Kabanata 12

774 Words
"Sorry na kasi.." Pagsusumamo nito habang naghahanda ako nang makakain naming dalawa. Kanina pa siya ganyan, simula kasi nang magising siya ay panay na ang sorry niya. Kinuha niya naman ang ulam na kakalagay ko lang sa plato at inilipat sa mesa. "Pansinin mo na naman ako oh.." Aniya nang makabalik siya sa may tabi ko. Napakibit-balikat ako habang kumukuha naman ng dalawang baso para sa aming dalawa. "Umupo ka na.." Sabi ko at itinuturo pa ang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain namin. Hotdog at itlog ang ulam, bumili kasi ako sa tindahan kanina pagkagising ko at dito ko na niluto sa bahay. Kasya naman ang pera ko, kakasahod ko lang kagabi at may natira pa akong pera mula sa pagpapadala ng tiyahin kong pera para sa akin. "Sige, pero bati na ba tayo?" muli akong napatingin kay Zach, ngayon ay hawak na niya ang kutsa't tinidor, handa na siyang kumain at tanging sagot ko na lang yata niya ang hinihintay niya. "Tumahimik ka, naiinis ako sa'yo.." Sabi ko pa at sinimulan na ang kumain. Nakakainis naman kasi itong si Zach. Paano ba naman kasi, alam naman niya na patulog na ako eh mas nilalakasan pa niya ang volume ng pinapanuod niya na puro ungol lang naman. Parang tanga pa dahil habang nanunuod ay panay ang comment, kesyo bakit daw walang kapaguran yung babae sa cell phone. Hindi ko alam, pinilit ko naman kasing matulog kagabi, ilang beses ko na rin siyang binatukan pero tuloy-tuloy pa rin siya sa pang-aasar sa akin. Bumulong si zach pero narinig ko rin naman. "Sige na hindi ko na uulitin yung ginawa ko kagabi.." Saad nito, hindi pa rin niya nababawasan ang pagkain niya samantalang ako ay paubos na. "Pinanuod ko lang naman kasi 'yun kasi bago 'yun, 'tsaka galing 'yun kay Aivan, kakadownload lang daw niya..." Napairap naman ako at inis na napabuga sa hangin. "Pinanuod mo lang? kaloka ka! Baka pinaulit-ulit mo? Alas dos ka na kaya matapos sa pinapanuod mong bwiset ka!" Inis na sabi ko, sigurado kasi akong alas dos natapos yung pinapanuod niya, gising na gising kasi ako 'nun dahil sa lakas ng volume ng pinapanuod niya. "Hindi ko pinaulit-ulit 'yon Liz, apat na video 'yon pinanuod ko lang lahat.." Sabi niya at nag-umpisa ng kumain, ako naman ay tumayo na para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko. "Tapos ka na agad? Hindi pa ako tapos!" malakas na sabi nito nang makita niyang inilagay ko na sa lababo ang pinakainan ko. Hindi ko naman siya sinagot sa halip ay pumunta ako sa kama para ayusin ang aming pinaghigaan. Sabado ngayon at walang pasok ngayon, pero itong si Zach ang alam ko may isa siyang subject tuwing sabado. "Di'ba may pasok ka? Anong oras?" malakas na tanong ko dito para marinig niya. Sumagot naman si Zach habang punong-puno ng pagkain ang bibig niya. "Oo pero mamaya pang alas dos yung pasok ko.." "Pagkatapos mo diyan, umuwi ka muna, papasok ka pa pala.." Sabi ko nang matapos kong ayusin an gaming pinaghigaan. Tinignan ko naman siya, tapos na rin naman siyang kumain. Pumunta siya lababo at nakita kong hinuhugasan niya ang pinagkainan niya kaya agad ko siyang nilpitan. "Ako na diyan.." Sabi ko. Napatigil naman siya sa ginagawa niya. "H'wag na, baka magalit ka pa.." Aniya habang ipinagpatuloy ang paghuhugas, napasimangot naman ako at lumayo ng kaunti sa kanya habang pinapanuod ang paghuhugas niya ng pinagkainan niya. "Pagkatapos mo diyan, umuwi ka muna sa dorm mo.." Sabi ko,maaga pa naman alas siyete pa lang naman ng umaga kaya talagang maaga pa, alas dos pa kasi ang klase niya. "Hanggang alas tres lang ang klase ko, samahan mo kaya ako?" Aniya, napalingon naman ako sa kanya kasabay ng pag-iling ko. "Ayoko nga! Wala naman akong gagawin!" sabi ko. Umiling-iling naman ito at pagkatapos ay pinunasan ang basang kamay niya sa damit niya. "Hindi, hindi! Isasama nalang kita sa dorm ko, tapos pwede bang hintayin mo ako ng mga one hour?" Sabi niya. Napahinga naman ako ng malalim at wala nanaman akong magagawa pa sa kakulitan nitong si Zach. "Sige, one hour lang akong maghihintay sa dorm mo ha! baka mamaya abutin ka pa ng gabi, iiwanan na kita.." Sabi ko pa habang pagak na natatawa-tawa. Mahinang tumawa rin siya sa tabi ko. tulad ko ay sumandal rin siya sa pader na nasa likod ko. "Pagkatapos ng klase ko, uuwi naman kaagad ako. 'tsaka gusto ko kasing umalis tayo..." "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko at tinanggal mula sa pagkakasandal sa pader ang likod ko. Tumungo naman ito at napahawak pa sa batok niya. Napatawa naman ako sa nakita ko. "Gusto ko sanang maidate ka.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD