"Paalisin n'yo ang babaeng yan dito?" sigaw ni Arlyn habang yakap-yakap ito ni Thirdy. "At sino ba may gusto na nandito ako?" angil din ni Maggy. "Tingin n'yo gusto kong maging parte ng pamilya n'yo. My God! I will never be a part of you family mag susuicide na lang ako." galit pag dugtong ni Maggy. "See, ganyan bang babae ang gusto mo Kuya para ipakilala sa amin na girlfriend mo. Babaeng napag sawaan na ng asawa ko." talak pa ni Arlyn habang nakatingin lang sa kanila ang ina, ama at lolo at lola ni Travis habang nasa isang silid silang lahat. Nang lalagkit pa siya dahil sa mga ulam na kumulapol sa damit niya at katawan niya kasama pa ang buhok. Kaya wag lang subukan ni Travis na kampian nito ang pamilya nito talagang pasusukahin niya ito ng dugo. Kapal ng mukha hindi man lang nito sina