Chapter 13

3672 Words

"Oi, Miss! Ang lungkot mo naman. Gusto mo samahan kita?" narinig ko ang magkakasunod na lagok nito ng iniinom. Sininok siya pagkatapos iyon ikonsumo at napasandal sa barandilya ng tulay. Hindi ko siya nililingon pero ramdam ko ang bahagyang pagyugyog ng maluwag nang bakal na railings. "Suplada ni Miss Ganda. Saglet sabi eh kinakausap pa kita!" "Hayaan mo na, Pre! Mukhang mabaho oh basang-basa ng ulan sira pa tsinelas 'wag na iyan! Tara na, tara na!! Uwi na tayo naghihintay na misis ko sa bahay!" humalhal ang dalawang lasing. Lumalayo ang boses nila hanggang sa hindi ko na ito maulinigan pa. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa sa wrist watch kung anong oras na. Isa't kalahating oras akong naghintay kanina kay Mang Raul sa parke pero hindi siya dumating. Umulan na't lahat, namuti lang an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD