Kabanata 5

789 Words
"Akala ko ba iuuwi mo ako sa bahay bakit nandito tayo sa dorm mo?" tanong ko nang makaupo ako sa kama niya. Normal lang ang laki ng dorm niya na kakasya talaga para sa kanya, mayroon itong aircon kaya malamig sa kwarto niya. Nilakasan niya pa ang aircon at binuksan ang t.v sa harap ko. "Baka mamaya kapag inuwi kita sainyo, magkasakit ka nanaman, walang sasaklolo sa'yo.." Aniya. Tumango-tango ako, sabagay. "Okay, pero mamaya ihahatid mo pa ba ako?" tanong ko pa, okay lang naman kasi ako na ihatid niya ako hanggang bahay dahil tipid rin para sa akin 'yon. "Oo, ihahatid kita, baka mamaya kung ano pang mangyari sa'yo.." Hindi na ako sumagot, nananatili lang ang mga mata ko sa telebisyon niya, Ewan ko pero simula nang makilala niya ako sa bar kung saan ako nagtatrabaho ay naging magkaibigan na kami. kadalasan nga naiinis na ako dito dahil umiiral ang kamanyakan ng loko. "Oo nga pala, nagtext si Nichole sa akin, ibigay ko raw ang number niya sa'yo para pag kokontakin mo siya hindi ka na mahirapan.." Sabi ko habang inilalabas ang cellphone mula sa bulsa. Kunot noo lamang niya akong tinignan. "Sinong Nichole?" tanong niya. "Nichole, yung katrabahoko na lagi mong itinatable sa bar.." sabi ko pa, tumango-tango naman ito na tila nakuha na ang nais kong iparating. "Oh, eto number kunin mmo na.." sabi ko habang ibinibigay ang cellphone ko. Kinuha niya naman ito at itinype sa cellphone niya. "Grabe ka Zach, hindi kaya magkasakit ka na niyan?" tanong ko matapos niyang ibigay ang cellphone ko sa akin. Tumawa-tawa ito at umiling-iling. "Wala, lagi naman akong nagsusuot ng kapote, 'tsaka ayokong magkasakit isa pa ayoko ring makabuntis.." Aniya habang inililipat ng channel ang t.v "Ano gusto mo panuorin? Oh eto remote.." kinuha ko naman ang remote at naglipat ng channel. "Eh di mamaya pupunta ka sa club?" tanong ko pa nang maihinto ko ang paglipat ng channel nang makita kong maganda ang palabas sa isang istasyon. Tumango ito. "Oo, nan'don ka naman diba? Puntahan mo ko sa table namin ah?" Sabi pa niya Inilapag ko ang remote 'tsaka nagsalita "Hindi ako makakapasok, masakit pa rin kaya ang puson ko, mahirap magkaregla ano ka ba.." "Eh di wala ka mamaya??" tanong pa niya kaya tumango ako. "Eh nasan ka? Nasa bahay n'yo?" tanong pa niya. Tumango ako. "Oo, alangan namang nandito? Kaloka ka Zach.." "Sige hindi nalang ako pupuntang Club.." Aniya kaya nanlaki ang mata ko. "Bakit? hoy baliw ka umaasa si Nichole sa gabi n'yo!" mabilis na sabi ko. "Wala kang kasama Liz, baka mamaya kung ano pang mangyari sa'yo.." sabi niya, umiling-iling naman ako bilang sagot. "Okay nga lang ako Zach.." Ngayon ay nasa sasakyan na ako ni Zach, ihahatid na niya ako sa bahay para makapagpahinga na. "Ang init sa bahay mo ano? Palagyan kaya natin ng aircon?" sabi niya kaya agad na nanlaki ang mata ko. "Hoy ano ka ba! Anong aircon, wala akong pera pang bili 'don!" Sagot ko. "Hindi, ako bibili, ano papaya ka?" tanong pa niya kaya mabilis akong umiling. "Ano ka ba Zach, tumigil ka nga, Sanay na ako sa init ng bahay 'no!" Sabi ko, hindi na rin naman nagpapilit pa si Zach dahil hindi narin niya ako ginulo pa. "Sige na, salamat ah! Mag-iingat ka.." sabi ko nang makalabas ako ng kotseniya, tumango ito at muli siyang nagsalita, "Dito na lang kaya ako tumambay Liz? Pwede ba?" tanong niya. Kunot noo ko siyang tinignan. "Mainit dito Zach, at isa pa ako lang ang magiging kausap mo dito maboboring ka lang.." sabi ko.. "Hindi ah! Bibili akong beer sa tindahan, mayroon bang tinda na beer sa labas?" tanong niya kaya tumango ako bilang sagot. "Alam ko meron pero Zach, 'wag ka ng uminom dito sa bahay baka mamaya kung ano pa mangyari sa'yo alalahanin pa kita, 'dun ka na sa club maraming tao 'don.." sabi ko. "Sige, pero tetext kita? Magrereply ka?" Umiling ako. "wala akkong load Zach, sige magtext ka babasahin ko nalang.." sabi ko habang natatawa-tawa. "Tatawagan nalang kita, baka mamaya umaatake nanaman 'yang sakit mo sa puson para mapuntahan agad kita.." Sabi pa nito kaya tumango ako. "Sige na, go na!" Nang makaalis si zach ay agad akong pumasok sa loob ng bahay, binuksan ko ang electricfan at humiga sa kama ilang sandal pa ang lumipas ay mag nagc-calll na kaya sinagot ko ito. "Ang bilis mong tumawag Zach kaloka ka!" Maingay ang paligid kaya hindi ko siya masyadong maintindihan. "Ano okay ka lang ba?" sabi niya, buti na lang at naintindihan ko nang medyo nawala-wala ang ingay. "Oo Zach, sige na matutulog na ako.." sabi ko pa. "Sige, tatawag ako mamaya baka hindi mo sagutin.." Aniya. "Sasagutin ko matutulog muna ako.." sabi ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD