Four

1169 Words
Chapter: Four Sleep with me, Olivia. Hindi pinatulog ng lintik na mga salitang iyan si Olivia, kaya ngayon litang siya habang nasa loob ng klase niya. wala tuloy siyang maintindihan sa mga naging klase niya sa buong maghapon. Napagalitan pa nga siya kanina ng isang prof niya dahil sa hindi niya talaga naintindihan ang buong klase nila at nang tawagin siya wala siyang naisagot. “Kasalanan ng Achilles na ‘yon ang lahat.” Nanghahaba ang nguso ni Olivia habang naglalakad palabas na ng university kung saan siya nag-aaral. Nawala ang antok ni Olivia nang dahil sa pagalit ng prof niya, pero hindi pa rin nawala sa isipan niya ang sinabi ng boss niya kaninang madaling araw. Ni hindi nga niya makalimutan ang itsura ng boss niya nang sabihin nito ang mga katagang ‘yon. “Para lang siyang nagyaya ng kakain sa labas. Pero ang totoo ako ang kakainin niya,” naiinis na bulalas na naman niya. Hindi na niya alintana na malakas na ang pagkakabigkas niya ng mga salita niya. Wala na sa kaniya na pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid niya. Malakas na napabuga na lang siya ng hangin at napatingala. Wala siyang naging sagot sa amo niya kagabi, sa gulat kasi niya sa sinabi nito basta na lang siyang umalis na walang kahit na anong sinabing sagot dito. Gulat na gulat naman kasi siya talaga, ni sa hinagap hindi niya inasahan na aayain siya ng boss niya ng gano’n. Para kasing hindi gagawa ng gano’n ang amo niya, dahil nga nakilala niya itong mabait at gentleman. “Don’t judge the book by its cover talaga,” naibulalas na naman ni Olivia. Hanggang sa makapasok siya sa club kinagabihan iniisip pa rin niya ang boss niya at ang sinabi nito sa kaniya. “Hoy! Tulala ka,” puna sa kaniya ni Yna. Nagulat siyang napalingon dito, mukhang kanina pa siya nito napapansin. Paano ba naman kasi nakaayos na pala ito, samantalang ang pagkakatanda niya kakapasok lang nito sa dressing room. Habang siya, hindi pa nakagayak, ni mag-apply ng make-up hindi pa niya nagawa. “Mukha ka ring puyat, problema mo?” Huminga siya nang malalim, “wala naman, puyat nga ako. Nag-review kasi ako at may exam kami.” Pagsisinungaling ni Olivia. Hindi niya alam bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya kay Yna. Alam naman ng kaibigan niya ang lahat sa kaniya. Alam nitong marami siyang natatanggap na indecent proposal mula sa mga costumers nila. Lahat iyon sinasabi niya kay Yna, pero hindi ba niya alam bakit nahihiya siya na sabihin ang sinabi ng Boss nila. Nahihiya siya para sa boss nila, kasi hindi lang naman siya ang nakakaranas ng kabutihan ng binata. Lahat sila na nagtatrabaho sa club na ito nakikita kung papaano o gaano kabait ang binata. Kaya nga mas lalo siyang humanga sa binata dahil sa sobrang bait nito at gentleman. “Sigurado ka?” natatakang tanong ni Yna sa kaniya na tango lang ang naisagot dito. Hinarap na lang niya ang pag-aayos sa sarili, kailangan niyang kumita ng malaki ngayon. Marami siyang bayarin, bukod sa pag-aaral niya, bayarin niya rin sa mga bills sa bahay ngayon. Hindi siya pwedeng tamarin dahil wala siyang kakainin, wala siyang titirhan, at wala siyang pambayad sa tuition niya kung tatamarin siya ngayon. Matatapos na siyang mag-ayos ng sarili niya, lipstick na lang ang kulang. Kaso biglang nagsalita si Yna. “Oo nga pala, beks, hinahanap ka ni Boss Ach kanina pa.” ani Yna na ikinagulat niya. Nanlalaki ang mga mata niya, sa gulat pa nga niya namali pa siya ng pagpahid ng lipstick sa gulat niya. Ang bilis ng pintig ng puso niya nang dahil sa sinabi ng kaibigan niya. “Kabado bente ka naman, beks.” Sita sa kaniya ni Yna na tumatawa. Hindi na lamang siya sumagot sa dalaga at inayos na lang ang make-up niya. Pero hindi niya rin naman maitatanggi na talagang kinabahan siya. Na malakas ang pintig ng puso niya habang nakatitig sa sariling reflection sa salamin. “Puntahan mo raw si Boss sa office niya bago ka sumalang sa stage.” Bilin pa ni Yna sa kaniya bago siya nito iwanan. Mabuti na lang at silang dalawa sa loob ng dressing room ngayon, at nang iwanan nga siya nito siya na lang ang nasa loob. Halos magsumigaw siya sa kaba na nararamdaman niya. “s**t naman, gustong-gusto talaga niya ako.” kausap niya sa sarili niya habang pinanlalakihan ng mga mata ang sarili sa salamin. “Ano naman kasi ang dahilan bakit niya ako gustong makasama? Ano ‘yon plain s*x lang? libog lang, Olivia? Hindi siya ang tipo na malibog na lalaki,” mangiyak-ngiyak na patuloy niya sa pagkausap sa sarili niya. Bigla siyang pinagpawisan ng malapot ng ma-imagine bigla ang katawan ng kanilang boss. Kahit pa palaging pormal ang mga suot ng boss nila, halata ang ganda ng katawan nito. Kasi madalas na nasisilip niya ang bakat ng dibdib ng binata sa suot nito. Doon pa lang parang naglalaway na siya na makita ang katawan ng lalaki. “s**t ka Olivia! You promised to yourself, hinding-hindi ka magpapalinlang sa kalahi ni Adan. Hinding-hindi ka gagaya sa nanay mo,” muli na naman niyang kausap sa sarili niya. Kung ano-ano pa ang naiisip niya hanggang sa pumasok na sa imagination niya na magkasama sila ng boss niya. That they’re both naked and doing the carnal deeds that pleasures them both. In her imagination, she’s pleasuring her boss by licking his hard and long shaft. Pulang-pula ang mukha niya nang dahil sa mga imagination niya. Nahihiya siya, mabuti talaga at mag-isa na lang siya sa loob ng dressing room. Kung hindi nakakahiya kung makikita siya sa mga oras na ito. Para siyang asong in heat nito. She was about to spank her head when the door suddenly burst open. Ganoon na lang ang panlalaki na naman ng mga mata niya ng makita niyang ang boss lang naman niya ang nagbukas. Kulang na lang lumuwa ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa binata na ngayon ay papasok na sa loob. Sunod-sunod na napalunok siya ng laway nang makitang isinara ng binata ang pintuan ng dressing room at ini-lock pa talaga. “Can we talk now, Olivia?” the man said using his deep baritone voice. Shit, I’m actually wet right now. Hindi maalis ang titig niya sa binata na unti-unting lumalapit sa kaniya. He really looked so innocent yet with oozing s*x appeal, para siyang angel na bubugbugin ka sa sarap. Marahan na napailing si Olivia nang dahil sa naiisip niya sa kaniyang boss. Wala siyang nasabi, wala ni isang salita ang namutawi sa bibig niya hanggang sa tuluyan na nakalapit sa kaniya ang boss niya. Nakatingala siyang tinititigan ang binata dahil sa hanggang ngayon nakaupo pa rin siya sa pwesto niya kanina na nagme-make-up siya. Napanganga siya nang magsalita ito at sabihin na naman ang mga salitang ‘yon. Mga salitang buong mahapon na dahilan ng pagiging litang niya. “Can you sleep with me tonight?”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD