Mantsa ng dugo ni Vanessa ang pumuno sa damit ko habang nakaupo sa waiting lounge sa labas lang ng emergency room. Kasalukuyang sumasailalim sa surgical emergency ang dalaga na nasa peligro ang buhay. Hindi nakagagaan sa pakiramdam ang asul na motif ng lugar o ang madalim na kalangitan na maaaninag sa transparent glass window ng pribadong ospital. Lahat ng ito ay nagpapaalala sa'kin sa mala-alapaap na mata ng dalaga na hindi ko alam kung makikita ko pa. Tulala ako sa korona ni Vanessa na kanina lang ay ipinataw sa kanya ng mga hurado. Malinaw pa sa isip ko ang imahe ng dalaga nang tawagin ang pangalan niya sa pagkapanalo. Wala nang mas gaganda pa sa kanya. Napakalapad ng ngiti niya nang mga sandaling 'yon na sana ay nagtagal pa kung hindi lang dahil sa malagim na pagtatapos ng araw na '