Ikatlong Pahina

1776 Words
7:30am palang ay gising na ako. Inabot lang din ako ng 30 minutes sa banyo. Tumitig lang naman sa tubig. Skirt at white t-shirt ang isinuot ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng aking salamin. Mga mugtong mata na tinakpan ng concelear. Iniyak ko na ang lahat kagabi, mula sa kanya at sa pamilya ito. Lahat na siguro yun. Siguro. Sunod-sunod na katok ang narinig ko sa aking pintuan. At tinig ng aking kaibigan ang narinig ko. "Good morning! First time natin sis. Aga ng bihis." sabi niya habang ang mga mata ay sinusuri ang suot ko. May mali ba? Hindi ba bagay? "Diba ang sabi mo kailangan bihis na ako pagdating mo. Oh! Ito na." sabay irap sa kanya. Makakalimutin na ba siya? "Tsk!" lumapit saakin. Hanggang ngayon andito parin ako, nakaharap sa salamin. "Maganda kana elena! Hindi mo na kailangan titigan yan. Yun nga lang iniwan." sinamaan ko siya ng tingin. Isang ngisi lang ang ibinigay saakin. Lumapit siya sa aking kama. Sht! Ang unan ko! "Ah! Kaya pala." sabay upo niya sa aking kama. "At hindi ko rin napapansin ang mga bagay na galing sa jowa mo." sabay tingin niya saakin. Kailangan ko ba ipaalam sa kanya? "Padagdag ng ex." sabay irap ulit sa kanya. Ang aga para pag-usapan ang bagay na yan. Pero ito na, andito siya sa kwarto ko. Inuusisa ang kwarto ko. "Sana inantay mo na ako sa baba." "Akala ko kasi tulog ka pa." nguso niya pasabi. "Bilib rin ako sa ex mo. Maganda ka naman, maganda ang postura ng katawan at matalino. Pinalit ka pa rin sa iba." pinalit? Ang sakit marinig. "Meron talagang bagay na hindi sapat. At hanggang doon na lang lahat. Pilitin ko ma'y hindi na sasapat maibalik lang ang nawala" sabi ako at sabay bungtong hininga. "Ang bigat naman. Tara na nga para naman maibsan yan dala-dala mo." sabay ngiti saakin. Pilit na ngiti ang ibinalik ko. Totoo naman yun. Hindi na pwedeng pagsamahan ang pangalan namin sa isang pangungusap. Ang ipagpalit ay sobrang sakit marinig ngunit wala ako sa lugar para maramdaman yun. Sino ba ako? Una pa lang ibinigay niya lahat. Dumating na rin sa puntong pagod na rin siya intindihin kung ano meron ako. Ako? Libro, pag-aaral, at pamilya ang inuna ko. Minsan na rin namin napag-awayan na wala ako oras sa kanya. Siguro mahirap intindihin ang tulad ko. Kung merong oras naman ako, ibinibigay ko. Hindi pa rin talaga sapat. "Ang lalim. Sige ka! Mahulog ka sa hagdan. Ewan ko lang sayo." sabi ni violet na nasa unahan ko. Hindi ko pala namalayang napatigil ako. "Ewan kamo saatin. Kung mahulog ako, kasabay kita." iling ko dito. Pagbaba namin ay nagpaalam kami kay inay. Naabutan namin siya naglilinis. Tinanong niya rin kami kung anong oras kami makakauwi. Dahil hindi kami pwede gabihin, itong si violet na nagsabing hapon kami makakauwi. "Oo nga pala. Nasabi ko ba kikitain natin ang boyfriend ko?" sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin. Akala ko normal na date? Yung kami lang. "Kung nasabi mo ng maaaga. Hindi ako sasama. Gagawin niyo ba ako third wheel? Mapanakit ka ng mata." pagalit ko pasabi. Nananadya ba ito? "Ito naman. Syempre hindi ko gagawin yun. May kasama daw siyang kaibigan. Oh, edi kayo ang partner." sabay ngiti niya sakin. Ngiting mapang-asar. "At dahil single ka naman. Hindi naman masama yun diba?" "Hindi maganda yun. Kabe-break lang namin." sabi ko. "Tara na. Pogi yun hindi ka naman lugi." sabay tawa niya. Pag ito talaga kasama ko hindi ko maulaan anong trip ang magiging date kuno namin. "Sa mall natin sila kikitain. Alam mo na, maraming tsimosa sa paligid. At nakakarindi sa pandinig." at luminga linga. "Basta sagot mo ngayon araw." sabi ko. Kung sino saamin ang nag-akit siya ang gagastos. Sabi niya yan noon tutal minsan lang daw kami gumala. Bahay at school lang kami. Hindi kami tulad ng iba, malayang gumalaw at kayang bilhin ang gustuhin makuha. Jeep ang sinakyan namin para daw tipid. Kahit daw kasagsagan ng traffic ang mahalaga ay makarating. Iling lang ang nagawa ko tutal libre niya naman. At pagbaba namin ay kailangan pa tumawid. Itong isa ay nakakapit sa aking kamay. "Violet, nasa may pedestrian tayo. Hindi mo na kailangan humawak." sabi ko at hindi niya parin tinatanggal ang kamay niya. Buntong hininga ako na naglakad. Kung ito ang kasama ko siyam-siyam pa ang aabutin bago kami makatawid. "Oh my hero, my elena!" sambit niya ng makatawid na kami. Napatingin naman ako sa mga kasabay namin sa pagtawid, bigla naman ako nahiya at nakatingin sila. Naglakad na ako. Bahala siya jan. Paalala niyo na lang saakin na wala ako kaibigan baliw. "Hoy! Hintayin mo ko!" Sigaw niya ng makita wala ako sa tabi niya. At dali-daling lumapit saakin. "Ito naman hindi mabiro" sabi niya at sabay hawak sa braso ko. Kung papipiliin lang ako sa oras na ito, uuwi na lang ako at makikipagtitigan sa libro. Hindi maging tagasunod sa date nila. Bigla ko siyang naalala. Unang date namin kung saan ako'y late. Tinext ko pa siya noon na malalate lang ako dahil hindi pa tapos ang meeting namin para sa symposium regarding Preservation of Biodiversity. Dito niya ako inantay, dito niya rin ipinaramdam na mahal niya ako. Noon. Gulat ko ng bigla sumigaw ang katabi ko. Isang ulit iiwan ko na talaga ito. "Ayon sila." _______________ "Mauna na ako sainyo." paalam ko sa mga kasama ko. Kinuha ko na ang bag at magbabanyo muna ako bago umalis. Bubuksan ko pa lang sana ang pinto ng may marinig ako. "Ano nakipagbalikan ka? Iiwan mo na ako, kami ng baby mo?" Boses yun ng babae. Sa loob ng cr ng lalaki? Narinig ko ang mga yabag nila kaya dali-dali ako nagtago sa may gilid. At nang makapagtago na ako ay sinilip ko ang dalawang lumabas sa cr. Namumukhan ko yung isa, captain ng volleyball yun. Sino yung kasama niya? Girlfriend niya? Lumabas na ako sa pinagtaguan ko ng makita malayo-layo na sila. Saglit lang ako nagcr at umalis na rin. Pero bago ako makalampas ng gate ay may tumawag saakin. "Steve!" Paglingon ko ay kaibigan ko na kumakaripas ng takbo dala-dala ng bag niya. Humihingal siya ng makalapit saakin. "Akala ko ba mamaya ka pa uuwi?" tanong ko ng ng siya ay makatayo. "Hindi ba pwedeng magbago ng isip? Gabi na rin naman. Kaya uuwi na ako." sabay akbay saakin at ngiti. Tinanggal ko ang pagkakaakbay at inilingan siya. Dahil sa ginawa niya kanina, pinilosopo lang naman niya si coach. Iwan ko ba sa isang ito hindi mabubuo ang araw ng hindi naaasar ang coach namin. Ilang kanto na lang ay malapit na ako sa bahay namin. At bago ako makatawid ang isang ito pumara ng masasakyan niya pauwi. "Oo nga pala. Bukas sama ka, sunduin kita sainyo. Text ko na lang kung anong oras. Bye pre!" Matatawa na sana ako kung hindi lang nakatingin ang mga pasahero. Ang loko ay nakasabit sa jeep habang sinisigaw yun at bago pumasok sa loob. Perweso para kay manong driver. Malapit na ako sa bahay ng pakiramdan ko ay may nakatingin saakin. At bago ako pumasok ay lumingon ako. Siya? Yung inabutan ko ng pano. Dito rin pala siya nakatira. Kung sabagay bago lipat lang kami, hindi ko pa kilala ang mga tagadito. Pumasok na ako sa loob at patay ang mga ilaw. Wala sila dito at nasa social gathering sila. Hindi ko alam kung anong oras sila makakauwi. Bigla tumunog ang cellphone ko. Alex 09XXXXXXXXXX Yo pre. 6:30am sunduin kita. Goodnight :* Natawa na lang ako sa huli message niya. Hindi ko na siya ni-replyan at tumungo na sa kwarto ko. Wala ako ganang kumain at kahit pa galing ako sa practice. "Steve!" Tawag ng isang babae na nakangiti saakin pero hindi ko maaninag ang mukha niya. Sinusubukan ko siyang lapitan pero parang palayo siya ng palayo sa kinatatayuan niya. "Sino ka?" sabi ko. At patakbo na siyang nilalapitan. Hindi ganun parin, palayo siya ng palayo. "Steve." sambit niya ng lumalakad papalapit saakin. "Steve!" Sigaw na nagpagising saakin. Anong oras na ba? "7am na kanina ka pa ginigising ng iyong ina at hindi ka naman gumigising kaya ako na ang umakyat dito." tinignan ko kung sino gumising saakin. Si alex. Sinamaan ko siya ng tinggin. Makikita ko na sana yung babae tumatawag sa panaginip ko. "Ang sama naman tingin natin jan. Maligo kana pre, antayin na kita sa labas." sabi niya bago umalis sa kwarto ko. Ilang metro na lang ay mamumukhaan ko na sana yung babae kung hindi lang ako ginising. Nakaka-frustate, sino kaya yun? Ewan. Makaligo na nga. Pababa na ako ng makita ko ang loko si alex na nakikipag-usap kay mama. Pangalawang beses pa lang niya punta dito ay feeling at home na kung bansagan ito. "Nako tita. Habulin po talaga yan ng babae, tuwing may practice kami ay pangalan niya lagi naririnig ko." ngiting ngiti niya sabi kay mama. Binato ko siya ng unan at dahil hindi pa niya ramdam na nasa tabi na niya ako. Enjoy na enjoy daig ang babae sa kadaldalan. "Ready kana? Tara na." lingon niya ng sabay pulot sa unan na sa ulo niya mismo tumama. "Kanina pa. Ang aga ng kaingayan mo abot sa kwarto ko." bigo ko sa sinabing pahuli. "Ma, si shane?" baling ko kay mama ng mukang papunta siya ng kusena. Ang 11 years ko kapatid, bunso. Dalawa lang kami. "Nagpaiwan dun sa lola at lolo mo ng dumaan kami dun. Tutal weekend naman ay duon muna siya." ngiti niya. At ngiti na lang din ang naitugon ko. Nagpaalam na kami kay mama. At loko-loko naki-mama. Sumakay na kami sa kotse dala niya, hindi naman sakanya. Hiram sa kuya, hindi pa daw siya pinapayagan ng papa niya kumuhu ulit. Oo ulit, naibangga lang naman niya ang kanya unang kotse. Hindi ko alam kung bakit, hindi niya nabanggit saakin. Ma-traffic, pagganito talagang araw ang haba ng pila sa daan. Andito kami ngayon sa labas ng mall. Sa tabi ng bookstore kamo. Aantayin pa daw namin yung kasama niya. At pinagpyepyestahan ng mga tanong. "Isa-isa lang mga girls. Hahaha! May inaantay kasi kami." at talagang nientertaint ng loko-loko. "Kuya, anong pangalan niyo po?" tanong ng isa ng makita hindi ako nakikisali sa kasama ko. Ngunit hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa kaliwa. At dahil may kasama ako loko-loko siya na mismo sumagot pero iba pangalan ang ibinigay niya. Alam naman niya hindi ako mahilig sa mga ganito at ang magpakilala ay hindi rin. "Anjan na pala." sabi niya at sabay tingin ko naman sa tinitignan niya. Sa harap, kinakawayan kami nung isa. At parang kilala ko yung kasama niya. Siya? Bakit andito siya?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD