Kabanata 13

902 Words
Nandito ako ngayon sa dorm ni Zach at ngayon ay payapa lamang akong nakahiga habang nilalasap ang sarap ng malamig na hangin na nagmumula sa aircon. Nanunuod rin ako ng t.v dahil wala akong magawa. Muli kong tinignan ang cellphone ko. Lagpas na sa alas tres ang oras at hanggang ngayon ay wala pa rin si Zach dito, pati nga text niya ay wala naman akong natatanggap. Ilang minuto pa ang lumpias kaya tumayo na ako at pinatay na ang t.v, naiinis na rin ako dahil mahigit trenta minuto na siyang wala. Muli kong tinignan ang cellphone ko, itetext ko na sanasi Zach pero bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Zach na pawis na pawis at hingal na hingal. Tinaasan ko siya ng kilay sa inis. "Yung prof ko, tagal magpalabas, gusto mo kausapin mo? Para maniwala ka?" tanong nito habang nagpupunas ng pawis, pagkatapos ay dumiretso sa may gilid ko para magpalit ng damit. "H'wag, sa itsura mong 'yan.." sabi ko at nanlaki ang mata ko nang lingunin ko siya. "Hoy kaloka ka! Nakabrief ka lang talaga!" Malakas na sabi ko at hindi na humarap pa sa kanya, narinig ko naman ang pagtawa-tawa niya sa likod ko. "Eto na, okay na ako.." Sabi nito, at nang lingunin ko siya ay nakangiti pa rin ang loko. Gwapo ito sa suot niyang ripped jeans na sinamahan pa niya ng polo shirt na white. "Yung salamin mo"ntanong ko. Hindi ko kasi nakita na suot-suot niya ang salamin niya. Kumunot naman ang noo nito saglit at kinuha ang salamin sa may t.v niya. "napansin ko lang, gusto mo yatang lagi akong nakasalamin.." saad nito. Hindi ko siya sinagot pero sa totoo lang gusto ko talaga. Hehe ang gwapo niya kasi tignan. "Sus, gusto mo no?" tanong nito kasabay ng paglagay niya ng salamin niya, sa hindi ko naman inaasahang pagkakataon eh bigla akong napangiti. Langya, biglaakong kinilig! "Uhh, kakain na ba agad tayo?" tanong nito sa akin nang makarating kami sa mall. Nagkibit-balikat naman ako. "Ikaw?" tanong ko pabalik sa kanya. Umiling naman ito. "Gusto ko kasi, mamaya na tayo kumain pagkatapos nating manuod ng sine.." Sabi niya at nanglingunin ko siya sa gilid ko ay kakamot-kamot na siya sa ulo niya. Hindi na naman ako tumutol pa sa gustong mangyari ni Zach, siya naman kasi ang gagastos kaya nakakahiya naman kung ako ang dapat na masunod. "Ano ba gusto mo panuorin? Gusto ko kasi horror eh, mahilig ako 'don.." Aniya habang nagmamayabang na nakatingin sa list ng mga pwedeng panuorin. Napataas naman ako ng kilay. "Sige..." ** "tangina bakit ganon!" muli kong tinignan ang parang tangang rekasyon ni Zach sa tabi ko, ang dalawang kamay niya ay nakatakip na sa mukha niya at sa sobrang katakutan ay napapamuura na. Napailing-iling naman ako. Akala naman niya maloloko niya ako, mahilig daw siyang manuod ng horror movies eh eto pa nga lang, takot na takot na. Napatigil ako sa pagngiti nang maramdaman kong yakap-yakap na niya ako at nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko. "Labas na tayo..." parang batang sabi nnito, siguro kung nakikita ko lang ang mukha niya ngayon ay baka mapagtawanan ko pa ang isang ito, kaso nga lang, hindi ko magawa dahil ang loko ay umiiyak na sa tabiko. "Please, labas na tayo...." Sabi pa nito, tumayo ako at hinawakan ang kamay niya, nakatungo lamang siya at nagmamadaling sumusunod lamang sa akin. Nang makalabas kami sa sinehan ay humagalpak agad ako ng tawa, lalo na nang makita kong gulo-gulo ang kanyang buhok. "Zach, kunwari ka pa na mahilig ka sa horror, kaloka ka girl!" Saad ko habang mahihinang hinahampas siya sa braso niya at tumatawa. Sumimangot naman siya sa harap ko. Mas lalo akong napatawa. "Kaloka,ikaw ha! bakala ka no?" tanong ko habang natatawa-tawa, sumeryoso bigla ang mukha niya kaya medyo napatigil ako sa pagtawa ko. "Gusto mo bang may patunayan ako sa'yo?" mahinang sabi nito at lumapit pa ng lumapit sa akin, hanggang naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at pagdala sa ibaba niya. Mabilis na nanlaki ang mata ko. "Matigas 'yan baby ko. gusto mo na?" mahinang tanong nito habang natatawa-tawa akong tinitignan. Sinapok ko naman ang loko sa inis ko. "Aray! Joke lang, joke lang teka!" sabi nito at binitawan ang kamay ko, lumayo ito sa akin habang natatawa-tawa akong tinitignan. "Kamanyakan mo Zach, hindi na ako natutuwa!" Sabi ko nang makarating kami sa isang magandang restaurant. Umiling-iling naman ito at kinuha ang dalawang menu. "Edi hindi na, pero hindi ka na ba galit sa akin?" tanong nito habang ang mga mata ay diretsong nakatingin lamang sa lamu list, ganun din naman ako. "Bakit naman ako magagalit sa'yo?" Sabi ko. inilapag ko naman ang menu list nang makapili na ako. "Eh di, hindi ka galit sa akin?" tanong nito, inilapag niya na rin ang menu list at pagkatapos ay sumipol, lumapit naman agad ang waiter. Sinabi ko ang order ko pati na rin ang order ni Zach. "Uhh, Zach,nagka-girlfriend ka na?" biglaang tanong ko habang naghihintay kami ng pagkain namin. Matagal bago tumango si Zach. "Yup.." Sagot nito, nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ko. ewan ko pero parang nalungkot ako. "Mahal mo pa?" mahina-hinang tanong ko, sa hindi malamang kadahilanan ay parang sumisikit na naman ang dibdib ko. Umiling naman ito. "Hindi na, matagal na 'yon eh.." Sabi naman nito at inilabas ang cellphone niya pagkatapos ay tumabi sa akin. "Picture tayo baby ko..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD