Two

1139 Words
Chapter: two Maagang pumasok sa trabaho si Olivia, may tanggap kasing bachelor’s party ang club at kailangan niyang maghanda para roon. Kasi siya ang ini-request na sumayaw sa naturang na party. Sarado rin ang buong club para sa event na ito dahil sa inarkila na ng buong grupo ang club para sa gabing ito. Hindi lang naman siya ang sasayaw para sa gabing ito lima silang stripper na siyang magpapainit ng gabi ng mga kalalakihan. “s**t! Olivia, sigurado ako tutulo ang laway ng mga lalaki mamaya kapag nakita ka.” Sita ni Yna kay Olivia. Inirapan naman ito ni Olivia, “fishing a compliment?” Kahit naman isang hamak na stripper si Olivia, nagsusumikap naman itong makapag-aral ng college. Tulad ng ilang mga kasama niya sa trabaho, tulad din ni Yna. Sa pag-aaral napupunta ang lahat ng ipon ni Olivia, dahil wala sa isip niyang habang buhay na lang siyang magsasayaw at maghuhubad sa harapan ng mga lalaki para mabuhay. Kaya pinag-aaral niya ang sarili niya, kahit pa paunti-unti ay mararating niyang pinapangarap na diploma. Accountancy ang kinukuha na kurso ni Olivia, at isang taon na lang matatapos na niya ito. “Sira, alam kong maganda at sexy ako. But nothing can beat you in that department, b***h! Ikaw ang pinipilahan sa lugar na ito simula nang magsimula kang magtrabaho rito.” Yna said that with a matter of fact tone. “Tama na nga iyang puri-puri ninyo sa sarili ninyo,” nakaingos naman na sita sa dalawa—Yna at Olivia— ni Helen isa rin stripper sa club. Sabay pang napatingin sila Olivia at Yna sa nagsalita, sabay rin na nag-irapan ang tatlo. Kahit noong una pa lang kasi hindi na magkasundo ang mga ito. Mataas kasi ang tingin ni Helen sa sarili nito kaya hindi makasundo nila Olivia at Yna. Sa katunayan hindi talaga ito nakakasundo ng kahit na sinong nagtatrabaho sa club. Lalo na ang mga kapwa nila stripper at iba pang performer na mga babae. Magkakaroon pa sana ng mahabang debate ang tatlo, ngunit bigla na lang pumasok ang kanilang manager. “Bilisan ninyong gumayak at nand’yan na ang mga costumer na’tin. Parating na rin ang groom,” inis na utos nito nang makita na hindi pa nakahanda ang mga stripper na magpe-perform ngayong gabi. “Ikaw Olivia, bilis-bilisan mong kumilos dahil ikaw ang opening!” baling pa nito sa dalaga. Nagkumahog na lamang sa paghahanda ang mga kababaihan para matapos na nila ang pagbibihis maging ang pag-aayos sa kani-kanilang sarili. Naglalakad na si Olivia papunta sa stage ng harangin siya ng kanilang boss. Hindi inaasahan ni Olivia na narito rin pala ang boss nila ngayong gabi. Hindi naman kasi kailangan na nandirito pa ang boss nila. Una sa lahat kayang-kaya na ng manager nila ang hawakan ang event ng gabing ito. “Can we talk after your performance?” agad na tanong ng binata sa dalaga. Nilingon pa muna ni Olivia ang paligid niya, wala namang ibang tao sa paligid niya kaya alam niyang siya ang gustong kausapin nito. “Ano pong pag-uusapan na’tin boss?” takang tanong naman ni Olivia sa boss niya. Mahinang tumawa ang binata, “didn’t I told you to call me Ach? Bakit boss na naman?” Ang bilis nang pintig ng puso ni Olivia nang dahil sa sinabi ng boss niya. Bibihira lang kasi ang pagkakataon na nakakausap ni Olivia ang boss niya. Kahit pa nga madalas na mahuli niyang nakatingin ito sa kaniya. Hanggang doon lang naman, ang makita niyang nakatingin lang sa kaniya ang binata. Huling beses na nakausap niya ito, noong unang araw nito bilang bagong may-ari ng club. “Anyway, I’ll be waiting at my office.” Ani ng binata saka nilagpasan si Olivia. Nalilito man ang dalaga sa ikinilos ng kaniyang boss, wala naman siyang magagawa. Hinarap na lang niya ang trabaho na niya para sa gabing ito. Ginawa niya ang pinapagawa sa kaniya, iyon ay ang sayawan ang mga kalalakihan na nasa loob ng club. Hating gabi nang matapos ang kanilang trabaho, na halos parang ayaw na ngang tapusin ng mga guest nila ang gabi. “Malaki ang tip ko,” tuwang-tuwa na bulong ni Yna kay Olivia. Maging si Olivia mayroon ding mga tip na nakaipit pa sa kaniyang stockings at sa garter ng suot niyang sexy underwear. Wala na siyang suot na kahit na anong pang-itaas, inalis na niya kanina pa habang nagsasayaw sila. Maging ang iba ay ganoon na rin ang hitsura, ang isa sa kanila nga wala nang saplot kung hindi ang stockings na lang. Abala ang dalawa sa kanilang magbibilang ng mga tip na nakuha nila nang gabing ito. Inuna na nga nila ang magbilang kanilang mga tip kaysa sa mag-ayos ng kani-kanilang sarili. Hindi tuloy nila namalayan man lang na lumapit na pala sa kanila ang boss nilang si Achilles. Nabigla na lang si Olivia na may kung anong bagay ang ipinatong sa kaniyang balikat. At nang malingunan ito ni Olivia, jacket lang naman ito na mula sa kanilang boss. “Can I take your time now, Olivia?” tanong ng binata sa kaniya. Nahiya naman si Olivia na maalala ang bilin sa kaniya ng boss nila kanina. Nakalimutan kasi niya ang naging usapan nila kanina bago siya magsimula sa kaniyang trabaho. Nakakahiya tuloy sa binata. Baka isipin nitong mukhang pera si Olivia lalo pa at tuwang-tuwa ang dalaga sa paghugot ng mga pera sa kung saan isiniksik ang mga ito sa kaniyang suot. “Go na beks, pagkakataon mo na ‘to.” Bulong ni Yna kay Olivia. Alam kasi ng kaibigan ni Olivia ang tungkol sa paghanga nito sa kanilang big boss kaya ngayon panay ang buyo nito sa kaniya. Inirapan ni Olivia si Yna bago binalingan ang binata. “Bos—” “Ach, remember.” Pagtatama naman ng binata sa gustong sabihin ni Olivia. Narinig ni Olivia na mayroong umingos sa kaniyang tabi, pero hindi naman iyon si Yna. Kung hindi si Helen na panay ang irap sa kaniya nang malingunan niya ito. “Magbibihis lang ako, Ach.” Halos pabulong na lang ni Olivia ang pagtawag niya sa kaniyang boss ng Ach. “Okay, I’ll be at my office.” Ani ng binata saka ito tumalikod na at iniwanan sila. “Pa-epal kasi ang isa d’yan,” parinig naman ni Helen ng makaalis na ang boss nila. Hindi na lang umimik si Olivia at minadali na niya ang pagbibihis at hindi na niya pwedeng paghintayin ang boss niya. Na mukhang siya lang ang hinintay ngayong gabi para makausap. Kung anoman ang kanilang pag-uusapan, walang kahit na anong ideya ang dalaga. “Kapag inaya ka niya ng kasal, go na beks. Huwag magpapakipot ha!” bilin pa ni Yna sa kaniya bago siya lumabas ng dressing room. Talagang inilakas pa nito ang pagsasalita para marinig ng kinaiinisan nilang si Helen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD