Three

1074 Words
Chapter: three Nakakapasok naman sa loob ng opisina ng big boss si Olivia noon. Pero mula nang magpalit ng may-ari ang club, hindi pa nakakabalik dito si Olivia. Kaya ito ang unang beses na papasok siya na si Achilles na ang nag-oopisina sa lugar na ito. Hindi lang iyon, alam kasi ni Olivia na ipina-renovate ang opisina ng kanilang boss. Kaya alam niyang nabago na ang style ng lugar. Kaya ganoon na lang ang gulat ni Olivia nang makita ang opisina ng binata. Napa-cozy ng lugar na parang aakalain mong nasa loob ka lang ng bahay. Mukhang living room kasi ang lugar, na sa unang tingin mo pa lang aakalain mo talagang nasa bahay ka lang at hindi sa isang opisina. Masasabi mo lang na opisina ang lugar na ito dahil sa office table na nasa may sulok pa nga. “Glad you make it,” ani Achilles. Ang chill lang nitong tignan, habang nakaupo sa may sofa at nanonood ng TV. Parang gustong matawa ni Olivia sa nakita, at this hour, nanonood pa kasi ng TV si Achilles, at nakakatuwa lang na makita na pangbata ang pinapanood nito. Tom and Jerry ang palabas, where in Tom the cats was running after Jerry the mouse. Olivia doesn’t remember when the last time she had these kind of relaxation was. Iyong walang ibang iisipin na problema sa buhay, iyong mauupo lang saka manonood ng TV. “Sorry about this,” parang nahihiya na saad ng binata. Napansin marahil na nakatingin si Olivia sa TV ng pumasok na ito sa loob ng opisina. “Have a seat,” aya ng binata na agad namang ginawa ni Olivia. “Do you want anything? Juice—” “Ach, at this point gusto ko na lang matulog.” Pag-amin ni Olivia sa totoong gusto nito. Sabay na natawa ang dalawa, kahit papaano magaan ang pakiramdam ni Olivia na kasama si Achilles. Naupo ang dalaga sa pang-isaan na sofa, sa gawing kanan ng binata na madyo may kalayuan sa kinauupuan naman nito. Katahimikan ang sunod na namayapa sa paligid nilang dalawa. Mukhang walang gustong maunang magsalita sa kaniya, tanging ang tunog na nanggagaling sa TV ang ingay na maririnig sa loob ng opisina. “If you don’t mind too, pwede ko na bang malaman kung ano ang pag-uusapan na’tin? I’m kind a sleepy and tired, gusto ko na talagang matulog.” Ani Olivia nang hindi pa nagsalita si Achilles. Huminga nang malalim si Achilles habang nakatingin sa dalaga. Nakakaramdam ng pagkailang si Olivia sa paraan nang pagtitig ng kaniyang boss. Ngunit hindi na lang niya ito ipinahalata sa binata, at nakipagtitigan din siya rito. Habang nakikipagtitigan si Olivia sa binata saka niya lang napansin na malalim at nangingitim ang ilalim ng mga mata ni Achilles. Parang antok na antok na ito na para pa ngang ilang araw nang walang tulog. Malamlam na ang pagkakabukas ng mga mata nito na parang hirap na hirap na sa puyat pero hindi pa rin makatulog. May ilang minuto rin silang nagkatitigan na dalawa, hanggang sa si Achilles na rin ang unang umiwas nang tingin saka ito nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Pabaksak itong sumandal sa kinauupuan nito na parang pagod na pagod na talaga. Mariin pa itong napapikit na mukhang problemadong-problemado. Pasan ang buong daigdig ang peg ng lolo niyo. Naisaisip ni Olivia habang tinititigan ang kaniyang boss. “May problema po ba, Boss?” nagtatakang tanong ni Olivia. She may also sound worried to her boss as she asked him. “Ach, Olivia, Ach,” pagtatama naman ng lalaki. Hindi naman sumagot si Olivia, tanging pagtitig na lang ang kaniyang nagawa sa binata habang hindi pa rin ito nagmumulat ng mga mata. Nang ilang minuto na naman ang lumipas na hindi pa rin nagsasalita ang kaniyang amo, higit sa lahat hindi pa rin nagmumulat ng mga mata ang binata. Nilingon na ni Olivia ang orasan, its three in the morning already. Nang muling balingan ni Olivia ang amo, ganoon pa rin ito, nakapikit at nakasandal sa kinauupuan. But unlike before, na mariin itong nakapikit, ngayon payapa na ang mukha nito. Hindi na rin mariin ang pagkakapikit ng mga mata na parang relax na itong nakapikit at biglang nawala ang mga agam-agam nito. Hindi kaya nakatulog na ito? Naghintay pa muna ng ilang minuto si Olivia, pinakatitigan ang binata hanggang sa nagpasya na siyang tumayo at lapitan ang binata. Nagdadalawang isip si Olivia kung ano ba ang gagawin niyang sunod. Basta nakatitig siya sa binata habang nilalapitan niya ito. Dahan-dahan pa nga siyang naglalakad palapit dito at ingat na huwag gumawa ng ingay. At nang makalapit na nang tuluyan ang dalaga, nakumpirma niyang nakatulog nga talaga ang kaniyang boss. Mukhang pagod at puyat talaga ang binata dahil sa ang bilis nitong nakatulog samantalang wala pa ngang kalahating oras siyang nasa loob ng opisina nito. “Lintik na ‘yan, kakausapin daw ako pero tinulugan naman ako,” bulong ni Olivia sa sarili niya habang nakatayo sa tapat ng amo. Gusto na rin namang matulog ni Olivia, bukod kasi sa pagtatrabaho sa gabi, nag-aaral din siya sa umaga. Kaya pagod na pagod na talaga siya. Kaya nakakaramdam siya ng pagkainis sa amo niyang tinulugan talaga siya. Huminga nang malalim si Olivia, nagpasya siyang gisingin na ang amo at nang makapagpaalam na siyang uuwi na lang. naisip kasi niyang bukas na lang nila pag-usapan ang lahat kung anoman ang kanilang pag-uusapan. Mukhang parehas naman nilang kailangan na magpahinga dahil parehas silang pagod. Marahan na niyugyog ni Olivia ang balikat ni Achilles, at mukhang hindi naman malalim ang pagkakatulog ng binata. Agad na nagmulat ang mga mata nito, at dahil sa malapit lang si Olivia sa binata, kitang-kita niya ang pamumula ng mga mata nito. “I’m sorry,” anito nang mukhang nagulat. Bigla namang nawala ang inis ni Olivia, ang cute naman kasing tignan ng kaniyang amo. Para kasing bata na naliligaw ang boss ni Olivia. Sa paningin ni Olivia, parang baby na nanghihingi ng candy si Achilles. So innocent yet don’t look at his body, kasi walang sign na inosente ang katawan ng lalaki. “Uuwi na ako, Boss. Bukas na lang na’tin pag-usapan ang kung anong sasabihin mo sa akin kasi—” Hindi na naituloy pa ni Olivia ang sasabihin niya nang bigla na lang bumuka ang bibig ng binata at sabihin ang mga salitang hindi inaasahan ni Olivia na sasabihin sa kaniya ng amo “Sleep with me, Olivia.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD