Kabanata 6

645 Words
Naalimpungatan ako nang may kumalabog sa pinto. Napatayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko. "Sino 'yan?" tanong ko habang kinukusot-kusot ko ang mata ko at naglalakad patungo sa pinto. Hindi ko muna ito binuksan hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses na nasa labas. "Lizette, si Zach 'to.." Binuksan ko ang pinto at bumulagta sa akin ang duguang si Zach sa harap ko. Tuluyan nang nawala ang antok ko, inalalayan ko siya hanggang sa maiupo ko siya sa kama ko. "Anong nangyari? Ba't ka ganyan? Nakakaloka ka!" Pinunasan niya ang nagdudugong labi niya at saka nagsalita. "tangina hindi mo naman sinabi na may syota pala yung nichole, nahuli tuloy kami sa kama nung boyfriend niya!" Kinuha ko ang bulak at betadine sa may cabinet ko at nang makalapit ako ay muli akong nagsalita. "Hindi ko alam, wala naman akong alam diyan sa kanila, malay ko ba.." Sabi ko, "Eto ha, lalagyan ko ng gamot.." "tangina ni Aivan iniwanan ako ng gago palibhasa kasama si Avy!" Sabi niya, diniinan ko naman ang pagdidikit ng bulak na may gamot sa sugat niya kaya nagreklamo siya. "Ano ba naman 'yang bibig mo, puro ka mura!" "Tsk, badtrip eh.. babawian ko 'yung gagong nangbugbog sa akin, akala naman niya napakaganda ng girlfriend niya eh pangkama nga lang 'yon!" Sabi pa niya kaya tumayo ako at nameywang na sa harap niya. "Tumahimik kanpwede ba? Kasalanan mo 'yan eh kung sana kasi umiiwas ka na sa mga babae at tukso, walang mangyayaring masama sa'yo!" Sabi ko pa. Umiling-iling naman ito at humiga sa kama ko. "Tumayo ka diyan, Saan ako matutulog?" tanong ko pa. Gabing-gabi na at mukhang hindi pa yata ako patutulugin ng isang 'to. "Kasya naman tayo dito ah? 'wag ka na ngang maarte diyan!" Ani pa nito, binalik ko naman ang gamot pati na rin ang bulak sa cabinet ko. Nang makalapit ako sa kinahihigaan niya ay agad kong hinila ang unan na nasa ulunan niya. "Lizette naman, ano ba!" rinding sabi nito, hindi ako nagpaubaya kinuha ko pa rin ang unan at inilagay sa kabilang banda ng kama. "Hihiga ka sa kama ko, eh galing ka sa kama ng iba! Baliw ka ba? Tumayo ka diyan, kung matutulog ka dito, dun ka sa lapag." Sabi ko, tinulak-tulak ko siya at nang hindi na siya makatiis ay tumayo na rin naman siya. Tinuro ko ang lapag. "Diyan ka matulog sa baba, ayun ang lapag!" sabi ko pa., "Tss, arte mo, tangina hindi nga namain natapos ni Nichole yung—" "Ano ba! Magpatulog ka naman, nakakaloka ka na!" sabi ko pa, humiga na ako at nagtakip ng unan sa mukha. "Eh ano? dito mo 'ko patutulugin? Ayoko!" Malakas na sabi niya at dahil inis na inis na ako ay hinagis ko ang unan na nasa mukha ko sa kanya! "Magpatulog ka! Ano ba, ang sakit na nga ng puson kong bwisit ka!" Sabi ko at maya-maya lang ay nasa tabi ko na ang isang 'to. "Masakit pa puson mo? Bakit? akala ko ba may pain reliever? Ano kaya mo pa ba?" tanong nito kaya tumango naman ako. "Oo kaya please, magpatulog ka na para di na sumakit!" "Sige, pero pwedeng tumabi nalang sa'yo? Hindi kasi ako aabutin ng electricfan sa baba, tapos ang tigas pa.." sabi nito, wala naman akong magawa kung hindi ang umusod nalang ng kaunti. "Oh ayan na! magpatulog kang bwisit ka ha! gabing-gabi na!" Sabi ko nang makahiga na siya sa tabi ko. "Hay ang sarap!" Ani pa to, kaya nilingon ko siya mula sa kabilang side. "Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan?" tanong nito, umiling ako at humarap ulit sa kabila. "Malaki pala pwet mo?" sabi nito kaya nagulantang ako at mabilis na humarap sa kanya, nasabunutan ko tuloy ang loko. "Walang'ya ka! Manyak ka talaga manyak!" "Aray ano ba! Malaki naman talaga ah!" reklamo nito kasabay nang pagpisil sa pwet ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD