Kabanata 7

676 Words
Habang natutulog ay may naramdaman akong matigas na bagay sa may likuran ko, tuluyan na lamang akong naalimpungatan nang maramdaman kong may mainit na hiningang humahaplos sa likuran ng leeg ko pati na rin ang isang kamay na nakayakap sa akin. Nang humarap ako sa kinaroroonan ni Zach ay nanlaki ang mata ko. Wala na itong pantaas at tanging boxer short nalang ang kanyang suot kaya tumayo ako. "Hoy gumising kang gago ka!" Malakas na sabi ko at kinuha ang unan sa hawak na niya ngayon. Walang'yang 'to, kahit tulog manyak pa rin ang loko! "Sa lapag na nga lang makatulog! Bwiset!" bulyaw ko pero wala pa rin namang epekto sa tulog mantika na si Zach. Kinuha ko ang electricfan na nakatapat sa kanya at ibinaba sa lapag para ako naman ang mahanginan, ayan! Magtiis ka ngayon sa init na tonta ka! Nakatulog na ulit ako pero saglit lamang 'yon, nag-alarm na kasi ang cellphone ko at kailangan ko ng gumising ng maaga, nang makatayo ako ay tinignan ko si Zach na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon, pawis na pawis ito at batid ko na init na init talaga siya, pero hindi pa naman suya nagigising, grabe naman pala matulog itong si Zach. Tumungo ako sa kusina para magluto ng agahan ko, pero dahil nandito si Zach ay magluluto rin ako ng kakasyasa amin. Kumuha ako ng itlog at binatik, nag-sangag rin ako ng kanin para bumagay sa ulam. Matapos ang pagluluto ay pinuntahan ko na ang kinaroroonan ni Zach upang gisingin na siya, ang kaso bumulagta pa rin ang natutulog na si Zach sa akin na ngayon ay nakahiga na sa lapag at nakatapat na nakatapat pa talaga ang electricfan sa kanya. Pawis na pawis pa naman ang isang 'to. "Hoy Zach!" tawag ko, hindi pa rin siya naaalimpungatan. Kumuha ako ng bimpo sa cabinet ko at nilapitan siya para punasan ang pawis sa noo at sa leeg niya. "Anong ginagawa mo?" gulat na tanong sa akin ni Zach at lumayo pa sa akin. Nanlaki naman ang mata ko pagkatapos ay nagtaray sa lokong 'to. "Pinupunasan ko 'yang pawis mong bwisit ka!" sabi ko, tumayo na rin ako at pumunta na sa kusina. "patayin mo electricfan diyan, kumain ka na dito.." sabi ko pa habang dire-diretsong tumutungo sa kusina. Kahit na hindi lumilingon ay ramdam kong sumusunod lamang siya sa akin. "Umupo ka na diyan, eto plato oh, tapos ayan ang ulam.." turo ko sa itlog na nasa mesa, tumango naman ito at kumuha ng isa. "Wala akong malamig na tubig dito kaya magtiis ka sa maligamgam.." sabi ko at kumuha ng pagkain. Tahimik lamang ito habang kumakain, nang tignan ko siya ay may mga sugat pa rin sa kanyang mukha, napangiti naman ako nang makitang wala ang salamin niya sa mga mata niya ngayon. "bakit ka ngumingiti diyan?" tanong nito habang kumakain. Umiling-iling naman ako. "Yung salamin mo kasi, himala yata at hindi mo suot?" sabi ko. tumango ito habang ipinagpapatuloy ang pagkain. "Kailangan ba suot ko palagi?" tanong nito kaya napairap naman ako. "Tinatanong ko lang!" Mas maganda kasi para sa akin kung may suot siyang salamin, nagmumukha kasisiyang mas gwapo para sa akin. 'yung nga siguro ang nakaka-attract sa mga babae niya kapag kami ay nasa eskwelahan, mukha naman kasi siyang matino kapag suot-suot niya 'yon.. Matapos kumain ay tumayo na rin ako, "Kapag natapos ka diyan sa pagkain, dalhin mo dito sa kusina, huhugasan ko.." saad ko nang matapos na akong kumain. Lumakad ako patungo sa kusina habang bitbit ang mga pinagkainan ko. Hindi naman sumagot si Zach sa sinabi ko. Maya-maya habang naghuhugas ako ay naramdaman ko siya sa likod ko, kaya humarap ako sa kanya at nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. "tangina umagang-umaga tumitigas junior ko sa'yo..." Aniya habang serosong nakatingin sa akin at nang tumingin ako sa ibaba niya ay mas lalo akong nagulat. "Walang'ya ka! Umalis ka ng bwiset ka! Bastos!" Sabi ko habang hinahampas-hampas ang lokong ito. Tumatawa-tawa lamang siya at umiilag sa mga hampas ko. "Teka, teka! Chill, joke lang!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD