Ikalawang Pahina

1155 Words
Kamusta tayo? Tanong na bumabagabag saakin mula ng makita ko ulit siya. Isang simpleng tanong na hindi ko masasagot ng ako lang. Panig lang isa ang pakikinggan, pano naman ang isa? Kamusta tayo? Iniwaksi ko na lang sa aking isipan at itinuon na lang ang pansin sa aking guro na ipinaliliwanag kung anong mangyayari sa susunod na araw. At ilang minuto na lang ay maari na kami umuwi at huling klase na rin namin sa buong araw na ito. ___________________ "Magdismiss na tayo. Enjoy your weekend mga anak." paalam ng aming guro pero bago siya makaalis ay binati at isang ngiti ang aming tinugon. "Salamat! Pwede na tayong mamahinga." sabay buntong hininga nitong si violet sa tabi ko. Nginitian ko lang siya, kahit ako ay sang-ayon sa sinabi niya. "Pasyal tayo bukas? Don't worry libre ko." muli sabi niya ng kami'y papalabas na ng silid. Umuo na lamang ako, kung tatanggihan ko naman siya ay kinabukasan andun siya samin at sapilitang isasama. "Oo nga pala. Akala mo hindi ko mapapansin yung kanina. Medyo nakakalusaw titigan niyo. Bakit hindi kayo mag usap? Siguro nam--- Ops! Ayan siya." wala talagang tigil kung mag tanong itong isa ito. Napatingin naman ako sa taong humarang saamin pag-lalakad. "Elle, pwede ba tayong mag-usap?" bungad niya sakin at isang pilit na ngiti. "Ahm. Antayin na lang kita sa labas elle." paalam ng aking kaibigan. Habol tingin ko syang papaalis bago ko binalingan ang taong nasa harap ko. "Sa gym." sabi niya. Sinundan ko lamang siya. Gym? kung saan noon ay doon kami nagkikita. May ilang-ilan estudyante pa ang nasa gym. Mga nagpapractice at yung iba sa kanila ay pauwi. Anong oras na rin naman. Ilang oras din ay magsasara na itong school at pwede naman sila bumalik at magpractice bukas. Kaya solo nilang magagamit ang gym. "I'm sorry." isang mabigat na salita pero hindi ganun kadali tanggapin. "Hindi mo naman kasalanan. Tanggap ko." sabi ko at ngumiti sa kanya. Sa mga oras na ito, kailangan ko tatagan at panindigan ang bawat salitang bibitawan ko. Kung kailangan ko magsinungaling na tanggap ang lahat para sa kanya ay gagawin ko. "Alam ko kasalanan ko. Kaya humihingi ako ng tawad sayo. At hindi rin ganun kadali magpatawad pero sana mapatawad mo ko, hindi ngayon o sa susunod na araw. Sana--" "Napatawad na kita." pagputol ko sa kanya. Tanggap ko wala na kami. At mga pinagsamahan ay ala-ala na lamang para samin dalawa. Kung ang sagot ko ay para makapagsimula ulit siya. Hagad ko lang ang kaligayahan niya, hindi man saakin pero alam ko sa iba na. "I'm sorry. Sa mga pinagsamahan natin, hindi ko makakalimutan yun at isang elena na nakilala ko ay mananatili dito." sabay ngiti niya at pagturo sa dibdib niya. Isang ngiti ang tinugon ko bago siya umalis. Tska ko lang ibinuhos ang luhang kanina pa gustong kumala. Gusto ko maniwala sa sinabi niya ngunit alam ko hindi na at meron ng iba. Hindi ko akalain mawawala at kalilimutan na ang lahat dahil panatag ako mahal niya ako. Ginusto ko munang ituon ang sarili sa libro at ang kapalit ay aalis siya sa tabi ko. At ang oras ay nilaan sa mga letra at kapalit ay mawala siya sa tabi ng mga letratong kasama ako. Habulin ko man siya sa oras na ito, hindi na maibabalik ang nawala at hindi na maipipilit na dugtungan pa. Marahil ay hanggang dun lang, ang magtapo kami ay panandalian at ala-ala na lang. "Miss, panyo oh!" abot saakin ng isang lalaki. Manlalaro ata siya base sa kanyang suot ay nakajersey siya. Tinanggap ko ang alok niya. Nakakatawang isiping dito ko pa nagawang umiyak sa tapat ng naglalaro. Magpapasalamat na sana ako ng paglingon ko ay wala na siya. Nakita ko kasama na niya ang mga kalaro niya, nais ko habulin para ibalik ang panyo niya pero naalala ko inaantay pala ako ng aking kaibigan sa labas. "Pasensya na." bungad ko kay violet na nakaupo lang sa may upuan malapit sa may gate. "Tara na ang pangit mo na." sabi niya at tumayo. Nahalata ata niyang umiyak ako. Sinong makakahalata ang dami ko atang inilabas na luha kaya ata ako nilapitan nung lalaki. "Ganda ng timing. Broken ang isang ito pwedong gumala at maghanap ng pogi bukas." sabi niya. Binatukan ko lamang siya. Ilang kanto na lamang ay madadaanan na namin ang bahay ni Violet. "Bukas ha? Dapat pagdating ko sainyo bihis kana. Ingat ka!" paalam niya bago siya pumasok sa bahay nila. Tanaw ko na rin naman dito ang bahay namin. Hindi ko alam pero parang may nag uudyo saakin lumingon, nakita ko yung lalaki kanina na nag-abot saakin ng panyo. Malapit din pala ang kanyang bahay dito? Kung isauli ko kaya sa kanya? Pero nakakahiya naman na iabot na basa at may sipon pa. Sa paglalakad hindi ko maiwasan sundan siya ng tingin. At bago ako makarating sa bahay ay siyang pagpasok naman sa bahay nila. Kung ganun? Sila pala yung bagong lipat na sinasabi ni violet noon. Bago siya makapasok ay lumingon siya at sakto nakita niya nakatingin ako. Dali dali ako pumasok saamin. Nakakahiya! Naabutan niya ako nakatingin. Ikaw naman kasi, sino hindi lilingon kunf may nararamdaman ka may nakatingin sayo. "Nay." bungad ko kay inay ng makita ko siyang umiiyak sa upuan. "Wala na ang iyong itay. Iniwan na tayo. Sumama na siya sa iba." sabi niya at tumabi ako sa kanya. Ang malas ng araw na ito. Una kinausap ko siya at pangalawa ay wala na si itay. Ilang baldi ba ang kailangan punuin sa araw na ito? "Nay, sorry po. Matagal ko ng nakikita si itay na may kasamang iba. Hindi ko lang po nasabi sainyo." sabi ko at sabay yakap kay inay. "Alam ko hindi niya ako mahal. Una palang ay pinagpilitan ko ang sarili ko at yun ay para saiyo." sabi niya at niyakap na rin ako. Nakakatawang isipin kabaliktaran kami ng pangyayari ni inay. Ako na pumiglas sa taling wala na ang isang taong humahawak pero si inay pilit kumakapit. Pumunta na ako sa aking silid. Kahit anong pilit ko na kumain si inay ay ayaw parin. Mas gusto ni inay na magpaisa muna sa kanya kwarto. Inilagay ko ang aking bag sa may kama bago umupo sa tabi na kaharap ang mga libro. At ang mga regalo niya saakin noon. Kinuha ko ang isang bunny doll na bigay niya. Mga regalo magpapaalala lang sa kanya. Kinuha ko ang box na nasagilid ng aking kabinet para paglagyan ng lahat na bigay niya. Madali lang itago ang bagay na galing sakanya pero ang pusong siya ang nilalaman hindi ganun kadali kalimutan. Mga staff toy, letter at artificial na mga flower na ang sabi niya at least hindi ito masisira agad tulad ng mga una niya bigay na naitatapon ko lang. Pwede ko ba sagutin ang tanong kamusta tayo? Wala ng tayo. Mas maganda sagutin ang tanong kamusta na ako? Sana kahit sa pananginip makasama ka lang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD