Kabanata 11

901 Words
"Sige na naman oh!" Sabi nito nang makalabas kami ng banyo. Pinipilit niya kasi akong matulog siya ngayon sa bahay ko. Muli akong umiling. "Hindi nga pwede! Nakakaloka ka na!" naiinis na sabi ko. Pumasok ako sa opisina at iniwanan na siya 'don. Hindi na rin naman niya ako sinundan pa dito sa loob. Nagpalit na ako ng damit para makauwi na. Nakakainis naman kasi si Zach, gusto nanamang makigulo sa bahay ko. "Ano uuwi ka na?" tanong sa akin ni Ma'am Elaine. Tumango naman ako. "Opo Ma'am.." Paglabas ko ay hindi ko na nakita si Zach na hinihintay ako sa may pinto. As usual, nakita ko nanamn siiyang nakaupo sa mesa niya habang masaya ulit na akbay-akbay ang babae niya, ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko pero nang mamataan niya ako ay agad tumayo at narinig ko pa siyang nagpaalam sa mga kasama niya. Nagdire-diretso na rin naman ako ng lakad ko. Bago pa ako makalabas ng club ay nasa gilid ko na agad si Zach. Gegewang-gewang ka na.." Sabi ko nang makita siyang pagewang-gewang na naglalakad sa tabi ko. Umiling ito habang natatawa. "Hindi pa, hindi pa.." Sagot nito, nagulat na lamang ako nang haplusin niya ang baywang ko at hindi na niya ako pinakawalan pa. "Teka nga! Teka nga!" Awat ko nang madire-diretso niya ako patungo sa kotse niya. Hindi naman niya ako sinagot, para bang nakapikit na ang mata niya sa antok. "Sigurado ka bang kaya mong bumyahe?" tanong ko, tumango naman ito at inihila papasok sa kotse niya. Nang makapasok ay agad rin naman akong lumabas. "Hindi mo kayang magdrive, kung gusto mong magpakamatay, 'wag mo na akong isama." Saad ko at nagpatuloy sa paglalakad at iniwanan na siya 'don. Naririnig ko pa ang pagtawag niya pero nang makita niya akong pumara ng isang tricycle ay agad na sumakay siya sa sasakyan niya. Muli akong napailing. Napakaloko talaga! lasing na nga, pipilitin pang magdrive. Hindi rin naman nagtagal ang biyahe dahil maya-maya lamang ay nasa may kanto na ako ng bahay ko. nagbayad na ako sa driver at bumaba na sa tricycle. Pagkapasok ko sa bahay ay inilapag ko kaagad ang bag ko sa may mesa. Binuksan ko rin ang ilaw pati na rin ang electricfan malapit sa may kama ko. magpapalit na sana ako ng damit nang may kumatok sa pinto. Napasabunot naman ako sa buhok ko sa inis. "Lizette naman oh..." rinig kong tawag ni Zach sa akin mula sa labas ng bahay. Lumapit ako sa may pinto tsaka nagsalita. "Bakit ka ba nagagalit sakin?" tanong nito at parang bata pa ang boses, siguro ay dala na ng sobrang kalasingan. Kahit hindi naman niya ako nakikita ay tuloy-tuloy pa rin ang pagsasalita niya. "Ayoko lang na nagagalit ka sa akin, siguro nagseselos ka no?" tanong nito mula pa rin sa labas ng bahay kaya napairap ako kasabay nang pagbukas ng pintuan ko. Bumungad naman sa akin ang gwapong-gwapong si Zach sa harap ko. kahit lasing na at gulo-gulo na ang kanyang buhok ay gwapo pa rin naman siya sa paningin ko. Suot niya rin ang salamin niya na nagpadagdag ng kagwapuhan sa kanya. "Tapos kung makatitig ka,parang gusto mo na akong kanin.." Aniya at pinanlakihan ko naman siya ng mata kasabay ng pagbatok ko sa ulo niya. "Aray no ba!" "Para kang tanga! Pumasok ka na!" sabi ko at nagbigay ng espasyo para makapasok siya, pero nang makalapit siya sa akin ay bigla siyang humarap sa akin. Ngayon ay napakalapit ng mukha niya sa akin at nanlalaki naman ang mata kong tinignan siya. Mas lalo akong nagulat nang tanggalin niya ang salamin niya sa kanyang mata kasabay ng pagtaas sa kabilang sulok ng labi niya. Napairapnaman ako. "Ano ba, lumayo ka nga, kaloka! Ang baho mo kaya!" Inis na sabi ko, tumawa naman ito at pagkatapos ay dire-diretsong humiga sa kama ko. "H'wag mo namang sakupin 'yang kama.." Sabi ko at lumapit pa sa kanya. kinuha ko ang kamay niya para hilahin ito sa may gilid pero habang hawak-hawak ko ang kamay niya ay siya namang paghila nito sa kanya dahilan para mahulog ako sa kanya. "Ano ba, nakakaloka ka na!" Sabi ko. hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko kahit nakadagan na akosa kanya. nang muli kong tignan ang mukha niya ay nakangiti pa rin ito sa akin. Nagulat ako nang idiin niya ang sarili niya sa akin at may naramdaman na akong matigas na bagay sa may hita ko kaya mabilis na sinabunutan ko ang lokong lalaking nasa harap ko. "Umalis kang bwiset ka! Alis!" Sabi ko habang sinasabunutan siya, tumawa-tawa laamng ito habang tumatagilid siya ng pwesto niya. Inis ko naman siyang tinitignan habang naglalakad naman ako papunta sa banyo para magpalit ng pambahay na damit. Nang maiayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako ng banyo at bumulagta sa akin si Zach na nakahiga sa kama habang nakatalikod sa akin. Tulog na siguro ang loko sa kalasingan. Lumapit na ako sa kama at bago pa ako makahiga ay nanlalaki na ang mata kong tinitignan ang pinapanuod niya sa cellphone niya. Kaya naman pala hindi na napansin ang pagdating ko at kaya pala tahimik na nakatalikod siya sa pwesto ko ay may pinapanuod na milagro ang lokong ito. "Shet! Tangina anlupet naman nito.." Aniya sa mahinang boses habang nanunuod ng porn ang gago. Inis na napapikit ako at humiga na sa kama. "Magpatulog ka pwede ba!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD