"Anong ginagawa mo diyan diba sinasabi ko na wag ka ng pumunta?" galit na wika ni Travis na kulang na lang paliparin na niya ang kotse pauwi sa bahay ng mga Lola niya sa father side na wedding anniversary ngayon. Hindi natuloy ang party sa isang garden resort dahil nagalit ang mga ito ng malaman na nag aksaya ng pera ang Papa niya para sa event na iyon na dapat ay family gathering lang at sa bahay lang daw kaya ang ending na cancel ang party at nag decide na sa bahay na ng mga ito gawin ang wedding anniversary at simpleng family dinner lang. "As if naman gusto ko! Kung sinagot mo lang sana ang mga tawag ko wala sana ako dito at nag papakatulong sa mudrabells mo kainis ka samantalang ikaw sarap buhay buong angkan niyo. Waala ba kayong pera bakit mama mo ang busy at nag papakapagod para la