindi pa rin hinihiwalay ni Nanay ang tingin niya sa akin. Ilang sandali pa ay lumuluha na siya at bigla na lang akong niyakap. "Nay?" nag-aalalang tawag ko sa kanya. "Masaya ang ako, anak. Basta't tatandaan mo lagi, Chari. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo at iyon lang ang paniniwalaan mo. Huwag kang makikinig sa mga sabi-sabi ng ibang tao." umiiyak na sabi pa niya ulit sa akin. "Nay, may problema po ba?" tanong ko sa kanya.  Bumitaw ng pagkakayakap sa akin si Nanay bago umiling. Pinunasan nito ang luha nito sa mukha habang nakatingin sa akin. "Wala, anak. Wala." anito pa. "Andito lang po ako lagi, nay. Kapag gusto niyo pong huminga, andito lang ako." sabi ko sa kanya.  Tumango siya sa akin at hinalikan ako sa ulo.  Dahil sa ayaw kong masira ang araw na ito ay mas pinili kong manahimik na lamang.  Pagbalik ni Tatay ay sumakay kami kaagad sa tricycle. Ang dami naming dala kaya kahit ako ay nagbitbit na rin ng mga pinamili namin. Umalis din naman kaagad silang dalawa dahil kukunin nila ang ref mula sa mansyon. Halos kalahating oras din ang tinagal bago sila bumalik. Dala ni Tatay ang isa sa sasakyan ng mga Velasquez dahil nakalulan doon ang ref.  Tinulungan ko naman si Nanay na mag-ayos ng mga pinamili namin.  Isinabit din niya sa dingding ng bahay ang family picture namin habang ang dalawang naka frame pa na larawan ay nasa ibabaw ng mesa sa gilid ng sofa. Kahit ngayong gabi lang ay mas pinili kong maging masaya at payapa kasama ang pamilya ko. Huwag na sana maulit pa ang nangyari kagabi. Kahit wala na lang kasagutan yung mga narinig ko, basta't huwag na silang mag-away pa ulit dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD