CHAPTER FIVE

1456 Words
YADIEL HART'S POV “KAILAN KA BA MAGTITINO? Sometimes, I regret having a child like you, Yadiel!” Naka-upo lamang ako habang pinapagalitan ako ni papa. Nagbabadya ang mga luha ko ngunit pinipigilan ko lamang ang pagbuhos ng mga iyon. I screwed up again this time. Nagkaalitan kami ng kaklase ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong bugbugin ito. Matindi ang natamo niya. Ang matindi pa ro'n ay nawalan pa ito ng malay. “Your classmate is in the hospital! He was rushed to the ICU because of what you did to him!” sigaw nito sa harap ko. Nakayuko lang ako sa harap nila ni mama. Kumukuyom ang kamao ko dahil sa galit. Lagi na lang pinapansin ni papa ang mga pagkakamaling nagagawa ko. I'm trying to be a good son. Noon pa man hindi na naging maganda ang trato sa akin ni papa kaya hindi na ako aasa pang may magbabago sa pamilya namin. “Did you really grow up stupid, ha?!” Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pagsipa nito sa mesa. Nabasag iyong plorera sa sahig dahilan ng paghulog niyon. “Rick, hon, that's enough...” “No! I am done with your son, Ylona! Lahat na ibinibigay ko sa anak mo, lahat ginagawa ko para mabigyan siya ng magandang buhay! But... look at him! Look at your son, Ylona!” nanggagalaiting bulalas ni papa. Sa mga oras na iyon ay napaiyak na ako nang sobra. Minsan iniisip ko kung minahal ba talaga ako ni papa. Ni minsan hindi niya ako binalingan ng atensyon. I just want his attention, not his money! Hindi ko kailangan ng mga mamahaling bagay, all I want is to be loved by my family. “Ano na, Yadiel?! Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?! Itali kita patiwarik?! Gusto mo ba 'yon?!” Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Ramdam ko ang galit ni papa. Nabibingi ako. Gusto ko nang kumawala sa mga salitang ibinabato nito sa akin. “Sumagot ka!” Mabilis kong dinampot iyong susi na nakalapag sa mesa. “I hate you!” sigaw ko bago tuluyang tumakbo palabas ng bahay. “Yadiel! Where are you going?! Yadiel!” Binuksan ko ang kotse at agad kong pinaandar iyon. Nagiging malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang tunutulo sa mga mata ko. Kasabay niyon ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kulog, kidlat, tila hindi na umaayon sa akin ang panahon. Habang nagmamaneho ay paulit-ulit kong hinahampas iyong manibela ng kotse. Galit ako sa sarili ko at galit din ako sa pamilya ko. Hindi ko lubos maisip na pinalaki nila akong walang pagmamahal. Pulos pasakit at kaignorantehan ang ipinamulat nila sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Dahil sa galit ay isinagad at binilisan ko ang pagpapatakbo ko rito. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang biglang may nakita akong isang lalaking dahan-dahang tumatawid sa daan. “Hey! Get out of my way! What the f*ck, man!” sigaw ko at paulit-ulit na bumisina upang paalis iyong lalaki sa dinaraanan ko. “Buwisit naman, oh!” Naisipan kong ihinto na lang ang sasakyan para kausapin ng masinsinan iyong lalaki. Ngunit mas lalo akong naalarma nang hindi ko matapakan iyong preno. “s**t! What's happening?” bulong ko sa sarili ko. Napansin kong huminto sa gitna ng daan iyong lalaki na animoy gustong magpakasagasa sa akin. “N-No...” Nagsimula nang manginig ang mga tuhod ko ganoon din ang buong katawan ko. “No!” buong lakas akong sumigaw nang paulit-ulit kong tinapakan iyong preno ngunit halos walang nangyayari. “No, man! No!” Hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na iyon kaya nagpatuloy ang mabilis na takbo ng sasakyan hanggang sa tumilapon iyong lalaking nakatayo sa gitna ng daan. Nailiko ko iyong manibela at tumama na lamang ang minamaneho kong sasakyan sa pader. Napabalikwas ako nang bigla akong magising dahil sa masamang panaginip na iyon. Naupo ako sa kama at napahilamos ng mukha. Hindi ako tinatantanan ng panaginip na iyon. Ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang lahat ng nangyari noon. Pumupungay ang mga mata kong dinampot iyong telepono ko nang marinig ang pagtunog niyon. May tumatawag. Hindi ko kilala kung sino ngunit agad ko naman nang sinagot iyon. “Hello?” sambit ko sa kabilang linya. Hindi ko na rin napigilang hindi mapahikab. “Good morning, sweetheart! Have you eaten your breakfast?” Nag-inat pa ako bago tuluyang tumayo. “Not yet, mom! I am hungry already!” Nagtungo ako sa banyo upang maghilamos. Inilapag ko iyong cellphone ko sa gilid ng lababo upang hindi iyon mabasa. “Wala bang sine-serve ang hotel para sa iyo?” “Nah! I prefer eating outside, mom! Sa labas na lang!” saad ko. Kinuha ko iyong tuwalya at nagpunas ng mukha. Sandali kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. “Basta mag-iingat ka palagi. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Kung may problema, you know that I am just one call away.” Wala sa sarili akong napatango na lang. “Thank you, mom. Ahh... by the way... I am planning to go there if that's okay with you—” “Yadiel, alam mo naman kung paano magalit sa iyo ang papa mo. Mahirap na. Sa ngayon, I want you to stay there in the Philippines and wait for your ate Yassi to come back home. I miss you, dear.” Nagpakawala ako ng mahabang buntong-hininga dahil sa isinagot ni mama. Alam ko naman na ayaw akong papuntahin ni papa roon dahil wala siyang tiwala sa akin at alam niya na makagugulo lang ako sa negosyo nila. Ibiniba ko ang cellphone ko sa side table ng kama at tumawag sa landline. Balak ko nang bumaba ng penthouse at gusto ko sanang ipalinis iyong kuwarto. “Good morning, sir! This is Jia, how may I help you?” rinig kong bati ng isang babae sa kabila ng linya. “Papunta na ba 'yong maglilinis sa kuwarto ko? I am about to leave, she might not catch me...” “Sir, si Samantha ho ba ang tinutukoy niyo? Sorry sir, kanina pa pong madaling araw ang leave niya.” Napakunot-noo na lang ako. "What about this? What about my room? Am I leaving it dirty and messy?!" pagrereklamo ko. “Pasensya na po talaga, sir. Ku-Kung gusto niyo, ako na ho ang aakyat sa penthouse at ako na ho mismo ang maglilinis...” Napangisi ako. “Ayoko,” may diin na sagot ko. “Eh, sir, bukas pa po ang balik ni Sam, paano 'yan?” “I don't care!” pagsusungit ko at saka ito binabaan ng telepono. Mabilis kong dinampot iyong polo ko at isinuot iyon. Habang inaayos ang mga butones ay naglakad na ako papasok sa elevator upang sa gayon ay makababa na ako ng penthouse. “Good morning, sir!” “Good morning, sir!” “Hi, Sir!” Tumangu-tango lang ako sa mga taong bumabati sa akin. Kilala ako rito sa hotel dahil nga ang pamilya ko ang may ari nito. Hindi na ako magtataka kung bakit panay ang bati nila sa akin, sanay na ako riyan. “Master, may sampung minuto na lang po kayo para makarating sa eskuwelahan. Sumakay na ho kayo.” Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Butler Eve, siya ang nagbabantay at nag-aalaga sa akin. "Butler Eve... you can go back home now. I'll drive myself," nakangiting sambit ko at mabilis na inagaw sa kamay niya iyong susi. “Master, ibinilin ho sa akin ng mama niyo na ako mismo ang maghahatid sa inyo sa eskuwelahan. Kaya ibalik mo na sa akin 'yang susi.” Umiling-iling ako. “I promise, wala akong gagawing kalokohan. Bibisita si Pierre sa school kaya roon din ang punta ko.” Nginitian ko nang nakakaloko si Butler Eve at binuksan na iyong pinto ng driver seat. “Promise, hindi ako magka-club!” dagdag ko at sumakay na. Bago tuluyang paandarin ang sasakyan ay isinuot ko na iyong sunglasses ko. “Yes, Pierre? I am on my way!” sambit ko nang sagutin ko ang tawag nito. At saka ko rin ibinaba. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagmamaneho. Napangiti ako. Hindi ko alam ngunit wala sa sarili kong binilisan ang pagpapatakbo sa kotse. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko iyong mga panaginip ko kanina. Agad kong inihinto iyong sasakyan sa tabi ng kalsada. Mabuti na lang ay wala gaanong mga sasakyan kundi baka mataranta na ako. Humahangos akong nag-angat ng tingin sa harap. “What?!” hindi makapaniwalang sambit ko sa sarili ko. This place, this is where the accident happened. Why do I still remember everything until now? Matagal nang tapos iyon! Wala akong kasalanan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD