"Ano nanaman mga damit yan? Sarap sarapan ka nanaman." natatawang tanong ni Nerry habang panay ang sukat ni Maggy ng mga outfit na susuotin niya para sa party na pupuntahan nila. "Kailangan super ganda ko pa rin kahit na expired ako kahapon ng bonggang bongga." ani Maggy habang naka tingin sa full length mirror sa loob ng condo niya habang panay ang sukat ng mga damit. "Bakit kasi pumunta ka pa kasalanan mo din, pinaaalis ka na pala hindi ka pa nakinig. Sana nag dahilan ka na lang na kunwari may emergency sa hospital." wika ni Nerry na ikinatigil n'ya sa pag ikot sa salamin. May point ito dapat talaga umalis na lang siya pero ewan ba niya parang na kokonsensya siyang iwan ang ina ni Travis na kita naman na niyang pagod pero tuloy lang ito sa pag aasikaso ng mga ihahanda. "Ewan ko ba ba